Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss

Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss

By:  YoonchaeUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
80Chapters
18views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Tatlong taon na nagbulag-bulagan si Luna Pineda sa pagtataksil ng kanyang asawang si Ralph Camero, ang nag-iisang tagapagmana ng isa sa pinakamakapangyarihang angkan sa lungsod. Ngunit nang mabunyag kung sino ang kerida nito, pakiramdam niya ay naiputan siya sa ulo. At ang kabit nito? Walang iba kundi ang sariling hipag niya! Sa mismong ikatlong anibersaryo ng kanilang kasal, hindi halik o regalong mamahalin ang iniabot ni Luna… kundi annulment papers. Sa isang iglap, naglaho ang lahat ng pag-ibig na inalay niya sa asawa. Ang tanging hiniling ni Luna ay makalaya at magsimulang muli. Ngunit paano niya magagawa iyon kung ang isang lalaki mula sa masakit niyang nakaraan ay biglang bumalik—handang guluhin ang puso at kinabukasang pilit niyang binubuo?

View More

Chapter 1

KABANATA 1

Sa ikatlong taon ng kanilang kasal, naghain ng annulment si Luna nang pumanaw ang nakatatandang kapatid ni Ralph Camero.

Kunot ang noo ni Ralph, litong-lito na tinitigan siya.

“Anong drama ‘to, Luna? Dahil lang ba pinigilan kitang masampal si Aubrey?”

Aubrey. Parang nagpalting ang tainga ni Luna nang marinig ang lambing sa boses ng asawa nang bigkasin nito ang pangalan ng babaeng ‘yon.

Si Aubrey… na sister-in-law niya.

Mariing nagdikit ang mga labi ni Luna. “Oo. Dahil lang doon.”

Sa isip ni Raph, paanong ang maliit na bagay na ‘yon ang sisira sa kasal nila? Kitang-kita pa rin ang pulang marka ng sampal sa gwapong mukha ng lalaki. Noong oras na iyon, pinrotektahan niya si Aubrey nang sobra, na lubos na ikinagulat ng buong pamilya ng mga Camero,

Tanging si Luna lamang ang nanatiling walang reaksyon.

Tatlong araw bago ang pangyayaring iyon ay ang wedding anniversary nila ni Ralph. May inihandang sorpresa si Luna para sa asawa kaya lumipad siya papuntang Cebu kung saan ito may business trip. Ngunit ang nadatnan niya doon ay ang seryosong usapan sa pagitan nito at ng dalawa nitong kaibigan.

“Ralph, hindi naman sa nangingialam ako, pero mali naman yatang palagi kang nagtatago sa asawa mo tuwing wedding anniversary ninyo. Kawalan ng respeto ‘yan kay Luna, pare.”

Ang madalas na kalmado at kagalang-galang na mukha ng lalaki ay biglang nagpakita ng hindi mawaring kalungkutan. “And do you think I want this? Kung hindi ko ‘to gagawin, hindi siya maniniwala na walang nangyayari sa amin ni Luna…”

“Don’t tell me–” Natigilan ang kaibigan niyang kanina pa ipinagtatanggol si Luna, tila ba biglang natauhan saka galit na nagpagtuloy, “Si Aubrey ba ang tinutukoy mo? Ralph naman, siraulo ka talaga! She’s pregnant with her second child, and you still can’t get over her?”

Hanggang sa mag-iba ang tono ng boses nito. “Besides, hindi ka ba natatakot na mabugbog ni Hunter kapag nalaman ‘yang pangmamaltrato mo kay Luna?”

“Hindi niya gagawin ‘yon.” Pinatunog ni Ralph ang kanyang mga daliri. “Simula nang ikasal kami ni Luna, nagkasamaan na sila ng loob. Tatlong taon nang hindi nagkukrus ang landas nila ni Hunter.”

Sa labas ng pribadong silid na ’yon, tahimik na naglakad palayo si Luna, nanginginig ang mga daliri. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na may ibang babae ang asawa niya. Kung sinu-sinong tao na ang tinanong niya, pero wala ni isa ang nagsabi sa kanya kung sino ang babae…

Marami na siyang pinaghinalaan noon…

Pero hindi kailanman sumagi sa isipan niya na ito ay walang iba kundi ang kanyang hipag…

Ang sister-in-law niyang tatlong taon na niyang itinuturing na kapamilya.

Nakakasuka!

Malakas ang ulan nang lumabas si Luna sa club na ‘yon, ngunit wala siyang pakialam, naglakad lamang siya habang nababasa.

Sa gabing ‘yon din ay nagmamadali siyang lumipad pabalik ng Maynila. Pagkarating niya sa mansyon ay agad siyang dinapuan ng sakit.

