Share

Kabanata 11

Machete

***

20:03

Kakauwi ko lang galing kela Essay doon ako kumain dahil ayokong mamatay sa luto ni Mary napaka pangit na dahilan iyon para mamatay and sad to say this pero hindi si Essay yung kinain ko hayss

Gusto niyo pa ba malaman yung ginawa namin kasi for sure alam ko na alam niyo na iyon...

Naaalala ko nanaman na para bang nangyayari pa rin iyon saakin

***

19:04

Nasaktuhan ko na wala yung tita niya sa bahay nila pagkapunta ko doon kaya kaming dalawa lang ang tao sa bahay nila

"Anong gusto mo?" tanong niya saakin habang pinapakita ang Nissin Ramen na kulay yellow at kulay blue na binigay sa nakuha nilang relief

"Ikaw" casual na sagot ko

Sanay naman na ako sa mga ganitong banat ng pakeningshit na pasmadong bunganga na ito

"Ganoon ka na ba kaadik saakin?"

"Alam mo naman na ang lakas ng amats ko saiyo eh"

"Ahh ganon ba?"

"OO"

"At dahil jan magbabible study tayo"

Tangina kahit naman ano sabihin ko ang relasyon na ito ay umiikot lang sa bible study... hindi ko talaga maisip na kalove triangle ko pa ang Diyos pota

"Bakit ka ba nag babible study?" tanong ko sakanya habang pinapanood siyang inaasikaso yung Nissin Ramen

"Para in case na mamatay ako... atleast alam ko kung saan ako mapupunta"

"Saan? Sa puso ko?"

"Baliw~ syempre sa magandang paraiso na pinangako ng Diyos saatin"

Praning na ata itong babaeng ito

"Paano mo nasabi na tutuparin ng DIYOS yung paraiso emerut na iyon?"

"Kasi siya ang Diyos! At ang Diyos kailanman hindi bumibitaw sa kanyang pangako"

"Paano mo nasabi yan?"

"May tiwala kasi ako sakanya kaya dapat ikaw din"

Tiwala? eh kitang hindi good terms ang pamilya ko sakanya

Mga ilang minuto pagkaluto ng noodles, Sinet up na ni Essay ang lamesa

"Kain na" yaya niya

kakain na sana ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko

"Gusto mo ba mag holding hands tayo habang kumakain?" tanong ko sakanya sabay smirk

"Huh? baka holding hands habang nagpepray"

Pray pota

Nagsimula na siyang pumikit at ako kunwari lang nakapikit.. okay na ito atleast magka holding hands kami

"Diyos Ama marami pong salamat sa pagkain na nasa harap namin kahit na ganito lang po ang nakahain ay nagpapasalamat pa rin po kami ni cal sainyo at sana ang iba pa naming kababayan na naaapektuhan ng sakunang ito ay mayroong pagkain sa kanilang mesa...Amen~"

"Ahhhhhmen~"

"Kain na tayo" alok niya

Hindi ko din alam kung bakit dito pa ako nakikain eh... Noodles lang din pala lulutuin niya edi sana nagluto na lang ako sa bahay! peste kasing puso ito hindi marunong tumanggi sakanya!

Pagkatapos namin magkainan este kumain... natural siya naghugas ng pinagkainan kasi bisita ako! Pagkatapos niya maghugas dumiretso kami sa kwarto niya syempre walang bed scene na magaganap kasi naman feeling ko napoprotektahan siya ng sampung banal na espiritu at ilang guardian angel para iligtas siya saakin

"Simulan na natin?" tanong niya saakin habang bitbit yung pinaka ayokong bagay sa munong ito

"Ikaw bahala" ano pa nga ba laban ko? masyadong malakas sa puso ko ang kalaban

"Pero bago ang lahat... Pray tayo?"

"Pero nagpray na tayo kanina bago kumain ah?"

"Prayer iyon before meal... ito prayer before study"

Potangina ilang prayer ba ginagawa nito sa loob ng isang araw? Lima ba?

