Share

KABANATA 2

Author: itsarilecyoj
last update Last Updated: 2020-07-31 00:30:01

"Pucha, ang sakit ng ulo ko," sabi ni Nicole na kakalabas lang ng CR.

Maarteng lumayo si Cristel sa kaniya nang tabihan siya nito.

Kadiring babae. Guess what? Nakatulog lang naman siya sa CR!

At ngayon ay kakagising niya lang. Natawa ako nang maalala kong pinic-ture-an siya ni Joyce na nakasalampak sa bathtub.

"Arte ko, hindi ka pa nga nag-to-toothbrush," sabi sa kaniya ni Nicole.

"Kaysa naman sa ’yo, sa CR natulog," pakikipagtalo ni Cristel.

Ilang beses pa silang nagtalo ulit bago namin napagpasyahan na maligo na. Hinayaan naming mag-unahan ang tatlo dahil nag-aalmusal pa kami ni Althea.

"Joyce, breakfast muna," paalala ni Althea. Maalalahanin na kaibigan si Althea; parati niya kaming kinakamusta at pinag-sasabihan tungkol sa health namin.

"I don’t eat breakfast, remember?"

Napatango ako. Hindi nag-be-breakfast si Joyce dahil pakiramdam daw niya ay masusuka siya.

Ako ang sumunod na naligo at sunod ay si Althea. Si Joyce ang nagpahuli. Siya naman ang parating nagpapahuli sa amin. Siya ang parating nagbibigay-daan sa amin. She’s so damn selfless to the point na okay lang maubos ang sarili niya, basta puno kami.

"Huwag na natin ituloy ’yung bet!" sabi ko sa kanila habang papunta kami sa cottage.

"Scared, baby?" pang-aasar ni Nicole.

I rolled my eyes. "I’m not! May lalandiin lang kaya shut up kayo."

"Iyong lalaki kagabi?" hula ni Joyce.

Ngumisi lang ako at hindi siya sinagot kaya sinabunutan ako ni Denise. "Landi mo!"

Sinundan iyon ng asar ng iba pa.

"Mga basher!" sigaw ko sa kanila.

Pagkababa namin sa cottage ay agad lumawak ang pagkakangisi ko nang makita si Lev na prenteng nakapan-dekwatro at nakasandal sa wooden chair. Katabi niya si Jinx, sa palagay ko ay si Jinx ang pinaka-close niya sa mga pinsan niya. Wait, close sila? Napangisi ako.

Paaalisin ko sana si Jinx para ako ang katabi ni Lev nang biglang magring ang phone ko. Napatingin sa akin ang iba. Sumenyas lang ako na sasagutin ko ang tawag. Sinagot ko ito habang palayo ako sa cottage.

"Ate Mel..." banggit ko sa pangalan ng secretary ni tita.

["Hija, where are you?"]

I sighed and tried to calm myself. "Batangas. Why did you call?"

["Bumalik ka rito... bukas din."]

Agad napakunot ang noo ko at nakaramdam na kaagad ng inis. What the hell? Kakapunta lang namin dito, ah? Sisirain na naman nila ang kasiyahan ko?

"What? Why would I? It’s freaking sembreak! Hindi ako uuwi."

I stopped when I realized something. Home? I don't even have one.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. ["Your mother told me so."]

Mahina akong natawa. ["Who’s my mother?"]

Ilang segundo siyang natahimik bago muling nag-salita. ["Hija, tigilan mo na ang pagiging rebelde mo---"]

["Hindi ako nagrerebelde. You know nothing so please, don't act like you know everything. Whatever, just tell Tita I will be there tomorrow," dere-deretso kong sabi at binaba ang phone ko nang hindi siya hinihintay.

Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. Imbes na bumalik sa cottage ay naupo nalang ako sa isang bato at tumingin lang sa kalmadong dagat. Tila ba ay kino-comfort ako nito. Ang kalmadong tunog ng alon ay nagsilbing musika sa aking mga tainga. Niyakap ko ang mgabtuhid at yumuko.

