Love is more than just an emotion. You can feel it but you can't explain what truly it is. It just happened. It only takes a snap of fingers or blink of an eye to fall in love with someone. It do not require too much time to like a person.Two people with different set of attitudes destined to meet each other in a very odd situation. One is being already fallen and the other one is about to fall. One is already broken but the other one is still raw and whole. Yumi Illona Perez, a man-hater, who was stuck up in a situation of being the master of Rave Castillo, the Prime Master or popularly known as the Campus King of Kingston High University. Their ‘master-slave relationship’ all started with a deal. They made rules to keep the boundaries between them. But, it's true that love conquers all. It has no territories nor boundaries.Is there any chance that they will deeply love each other despite of their differences? He is sweet. She is bitter. He has a warm heart. She is cold-hearted. Love acts in a very strange way. So be prepared when you fall in love. “Is it necessary to love with a reason? If you love someone, then there should be no reason at all. Dahil kapag may dahilan at sa sandaling mawala ito, hindi mo na mahal 'yong tao. It is not called love anymore.”- Rave Castillo
View MoreDiretso lang ang aking tingin habang naglalakad. Ang dami kasing tao. Mahirap na't baka mamaya ay may mabunggo pa ako. Nasa mall ako ngayon kasama ang aking kaibigan. Katatapos lang naming kumain sa isang fast food stall. Abala ako sa pag-ubos ng aking coned ice cream habang hawak-hawak naman ng aking isang kamay ang mga pinamili kong gamit sa school.
“Uy beshie, tara do'n. Marami akong nakitang mga magagandang heels at sandals sa shop na iyon,” ani ng balahura kong kaibigan at bago pa man ako makapagsalita ay nahigit na njya ang aking kamay papunta sa sinasabi niyang isang shoe shop. Wala akong nagawa kundi magpatianod sa kanya. Muntik pang matapon ang kinakain kong ice cream sa aking blouse.
Ano ba ‘yan! Kung hindi ko lang best friend ang bruhang 'to, masasabunutan ko talaga siya. Hinayaan ko na lamang siya at sumunod sa kanyang yapak papasok ng shoe shop at tuluyan nang inubos ang aking pagkain.
My friend is too obsessed of collecting sandals with killer heels. Well, as long as she’s happy, I’m going to support her. Naging impulsive buyers na tuloy kami pero ayos lang.
Wala naman kasi sa budget namin ang bumili ng kung anu-anong abubot sa katawan. Ang sadya lang naman namin dito sa mall ay bumili ng mga school supplies na gagamitin namin bukas. First day of school kaya heto, nagpapakaestudyante na naman kami. Ang kaso dakilang shoppaholic itong kasama kong bruha. Hinayaan ko lang siya na pumili ng mga gusto niya. Wala naman akong alam pagdating sa mga sandal at sapatos kaya pumirmi nalang ako sa isang tabi. I am contented with my flat shoes. And besides, I don’t care about fashion. I am okay with simple plain t-shirt, jeans and sneakers.
By the way, I am...
“Yumi Illona Perez, nakikinig ka ba sa akin? Kanina pa kita kinakausap! Saan dito ang mas maganda? The brown one or the red one?” reklamo sa akin ni Lucy at saka nagtanong kung anong heels ang nababagay sa kaniya. Kailangan talagang full name ko ang bigkasin niya? Well, yes. That’s my beautiful name.
“Yumi Illona Perez, 18, hailing all the way from Sta. Mesa, Manila. I am asking you which of the two is better,” pangungulit sa akin ng aking aking kaibigan. At ngayon naman ang aking edad at address ang sinabi niya. Ano pang susunod?
Napaikot na lamang ako ng mata sa kaniya at sinagot ang kaniyang katanungan. Alam niya namang wala akong hilig sa mga ganiyan kaya bakit sa akin siya magtanong?
“The red one,” I answered her out of boredom.
