Si Klarissa Salcedo ay lumaki sa Tondo. Musmos pa lamang ay pagnanakaw na ang naging hanap buhay nito. Salat sila sa pera at madalas na kumakalam ang kanilang sikmura kung kaya't laging mahigpit ang kanilang sinturon. Ngunit kailangan niyang tanggapin ang katotohanan ng malaman niyang mayroon siyang malala na karamdaman. Sinikap niyang maghanap ng disensteng trabaho upang tustusan ang pangangailangan nila, ngunit makikita niya ang sarili niya sa pagitan ng buhay at kamatayan, tungkulin at kalayaan, pag-ibig at pagtataksil. At nang malaman niya ang sikreto ng kanyang kasintahan, dapat niyang matutunan ang magpatawad at mahalin ang kanyang sarili bago mawala ang mga taong mahalaga sa kanya.
View More"You will wander through the dense forest of this island for 3 days, inside this cylinder jar are sticks that have a number from one through five on its end. You'll be teamed up with a stick that holds the same number as yours," paliwanag ni Lt. Shackelberg. "Now, we shall begin. Pick your sticks and do not show it yet," dagdag pa niya."Those tools in the field are not made for hunting," wika ni Fritz."It's for surviving. Before you choose your weapons, you have to wear these bracelet trackers, so that we can find your body— I mean you." Sagot ni Lt. Shackelberg.Naglakad papalapit ang isang lalaking cadet na may hawak na box at lumapit sa kanila isa-isa upang ibigay ang kanilang bracelet trackers. Marahan nilang isinuot ang mga ito at isa-isa itong umilaw, pahiwatig na activated na ang mga bracelet trackers at lahat ng ito ay gumagana."Ngayon, tignan naman natin ang makakasama niyo sa exercise na ito. Tatawagin ko ang inyong numero at kayo ay aabante ng isang hakbang kung hawak n
[YEAR 2012]Dalawang taon bago magsimula ang Ukranian War, nagkakaroon na ng kaliwa't kanang balikatan dahil sa nabubuong tensyon mula sa pagitan ng Russia at Ukraine. Inatasan ng kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na bumuo ng isang private squad na mayroon lamang sampung miyembro, inaasahan na sa loob ng limang taon na pagsasanay ay maipapadala na sila sa Ukraine upang tumulong sa tumataas na tensyon sa pagitan ng dalawang bansa. Naging masugid sa pagpili ng mga miyembro and Department of National Defense, pumili sila ng sampu sa private first class, isang lieutenant, at isang captain para sa private squad. Ang progress ng mga report ay diretsong matatanggap ng General dahil classified na misyon ito.Pagkalipas ng isang Linggo, tinipon ang sampung private first class at inilipad sa isang isolated na isla sa Palawan. Malakas ang hampas ng nagngangalit na dagat sa bangin ng isla. Tanging helicopter o mga sasakyang panghihipawid lang ang tanging paraan para makapasok at makaalis sa isla.
Lagi akong may napapanaginipan. Tila isang pelikula na nagsisimulang rumolyo mula pagpikit ng aking mga mata, hanggang sa kahimbingan ng aking pagtulog, at magtatapos sa pagmulat ko. Iisa lang ang palaging laman nito, pinapanood ko ang sarili kong hinahabol ng isang anino hanggang mahulog ako sa isang malalim na bangin, doon ko gugulin ang walang hanggan, hanggang sa magising na lang ako nang nanginginig sa takot. Parang pahiwatig ng isang unos na naghihintay.Ginising ako ni Sly sa mahimbing kong pagkakatulog. Tila hindi karaniwang naglalawa ang pawis ko sa buong katawan, basang-basa ang dibdib ng suot kong mahabang pulang dress na tila inilubog sa tubig, sobrang lagkit sa pakiramdam. Pinunasan ko na rin ang mga laway na kumalat sa aking pisngi, kinuskos ko ang aking mga mata upang maaninag ang paligid. Dahan-dahan akong tumayo at bumalik sa dati kong pwesto upang muling mag-bantay sa mga hostage. Sa kasalukuyan, winawagayway na nila ang puting bandera na simbolo ng pagsuko ng aming