As usual, mahina ang puso ko sa mga ngitian niya at sa presensya niya kaya wala akong magawa kundi samahan nanaman siya sa kalokohan niya ganoon naman dapat hindi ba? Be a supportive boyfriend kahit alam mo ng kalokohan ginagawa ng partner mo... nabasa ko lang yon sa facebook kaya skl

***

Gusto ko na lang bumalik sa dati~ yung panahon na iniisip ko pa lang paano ako papatayin ng lolo ko kung anong kalokohan ang dapat kong gawin para magalit siya saakin at para patayin niya na ako... nakakamiss yung putragis na pag iisip na iyon kasi ayun ata yung huling beses na nagkaroon ako ng utak! pota

pagkapasok ko sa bahay agad na bumungad saakin ang napakapanget na si Mary.. Panget naman na talaga siya pero this time napaka panget niya na..

"Anyare sayo? para kang binagsakan ng tatlong toro mula sa langit"

"Calci boi!!~" sigaw niya habang patakbong lumapit saakin

"Bakit? miss mo na ako agad? Hoy! Tumigil ka hindi kita gusto mas bagay kayo ng mabantot mong nobyo"

"Calci boi~~" humihikbi siya habang nagsasalita

"Bakit? may problema ba?"

"Si Machete kasi..."

"Ginamit nanaman ba niya yung mamahalin kong shampoo at sabon!?"

"Hindi hindi hindi"

"Sabihin mo na kasi saakin kung ano ba iyon"

"Si Machete nawawala..."

Si Machete? Saan naman pupunta yung gago na iyon? taragis naman talaga sabi ng wag aalis ng bahay eh haaaynako alam ko na mangyayari ito

"Pagka uwi ko wala na siya dito sa bahay! hinanap ko na siya kahit saan dito sa bahay tinignan ko na nga din baka nasa ilalim lang siya ng daster ko pero wala din!"

"Hindi naman kaya bumalik na yung alaala niya?"

"Hindi ko alam pero pinuntahan ko na din yung bahay nila pero wala siya doon..."

"Ayy potangina panigurado akong lumabas siya"

"Hindi kaya nahanap na siya ni San Pedro? Calcifer baka naman pwede mo kausapin si San Pedro~~" pagmamakaawa ni Mary saakin

Ngayon ko lang nakita si Mary na malungkot at parang nag aalala... kasi naman nakilala ko na siya bilang praning kaya yung inaasta niya ngayon ay nakakabwisit tignan

"Umayos ka nga jan Mary lalaking bantutin lang iyon makakahanap ka pa ng iba jan yung totoong kaluluwa!"

"Calci boi~~ pleeeeaaaaaasssee~? naging magkaibigan naman tayo hindi ba? dali na~"

"Haaaayynako! oo na oo na! pupuntahan ko na siya ngayon"

Pinikit ko ang aking mga mata at sa aking pagdilat itinungo ako nito sa sementeryo kung saan tumatambay si San Pedro kasama yung panget na anghel na iyon... at madali ko lang silang nahanap dahil sa liwanag kahit na mejo may kadiliman dito eh kitang kita yung liwanag na daladala ng panget ng anghel na iyon.. minsan din naiisip ko na baka may something dito sa dalawa? Wala naman imposible hindi ba? alagad naman ng Diyos si San Pedro kaya malamang compatible sila..

Ngayon ko lang napagtanto na ang litso na kanilang pinagtatambayan ay mga litso ng mga bata and this time, puro na lang time time... Nakikipaglaro sila San Pedro at bulinggit sa mga batang kaluluwa.

Lumapit ako sakanila at tinignan ako ng mga paslit

"Mga bata pinapakilala ko sainyo si Calshifew~" sambit ni bulinggit pagkakita saakin

"Hi Calshifew~~!" sabay sabay na bati ng mga bata pero itong si san pedro wala lang pake sa presensya ko

Haayy nako kailan kaya magbabago ugali neto ni San Pedro? Nakakairita eh!

"Ano ang maitutulong ko saiyo calshifew?" tanong ni bulinggit

"Hindi talaga ikaw ang pakay ko kundi si San Pedro"

"Anong kailangan mo saakin?"

"Nasaan si Machete?" tanong ko sakanya

"Sinong Machete? wala akong kilalang machete"

"Huwag ka ng magsinungaling pa alam kong alam mo ang tinutukoy ko"

"Kung si James ang tinutukoy mo...wala akong alam kung nasaan siya hindi ba nasa bahay niyo iyon?"

"Oo nasa bahay namin siya at ikaw lang ang kilala kong magtatangkang kunin siya!"

"Pwes calcifer hindi ko alam kung nasaan siya at hindi ko siya kinuha dahil alam kong wala kang balak ibigay siya saakin... baka ibang taga sundo ang naatasan para kunin siya tutal hindi lang naman ako ang taga sundo"

"Binalalaan na kita calshifew~ may mawawala at may papalit~~"

"Tutal nakikita mo ang mga mangyayari sabihin mo saakin kung sino kumuha kay machete"

"Hindi maaari calshifew~ patawad"

"Bakit hindi!?"

"Bawal ibahin ang dapat mangyari" pagkasabi non ni bulinggit, inilabas niya ang kaniyang pakpak at lumipad pero hindi kalayuan saamin

"Pero ito lang ang aking masasabi~ huwag mo ng hanapin ang iyong kaibigan dahil hindi mo na siya makikita pa~" at sa isang iglap nawala na si bulinggit at si San Pedro.. yung mga batang kaluluwa bigla na din nagtakbuhan papaalis

Hindi ko tuloy alam kung uuwi ba ako para sabihin kay Mary na wala na si Machete o uuwi ako at sasabihin ko sakanya na wala na siyang Machete?

***

"Hindi man lamang ako nakapagpaalam sakanya! Wala man lang goodbye kiss o kaya more than kiss! huhuhu" Pagdadrama ni Mary saakin

Sinabi ko sakanya na nagkaroon ng pagkakataon si San Pedro at kinuha na si Machete para hatulan.. oo alam kong hindi si San Pedro ang gumawa non kay Machete pero anong magagawa ko? Ayoko sa kupal na iyon atsaka anong pake ko kung magsinungaling ako hindi naman ito ang first time

"Sana naman hatulan siya sa magandang lugar! Kaso feeling ko sa kaharian ng papa mo siya mapupunta!" sabi ni Mary habang umiiyak.. nakaupo kami ngayon sa sofa na may mahigit isang metro ang pagitan at ewan ko sa trip neto ni Mary pero yung TV naka youtube tapos ang tugtog If The World Was Ending.

"Bakit masama ba si Machete?"

"Oo kaya nga crush ko siya kasi alam yon para siyang naglalabas ng awra ng isang bad boy~"

Taragis na babaeng multo na ito napaka rupok

"Tapos?"

"Isa siyang bully kahit saan...maybisyo...kung sino sinong babae dinadala sa kwarto niya~ huhuhuhu!"

"Para kang tanga! yun naman pala eh panget ugali niya kaya huwag mo na siya dramahan!"

"Pero calci boi~ nung nandito siya kasama natin napaka buti niya~ para bang nabago ko siya!"

"Nakalimutan mo na ba? Ha?"

"Yung ano?"

"Tinanggalan natin siya ng alaala kaya natural babait siya saatin kasi hindi niya alam na masama pala siya!"

"Pero Calci boi! Huhuhuhhuhuhu nasasaktan ako! baka nga hindi kami itinadhanang dalawa huhuhu"

"Hindi talaga pero sa amoy oo"

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa sala ng biglang nagsalita si Mary

"Calci boi~" malungkot niyang tawag saakin

"Bakit?"

"Tabi tayo matulog mamaya pwede?" Napa kurap ako mga dalawa dahil sa sinabi niya

"Ano ka sinuswerte!? Dito ka sofa matulog! Magdrama ka jan buong gabi!" tumayo na ako at sabay umakyat ng kwarto

"Calci boi dali na! hindi ko naman sasabihin kay essay! Calci boi!! Virgin boi!!!" sigaw ni Mary

Parang gago ampota kung hindi lang feeling broken hearted yon nasapak ko na yon eh kahit babaeng kaluluwa pa siya wala akong pake!

binagsak ko ang sarili ko sa kama... hindi ko alam pero para bang LSS yung sinabi ni bulinggit saakin

"May mawawala at may papalit~"

Si Machete ba yung mawawala? ano ang papalit? Sana kung ano man ang papalit kay Machete sana pagkain na lang! Nakakaputragis lang kasi ng buhay kapag tao o kaluluwa nanaman ang dadating para bwisitin ako eh!

***

TBC.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status