Ramdam ko ang pag-agos ng mga luha ko. Bakit ba tuwing masaya ako ay palaging may lungkot na kasunod?

Tita. Tita ang tawag ko sa sarili kong ina. Mula bata ako ay ipinagkait na niya sa akin ang pagtawag ko sa kaniya ng mommy, mom, mama, nanay, ina. Gano'n din sa sarili kong ama. Kahit masakit ay sinanay ko ang sarili kong tawagin sa ganoong paraan.

They never took care of me whenever I’m sick. They never helped me wore my clothes. They never helped me to eat properly. They never taught me how to read and write which are usually what parents are supposed to do. They never greeted me a 'happy birthday' during my special days. They never asked me about my day. And most of all, they never failed to make me feel like I’m not their own daughter.

Naramdaman ko ang presensya ng kung sino sa tabi ko pero hindi ako nag-angat ng paningin dahil amoy palang niya ay alam ko na. The familiar and manly scent entered my nostrils.

Levi.

"What are you doing here?" mahinang tanong ko, nanatiling nakayuko.

"Your friends are worried," malamig na aniya.

Suminghap ako. Pasimple akong nagpunas ng luha bago nag-angat ng tingin. Our eyes met but I immediately looked away, worrying he might notice that I cried.

Hindi siya nagsalita. Napatingin ako nang ilapag niya ang isang panyo sa batong inuupuan ko. He stared at me for a second before turning his back on me and started walking away from me.

"Saan ka galing?" tanong ni Joyce na kumakain ng barbeque

"Nagpahangin lang," tipid na sagot ko. Nasira na ang magandang mood ko kanina.

Nag-iwas nalang ako ng tingin dahil hindi siya halatang kumbinsido sa sagot ko. Alam kong nahahalata na niya na hindi lang iyon ang dahilan pero hindi na siya nagsalita.

"Anong problema?" Napalingon ako kay Aaron. Nakatingin lang siya sa dagat at bahagyang naniningkit ang mga mata dahil sa tirik ng araw.

"Ha? Wala naman."

He chuckled. "From excited expression to dull? Ha.." Umiling-iling pa siya. "I know you too well, Gwy."

I sighed.

"You know... I’ve always wanted to feel the warmth of my parents," I unconsciously said.

Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin dahil sa sinabi ko pero hindi ko siya nilingon pabalik, nanatili lang akong nakatingin sa kawalan.

"Do you really want it? Makikipagpatayan ka ba para maramdaman 'yon?" makahulugan niyang tanong.

Mahina ngunit sarkastiko akong tumawa sa itinanong niya. "I badly want it, A."

Hindi na kami nag-usap ulit. Mukhang may gusto pa siyang sabihin pero hindi na siya nagsalita pa. Siguro at nararamdaman niyang ayoko rin munang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.

Nilapitan ko na sila Nicole na nag-iinuman na naman. Grabe... May hangover pa sila pero inom na naman. Medyo masakit pa ang ulo ko pero hindi ko naman na iniinda. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kina Nicole na uuwi na ako bukas.

"Anong mukha ’yan?" bungad ni Althea sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko. "Ano kasi..."

"Ano?" Tumaas ang isang kilay ni Joyce.

"Ano..."

"Dali," naiinip na sabi ni Denise.

"Ano..." Napakagat ako sa labi ko.

Bigla akong binatukan nang malakas ni Cristel kaya nagugulat akong tumingin sa kaniya.

"Letse, puro ano!" malakas na sigaw niya sa'kin.

"Uuwi kasi ako bukas."

Binalot ng katahimikan ang paligid kaya medyo kinabahan ako.

"Bakit?" tanong ni Joyce nang maka-recover.

"Tumawag si tita," walang ganang sagot ko.

"What? Paano ka uuwi? Hindi ka marunong magcommute, 'diba?" nag-aalalang tanong ni Althea.

I sighed. Hindi ako sumagot kaya tinawag nila ang boys.

"Oh, bakit?" tumutulo pa sa katawan ni Luis ang tubig galing sa dagat.

"Uuwi raw si Gwy bukas," saad ni Denise.

