LOGINLucifer
***
Katabi ko ngayon si Mary sa kama at pangungunahan ko na kayo, hindi nangyari ang iniisip niyo. Kahapon kasi walang paramdam si Essay.. hindi ko alam kung bakit pero nag antay ako sa tawag niya hanggang madaling araw pero wala! At ngayong alas singko na ng hapon wala pa rin siyang paramdam!"Tawagan mo na kaya siya calci boi~?" sabi ni mary na nakahiga sa may paanan ko
"At para ano? Parati na lang ako ang nag aapproach sakanya! Sa tingin ko nga hindi naman niya ako mahal tutal pinilit ko lang naman siya dahil sa putanginang sumpang ito!"
"Ang drama mo naman! Buti nga yung iyo buhay pa eh yung saakin? Wala na! Kahit kailan hindi ko na siya makikita! Huhuhuhu!"
"Ahh basta~ hindi ko siya tatawagan! Ano parati na lang ako? Mas mahal pa nga niya yung Diyos kesa saakin eh! Hanggang sa pag-ibig ang Diyos pa din ba ang nananalo?" pagrereklamo ko
"Wala tayong laban sa kanya calci boi~ Wala!"
Matagal din na katahimikan ang umusbong sa buong kwarto.. feeling ko tuloy bumabalik na sa dati ang buhay ko yung tipong tanginang bahay ito parang patay ang nakatira
"Pambihira!" sigaw ko habang pumwesto na ng paupo sa kama
"Bakit?" tanong ni mary
"Hindi ko na kaya ito..."
Kahapon pa ako pinepeste ng pusong ito eh! Kapag ako talaga nabwisit ibubulwak ko na ito palabas sa katawan ko!
Miss mo na siya Miss mo na siya Miss mo na siya
Ayan yung sinisigaw ng puso ko.. tangina ewan ko ba kailan nagsimulang magkabunganga yan eh
"Hindi ko na talaga kaya! Mamamatay ako sa ganito!" Agad akong tumayo at tinungo ang pinto palabas ng kwarto
Dali-dali akong bumaba at tinungo ang pinto ng bigla akong napatigil
"At saan ka pupunta?" pagkalingon ko nakita ko siya.. komportableng nakaupo sa sofa. Naka cross legged, dalawang braso ay nakapatong sa may sandalan.. nakasuot ng paborito niyang itim na suit at itim na slacks na fitted at itim na black shoes na sobrang kintab.. lahat na ata ng suot niya itim pati na rin yung pagkatao niya sobrang itim! dagdag pa yung fact na naiirita ako sa kinginang mukha niyang iyan!
"Saan ka pupunta?" tanong niya ulit sa casual na tono ng kaniyang boses"Diyan diyan lang"
"Maupo ka" utos niya saakin na sinunod ko naman agad
Fuck! bakit ba feeling ko sunod sunuran lang ako dito sa kwentong ito? taragis na yan!
"Bakit ka nanaman nandito?" tanong ko sa kanya ng makaupo na sa tabi niya.. actually mga isang metro ata ang layo namin
"Tanungin mo kaya ang sarili mo.. Bakit ako nandito?"
Tangina ng kupal na ito ginawa pa akong manghuhula
"Magbabayad ka para sa kuryente at tubig o kaya nandito ka kasi miss mo na ako?" walang kabuhay buhay kong sabi
Pareho lang naming tinitignan yung malaking tv na hindi naman na bukas.. tinitignan lang naming yung repleksiyon namin at nakakainis pa dito kasi saakin siya nakatingin!
Parang tanga puta! Anong tinitingin tingin ng isang ito eh di hamak na mas gwapo ako!
"Hinihintay ko ang sagot mo" bigla niyang sabi habang seryoso pa rin na nakatitig saakin sa pamamagitan ng repleksyon namin sa tv
Hindi kaya alam niya na ang tungkol kay essay? siya din ba ang nagtaboy kay machete?
"Anak nababasa ko iniisip mo at iyan nga ang dahilan kung bakit ako nandito"
Napatingin ako sa maliit na mesa sa harapan namin kasi biglang lumitaw doon yung bible na binigay ni essay tapos yung note nakadikit na sa cover hindi sa loob
"Paano napunta sainyo yan?" pagtataka ko at hinarap siya pero nakatingin pa rin siya sa tv
"Ngayon sabihin mo saakin paano ka nagkaroon ng ganyan?"
"Binigay yan saakin"
"Binigay sayo? nino?"
"Kahit sino!"
