His Regret: The Wife He Never Loved

His Regret: The Wife He Never Loved

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-11-23
Oleh:  February21 Baru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
5Bab
2Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

“Pinakasalan kita dahil nagmakaawa ka sa akin at ngayon gusto mong makipag-divorce? Nasisiraan ka na ba ng bait, Celestine?" Three years of marriage. Three years of pain. Three years of love. Hanggang sa sumuko na si Celestine na hintayin siyang mahalin ni Lander. Ang asawa niyang kailanman hindi siya nagawang mahalin dahil nakatali na ang puso nito sa iba.

Lihat lebih banyak

Bab 1

C1: Ang Babaeng Palaban

"MA’AM CELESTINE…” ikaanim na beses nang sinasabi sa kanya iyon ni Mister Bleed, ang assistant ng kanyang asawa na si Lander.

Tinignan lang niya ito mula ulo hanggang paa. Bakas ang butil-butil na pawis sa noo nito na ilang beses na rin nitong pinahid.

“Wala ba sa building na ito ang asawa ko? Pagkatapos niyang maisara ang one hundred million na investment naging busy na ba siya?” naiinis na tanong niya rito.

“Ma'am…”

“Shut up! Ayokong umabot ng sampung tanong, Mister Bleed. Sabihin mo na ngayon kung nasaan si Lander.”

Itinuro nito ang p***o ng isang VIP Room. Nag-angat siya ng isang kilay at saka nagtungo sa tapat no’n.

“Ma'am Celestine, ang ma-mabuti pa po si-siguro a-ako na lang ang pa-papasok. Ma-May mga kasama po kasi si boss,” nauutal pang sabi nito sa kanya.

Masama niya itong tinignan kaya naman nagyuko na lamang ito ng ulo sa kanyang tabi. Mula sa loob ay maririnig niya ang tawanan ng mga kalalakihan at kababaihan.

Ilang beses na ba iyong ginawa sa kanya ni Lander? Tuwing birthday niya at kapag wedding anniversary nila katulad ngayon. Three years na silang nagsasama pero hindi iyon naging masaya. Habang tumatagal sila ay palamig nang palamig ang trato nito sa kanya.

Bumuga nang malalim si Celestine at pinakalma ang kanyang sarili.

“Lander, may girlfriend ka na ba?” malakas na tanong ng isang babae. Sa tono ng babae para itong nakikipag-flirt sa kanyang asawa.

Wala siyang narinig na sagot ni Lander kun'di malalakas lang na tawanan. Pakiramdam niya umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang ulo. Ang kaninang pagpipigil na ginagawa niya upang maiwasan ang edkandalo ay hindi na niya kontrolado.

Malakas niyang itinulak ang dalawang p***o. Sandaling natigilan ang mga ito nang makita siya. Nakita niya si Lander na nasa gitna ng dalawang seksing babae na halos makita na ang kaluluwa. Nasa kaliwang bahagi naman ang mga kaibigan ni Lander at kasosyo sa negosyo na biglang natahimik nang makita siya.

Kumuha siya ng wine sa mga platter at umupo sa kanang sofa na inuupuan kanina ng ibang mga babae.

“Invited ka ba dito?” nakataas ang kilay na tanong ng isang babae sa kanya na sobrang kapal ng lipstick na pula.

Tinignan lang niya ito ng masama. Nag-cross legs siya at nilaro ang wine glass na hawak niya.

“Celestine, you look gorgeous,” pagbati sa kanya ni William. “Nandito ka rin ba para i-congratulate si Lander?”

“Darling, who is she? Outsider ba siya?” tanong naman ng isang babae na nakahawak sa may braso ni Lander.

Umangat ang sulok ng kanyang mga labi. Ilang beses na ba siyang nakipag-away noon sa mga babaeng umaaligid kay Lander. Ilang beses na ba niyang sinabi na asawa siya nito? Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang tinawag ang kanyang sarili na asawa ni Lander.