Dalawang araw siyang nilagnat, at kakagaling lang nang kaunti nang maaksidente ang kanyang nakatatandang kapatid na si Randall Camero.

Makaraan ang pitong araw, ginanap ang libing nito.

Sa mga nakalipas na araw, dalawang o tatlong oras lang siya nakakatulog sa lumang mansyon. Nang matapos ang libing, habang palabas ng sementeryo, pakiramdam niya ay nauna ang katawan niyang naglakad at naiwan na ang kanyang kaluluwa.

Naghihintay ang driver niya sa may tarangkahan.

Pagkapasok pa lamang ni Luna sa kotse, ipinikit niya agad ang mga mata.

“Mang Fabian, uwi na po tayo.”

“Hindi ba tayo pupunta sa lumang mansyon?”

“Hindi po.”

Tapos na ang libing ni Randall, ngunit marami pang dapat ayusin ang pamilya Camero.

Si Randall Camero ang panganay na anak at apo sa pamilya. Tinuring na matayog na bituin simula pa lang nang bata ito. Aksidente ang pagkamatay nito… na resulta ng pangungulit ni Aubrey na sumama sa isang skydiving activity. Nagka-aberya ang equipment ni Randall at nahulog ito mula sa himpapawid.

Isinugod ang lalaki sa ospital pero huli na ang lahat para maligtas pa ito kaya tinahi-tahi na lamang ang katawan nito.

Galit na galit at hindi humuhupo ang poot ng pamilya Camero kay Aubrey dahil sa nangyari.

At si Luna… ayaw na niyang masaksihan pa na ipinagtatanggol ng asawa niya ang ibang babae. May mga ibang bagay pa siyang dapat gawin.

Ngunit sa pag-andar ng makina ng kotse, bigla namang bumukas ang likurang pinto.

Nakatayo mula roon si Ralph, matangkad at matipuno sa suot na itim na suit, at ang gwapo nitong mukha ay hindi maitago ang pagkailang sa kanya.

“Uuwi ka na ba, Luna?”

“Oo.” Kakasagot pa lang niya nang mapansin niya sina Aubrey at ang batang lalaki sa tabi nito. Si Dustin Camero, ang apat na taong gulang na anak nina Aubrey at kuya Randall niya na mataba at inosente na agad na sumampa sa kotse.

“Tita, pakihatid na lang po kami ni Mommy pauwi!” bulalas ng bata.

Kumunot ang noo ni Luna sa sinabi ng bata, sabay tingin kay Ralph na para bang nanghihingi ng paliwanag.

Pinagdikit ni Ralph ang mga labi bago magsalita, “Galit pa rin sina Mama at Papa. Sa atin muna titira sina Aubrey at Dustin.”

At para masigurong papayag siya, nagpatuloy si Ralph, “Gusto mo rin naman ng anak, ‘di ba? It’s a good opportunity for you to learn to take care of Dustin first..”

Halos matawa si Luna nang marinig ‘yon. Pero naisip niyang hindi tama ang tumawa habang nasa sementeryo sila.

Hinayaan na lamang niyang sumabay ang mag-ina sa kanya pauwi, habang ang magaling niyang asawa ay bumalik sa lumang mansyon para akuin ang galit ng mga magulang nito.

Tunay ngang… napakaresponsable!

Pagdating nila sa bahay, nakahanda na agad ang guest room. Nauna na palang tinawagan ni Ralph si Manang Celia.

Nakahinga nang maluwag si Luna dahil hindi na niya kailangan pang pagsilbihan ang mag-ina. Matapos mag-shower ay nagtungo na siya sa kama at natulog.

Nang magising siya, alas-nuwebe na ng gabi. Sakto namang kasabay nang pagdampot niya ng phone ay ang pagtunog nito.

Atty. Daniela Santos is calling…

“Na-draft ko na ang annulment papers, as you requested. Ihatid ko na ba sa ‘yo?”

“Salamat, Dani,” napapaos na wika ni Luna. “Hindi mo na kailangang ihatid dito. Ipa-delivery mo na lang.”

“Ang bilis mong nagdesisyon, Luna. Sigurado ka na ba talaga?”

Nag-alala ang tono ng boses ni Atty. Dani Santos na marami nang nahawakang mga kasong katulad ng kay Luna, iniisip na baka nagiging emosyonal at padalos-dalos lamang ang babae.

“Siguro nga ay hindi mabuting asawa ang Ralph Camero na ‘yon, pero baka may ibang paraan pa…”

Napabangon si Luna, binuksan ang ilaw. Kasabay niyon ay ang malinaw na desisyon sa kanyang isipan.

“Pinag-isipan ko na ito nang mabuti, Dani. May ibang babae ang asawa ko. At ang kapal ng mukha niyang magmasturbate gamit ang mga litrato ng ibang babae.”
Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
80 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status