Napatingin sila sa akin.

"Ang problema... hindi marunong magcommute ang isang ’yan," sabi ni Cristel.

"Wow!" react ni Jinx. "Akala mo talaga siya marunong. Hindi ka nga marunong tumawid, eh."

Gaya ng inaasahan, nagbangayan na ang dalawa.

Dumako sa akin ang mga nag-aalalang tingin ng boys. Hindi sila nagsalita.

"Eh, kung samahan nalang kita pauwi ta’s balik ako rito?" Luis offered and put his arms on my shoulder.

"Kahit huwag ka nang bumalik," saad ni Jinx.

I sighed and shook my head. "Huwag na. Ma-iistorbo ko pa ang pag-eenjoy mo."

Nanatili kaming tahimik lahat. Nakaramdam naman ako ng konsensya dahil pino-problema pa nila ako. Biglang dumating ang pinsan ni Jinx, nagtataka sa istura namin. Agad nagpaliwanag si Jinx nang magtanong ito.

"Oh? Uuwi rin si Levi bukas, ah?"

Nanlalaki ang nga matang napalingon ako, feeling excited. Gusto kong sumabay, shet! I giggled at the thought.

"Awit. Pasabay ko nalang kaya si Gwy?" Binalingan ako ni Jinx. "Goods lang ba?

I giggled. "Goods!"

Umalis na sila sa cottage at bumalik na sa dagat. Inasar naman ako ng mga kaibigan ko kay Lev.

Speaking of Levi....

Nasaan na nga pala ’yun? Tiningnan ko ang panyo na iniwan niya kanina at inamoy. Hindi ko ito nagamit, ang bango, shet. Parang ayoko na yatang ibalik hahaha.

Pagkatapos nilang magtampisaw sa tubig ay kumain ulit kami. Hindi ko na nakita ulit si Lev. Baka nagkulong ulit siya sa hotel room niya. Ang balita ko kay Jinx ay may sarili siyang hotel room dahil ayaw niya raw sa maingay.

Naglaro kami ng volleyball nang matapos. Nagsama ang tatlong pandak habang kami naman nila Denise at Althea. As usual, sila ang nanalo dahil kampi si Joyce.

Pagkabalik namin ng hotel ay nilagay ko sa isang ziplock ’yung panyo ni Lev. Nag-aayos ako ng gamit nang biglang may kumatok.

"Bakit, kupal?" bungad ko. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Mamaya na lang daw kayo umalis ni Lev, sabi niya."

I sighed. Gusto ko pa sanang dito muna ako pero wala naman akong choice. Ayoko namang mag-inarte dahil makiki-sabay na nga lang ako.

"What time?" I asked.

"Ewan ko. Kayo nalang mag-usap. Which do you prefer? I* or contact number?"

I giggled and smirked at him. "Hmm... both?"

"Hoy! Lalandiin mo ang pinsan ko, ano?" masama ang tingin na aniya.

"So?" Inirapan ko siya.

Binatukan niya 'ko. "May girlfriend."

My jaw dropped. Ngunguto-nguto akong ngumuso. May girlfriend? Sabagay, sa itsura niya ba namang iyon, hindi na dapat ako magtaka kung may girlfriend siya. Gwapo pa naman niya.

Buti nalang at hindi ako lumalandi kapag may girlfriend na yung tao. I respect girls because I'm a girl, too. Hindi ko i-da-down ang kapwa ko babae. Depende nalang kung sila ang unang mang-gagago sa 'kin.

"Oh, natahimik ka? ’Di ka naman papatulan no'n kahit wala siyang girlfriend. Gusto no'n sa babaeng mahinhin," pang-aasar niya. 

Hinampas ko siya at hinablot na ang phone niya sa kaniya. "Alam mo, wala kang kwenta."

Madrama siyang napahawak sa dibdib. "Aray ko, beh! Pasalamat ka nga at dahil sa ’kin, makakasabay mo pa si Levi!"

"Edi thank you," sarkastikong sabi ko.

"You’re not welcome, Miss Gwy." He rolled his eyes.