“Okay, I’ll go with the brown one. Miss, I’ll buy it,” she uttered.
“Nagtanong ka pa. Hindi mo rin naman pala iko-consider 'yong choice ko,” litaniya ko sa kaniya saka muling pinaikot ang aking mga mata.
“Haha! Sorry na po. Alam ko kasing hindi ka marunong pumili kaya taliwas sa pinili mo ang kinuha ko,” she explained then giggled. Whatever!
My best friend branded me as 'the bitter princess’. It’s not that I don’t believe in love, destiny and the likes. It’s just that I am taking precautionary measures to avoid pain and heartbreaks. Sometimes, we broke because we loved. Wait, why I am explaining things like these? Whatever! More than that, I have nothing to say about myself.
"Hey, are you okay? May bumabagabag ba sa'yo, beshie?” I looked at her with my usual blank expression. Well, she's my best friend, after all. She knows me well. She knows when I am lonely or happy.
Mabunganga siya at parang nanay kung tumalak. Pero mahal na mahal ko 'yan kahit minsan or madalas ay naiingayan na ako sa kanya. Minsan nga naisipan kong pasakan siya ng tissue sa bibig para tumigil sa katatalak sa akin. Pero siyempre di ko 'yon ginawa. And oh! Before I forgot, she is Lucy Madrigal.
I nodded my head lightly as a reply to her question. She, then, beamed a smile to me.
"Well, I guess it’s time for us to go home,” sambit niya na nagpangiti sa akin nang matipid. Muli akong tumango sa kanya bilang pagsang-ayon sa kanyang tinuran. Hindi ako palasalitang tao. I only talk when it is required to. Simple gestures are okay to answer questions. Simula kasi nang—nevermind. I sighed as I recall again that past I am trying to burry in the abyss of my mind. But, it seems that forgetting about it and moving on is not that easy. I shook my head to avert thoughts in my mind.
Pagkarating namin sa parking lot nitong mall, binuksan ko agad ang pinto ng kotse sa driver's seat at pumwesto doon para magmaneho. Samantalang 'yong kasama ko naman ay umupo sa likuran habang ine-enjoy ang mga pinamamili niyang hindi ko naman alam kung saan niya gagamitin. I am about to start the engine when we heard a loud intimidating sound out of nowhere. It’s a clear gunshot. But, I can’t determine where it came from.
"Beshie, putok yun ng baril ah! Mabuti pa't umalis na tayo dito. Baka madamay pa tayo kung sakali mang totoo ngang putok iyon ng baril,” tarantang wika ni Lucy at halata sa kanyang mukha ang kaba. Minarapat ko na lamang na paandarin ang sasakyan.
Out of nowhere, a guy wearing a black leather jacket with a hood crossed the way. Darn it! I almost bump him. Good thing, I managed to press the break with my foot. Magpapakamatay ba siya. Walang anu-ano ay kumatok siya sa bintana ng kotse at waring nagsasabing papasukin ko siya. He is suspicious. Should I let him in? Tumingin ako kay beshie para alamin kung ano nga ba ang dapat naming gawin?
"He is begging us to let him in. Beshie, papasukin mo na siya. Kawawa naman!" saad niya sa akin. I just nod and found myself opening the door for him. Hindi ko alam kung tama ba ang aking ginawa. Who knows? Baka mamamatay tao pala itong lalaking pinapasok ko sa loob ng aking sasakyan or worse isang rapist! Hingal na hingal siya at para bang may kung sinong humahabol sa kanya. Nagpalinga-linga siya sa paligid at mukhang inaalam kung may nakasunod sa kanya.
"Who are you?” I asked directly with my stern voice. Well, he’s creeping me out but I managed not to waver.
"It's not the right time to know each other, Miss," maangas niyang sumbat sa akin habang nakadungaw pa rin sa bintana.
What the—Eh, kung tadyakan ko kaya siya palabas ng sasakyan ko at iwanan nalang dito.