“Nandito lang naman ako para sunduin si Lander, gusto kasi ng Mommy niya na makasabay namin siya sa dinner. Nakalimutan kasi niya na wedding anniversary namin ngayon kaya gusto kong ipaalala,” seryosong sagot niya na nakatingin kay Lander.

“You mean, asawa ka ni Lander?” natatawang tanong ng isang babae sa kanya. Tinignan pa siya nito mula ulo hanggang paa.

Simple lang ang suot niya maroon half sleeve at beige na trouser. Wala siyang suot na mamahaling alahas, at walang designers bag maliban sa wedding ring nila ni Lander. Ito ang may gusto na mag-ayos siya ng simple lang. Walang make up, at walang lipstick.

“Asawa mo ba siya Lander?” muling tanong ng seksing babae rito.

Nakaramdam ng pagkairita si Lander sa paulit-ulit na tanong ng babae. “Shut up!” sigaw nito sa babe na pinanlalakihan ng mga mata matapos masigawan.

“Bakit ka ba nandito? Sinabi ko na sa iyo na hintayin mo na lang ako sa bahay. Hindi mo dapat iniwan si Mommy at hindi ka dapat nagsayang ng oras mo dito.” Tumayo si Lander at humarap sa kanya. “Umuwi ka na.”

Sinalubong ni Celestine ang matalim na titig sa kanya ni Lander. Tumayo siya at humalukipkip sa harapan nito.

“Masunurin lang akong manugang kaya ako nandito.”

“Umuwi ka na kasi Celestine, nag-i-enjoy pa si Lander dito, e. Hayaan mo na Ang asawa mo na paminsan-minsan nakikipag-inuman sa amin,” ani William na nakipag-toast pa sa mga kasama nitong lalaki.

“Huwag mo akong ipahiya rito,” mariing sabi ni Lander sa kanya.

“Wedding anniversary natin, Lander. Imbes na ako ang kasama mo ngayon iba ang inaatupag mo!” malakas na sabi niya rito.

“Ma'am Celestine…” sabi muli ni Mister Bleed na nakabuntot pa rin sa kanya.

Muli siyang umupo at sinalinan ng wine ang kanyang baso. “Kung hindi ka uuwi, it's okay. Wala bang boys na server dito sa VIP Room? Or magpapatawag ako ng magsi-serve sa akin?”

Natigilan na ang mga kasamang lalaki ni William. Alam na siguro ng mga ito na hindi na siya nagbibiro. Kilala rin siya ni Lander na kapag nagalit iba na ang lumalabas sa kanyang bibig.

Umupo naman si Lander sa gitna ng dalawang seksing babae.

“Mister Bleed, ipatawag mo ang manager at gusto kong bigyan niya ako ng hot guys ngayon din.”

“Ang kapal ng mukha niya.” Narinig niyang sabi ng isang babae.

Hindi niya iyon pinansin. Kung kaya ni Lander na harap-harapan siya nitong balaewalahin ay kaya din niyang gawin. Hindi na siya ipinanganak kahapon at hindi na rin siya inosente. Pagod na pagod na siyang unawain ang asawa niya. Hindi na siya iiyak at magmumukmok lang sa isang gilid para lang pansinin nito.

Dumating ang manager ng bar kung saan sila naroon. Nakipag-usap si Mister Bleed dito ilang sandali pa ay may mga dumating na limang hot guy servers na may hawak na wine. Tumayo ang mga iyon sa kanyang harapan. Half naked at nakasuot ng black pants. May suot din na maskaranat pulang bow tie.

Tumayo siya upang lumapit sa isa sa mga iyon ngunit bigla na lang hinatak ni Lander ang kanyang kamay.

“Umuwi na tayo.”

“No! Hindi ko pa nga sila nakakasama, e. Bakit ako uuwi?” Itinulak niya ito ngunit bigla na lamang siya nitong binuhat.

“Ibaba mo nga ako!”

Hindi siya lasing pero effective ang ginawa niya. Gusto tuloy niyang mag-c

elebrate dahil sa wakas ay napansin din kasi siya ng kanyang cold hearted husband.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status