Share

Kabanata 007

Author: Roxxy Nakpil
last update Last Updated: 2024-11-01 13:01:00

CLAIRE:

2 HOURS EARLIER

"Good Afternoon Sir Ricky. May kailangan po ba kayo kay Sir Edward?" nagtataka kong tanong. Alanganing oras na kasi para umakyat ito sa taas at makipagpulong sa aking amo.

"ah wala naman. Na bored lang ako tutal malapit na din naman ang uwian. Ano bang ginagawa ng boss mo?" tanong niya sa akin

"naku Sir ewan ko, ang daming report ang ginagawa ko ngayon." sagot ko sa kaniya

"kamusta naman ang amo mo? kamusta si Edward bilang amo? naka anong base na siya?" tanong niya sa akin. Napataas ang kilay ko sa pagtataka.

"anong ibig niyong sabihin hindi ko kayo maintindihan." matalino ako pero minsan na slow talaga ako sa ibang mga usapin lalo na at hindi related sa trabaho.

"ibig kong sabihin hindi ka ba na-attract sa amo mo? Matagal ka na din dito himala nagtagal ang sekretarya ni Edward ng walang reklamo. At himalang nagtagal ka ng hindi man lang nahuhulog diyan sa amo mo” direktahan niyang tanong sakin “alam mo bang halos magkandarapa ang mga kababaihan para lang mapansin ni Edward at makita siya. Samantalang ikaw parang wala kang pakielam.” Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi. Kung alam niya lang na sawang sawa na siyang makasama ito. Sa bahay at trabaho halos 24/7 niya itong nakakasama.

"naku Sir hinding hindi ako magkakagusto diyan. Ayoko sa babaero. Kilala mo naman si Boss. Saka hindi din ako ang tipo niyang babae. Kaya malabo yung sinasabi niyo.Wala din sa plano ko ang magpadale kay Sir Edward susme baka mahawaan pa ko niyan ng sakit, kung sino sino na lang ang babaeng kinakalantari. Naku Sir wag niyo kong isusumbong baka tanggalin ako bigla. Saka focus din po kasi ako sa goal ko malaki laki pa ang kulang ko para sa pinag-iipunan ko. Wala akong time sa lovelife " seryoso kong sabi sa kaniya habang patuloy lang ako sa ginagawa kong report.

"hahaha, as you said. Pero mag iingat ka kay Edward matulis yan. Walang babaeng hindi nahuhumaling sa amo mong yan, I'm glad at hindi ka pa umaalis ang dami ng nagdaan na sekretarya dito. " mapang asar niyang sabi sa akin.

"naku Sir wag niyo ng ipilit sa akin si Boss. " maiksi kong tugon sa kaniya.

"Kung ayaw mo kay Edward ako na lang ang manliligaw sayo. Mabait naman ako, gwapo din naman kaya lang syempre walang wala ako kung si boss na ang didiskarte sayo." pangisi ngisi niyang sabi.

"hahaha, naku lang Sir my focus is my job. Wala ng iba." direktahan kong sagot sa kaniya.

"oh siya, nabobored ako sa opisina ko. Gusto mo bang pag tripan nating yan boss mo? Tutal malapit na din namang mag-uwian" nakangising tanong niya sa akin.

"baka naman si-santihin ako ni boss." natatakot kong sabi kulang pa ang pera kong iniipon para makuha ko si Ate Christy. Kaya hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Hindi lang kasi ang OJT ko ang magkakaproblema kung sakali. Siguradong paalisin ako nito sa paninilbihan sa kaniya sa kaniyang bahay kung nagkataong mainis ito sa akin.

"hindi yan akong bahala. Wala ka namang gagawin na grounds para tanggalin ka niya. Anong magiging kasalanan mo?! basta kunwari hihimasin kita sa braso mo tapos tatawa ka lang. Inisin lang natin si Edward." makalokohan niyang sabi sa akin. Napapangisi siya sa kanyang sinasabi.

"ikaw bahala Sir, hindi naman yun magagalit. Ano namang pakielam sakin ni Sir Edward. Close na close talaga kayo ni Sir Edward noh? buti hindi ka napipikon sa kaniya sobrang bugnutin e" natatawa ko na lang na sagot sa kaniya. Sa isip isip ko anong pakielam ni Sir Edward sakin. Ang layo ko sa mga babaeng nakakatalik niya. Puro seksi at mapoporma ang mga ito.