Binalik ko na sa kaniya ang phone niya nang padabog pero bago pa siya umalis ay hinila ko na siya ulit.

"Full name?" I asked, raising a brow.

Kumunot ang noo niya. "Jinx Hunter Nicholas."

Hinampas ko siya. "I know!"

"Eh, bakit mo tinatanong?"

"I mean... ng pinsan mo!"

Tumaas ang kilay niya at biglang tumawa.  "Levincent Zyjan Nicholas."

Shet, ang ganda! Wala na bang panget na bagay tungkol sa kaniya? Kuha na niya yata lahat, jusko. Nakaka-insecure, ah?

Ako, hindi ko bet apelyido ko, eh. Gabriel. Puwede kayang palitan na ng Nicholas?

"'Nga pala... Maganda jowa niya?" tanong ko.

Tumawa siya. "Girlfriend, Gwy. Ayaw niyang jowa ang tawag sa girlfriend niya."

Arte naman. Pareho lang naman 'yun, eh! Ba't pa nauso yung jowa? "Hindi mo nqman sinagot 'yung tanong ko."

"Hmm... maganda! Mas maganda sa ’yo. Model 'yun saka bet na bet talaga ni Levi kasi hindi kagaya---"

"Lumayas ka na nga! Dami dami mong sinasabi!" sigaw ko at sinarahan na siya ng pinto.

Badtrip!

Inasar na naman ako nila Althea dahil sa narinig nila sa amin ni Jinx.

"Peram phone, share it langs ng kanta," nakalahad ang kamay na ani Cristel.

Naningkit ang mata ko sa kan'ya.

"Share it lang nga!" she assured and stole my phone. Kinuha ko ulit para i-unlock tapos pumasok ako ng CR para maligo. Pakiramdam ko ay napakaraming sand sa katawan ko, eh.

Dinig ko ang tawanan ng mga kaibigan ko sa labas. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako at agad nagbihis.

"Anong ginawa mo rito?" tunog nambibintang na kaagad ang tono ng pananalita ko pagkakuha ng phone ko.

"Share it, duh?" Inirapan niya pa ako bago niya niyaya sila Nicole na lumabas.

Niyaya rin nila ako pero sinabi kong mag-aayos pa ako ng gamit. Tiningnan ko ang phone ko at wala naman akong nakitang kakaiba roon.

Matapos kong magligpit ay tinanong ko kay Jinx ang room number ni Levi. Ayoko ng text lang! Sabihin ko wala akong load!

From: Kinx bobo

    Bakit ha? Naku di mo yan makukuha Conservative yan si gago Mas conservative pa nga sayo ang isang yan Sobrang arte nyan baka akala mo. Ung room niya ay katabi lang ng room namin sa right side

Napakarami niyang sinasabi, nawawala na sa usapan.

Kumatok ako ng tatlong beses. Nalaglag ang panga ko nang bumungad sa 'kin ang katawan ni Levi.

Sarap, shet.

I cleared my throat bago nag-angat sa kaniya ng tingin. "Uhm... Hi!"

"What do you need?" masungit na tanong niya.

Wow, ah! Parang hindi naman niya ako pinuri kagabi na, 'nice tongue, young lady.'

"Anong oras pala ang alis natin?" awkward na tanong ko.

Awkward!

"I’ll text you later."

Napanguso ako. Kailangan talaga isang tanong, isang sagot?

Meron siyang number ko? Kinuha niya rin kaya? Geez. Tss! Magtigil, Gabriel. May jowa ’yan! Este girlfriend.

"All right. See you later!" nakangising pahayag ko at  nangingiting bumalik sa kwarto.

Ch-in-eck ko nalang lahat ng gamit ko at baka may maiwan pa ako. Finollow ko na rin ang I* niya. Ang number niya lang yung na-save ko eh.

Lvnct_Nchls

0 posts - 1,342 followers - 315 following

Awit, walang posts pero ang daming followers? Sana all! Ba’t ako nasa five hundred lang followers? Tapos following ko lagpas five hundred! Ang unfair nga naman talaga oh!