"Hoy lalaking alien na hindi ko alam kung saang planeta nagmula, 'pag hindi mo sinabi sa amin kung sino ka, sisigaw ako dito at sasabihing may rapist sa loob ng kotse ko,” pagbabanta ko sa kanya, mahihimigan ang pagkainis sa aking boses.
“Rapist agad beshie, hindi ba pwedeng iyong mas mababang kaso muna, tulad ng murderer o di kaya hold-upper?” pag-eksena ni Lucy at mukhang sinusumpong na naman ng pagkaloka-loka. Gaga talaga ng bruhang 'to, kahit kailan.
“Quiet, will you!” inis niyang sabi sa amin. Aba't ang kapal din ng apog ng lalaking ito. Taasan ba naman kami ng boses. This guy is getting to my tiny brain cells. He has the guts to insult me even more when in fact we’re the one who are helping him from a situation we should not be involved with.
"Help! Tulong! May ra--” Hindi natuloy ang pagsisigaw ko nang biglang tinakpan ng damuhong lalaking ito ang aking bibig na naging sanhi ng pagkakatanggal ng kanyang hood mula sa kanyang ulo.
Nakita ko ang halos kabuuan ng kanyang mukha. His brown seductive eyes get wider as he saw me. Ewan ko sa kanya. He has pointed nose, blood-colored lips, long eyelashes and wait—why am I describing his physical appearance?
“No, Yumi, stop describing him,” I reprimanded myself mentally.
Napaurong ako nang kaunti sa aking kinauupuan nang unti-unti siyang lumapit sa akin at nagtama ang aming mga paningin. Darn it! His lips and eyes are tempting. I can’t help it but to gulp. It only took for seconds but I saw a light twinkled in his brown seductive eyes. What was that? He looks thrilled seeing me. Is there any wrong with my face?
Inilapit niya ang kanyang mukha sa tapat ng aking tenga at binulong ang mga katagang nagpatindig sa aking mga balahibo.
"Shut up or else I'll kiss you!" he said seductively.
My jaw dropped literally with eyes opened widely.
I can’t believe it! Kiss me? Eh, kung ikiskis ko kaya sa makapal niyang pagmumukha itong kamao ko nang malaman niya kung ano ang kanyang mga pinagsasabi! This guy gives me goosebumps.
Ngumisi siya nang nakakaloko sa akin at saka bumalik sa dati niyang posisyon. Natahimik ako nang ilang sandali at tila ba nagpaulit-ulit ang kanyang sinabi sa aking isip.
"Shut up or else I'll kiss you!”"
Shut up or else I'll kiss you!”
"Shut up or else I'll kiss you!”
Those words are reverberating in my head. “No, Yumi, do not think of it. There’s no reason for you to be flattered.” I muttered good enough for me to hear it. But, darn! I can’t help it. My cheeks are burning. Am I blushing? I shook my head lightly to remove my nonsense thoughts.
Nakita ko namang napahawak siya nang bahagya sa kanyang tiyan. I saw blood in his right hand. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.
“Wait, you are bleeding,” pag-aalala ko at mahihimigan ang pagkataranta sa aking boses. Kanina pa ba siyang dinudugo sa tiyan? Why I didn’t notice it earlier? Maybe, I am just occupied by the thoughts of whether helping a complete stranger or not.
“What?” Maging si Lucy ay naalarma rin nang marinig ang aking tinuran. Kanina ay tahimik lamang siyang pinapanood kaming nagbabangayan ng lalaking nasa tabi ko ngunit ngayon ay nagiging praning na naman siya at hindi makalma-kalma ang sarili.
“Kuya, bakit hindi mo sinabi agad sa amin. Paano na lang kung mamamatay ka dito sa loob ng sasakyan ni beshie dahil naubusan ka ng dugo? Tapos paano kung kami ang pagbibintangang pumatay sa iyo at makukulong kaming dalawa? Paano na lang--”
“Shut the fuck up! I am not going to die, okay,” the guy firmly stated with irritation in his voice. Lucy got silent but after few minutes, she speaks again.