"hindi naman since high school kasi ng lumipat sila dito sa Manila naging mag-kaklase na kami hanggang mag college kami palagi na kaming magkasama. Kaya kilalang kilala ko na yang si Edward. Haha bawat kilos at pananalita niya ay alam na alam ko.

“Oh pano Sir, sabi sa inyo walang pakielam yan. Mag aayos na po ako mag uuwian na din naman, maiwan na po kita” sagot ko kay Sir Ricky

“Pauwi na din ako . Mauna na ko, ingat ka pag uwi mo.” Sabi niya sa akin

Habang nasa loob ako ng banyo ay sumagi sa isip ko ang ideya ni Sir Ricky tungkol sa sinabi niyang pagpapa-selos namin kay Sir Edward. “Hayy Claire masyado kang ambisyosa kahit kailan hindi ka magugustuhan ni Edward malayong malayo ka sa mga babae niya. Wag ka ng umasa” sigaw ng aking isip sa aking sarili. Natawa na lang ako at napapailing habang nakatingin sa tapat ng salamin sa loob ng banyo. Sinasadya kong iwasan si Edward dahil noon pa man ay crush na crush ko na siya. Ayokong mahulog ako sa mga paandar niya dahil maiiwan na naman akong luhaan kagaya ng pangako niyang napako noon ng sabihin niya sa aking bibisitahin niya pa rin ako sa probinsya kahit na sa manila na siya maninirahan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 346

    Tumingala siya sa akin ng may luha sa mga mata pero may ngiti sa labi.“Hinding-hindi mo iyon pagsisisihan, Arthur.”Yumakap siya nang mahigpit. At sa gabing iyon, wala nang multo mula sa nakaraan. Wala nang pangambang dadalhin. AFTER THREE MONTHSMula ng araw na kinausap ko si Andrew. Isinagawa ko na ang planong ito, ang araw na magbabago sa maling umpisa ng pagsasama namin ni Frances. Kasama ko sa pagbuo ng planong ito ang kapatid niyang si Frank. Nag-send ako ng message kay Frances. “Love, hindi kita masusundo ngayon. Busy ako sa work. Susunod na lang ako sa tagaytay.Si Frank na lang ang susundo sayo pero pramis susunod ako sa dinner out natin. Maliwanag pa rin naman kahit na 5pm na.” Agad naman siyang nag reply sa akin. “Ah, ganuon ba? Okay love, pero sana makasunod ka!”“Oo love, susunod ako”Pagtapos noon ay tinawagan ko na si Frank. Sinundo na niya si Frances habang ako ay naghihintay na sa Tagaytay. Sinigurado ko ding nakaayos na ang lahat.Ilang minuto ang nakalipas a

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 345

    ARTHUR POVHindi ako palasalita. Hindi ako katulad ni Andrew na kayang ipagsigawan ang nararamdaman niya, kahit sa maling paraan. Ako ’yong tipo ng lalaking hindi kailangang magsalita ng marami para iparamdam kung gaano ko kamahal ang isang tao.Pero huwag mo akong subukan. Dahil kahit tahimik ako, hindi ako papayag na mawala si Frances sa akin. Nalaman ko mula sa receptionist. Ilang beses na raw nagpapabalik balik si Andrew sa opisina ni Frances. Sabi pa nga, minsan may dalang kape. Minsan bulaklak. Akala siguro niya, kapag pinilit niya nang paulit-ulit, babalik sa kanya si Frances.At kahit hindi ako marunong makipag-agawan, marunong akong tumindig sa para sa taong mahal ko. Kaya simula nang malaman ko ang tungkol doon ay araw-araw ko na siyang sinusundo. Hindi dahil ayokong mapunta siya kay Andrew kundi dahil ayokong pabayaan siyang mag-isa habang pinipilit siyang kaladkarin ng isang taong hindi marunong rumespeto sa desisyon niya.Hindi ko kailangan magsalita ng masasakit. Hindi