Nang magfive na ng hapon ay may kumatok sa hotel room namin. Wala pa rin dito 'yung mga hinayupak kong kaibigan. Tumambad sa akin si Levi na naka-ayos na!

He's wearing a black long sleeves partnered with ripped jeans tapos may suot rin siyang kwintas na silver. Iyong parang may pa-box. Dog tag ba ’yun? Basta ’yun na!

"Aalis na?" gulat na tanong ko sa kaniya.

"Yeah, let's Anak ng--! Ba’t biglaan naman 'to? Wala man lang bang warning?

"Okay, wait!" Nataranta akong kuhanin ang bag ko at ngumiti sa kaniya pero tiningnan niya lang ako bago tumalikod. Ang sungit talaga! Hindi man lang ba siya naaakit sa suot ko?

Ay powta, may girlfriend nga pala! Auto pass!

Nagpaalam na kami sa mga kaibigan ko at mga pinsan niya. Napaka-OA pa nga ni Cristel at sinabing mag-padala nalang daw ako ng sulat sa kanila! Mygosh.

Hindi na ako nagheels dahil baka mahirapan na naman ako. Sa bangka ay hindi man lang niya ako inalalayan, gentleman! Tahimik kong kinuhanan ng litrato ang tanawin tapos minsan ay pasimple ko siyang sinasama sa picture. Meron pa na nagselfie ako tapos kasama siya pero sa ibang side siya nakatingin.

Nakakabingi ang katahimikan na namayani sa loob ng sasakyan niya nang maksakay kami.

Wow, Ferrari! Sana all!

"Damn! Why is she not picking her fucking phone?" Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla siyang sumigaw at ihagis ang phone niya sa dashboard.

Sino? Ah, baka girlfriend niya. Nag-away kaya sila? Biglang tumunog ang phone niya kaya napatingin ako roon; may nagtext. Bago ko pa muling mabasa ay kinuha na niya. Nagulat ako nang ihinto niya ang sasakyan at mariing tumingin sa ’kin.

"What the hell do you want, young lady?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Owner of a lonely heart   KABANATA 33

    Napangiti ako habang pinagmamasdan sina Marga at Luis na magkahawak ang kamay habang kinakausap ang wedding planner nila. Tatlong buwan na ang lumipas at last week lang ay nag-propose na si Luis kay Marga. Kinuntsaba niya pa nga ako. Ngayon ay pinaghahandaan na nila kaagad ang kasal nila pero alam ko ay next year pa magaganap dahil gusto nila bongga. Marriage... Isa iyon sa pangarap ng mga babae. Hindi lahat, pero maraming babae ang nais maranasang ikasal. Ako? Isang tao lang naman ang nakikita ko noon na kasama ko palapit sa altar pero alam kong imposibleng mangyari ’yon dahil... Tapos na. Tapos na kami, dahilan kung bakit hindi ko na makita ang sarili kong nakasuot ng puting gown at naglalakad palapit sa taong mahal ko. "Thank you po," nakangiting sabi ni Marga sa wedding planner nila at hinatid ito sa labas dahil n

  • Owner of a lonely heart   KABANATA 32

    "Huy! Tulala ka na naman diyan!" panggugulat sa akin ni Cristel. Napabuntong-hininga ako at inilapag ang inumin sa may sink. Nandito ang mga kaibigan ko ngayon sa bahay. Hinayaan ko na lang din sila dahil nakokonsensya na ako sa ginagawa kong pag-iwas sa kanila. Kami lang ni Cristel ang nandito sa kusina dahil gumagawa kami ng nachos. As usual, hindi mawawala ang paggawa niya ng iced coffee. Si Nicole at Joyce na naman ang kulang. Si Joyce ay hindi raw nila alam kung nasaan. Magta-tatlong buwan na raw'ng wala si Joyce. Matagal na rin daw iyong pinahahanap pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Hanggang ngayon tuloy ay hindi ako mapakali kaiisip sa babaeng ’yon. Si Nicole ay nasa ibang bansa pa rin at hindi ko pa siya nakakausap ulit. Ilang years ba kasi ang kakailanganin bago maging Doctor? Mag-iilang taon na rin siya roon, ah? Wala rin kaming boys na kasama dahil hindi ako pumay

  • Owner of a lonely heart   Kabanata 31

    Nararamdaman ko nga na talagang may koneksiyon ako sa kaniya at tama ang hinala kong isa siya sa mga nakaraan ko. Pero bakit nakaraan ko na siya? Bakit hindi na kasalukuyan? "I want to know more about... us," halos pabulong na saad ko. Seryoso ang mga tingin niya sa akin. "What about us?" "Paano naging tayo?"" "Nanligaw ako at sinagot mo ako." Napairap ako sa agarang pagsagot niya na wala namang kwenta. "Ano nga?" Tamad niya akong tinitigan at sa huli ay tamad din siyang napabuntong-hininga. "Maghintay ka, Gwy," mataman niyang sinabi. "Ang hirap kasing maghintay sa bagay na wala pero parang meron," nawawalan ng pag-asa na wika ko. Hindi na siya sumagot pa. Matinding katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tumingin a

  • Owner of a lonely heart   Kabanata 30

    Hope. My name’s already screaming that despite of all the darkness, there’s still a hope. At this point, I can only hope. And now, I’m deeply hoping for myself to remember my past. "But what if your answer is the only way for me to remember?" pagpupumilit ko. He lazily sighed and shifted his seat. "I would never risk it if answering you will just put you in danger." Hindi naman ako nakasagot. Ganoon niya ba kagustong masigurado ang kaligtasan ko? "But—" He groaned. "No more buts, Gwy. I’m here because I want you to know that I’ll court you again." Napaawang ang labi ko at gulat na napatingin sa kaniya. May kung anong kumiliti sa sikmura ko. Napatakip ako sa bibig ko nang bigla akong sinukin. Nang makabawi ay umayos ako ng tayo at tinaasan siya ng kilay. "Why would you court me?" H

  • Owner of a lonely heart   Kabanata 29

    "Kumain na ako," sabi ko at dumiretso sa sofa niya. Naalala ko na naman tuloy iyong si Architect Torres. She’s his cousin pala! Nakakahiya at nasabunutan ko pa! Buti hindi siya nagalit. "Uh... Si Honey, is she really your cousin?" Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin at naroon na naman ang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Oo nga." "Ah..." Tumango ako. "Eh, bakit bawal pumasok ang iba rito bukod sa inyong dalawa?" Lumawak ang ngisi niya. "Maarte ang pinsan kong iyon." Hindi ko na lang siya pinansin at namili ng panonoorin sa Netflix niya. Bahala siya kumain mag-isa. Busog pa ako at isa pa, bakit hindi na ang siya magpaakyat ng pagkain niya rito? At teka nga, bakit pa ba ako naririto? "Saan mo ba gustong ipalagay iyang painting mo at nang makaalis na ’ko?" tanong ko. Tumalim a

  • Owner of a lonely heart   Kabanata 28

    Natapos ang one week at napagpasyahan na ng lahat na umuwi na ako sa bahay. Noong una ay ayaw pumayag nina Sky pero wala naman na silang nagawa dahil kailangan kong bumalik sa mga pamilya ko. Napag-usapan nila na bibisitahin na lang nila ako sa bahay kapag may oras sila para bumisita. "Nahanap na ba si Joyce?" dinig kong tanong ni Denise sa mga kaibigan kong nasa likod. Pinaggigitnaan kasi ako ni Sky at Dane. Dito na sumabay sa amin ang tatlong kaibigan at ang iba ay sa isa pang van. "Hindi pa nga, eh. Nanghingi na rin ako ng tulong kina Mommy para mas mahanap natin ang babaeng ’yon," sagot ni Cristel. "Last time, ang sabi niya sa akin ay gusto niyang mag-hike," sabi ni Althea na mukhang hindi na nakatiis. Kanina pa kasi siya nananahimik. "Bundok? Ano namang gagawin niya ro’n?" nagtatakang tan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status