“Sorry na agad. Ang sungit mo naman, Kuya. Nag-aalala lang naman 'yong tao. I guess, kailangan ka naming dalhin sa ospital,” mahinhing wika ni Lucy.
"No, please don't. Mas mabilis nila akong mahahanap kapag dinala niyo ako doon," saad niya. Tila nangungusap ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko alam ngunit parang tinutunaw ang aking puso sa kanyang mga titig. I want to curse this guy badly. He’s doing something unconsciously that I hate.
Sino ba kasing tinataguan ng lalaking ‘to? Napapakunot na lamang ako ng aking noo dahil sa kuryosidad. Hindi naman siguro siya kasamahan ng mga sindikato dahil wala sa hitsura ang humihithit ng droga at palaging naka-high.
"Beshie, yung first aid kit. Pakiabot nga diyan sa tabi mo,” utos ko na siya namang agad niyang iniabot.
“Heto, gamutin mo 'yang sugat mo at pagkatapos ay makakaalis kana,” mariing sambit ko sa kanya. Inabot niya ang hawak ko habang nakapinta ang blangkong ekspresyon sa kanyang mukha.
“Wait, stop there!” pagpigil ko sa kanya habang itinataas ang laylayan ng kanyang damit. Tumalikod ako sa kanya dahil baka kung ano pa ang makita ko. What is up with this guy? He’s too innocent in doing things. I bet that he’s aware being with girls, and yet, he’s removing his shirt without telling.
“Tsk!” tipid niyang saad at narinig ko pa ang kanyang pag-iling. Naulinigan ko naman ang impit na paghagikhik ni Lucy sa likuran. Lumingon ako sa kanya at binigyan ng nakamamatay na titig. She gestured a 'peace sign' but keeps on smiling. She seemed like teasing me with this guy.
Kung sapakin ko kaya siya nang pabaliktad at naang tumino naman kahit kaunti lang. Ilang sandali pa, mukhang tapos na ng lalaki ang paglilinis ng kanyang sugat gamit ang alcohol at betadine at paglalagay ng bandage sa kanyang tiyan. Inabot niya sa akin ang first aid kit. Ibinigay ko ulit to kay beshie pero parang wala naman siya sa tamang katinuan dahil nakatulala lang ang babae.
"Now, you can--” Napatigil na naman ako sa aking sasabihin nang makita ko siyang nakahubad at nakapulupot ang kanyang jacket at damit sa kanyang tiyan. Speechless ako. His abs are seducing me. I can’t see his whole abdomen because of the jacket covering half of it. Ngunit may nagsasabi sa aking isipan na gusyo gusto kong makita ang kabuuan ng kanyang mabatong tiyan. Darn it!
“Ano bang pinagsasabi mo, Yumi? Tumigil ka nga, ang landi landi mo,” sita ko sa aking sarili.
Pero seriously, he is really bleeding. Medyo tumatagos pa nga ‘yong dugo niya sa kanyang jacket. Ganoon ba kalalim ang kanyang sugat?
Umiwas nalang ako ng tingin.
“Address?” I asked him. Hindi siya umimik. Lumingon lamang siya sa akin na may nakakunot na noo.
“Give me your address and I'll drop you there," paglilinaw ko sa aking tinuran kanina. Muli akong umiwas ng tingin sa kanya ngunit nakita ko sa aking peripheral view ang mga tingin niya sa aking para bang inuusisa ako. Bumuntong hininga siya at sinabi rin lang ang hinihingi kong impormasiyon sa kanya. Don’t get me wrong. I just want to end all of this. Mukhang ayaw pang ibigay,eh.
Sinimulan ko ng patakbuhin ang sasakyan. Naging tahimik lang ang biyahe. Nakakabinging katahimikan.