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 344

    Akala ko kapag natapos ko nang tanggihan si Andrew, doon na rin matatapos ang lahat ng gulo sa pagitan naming lahat. Mali pala ang akala ko.Pinili ko si Arthur, hindi dahil sa obligasyon ng pagpapakasal, kundi dahil sa pagmamahal. Hindi man siya kasing expressive ni Andrew, tahimik man siya at palaging may laman ang bawat katahimikan niya, ramdam kong mahal niya ako. At higit sa lahat, hindi niya ako ginugulo. Minahal niya ako sa paraang alam niyang magpapagaan sa buhay ko.Pero may mga taong kahit anong paliwanag ko, hindi kayang tanggapin ni Andrew na tapos an ang kabanata sa buhay namin. Nagsimula ito isang linggo pagkatapos ng proposal na tinanggihan ko. Nasa opisina ako noon, abala sa pag-review ng reports para sa quarterly meeting na gaganapin sa susunod na araw, nang mapansin kong may bulaklak na nakapatong sa desk ko. White roses, kaya naman napangiti ako dahil ito ang paborito kong bulaklak. Nang tignan ko ang card kung kanino ito galing ay may nakasulat sa maliit na card

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 343

    Pagkatapos mang-asar ay naging seryoso naman itong si Ella. "Pero bilang isang malapit na kaibigan, i can say na mas okay si Arthur kaysa may Andrew na puro matapobre ang angkan!" Ngumiti lang ako dahil lumulutang pa rin ako sa alapaap sa aking naramdamang tuwa sa mga nagihing aksyon ni Arthur. ARTHUR POV Samantala, pagkatapos umalis ni Frances sa sikat na branded store na iyon ay nagtungo na si Joey sa cashier para bayaran ang bill, at pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ng mall. "Arthur, yung babaeng gumawa ng eksena, ng pangalan niya ay Daniella. Naalala mo nung nakaraan na may nagpupumilit pumasok sa opisina? Siya yun. Siya din ang babaeng nagpadala ng video ng proposal ni Andrew para kay Frances.” "Ganuon ba?." Tugon ko na may kalmadong boses , "sige, magbayad ka ng imbestigador para bantayan ang bawat kilos niya, siguradong may iba siyang pakay para kay Frances kung ganuon, at siguraduhin niyong hindi nila magagalaw ang kahit na anong butil ng buhok ni Frances

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 342

    Nang tingnan kong muli si Arthur ay hindi niya napigilan ang pagtaas ng gilid ng kanyang bibig. Inisip kong natatawa din si Arthur dahil sa nangyari kay Daniella, kaya't nagtanong ako ng medyo nagulat, "Anong nakakatawa?" "Wala lang , masaya lang ako!." Bahagyang itinaas ni Arthur ang kanyang mga kilay. "Masaya?" "Oo, masaya akong makagastos para sa misis ko." Itinaas ni Arthur ang gilid ng kanyang bibig at tiningnan ako "seryoso ako Frances ng sabihin kong gusto kitang ligawan at bumuo ng memories kasama ka! Alam kong huli na pero gusto kong may mga bagay na tumatak sayo na ginagawa ko para suyuin ka. Bahala na si Frank. Basta masaya ako sa ginagawa ko. Ikaw ang importante sa akin, higit sa sino man at kung ano pa mang mangyari.” Sa harapan ng lahat sinabi lahat ni Arthur iyo, kaya naman hindi ko mapigilang mamula ang aking mga mata. Pakiramdam ko sinadya niya talaga lahat ng iyon para marinig ng mga kaibigan namin. Paanong sasabihin nila na wala pa siyang nakar

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 341

    "Tinawanan ka kasi... Gusto ko lang ipakita sa kanya na hindi mo kailangang maging hubad ng asawa ko, ako lang ang may karapatang makakita ng kagandahan ng katawan mo! kaya mong bilhin ang kahit anong damit na gustuhin mo." Nabigla ako nang marinig ito. Na touch ako bilang babae at napangiti. Hindi ko inisip na si Arthur ay bibili ng maraming damit para lang mailabas ang galit niya sa pangingielam nitong si Daniella. Naramdaman ko ang kakaibang init sa aking puso. Hindi ko tuloy maintindihan kung ano ang mararamdaman ko, matutuwa ba ako o magagalit dahil sa naging aksyon niya. Bahagyang akong tumingala sa asawa ko ko at malumanay na nakipag-usap. "Okay naman love, gets ko. Nainis ka sa harot na yun, at infairness sayo napangiti mo ako sa aksyon mo. Pero alam mo namang hindi ako mag-aaksaya ng pera ng dahil lang sa mga ganyang bagay. Mas mainam pang i donate ko yung perang iyan sa charity. Okay na ako sa tianggian parehas lang naman ng design. Kaya love, wag ng matigas ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status