Share

Chapter 2- Her Illegal Recruiter

SOFIA

"Apo, tuloy na tuloy ka na ba talaga at hindi ka na namin maaawat pa?" naluluhang sambit ng lola nito na nakaupo sa wheelchair.

Lumapit naman siya rito at niyakap ito. Nahabag siya sa kondisyon nito, kong hindi sana na hit and run ang lola niya ng walang pusong taong 'yon, hindi sana ganito kahirap ang buhay nila.

"Lola, kailangan po. Para naman ito sa'tin. Mag-iipon lang po ako lola para mapagamot ko kayo at makalakad na po kayo., pinipigilan ko lang ang mga luha ko na kanina pa gustong pumatak.

"Apo, matanda naman na ako hindi na kailangan pa. Gamitin muna lang sa pag-aaral niyong magkapatid ang maiipon mo." anya.

"Basta po lola, ipapagamot po kita pangako ko yan sa'yo." wika ko.

Natigil ang madamdamin naming usapan ng biglang narinig ko ang pag tawag ni Helena mula sa labas.

"A-ate, lola nandyan na po ang sundo nyo." humahangos na wika nito.

"Helena, ikaw na muna ang bahala kay lola ha. Pag sahod ko sa opisina, ipapadala ko agad sa'yo ang paunang sahod ko at hwag mong kakalimutang bilhan ng gamot ang lola ha at mag-aral kang mabuti." bilin ko rito.

Bago ako tumalikod niyakap ko muna sila ng mahigpit. Mabigat man sa loob ko ang gagawin, dahil ngayon lang ako mahihiwalay sakanila ng matagal. Pero kailangan kong mag sakripisyo para sa magandang kinabukasan nila. Malaki ang offer kaya hindi ko na tinanggihan pa.

"Oh! siya lola at Helena, mag-iingat kayo rito." pagpapaalam ko. Naglakad na ako palabas ng pinto at sumakay ng tricycle pa bayan. Walang lingon lingon at baka mag bago pa ang isip ko. At ang kaninang luha na pinipigilan ko ay bumuhos na..

"Diyos ko, kayo na po ang bahala sa'kin, pag- ingatan nyo po ako sa bawat oras at araw na malayo ako sakanila." usal ko.

Ilang oras lang nakarating na rin siya ng bayan at kanina pa siya inaantay ng sundo niyang Van pa Manila.

"Manong, ito na po ba ang sasakyan pa Manila?" tanong ko at naninigurado ako baka hindi ito.

"Anong pangalan mo neng?" tanong nito.

S-sofia po. Sofia Cruz., sambit ko.

"Ok, dito nga." wika nito. Pasok ka na neng, antayin mo iba mo pang kasama.

Buo at tiwala ang loob na sumakay ito sa Van at wala sa isip niya na magiging masama ang magiging kapalaran niya sa Manila.

Maya-maya dumating na ang apat nitong kasama. Tahimik lang sila sa loob at wala silang ginagawang ingay. Dahil malayo layo pa ang byahe nila, naisipan niya munang umidlip.

Makalipas ang 24 hours, nagising ako sa tunog ng siren.

"Nandito na tayo sa Manila." wika ng driver.

Isa isa silang nagbabaan at namangha sa taas ng building. Buong akala nito ay company talaga siya.

"W-wow! dito ba tayo magta trabaho? Ang laki naman ng building na to." namamangha na sinabi ng isa sa kamahan niya.

"Oo nga," pa chorus na sabi ng tatlo pa.

Siya naman ay 'di pa rin makapaniwala sa nakikita.

"Oh siya, antayin nyo na lang si madam dito." wika ng driver.

"Opo kuya, salamat." sabay sabay na wika nilang lima.

Naglakad na sila papasok sa loob at mas namangha sila sa nakikita. Pawang mga mamahaling dekorasyon ang naroon na gawa pa sa ibang bansa ng mga sikat na artist.

Natigilan sila sandali ng makarinig ng boses mula sa isang may edad na ginang.