Inihinto ko ang sasakyan nang mapansin kong nakarating na kami sa tapat ng isang bahay este isang mansion. Yes. Indeed! It’s a big mansion. Nalululula ako sa laki. Napakalaki at napakalawak. Dito siya nakatira? Bumaba na siya nang wala man lang pakundangan. Pero ayos na rin ‘yon dahil ayaw ko nang marinig pa siyang magsalita.
Nakarinig naman ako ng pagkatok sa bintana ng sasakyan mula sa kanya. Ano na naman?
“What?” naiinis kong sambit.
“I owe you. What do you want in return?” usal niya sa akin.
“Hindi ako humihingi ng kapalit sa mga tulong na nagawa ko,” matigas na turan ko sa kanya.
“I have a proposal for you then. It's an exclusive proposal between you and me only. I am willing to be your slave if ever we meet again. Is it okay for you?”
Sounds interesting. I smiled devilishly
“Sure thing. It's a deal,” pagtugon ko ngunit alam ko namang hindi na kami muling magkikita pa. At kung mangyari mang magkita kaming muli, sorry not sorry, but I am going to make him my slave. It's unusual for me making deal with someone that is totally stranger.
“Okay, it’s a deal. Hope to see you again,” magiliw niyang wika ngunit hindi ko siya pinasadahan ng tingin. Isinara ko ang bintana ng aking kotse at sinimulang paandarin ang makina ng sasakyan.
“Rave! I am Rave Castillo, by the way!” he shouted but, I can’t clearly hear what he’s saying. I just beeped my car to answer back before speeding up the engine.
I want to rest. I’m tired. I miss my bed. I sighed as a sign of relief. That guy has a nerve. It’s my first time meeting a guy like him in a very odd situation. Nakita ko naman sa rear mirror si Lucy na pangisi ngisi pa. Baliw talaga ‘to. Hindi ko nalang siya pinansin at itinuon na lamang ang aking atensyon sa pagmamaneho ng sasakyan.
’PAGKAPASOK pa lang ng sasakyan ni Rave sa malaking gate, halos lumuwa na ang aking mga mata dahil sa tanawing bumungad sa amin. Bahay pa ba itong matatawag o papunta na sa palasyo?Ang liwanag ng buong paligid. May malaking fountain sa gitnang harapan ng kanilang bahay at sa magkabilang side nito ay nakahilera ang mga naglalakihan at naggagandahang halaman na sa tanang ng buhay ko ay ngayon ko lamang nakita. May maliit na playground din sila at ang nakapalibot na mababang bakod nito ay napapalamutian ng mga kumukuti-kutitap na Christmas lights.Napaigtad ako sa aking kinauupuan nang pagbuksan ako ni Rave ng pinto. “Hindi ka pa ba bababa?” tanong niya sa akin.“Ah, sorry! Nakakamangha kasi ang mga nakikita ko ngayon kaya nawala ako sa tamang huwisyo,” hayag ko sa kaniya.“Hindi ka pa ba nasasanay sa mga nakakamanghang baga
LUMAPIT si Rave sa lalaking may hawak ng baril ngunit mabilis na tinutukan siya nito ng armas na hawak. Ibinaba niya ang lahat ng hawak niyang shopping bag na naglalaman ng mga pinamili ni Elisa at saka itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay bilang pagsuko at senyales na hindi siya manlalaban sa lalaki.“I’ll give all you want. Binayaran ba kayo para gawin ito? Sabihin niyo sa akin kung magkano at dodoblehin ko ang binayad niya sa inyo. Just leave Yumi and Lucy alone,” pagkausap ni Rave sa lalaki. “Rave, you can’t be serious. Don’t gamble your parents’ money for us. Kung tungkol sa aming dalawa ’to ni Lucy, labas ka na—” Agad akong napatigil sa pagsasalita nang sumabat siya sa akin.“You’re wrong. I am living with my own money. I don’t ask even a single coin from them. Anyway, what do you expect
NAPATINGIN ako sa orasang nakasabit sa itaas ng whiteboard. Malapit na naman palang mag-uwian. Ilang minuto pa ay tumunog na ang buzzer. Nagsimula namang umingay ang iba kong mga kaklase at mukhang kanina pa sila sabik na umuwi. “Tara na, Beshie,” aya ko kay Lucy matapos iligpit ang mga gamit ko sa loob ng aking bag. Tumango naman siya sa akin at saka tumayo na rin.Pagkalabas namin ng classroom, bumungad naman sa amin si Elisa na hinahanap si Rave. Hindi pala magkadugo ang dalawang ’to. Magkapatid lang ang turingan nila dahil nakatira sila sa iisang bahay. Ang ina ni Elisa ay si Miss Velvet—ang principal ng paaralang ito— at siya ang pangalawang asawa ng ama ni Rave.Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Rave habang nakapamulsa ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang pantalon. Acting cool, huh?“Kuya, ma
“SAYANG, wala man lang kayong picture nang magkasama kahapon, Beshie. Ang daya-daya niyo naman, eh. Hindi niyo man lang ako naisip na naiwan sa guidance office at iniwan na lang doon. Pero okay na rin iyon. At least, walang umabala sa first date niyong dalawa ni Fafa Rave,” mahabang litaniya ni Lucy sa akin at saka parang kinikilig pa ang bruha. Ano naman kayang nakakakilig do’n?“Anong date date na pinagsasabi mo diyan, Lucy? That was just—”“Nope! According to my beautiful braincells, date is when a teenage guy and girl spend time together happily. And you two seemed happy with each other’s company yesterday,” she gushed, immediately stopping me from speaking.I just rolled my eyes. There’s no help arguing with her furthermore. She’ll just piss me off. Well, that’s Lucy Madrigal for you. Wala na akong nagawa
NASA ILALIM kami ngayon ng isang malaking puno ng Acacia. Lumabas kami ng bahay kanina ni Rave matapos mananghalian upang magpahangin at ipasyal daw ako sa iba pang bahagi ng lugar na 'to. Ang tahimik nga talaga dito. Siguro napakalungkot manirahan dito nang mag-isa."Ano nga pala iyong ikukuwento mo sa akin? Go on. I'll listen," pagbasag ko ng katahimikang namamayani sa pagitan namin."Ah, that one. Sorry, I almost forgot. But... do you wanna really hear my story?""Sige lang. Makikinig lang ako," I insisted. He nodded. He stretched his hands then put them backward against the ground."My Mom died two years ago," panimula ni Rave.Mababakas ang kalungkutan sa kaniyang boses habang nagsasalita. Napatigil ako dahil sa pagkabigla. Hindi ko inaasahang sa ganitong linya niya sisimulan ang kaniyang kuwento. Gano'n pa man, mataman lamang akong nakatingin sa kani
TAHIMIK LAMANG akong nakaupo sa likod na bahagi ng sasakyan ngayon ni Rave. Saan naman kaya kami pupunta? Wala naman akong karapatang magreklamo ngayon dahil pumayag akong dalhin niya ako sa kung saan man yang sinasasabi niyang tahimik na lugar.Mabilis lang ang pakikipag-usap niya kanina sa guard at agad na pinayagang lumabas dahil nga siya ang Prime Master ng paaralan. Ang unfair lang, eh. Samantalang noong kami ang nagpaalam ni Lucy sa guwardiyang ’yon, hindi kami pinayagan at in-attitude-an pa kami. Anyways, nakaraan na ’yon. Focus tayo sa present.Naputol ang pag-ra-rant ko sa aking isipan nang biglang tumikhim si Rave para kunin ang aking atensiyon.“Malapit na tayo,” wika niya.Napaangat naman ako ng aking ulo at dumungaw sa bintana ng sasakyan. Ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa lugar na sinasabi niya. Nauna siyang bumaba ng kotse
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments