LOGINIsang trahedyang gabi ang nagtapos sa buhay ni Elena Marquez, isang babaeng nabuhay na puno ng pagsisisi at mga pangarap na hindi natupad. Sa kanyang huling hininga, iisa lamang ang hiling niya ang mabigyan ng isa pang pagkakataon upang itama ang mga maling desisyon ng nakaraan. Ngunit ang ikalawang buhay na ibinigay sa kanya ay higit na mas kumplikado kaysa sa inaasahan niya. Nagising si Elena sa katawan ni Aurelia Deveraux, ang asawa ng isang makapangyarihang bilyonaryong si Sebastian Deveraux. Ayon sa lahat, dalawang taon nang comatose si Aurelia matapos ang isang malubhang aksidente, kaya’t ang bigla nitong paggising ay itinuring na isang himala. Ngunit para kay Elena, ito ay isang bangungot na puno ng tanong at takot—sapagkat siya ay nabubuhay sa katawang hindi kanya, sa isang buhay na hindi niya pinili. Habang sinusubukan niyang umangkop sa marangyang mundo ng mga Deveraux, unti-unti niyang natutuklasan na ang aksidenteng naglagay kay Aurelia sa coma ay hindi isang simpleng trahedya. Sa likod ng mga ngiti at pakikiramay ay may mga taong may itinatagong ambisyon at lihim lalo na ang babaeng matagal nang nagnanais na mapalapit kay Sebastian. Sa kabila ng pagdududa at emosyonal na distansya, unti-unting nabubuo ang isang kakaibang koneksyon sa pagitan ni Elena at ni Sebastian isang damdaming hindi batay sa alaala ng nakaraan, kundi sa taong unti-unti nilang nakikilala sa kasalukuyan. Ngunit hanggang kailan kayang itago ni Elena ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao? At kapag nalaman ni Sebastian ang lahat, pipiliin ba niya ang babaeng minahal niya sa alaala o ang kaluluwang minahal niya sa kasalukuyan? Isang kwento ng ikalawang buhay, lihim, at pag-ibig na susubok sa hangganan ng katawan, kaluluwa, at kapalaran.
View MoreNapangiti na lang siya ng hilaw nang makita ang madilim na mukha ni Sebastian.‘Brown out ata! Ang dilim ng mood niya.’“Bakit ka naman nanggugulat mahal kong asawa?” Nilambingan pa niya ang boses niya. Ngunit mas lalo lang sumama ang mood ni Sebastian.‘Now you're calling me mahal kong asawa. When you're clearly thinking of someone else.’“Mahal mong asawa? Really?”Nanlaki naman ang mata ni Amara nang ilapit ni Sebastian ang mukha nito sa kanya. Ilang beses siyang napakurap nang matitigan nito ang mukha ng lalaki.“Ang pogi.” Wala sa sarili niyang sambit.Narinig naman ni Sebastian ang sinabi ni Amara.“So, you think, I'm handsome?”Amoy na amoy ni Amara ang hininga nito. Amoy mint na parang may cool air sensation.“Yeah, so handsome.” Para siyang nahihipnotismo. Pero totoo rin naman ang mga sinabi niya. Napatingin naman siya sa labi ng lalaki.‘Shocks! Ano kaya pakiramdam mahalikan niyan.’“Tsk!”Nabalik naman siya sa huwisyo dahil sa pag-asik nito.“Bakit ka pala nandito?” tanong
“Bakit ganyan ka makatingin?” Hindi namalayan ni Sebastian na tapos na pala ang asawa sa paghuhugas.“Wala. Naninibago lang ako sa mga kinikilos mo.” Batid ni Elena ang pagdududa sa boses ni Sebastian. ‘Patay! Masyado ko bang ginalingan kaya nahalata niya?’ tanong nito sa isipan. Natatakot siya na baka mabuko na hindi siya ang Amara na nakilala nila.“Bakit hindi ba ako ganito dati?” tanong niya kay Sebastian at tinitigan ito sa mga mata. Ginamit na naman niya ang amnesia card. Wala naman siyang ibang pagpipilian kundi ‘yun lang.“Butler?” Nang hindi sumagot si Sebastian ay binalingan niya ang butler na tahimik lang sa sulok. “Kung hindi kapangahasan ang aking sasabihin, My Lady. Noon ay hindi ka kailanman tumapak sa kusina. Palagi mo lamang inuutos ang mga kailangan mo.” Napangiwi naman si Amara sa narinig hindi niya alam kung ano ang isasagot. Marami pang sinabi ang butler na hindi niya akalain na ganun pala ang totoong Amara. “Hindi ko maalala.” Tumawa siya ng pakak. Nahihiya si
“Good Morning.” Napatingin naman sila sa babaeng kadarating lang malawak ang ngiti nito sa labi habang nakatingin kay Sebastian. ‘She looks familiar. I think I've seen her somewhere. Hmmmm… Saan nga ba?’ “What are you doing here, Selene?” tanong naman ni Seb. Pero hindi niya tinapunan ng tingin ang babae. Patuloy lang ito sa pagkain. Naglakad naman si Selene palapit kay Sebastian at umupo ito sa tabi ng lalaki.Hindi alam ni Amara kung hindi ba talaga siya nakikita ng babae o sadyang di lang siya nito pinapansin. Nakatuon ang atensyon nito sa asawa. Napataas naman ang kilay niya ng inilingkis ng babae ang kamay sa braso ng asawa. Lihim naman siyang napangiti nang tanggalin ni Sebastian ang kamay ni Selene. “Ahemmmm! HUBBY,” nilambingan ni Amara ang boses niya. Nakuha naman nito ang atensyon ni Selene. “Kumain ka pa o baka kasi mangayayat ka nakapitan ka pa naman ng bacteria.” nakangiti niyang turan. “Butler,” binalingan nito ng tingin ang butler. “Pakikuha ako ng alcohol.” Tumang
Maagang nagising si Amara, napatingin naman siya sa mukha ni Sebastian na mahimbing pa ring natutulog. Napatitig siya sa mukha ng asawa niya mala anghel ang mukha nito, matangos ang ilong, mapupula ang labi na para bang ang sarap halikan. ‘Ang pogi naman ng asawa ‘ko’Napakagat naman siya labi, pinipigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi. ‘Lord, ito ba ang gantimpala mo sa akin dahil sa mga naranasan ko dati? Thank you so much!’Dahan-dahan naman niyang tinanggal ang kamay nito sa bewang niya at bumangon. Ingat na ingat siya at baka magising ang asawa niya. Nagbihis muna siya at lumabas na papunta sa kusina para magsimula na magluto. “Good Morning, Madame,” bati sa kanya ng isang lalaki. Nakasuot ito ng itim na tuxedo may suot din itong puting gloves. Sigurado siyang butler ito. “Good Morning,” pabalik kong bati sa kanya. “Saan ang punta mo?” tanong nito. Napanguso naman siya dahil sa tanong nito na para bang pinagdududahan siya nito. “Sa kusina po, balak ko sanang ipagluto
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.