Kinabukasan, suminag na ang araw hudyat ng pagsisimula ng totoong heist. Ang mga taong pinili ang kalayaan ay pinasuot ng mga jumpsuit, baclava mask, at binigyan ng mga pekeng baril. Pinapwesto silang muli sa mga bintana upang maiwasan ang anumang muling pag-atake. Ang mga pumili ng kalayaan ay isa-isang palalabasin sa gusali, ang tulong nila ay hindi na kakailanganin sa buong heist, at wala silang salaping matatanggap pagkatapos ng misyon na ito. Malugod nila itong tinatanggap, bukal sa kanilang puso ang malaya nilang pagpili, at may dignidad silang lalabas sa The Heimz, ang kontrobersyal na pinaka-malaking heist sa buong Pilipinas. Sinenyasan ako ni Sly na lumapit sa kanya. Matulin ang mga naging hakbang ko palapit sa kinatatayuan niya, marahan siyang bumulong, at inutusan akong pagalawin na ang mga bago naming miyembro sa heist upang simulan na ang pagkuha sa mga alahas. "Makinig kayo!" sigaw ko. "Magsisimula na ang pinakahihintay nating lahat. Ang pinaka-payapang araw sa buong
Kinabukasan, maagang ginising ang mga hostage upang ayusin ang kanilang sarili. Isa-isang pinapasok ang mga ito sa banyo upang maka-ligo at makapag-ayos gamit ang hygiene kits na nasa bag. Ang iba ay mabilis lang naglinis, ang iba naman ay matagal, at ang iilan ay mangiyak-ngiyak pa dahil sitwasyon na kinatatayuan nila.Mabilis na lumipas ang oras, at nalalapit na rin ang araw ng pagtatapos ng heist. Dapat mabilis, sigurado, at tantiyado ang bawat minuto. Nakakasiguro si Golden na anumang oras aatake na ang pwersa ng kapulisan. Nais nila itong tapusin agad dahil dumarami na ang media, at nakukuha na rin namin ang atensyon ng internasyonal na pahayagan. Lumalawak na ang taga-panood ng pinaka malaking heist sa Pilipinas. At kailangan naming makuha ang simpatya ng madla. Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay, ang lahat ay nasa pinaka maayos na nilang itsura. Inilinya naming muli sila nang pahalang at nag-antay ng mga susunod na hakbangin. Samantala, tahimik at dahan-dahan ang pagbaba n
Bago magsimula ang heist, naunang pumunta ang aming mga kasama sa van, habang naiwan ako at si Golden. Niyakap niya ako nang mahigpit at naramdaman kong tumutulo ang luha niya habang yakap-yakap niya ako. Hindi ko maintindihan pero nakaramdaman ako ng kaginhawaan sa init ng yakap niya. Yakap na matagal ko nang hinahanap-hanap, ang kalinga ng isang ama na pagkatapos ng labing walong taon ay ngayon ko lang naramdaman.Pakiramdam ko ay ligtas ako at walang kahit anong makakapanakit sakin. Unti-unti siyang kumawala sa pagkakayakap at hinubad ang kwintas na kanyang suot, marahan niyang isinuot ito sa aking leeg. "Kwintas ng Buhay ang tawag dito," sabe niya habang hinihimas ang kwintas na suot ko."Nagmula pa yan sa mga nauna mong lolo na pinasa lang din sakin. Tingin ko, mas bagay na siya sayo ngayon na matanda ka na. Dalaga na ang prinsesa ko. Sorry anak sa buhay na binigay ko sayo. Patawad sa lahat ng naging kasalanan ko sayo, sa lahat ng pagkukulang ko bilang ama. Huwag mong iwawala 'y
Bumulahaw ang malalakas na sigawan na siyang nagpatikwas sakin mula sa pagkakatulog. Araw-araw na lamang ang maririnig mo ay, "hoy, magnanakaw!" o hindi kaya ay, "P*tanginamo, ano yung chinichismis-chismis mo?!" Isa na lang itong normal na ganap dito sa Tondo. Lalo na sa lugar kung saan ako kasalukuyang nakatira. Ang gulanit-gulanit naming bahay na gawa sa karton at trapal ay nakatirik sa harap ng nakakasulasok na kanal. Madumi, mabaho, at pestehin ng mga daga at ipis. Nakalakihan ko na ang ganitong tirahan, kaya 'di na ko mag-iinarte.Pagnanakaw, pananalisi, at pangloloko ng tao ang kabuhayan dito. Pero meron namang mga disente ang trabaho tulad ni Mang Tan na naglalako ng taho. Mas mabuti na yon kesa magnakaw. Pangako ng gobyerno, magbibigay sila ng trabaho. Pero wala eh. Ilang taon na ang nagdaan, at ilang pangako na ang 'di natupad kaya naman tuloy sa pagnanakaw. Aanhin mo naman ang moral kung kumakalam na ang sikmura mo diba? At kung buhay ang Diyos, hahayaan niya bang magutom an
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments