NAPAGTANTO NINA Karadine at Yvo na wala na ang sasakyang ginamit nila nang mismong tumakas sila sa mansyon. May nakapagsabi rin sa kanila na nagawa iyong dalhin ni Renato dahil may duplicate key pala ito ng sasakyan. Kaya naman labis ang pangambang nararamdaman ngayon ni Karadine dahil na rin sa mas may maisisisi ang kaniyang ama kay Yvo kapag dumating ang araw na nagharap sila nito. Makalipas nga ang ilang araw ay nagdesisyon si Yvo na mamasyal silang dalawa. Subalit ang takot na nararamdaman ni Kara noong nakaraang araw ay sadyang hindi pa rin mawala. "Yvo, sa sitwasyon natin ngayon, hindi ba't mali na mamasyal tayo dahil baka may makakita sa atin na isa sa mga tauhan ni papa?" katwiran niya sa kasintahan na ngayon ay pinipilit maging matapang sa kabila ng kanilang kinakaharap na problema.Hinarap siya nito at sinabi, "Kara, kung paulit-ulit tayong magtatago, parang habang buhay lang din nating tatakasan 'yung problema. Kara, ayokong habang buhay na ganito ang sitwasyon natin. Gus
NAGULANTANG ang lahat sa malakas na boses ni Renato bago pa man sumapit ang gabi. "Pambihira! Nasaan na ang mga 'yon?" Walang nais na sumagot sa mga tinugon nito at sa halip ay nagpatay malisya lamang ang grupo nila Renzo. Sa katunayan ay tagumpay ang naging plano nilang pagpapaalis sa mga bagong tauhan ni Renato, at inaasahan na nilang ganito ang magiging reaksyon ng amo kapag napagtanto nitong ipinagkanulo naman ito ng mga pinagkatiwalaan nitong mga tao. "Wala bang nakakarinig sa akin?" Doon lang nagsimulang sumagot si Renzo. "B-boss, wala na po sila." "Ano? Paanong wala?" "Umalis na po sila at iniwan ang kanilang mga trabaho. Siguro ay napagtanto nilang wala silang mapapala sa ganitong uri ng trabaho." Nakita nila ang pagkuyom ng kamao ni Renato at walang alinlangang isinuntok iyon sa isang kwadradong lamesa. " Kung ganoon ay pinatunayan lang nilang mga taksil sila!" Kapagkuwa'y nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa kanilang apat. "Umamin nga kayo sa akin, tulad n'yo rin
HINDI PA rin makakuha ng tamang tsempo sila Renzo upang tuluyang iwanan ang kanilang trabaho at para magbagong buhay na lang hangga't hindi pa napagbabayaran ni Renato ang mga kasalanan nito sa batas. Sa katunayan ay nakapagbigay na ng impormasyon sina Yvo at Karadine sa mga pulis at hinihintay na lamang nila na maglabas ng warrant of arrest ang Eldefonso city jail. Buong akala nila Yvo ay umaayon na sa kanila ang pagkakataon, subalit ilang araw lang din anf lumipas, kung saan ay ang araw na naglabas ng warrant of arrest ang Eldefonso city jail ay isang hindi inaasahang pangyayari ang nangyari sa pabrika. Iyon ay nang muling lumantad ang mga dating tauhan ni Renato Monteza na sina Rudolph, Max, Alejandro at Trevor. Bagay na ikinagulat nina Renzo, Fernando, Joey at Billy. "Ano pang ginagawa nila rito?" tanong ni Fernando sa kawalan. "Bakit pa sila nagbalik?" ganting tanong din naman ni Joey.Samantala'y wala mang imik si Renzo ay lihim na napapakuyom ang kamao nito dahil sa hindi pa
INISIP NANG mabuti ni Renzo kung saang bahagi pa ng pabrika sila hindi nakakapunta. Hanggang sa maisip niya na mayroon pa silang hindi napupuntahan at iyon ay ang basement. Napansin niyang tila may kakaiba roon dahil sadyang hindi maayos ang pagkakasara ng manhole. Naisip niya na buksan iyon at saka niya naman sinenyasan ang mga pulis na sundan siya. Nang mabuksan niya iyon ay saka niya pinasok ang basement. Sinuyod niya ang matarik na hagdan hanggang sa hindi niya inaasahan ang kaniyang makikita.Na nakahalandusay si Yvo sa sahig habang duguan at wala nang malay."Yvo? Sinong may gawa nito sa'yo?" nag-aalalang tanong niya kahit imposible namang masagot siya nito. "T-tulungan n'yo siya, chief, capt!" Nang makita rin ito ng mga pulis ay saka ang mga ito tumawag ng mga rescuer. Napabuntong hininga siya nang malamang may pulso pa si Yvo. At sa pagkakataon na 'yon ay malakas ang kabog ng dibdib niya dahil kahit anong oras ay p'wedeng mawala ang matalik na kaibigan niya. Todo dasal siya n
YUMANIG sa kabuuan ng mansyon ang malakas na boses ng mga taong nagra-rally sa labas. "Bakit ang ingay naman?" Bulalas ni Margaret na saktong nagdidilig ng mga halaman nang sandaling iyon. Sa katunayan ay nagpresinta siya kay Simon na siya na ang magdidilig ng mga halaman sa hardin at para na rin makapaglakad-lakad siya ngayong kabuwanan niya na."Anong nangyayari?" tanong ni Aleng Francia na narinig ang malakas na sigawan." Hindi nakasagot si Margaret dahil wala rin naman siyang ideya kung saan nagmumula ang galit ng mga tao. Hanggang sa nalinawan sila pareho ni Aleng Francia sa mga narinig. "Ibigay ang huling sahod! Ibigay ang huling sahod!" Paulit-ulit na sigaw ng mga tao. Nang pagmasdang mabuti ni Margaret ang mukha ng mga ito ay napagtanto niya na ito ang mga dating empleyado sa pabrika, at nagra-rally ang mga ito dahil hindi naibigay ang kanilang huling sweldo simula nang ipasara ito. Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Tamara na halatang napilitang harapin ang mga ito. "Hoy!
SA KABILA nang mga pangit na nangyari sa kanilang pamilya ay unti-unti namang nasolusyunan nina Tamara at Andrew ang kanilang problema sa mga dating empleyado ng pabrika. Kaya naman naibigay na nila ang huling sahod ng mga ito. Ito ay dahil walang pag-aalinlangang ibinalik sa kaniya ni Andrew ang pinaghatian nilang pera at sa halip ay naisip nito na mag-ipon na lang ayon sa kaniyang pinagpaguran. Sa ngayon ay nagtatrabaho si Andrew bilang security guard sa isang subdivision kung saan ay malaking tulong naman ang kinikita nito upang makapagbigay sustento sa kanilang anak ni Margaret na si Baby Marvin. Sa kasalukuyan ay unti-unti rin ibinabalik ni Tamara ang mga perang nakuha niya mula sa pabrika. Naisip niya kasing itayo ng negosyo ang natira sa kaniyang pera upang lumago iyon at may pagkuhaan kung kinakailangan ng gastusin para kay Yvo. Masaya siyang magkaroon ng sariling water station na malaki ang naitulong sa kaniya. Isa na yata sa tamang desisyon na nagawa niya sa buhay."Sa wakas
"Napakaganda niya, Karadine! Manang-manang sa'yo!" masayang wika ni Rosanna para sa best friend niya habang karga-karga nito ang bata. Katulad ni Isabel ay nag-volunteer din ito na magbantay kay Karadine sa hospital. Bagama't nanghihina pa mula sa panganganak ay tipid na napangiti si Karadine. "Maaari ko bang mayakap muli si Baby Yvanna?" "Yvanna ang ipapangalan mo sa kaniya?" tanong ni Rosanna. "Oo, Rosanna. Kahit sa pangalan man lang ay masabi kong buhay na buhay pa rin si Yvo mula sa katauhan ng anak namin." "Oo nga, 'no? Parang girl version din siya ni Yvo, ang tangos ng ilong kahit baby pa lang, e!" Hindi napigilang mapangiti ni Karadine. "Kung nabubuhay lang sana si Yvo, masayang-masaya siguro siya na makita ang anak niya.." "Hay, Karadine, 'wag mo na munang i-focus ang sarili mo sa kalungkutan. Ang importante ngayon ay kasama mo si Baby Yvanna, bilang isang magandang alaalang iniwan sa'yo ni Yvo." "Ewan ko ba, Rosanna. Parang pakiramdam ko kasi ay nandito pa rin si Yvo,
KILALA ang pamilya Monteza sa bayan ng Eldefonso bilang isa sa pinakamayamang pamilya. Dahil dito ay tinitingala sila ng kanilang mga kababayan. Subalit, lingid sa bayan ng Eldefonso ang dahilan nang biglaang pagyaman ng pamilya Monteza. Dahil na rin sa ipinagbabawal na gawain ay nagkaroon ng mataas na respeto mula sa mga tao ang pinuno nitong si Renato Monteza mula sa mga tauhan nito na umaasa rin ng magandang kabuhayan. Kung saan ay bumuo ito ng isang grupo na kung tawagin ay Mochizet. Subalit, dahil na rin sa matikas na pangangatawan at angking kagwapuhan ni Renato Monteza ay nagkaroon ito ng maraming anak sa iba't ibang babae sa pagkabinata. Tatlong anak mula sa iba't ibang ina nabuo sina Tamara, Isabel at Margaret. Subalit ang tunay nitong asawa na si Florida Monteza ang siyang kinakasama nito sa mansyon kasama ang kanilang unica hija at tagapagmana na si Karadine Monteza.Kilalang matapang na tao si Renato Monteza, ngunit may busilak din na kalooban. At kahit binuhay niya sa ile