"Binigay ni Essay sayo" hindi niya binanggit ng patanong bagkus ay parang sigurado siya sa sinabi niya.. syempre imposible pa na magsinungaling kasi nakasulat doon yung pangalan ni essay
"Oo pero balak ko talaga itapon iyan tapos sunugin kaso biglang nawala"
Sa isang iglap napatingin na lamang ako sa nasusunog na bibliya sa aking harapan
Tangina yung tanging bagay na binigay saakin ni Essay bigla na lamang mawawala putangina parang siya lang..
walang magawa kundi panoorin lang na masunog ang regalo niya saakin
Sa bawat pahina ng libro na nagiging abo nadudurog yung puso ko.. Tangina ayoko ng ganito! parang umiiyak yung puso ko
Huhuhuhuhuhuhuhuhuhu
"Hindi ka talaga marunong sumunod saakin calcifer" casual na pagkakasabi niya na alam kong hindi normal kasi kapag ganon ang tono niyan it's either naiinis siya o nagagalit siya pero sa tingin ko both? kahit ipusta ko pa buhay ko eh
"Bakit naman ako susunod saiyo eh buhay ko ito gagawin ko kung anong gusto ko!"
"At kasama ba sa plano mo sa buhay ang kagaguhan na kagayan nito?" sabay turo niya sa pinaapoy niyang bible ni essay
Essay ko huhuhuhuhuhu
"Siguro nga! at baka din kasama ko sa planong iyon ang tumaliwas sa kagustuhan mo! Ayoko na maging demonyo gusto ko na maging tao na lang!"
Matagal ko na talaga gusto maging tao kasi namamatay sila.. hindi sinasadya o sadya patuloy silang pinaglalaruan ng kamatayan pero ako? Ako yung kamatayan. Kapag ganito paulit ulit nakakasawa din mabuhay.. magpaflashback sana ako sa mga nakakalungkot na pangyayari ko sa buhay simula pagkabata hanggang magbinata kaso naalala ko yung Naruto puro filler episode kaya huwag na lang kasi hindi naman ako ninja, demonyo ako.
Magkatinginan na kaming dalawa at alam ko din na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kaya baka magsimula na akong magdasal dahil panigurado pahihirapan ako neto
Huminga siya ng malalim at umupo ng komportable "Haaaynako anak ko~" sabi niya na kalmado lang
Huuuuh? tangina malala na ata pagkabipolar ng isang ito... kakaibang mood swing dinaig pa babae amputa
"Gusto mo maging tao?" tanong niya pero hindi ko siya kinibo "Sigurado ka ba diyan?"
"Oo sigurado ako"
"Baka naman dahil iyan kay essay?"
"Hindi ito dahil sakanya! gusto ko maging tao dahil sawa na akong maging ganito!"
"Huwag mo kong lokohin calcifer naririnig ko ang puso mo at kanina pa ako naririndi jan!" pasigaw niya ng bigkas
"Kung hindi mo ako kayang gawing tao pwes aalis na ako may pupuntahan pa ako" tumayo na ako at naglakad papuntang pinto ngunit sa isang iglap nakatayo na siya agad sa harap ko at kitang kita sa mga mukha niya ang bahid ng pagkainis
Hinawakan niya ang ulo ko at malakas na hinagis sa sahig na nagresulta sa pagkasira ng tiles sa hugis ng mukha ko tapos hindi pa siya nakuntento dahil tinapakan niya pa ang ulo ko at para bang pinapabigat niya ito
Medyo binaba niya ang mukha niya para masulyapan ko siya
"Fuck You!" Sigaw ko sakanya at dinuraan ko din yung isa niyang sapatos na napaka kintab kaya lalo pa niyang binigatan ang pwersa ng paa niya
"Hindi mo ba nakikita na napaka hina mo!" sabi niya saakin" At hindi mo alam ang kinakalabasan ng mga pinag gagagawa mo! Kahit isang beses gamitin mo nga iyang utak mo!" pagalit niyang sabi
"Pwede ba hindi ikaw may hawak ng buhay ko!"
"Hindi mo nakikita na nag aalala lang ako sayo?" painosente niyang sabi
"Ulol mo!"
kinuha niya ang dalawa kong kamay at ipinuwesto ito sa likuran ko habang inuupan niya ako
"Bumaba ka jan!" suway ko
Medyo matangkad lang siya saakin ng kaunti at may kalakihan din ng katawan kesa saakin kaya oo lamang nga siya
"Calcifer anak~" kalmado niyang bigkas
"fuck you!"
"Alam kong mahal mo si essay dahil tulad ko minahal ko din ang mama mo pero mahal kita anak ayokong makita kang nasasaktan kaya kailangan kitang pigilan"
"Ano naman yang drama na iyan? sa tingin mo ba mauuto mo ako? Ha! sorry ka na lang pero hindi yan uubra saakin! Sana nga hindi ka na lang minahal ng mama ko kasi hindi ka naman kamahal mahal! Bakit kapag ikaw ang gumawa pwede? kapag ako hindi?"
"Hindi mo naiintindihan calcifer"
"Hindi talaga! lalo na kung galing sayo yung mga salita!"