"Halina kayo, mga bagong recruit ba kayo?" tanong ng isang matandang halos hindi na makilala sa postura nito. Ang aga naka make-up naman ito.

"Recruit po? opo kami po 'yon. Office po ba ito? tanong ko rito.

Bigla naman itong humalakhak ng ikina pagtaka ko.

"Bakit ho? hindi po ba office work ang gagawin namin?" tanong kong muli, dahil nahihiwagaan na ako sa babaeng 'to.

"Mga inosente nga kayo. Oh! siya sumunod na kayo sa'kin." anya.

Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko kasi parang may mali. Pakiramdam ko talaga may hindi tama at malakas ang kutob ko.

"Ate, tara na po." sigaw ng isang medyo bata sa'kin. Sa tantya ko parang kaedad lang ito ni Helena.

Oh! sige susunod na.

Maganda naman ang room namin. Magkasama kami ni Janine sa isang room siya 'yong pinakabata saamin. At tama ang sapantaha ko 18 years old rin ito.

Nag-aayos kami ng mga bagahe namin ng biglang my kumatok sa pinto, kikilos na sana ako para pag buksan ito. Kaso naunahan na ako ni Janine.

"Food delivery po ma'am." sambit nito.

Agad namang nagpasalamat si Janine rito.

"Ate, tingnan mo ang sasarap ng pagkain natin." masayang wika nito.

Oo nga no, sige mauna ka ng kumain tapusin ko lang muna 'to.

"Sige po ate." anya.

Kinuha ko ang cellphone kong de keypad. At nag dial ng number ni Helena.

"Hello, ate. Kamusta ka naman po dyan?" tanong nito.

Ok lang naman ako, si lola gising pa ba? kakarating lang din namin.

"opo ate, sandali lang puntahan ko sa kwarto niya." wika nito.

Makalipas ang limang minuto.

"Apo, kamusta ka na dyan?" tanong ni lola.

Ok, lang naman po ako dito lola. Kayo po ba dyan, umiinom po ba kayo ng gamot?

"Oo apo, mahigpit ang nurse ko dito." natatawang wika nito.

Mainam po yan lola, sige na po paalam na po lola. Mahal na mahal kita.

Nang marinig ko ang boses ng pamilya ko buo na ang loob ko. Nandito na rin naman ako kaya pag iigihan ko ng mabuti at nang ma promote ako.

Nagpaalam na rin ako kanila Lola dahil mahal ang load dito. Kailangan ko itong tipirin hanggang sa makasahod ako.

Nang matapos ko ang mga ligpitin nakisalo na rin ako kay Janine, na ganadong kumain.

"Bakit ka pala napasama rito?" tanong ko. Kasi dapat sa edad niya "yan ay nag-aaral pa ito.

"A-ah! eh! kasi panganay ako sa anim na magkakapatid. At ang ama ko ay sabungero at ang ina ko naman ay labandera. Bread winner ako ate, at ang ama ko ay namatay na tapos ang ina ko naman sumama sa kabit niya at iniwan kami sa tita ko na kapatid niya, kaso nga lang mahigpit si tita Betty kaya tumakas ako sakanya iniwan ko ang lima kong kapatid rito at nagbabakasakali akong makuha sila pag nag trabaho ako sa Manila." mahabang lintanya nito. Ikaw naman po ate? dagdag na tanong nito.

"A-ako ba, katulad mo ay breadwinner rin. Dalawa kaming magkapatid at kasama namin ang lola. Masaya naman buhay sa probinsya kaso lang hindi rin sapat ang aking kinikita sa pagtatanim sa bukid. Dahil pa college na rin ang bunsong kapatid ko na halos kaedad mo lang rin." sagot ko sa tanong niya.

"G-ganon po ba ate." anya.

"Oo, kaya pag namimiss ko siya pa hug ang ate ha." ani ko.

"Opo naman ate, walang problema." masayang wika nito.

Nakapalagayan ko na rin ng loob si Janine, dahil kasing edad niya ang bunso kong kapatid kaya nakikita ko ito sa kaniya. Medyo magaan ang buhay ko kasi kasama ko ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status