"Isa kang nephilim! Isa kang sumpa dahil isa kang bunga ng isang anghel at isang mortal kaya nakatakdang mamamatay ang mortal na mamahalin mo at kagaya lang ng nangyari saakin.."
Actually hindi ko talaga alam yung kwento nilang dalawa ng mama ko kasi lumaki na ako sa paniniwalang isa akong demonyo at kalahating tao.. yung nephilim ilang beses ko ng nabasa iyon sa book of enoch pero kahit isa hindi sumagi sa isip ko na isa akong ganon kasi akala ko talaga isa akong model ng calvin klein
"Kaya calcifer kung gusto mong mabuhay si essay kailangan mo siyang layuan... hindi mo ba napapansin kung bakit hinahayaan ka ng Diyos na ipagpatuloy ang pag ibig mo sa mortal?"
Doon ko lang biglang naisip... tangina oo nga! hindi na ako sinasaway ni hesus... nawala yung tumatawag saakin ng Calcifer~ sa hangin..
"Balak nilang parusahan ako gamit si Essay? hahayaan lang ng ama mo na may mamatay? ganon na lang ba iyon? para matuto ako ng leksyon?" madaming katanungan ang binato ko sakanya
Binitawan niya na mga kamay ko at umalis na din sa aking likuran.. kumuha siya ng wine sa kusina at bumalik sa sofa
"Hindi mo talaga kilala kung sino ang kalaban mo" sabi niya habang eleganteng iniinom ang wine niya
"Hindi kasi hindi mo naman sinasabi saakin!"
"God of life and death.. kaya niyang bumuhay at kaya din niyang pumatay"
Ilang minuto ng katahimikan at nakahiga pa rin ako dito sa sahig kasi putangina naman ang sakit ng kanan kong pisngi! Feeling ko nabungi pa ako puta naman talaga oh! bawas kapogian ito eh!
"Oo nga pala nagkakilala na pala kami ni Essay"
"ANO?"
"Kahapon inimbitahan ko lang naman siya sa isang dinner tapos nag usap tungkol sayo.."
"At ano pang sinabi mo?"
"Sinabi ko na layuan ka niya dahil hindi kayo dapat magsama"
AWIT naman pota
"Anong sabi niya?" malungkot kong tanong
"Wala siyang sinabi...at ibalik natin ang usapan na sinabi mo na namatay ang magulang mo sa ulcer"
Ay gago pucha
"Hindi na rin ako magtatagal dito dahil kailangan ko ng bumalik sa ibaba...alam mo na kung anong dapat mong gawin calcifer.. hindi lahat ng nararamdaman mo sa pag-ibig ay tama"
Tangina kasabihan niya ata iyon sa pag-ibig, alam ko lang naman na kasabihan ay love is blind at time is gold.. but if time is gold then what is silver? Ay Pota bahala na nga tangina!
Bakit ba kasabihan yung iniisip ko? dapat iniisip ko kung ano ba dapat kong isipin... paano si Essay? ano ba dapat kong gawin?
***
TBC.
Happy New Year, everyone!Lumipas na ang ilang araw sa bagong taon na ito at ang kuwento na ito… kagaya ng sa aking previous update at pangako na ipagpapatuloy ito… ito’y isang mahabang salaysay;Sa napapansin kong paglago ng kuwentong ito kahit hindi ako ganoon nag uupdate rito ay pinasasalamatan ko kayo ng taos puso sa pananatiling pagsubaybayan sa aking munting imahinasyon. Sa kagustuhan kong ipagpatuloy ito rito… nagkaroon lang ako ng kaunting distrust sa management nito at aking napag isipan na hindi na muli itutuloy rito ang kwento ni Calcifer at ng iba. Napagtanto ko na kailangan nila ng sapat na tahanan kung saan hindi magiging limitado ang access nito. Ipagpapatuloy ko ang kwento nila sa isang reading platform na kulay orange hanggang hindi pa nareresulba ang aking pansamantalang pagka wala ng tiwala sa GN. Ito ay personal na desisyon at habang nasa kontrata pa ito noong limang taon na ang nakakalipas, oras na para iuwi ang kwentong ito sa una nitong tahanan kung saan mas nag
Energy Booster***Hindi ko alam kung paano kontakin si succubus! Tangina ni hindi ko nga alam kung may cellphone ba ‘yon o wala? Hindi ko pa masyadong kontrolado iyong telepathy ko lalo na kapag sobrang layo no’ng kakausapin ko! Tangina namang buhay ‘to ang hilig akong pahirapan!“Ano na gagawin ko?!” bulyaw ko sa kawalan.Nandito ako sa aking kwarto palakad lakad habang nag-iisip kung paano ko kakausapin si succubus para makapag training na kami! Wala na akong oras! Kumikilos na ang langit habang ako dito nagpapapogi lang!“Calci boi!” biglang litaw ni Mary sa tabi ko, malutong na mura ang tumugon sakaniya.“Muntik na a-ako! Ahhhh! Nakaka…nakakatakot! S-sobra!” natatakot na sambit nito sa akin habang nakahiga sa sahig at niyayakap ang sarili.“Anong nangyari sa’yo? Alam kong praning ka na dati pa kaya ano na naman ‘to?”“A-anghel! Totoo ang chismis calci boi! May lumilibot na anghel sa labas at pinapatay ang uri namin! Muntik na ako pero nakatakas ako! Kaso…si paloma! Si paloma…nagi
Senti Man By The Window *** Nandito na naman ako sa bubong ng aming bahay, tamang senti lang. Iniisip ko kung kamusta na kaya si Essay? Nakikipag bible study ba siya do'n sa lalaki na kasama niya noon? "Pambihira naman calcifer! Kalimutan mo na siya! Pambihirang puso kasi 'to! Peste! Tangina!" Pesteng sumpa ito ayaw pa rin mawala! Yung tipong may nagsasalita sa akin na dalawang anyo sa aking balikat... Puntahan mo siya at makipagkilala ka ulit. Huwag hangal! Bobo ka ba? Kaya nga ginawa mo 'yon para maligtas siya di ba? Bobo! "AAAAHHH! Pambihira! Lubayan mo na ako! Kupido umuwi ka ng h*******k ka at papatayin kita rito!" pagsigaw ko sa kawalan. Tapos biglang sumagi sa isip ko na nawawala nga pala si Lilith…shit! Saan kaya pumunta ang isang ‘yon? Naka secret training din ba siya? Saan? Sino? Imposibeng ang ama namin ang nagsasanay sakaniya? Kasi magtatampo talaga ako! Sa akin ayaw niya? Kailangan ko siya mahanap...kailangan ko siya matignan kung anong klaseng pagsasanay ang ginag
Hello dear readers! It is I, the author of this funny story. After so many years, I have returned hahahaha! Pasensya na kung ngayon na lang ulit ako nagparamdam… At ngayon ko na lang ulit ito nagalaw. I am publishing another story, which is also published in w*****d. I hope you tuned in it dahil dito ko ipopost ang revised version ng kuwentong iyon. At also, I am here to announce my return in publishing chapters for this story. Same as you, I also miss Calcifer at ang ganap sa buhay niya! Sa daming nagdaan na taon I am a little confident on my improvements in story telling at sana kung maninibago kayo sa way ng aking pagkukwento iyon ay dahil dumaan na ang mahabang panahon, nag iimprove rin po ako. At sa uulitin, pasensya na kung ngayon lang ulit ako nagparamdaman. Ang huling update ko sa kuwentong ito ay 2020 or 2021 pa? It has been five or four years ago! Wooooh! Ang haba ng taon na iyon hahahaha! Kung tutuusin ang next chapter nito ay nasa drafts pa at nagawa ko iyon that year
Missing Lilith *** Umagang Umaga ginising ako ni succubus upang mag training nanaman! Limang metro pa din ang distansya namin kasi kingina niya may trauma pa din ako sakanya! "Alam mo ba kung paano magteleport papuntang hawaii?" tanong ko sakanya "Hawaii? Ang layo naman non! Bumili ka ng lang ng ticket! Visa at passport!" "Kingina talagang kupido yon nababadtrip na ako!" "Bakit?" Nagmemeditate kaming dalawa dito sa isang abandunadong building. "Sinumpa kasi ako ng pana non peste." Nakapikit ako at naka indian sit, yung kamay ko naka cross at nakalapat sa aking balikat. "Mainlove?" "Oo tangina nga eh!" "Hahahaha tapos? kanino ka nainlove?" "Sa
Ang Plano***Naka upo kami ngayon ni succubus at nakasandal sa pader mga isang metro ang layo pagkatapos ng make out session namin kanina.Pota ako lang ata ang demonyong naiilang pagkatapos ng isang make out. Tangina."Bakit ba ang layo mo? Come here! Paninindigan ko naman yung ginawa ko kanina!" sabi niya saakin"Shut up! Kiss stealer! Bwisit ka! Jan ka lang wag kang lalapit sa akin!! Baka hindi ka pa nagtoothbrush eh!!""Parang hindi mo naman nagustuhan yung ginawa natin? Sabik na sabik ka nga! You even pulled me closer!"AHHHHHHH NAAALALA KO NANAMAN ANG PANGYAYARING IYON! OO GINUSTO KO YON POTANGINA SINO NAMAN HINDI MAGUGUSTUHAN YON?"Ahh basta! Anyway, tutulungan mo ba talaga ako?""Oo nga. Pagkatapos kitang turuan, pinagdududahan mo pa rin







