"Puwede niyo namang iwan sa amin ang bata habang naggagala kayo." Pangatwiran ni Stella.Pumalatak si Zion, hindi masabi sa ina na ayaw niya nang ganoon. Na ayaw niyang matulad sa kaniya na lumaking hindi kasama ang mga ito at baka masaktan ang damdamin nito. Gusto niyang on hands siya sa pag aalaga sa maging anak nila ni Alexa."Gusto ko na rin magkaroon ng apo sa tuhod." Mukhang excited na ring turan ni Simon. "Oo nga pala, maari kayong pumili ng villa na gusto niyong gawin bakasyunan o tirahan. Ang mana mo, hija, ay nailipat ko na rin sa iyong pangalan."."Lolo, hindi ko na po pala kailangan ang mana ko."Gulat na napatingin sina Liza at Joan kay Alexa at tinatanggihan na ang mana nito."Hija, para talaga ito sa iyo at maipangako kong—""Ayaw ko na po magkaroon ng sariling pera, lolo." Tumingin siya sa asawa at hindi maituloy ang nais sabihin."Hindi po kailangan ng asawa ko at kaya ko na po siyang buhayin gamit ang pera ko. Gusto niya pong ibigay na lang sa nanay niya at sa kaniy
"Sa tingin ko ay may kinalaman ang babaeng iyan kaya nagkaroon ng aberya sa daan. Sobrang confident eh na siya ang makasama ni Zion sa pag akyat sa stage."Napangiti si Alexa sa pinsan. Ramdam niya ang gigil nito kay Jackie. "Hayaan mo na at last day na niyang umasa ngayon." Tinapik pa niya sa balikat ang pinsan.Nakasimangot pa rin na inayos ni Liza ang buhok ng pinsan. Mabuti na lang at may dala siyang make up kit kaya ni-retouch na rin niya ang mukha nito na halos humulas na dahil sa pawis."Zion, are you okay?" concern na tanong ni Jackie sa binata."Kinakabahan ka ba kuya at wala pa si Ate Alexa?" tanong din ni Jenny. Pero siya ay kalma lang kasi nag text kanina ito at sinabing malapit na."Sa tingin ko ay hindi siya darating dahil nahihiya. Kahit ako ang nasa katayuan niya ay baka hindi ako sisipot. Hindi bagay ang katayuan niya sa buhay sa isang CEO." Mukhang malungkot pang saad ni Jackie.Mabilis na hinawak ni Jenny sa braso ang kapatid bago pa nito masakal si Jackie. Ang ayaw
Nakangiting lumapit si Dave kay Jackie at inilahad ang palad dito. "Kailangan ko pa bang magpakilala sa iyo?"Nakangiting umiling si Jackie at tinanggap ang pakipagkamay ng binata. Nang pinisil nito ang palad niya ay humulma ang kakaibang ngiti sa labi niya."Ihatid na kita at huwag tayo dito mag usap." Hindi na binitawan ni Dave ang palad ng dalaga.Nagpaakay na si Jackie sa binata. Tama lang na wala siyang dalang sasakyan kasi sumabay siya kanina kina Jenny. Hindi na siya nagtanong kung saan siya nito dadalhin. Kilala niya ito at alam niyang naging karelasyon ni Liza. Dahil inis din siya sa babaeng iyon kaya naisip niyang isama sa gantihan. Dinala ni Dave sa isang night club si Jackie. Habang nagpaplano ay uminum sila ng alak hanggang sa pareho nang nalasing.Hindi na alam ni Jackie kung saan siya dinala ni Dave. Namalayan na lang niyang pareho na silang hubad at nakapatong na ito sa kaniya. Gusto niya ito itulak ngunit malakas ang binata. Nabawasan ang kalasingan niya at wala sa p
"Alam mo, payong babae lang ha. Huwag mo ipilit ang sarili sa lalaking hindi ka mahal. Kahit maakit mo iyan ay katawan at tamod lang nakuha mo sa kaniya. Hindi masaya ang isang relasyon kung puro libog lang ang namamagitan sa inyong dalawa."Lalong namula ang pisngi ni Jackie dahil sa pagkapahiya at galit. Napahiya siya kahit hindi naman nito alam kung ano ang ginawa niya kagabi at kung sino ang kasama."Siguro naman ay malinaw na sa iyo na pag aari ko si Zion? Kapag tinangka mo pa siyang agawin sa akin ay hindi lang ganoon ang gawin ko sa iyo. Madamot ako pagdating sa mahal ko sa buhay. Agawin niyo na lahat kahit pera, huwag lang si Zion." Pinandilatan pa ni Alexa ng mga mata si Jackie upang sindakin."Stay away from me!" Natawa si Alexa, pinapalayo siya ng babae pero ito ang humakbang palayo sa kaniya. Mukhang effective ang pananakot niya dito. Mga ganoon dialogue talaga mula sa napapanood ay tinatandaan niya at nagamit na nga ngayon. Proud siyang tinalikuran na si Jackie at dumiri
Parang turo na susugod sa kaaway kung maglakad si Alexa palapit kina liza. Nang makita ito ni Liza ay mukhang nakakita ng multo at agad na bumitaw mula sa pagkayakap kay Dave."Liza, bakit mo kinakausap pa ang lalaking iyan? Huwag mong sabihing magpapamanyak kang muli sa gagong iyan?" galit na sita ni Alexa sa pinsan."Alexa kasi..." hindi malaman ni Liza kung paano mag explain sa pinsan na hindi ito magagalit."Alexa, hindi ka pa rin ba maka move on sa akin at ayaw mo akong mapunta sa pinsan mo?" malungkot na tanong ni Dave sa dalaga.Nandidiring tiningnan ni Alexa ang lalaki at umakto siyang parang nasusuka. "Dave, mukhang lumakas ang hangin sa utak mo. Nakapatingin ka na ba sa psychiatrist?"Kahit napipikon ay nanatiling malungkot ang expression sa mukha ni Dave. Nagpapaawa ang tingin sa girlfriend. Mabilis na nilapitan ni Liza ang pinsan at nakikiusap ang tingin dito. "Alexa, humingi na siya ng tawad sa akin at gustong bumawi.""At pinatawad mo nang ganoon na lang matapos niyang
Gustong matawa ni Alexa nang mabasa ang nasa isip nang lahat habang nakatingin sa kanila ni Liza. Normal lang ang reaction ng mga ito. Pumasok lang naman kasi sila sa intern tapos ngayon ay close na sila ni Liza. Hindi kasi lingid sa kaalaman ng lahat na aso't pusa ang relasyon nila ni Liza."Huwag na kayo magtaka at nasa kasabihan na mas matimbang ang kadugo." Mataray na sita ni Loida sa lahat nang naroon."Mas mapera na kasi si Alexa kaysa kaniya kaya kinaibigan na," ani naman ni Dina."Huwag mo na silang pansinin." Pigil ni Liza kay Alexa nang tangkang susugurin nito ang nagsalita nang hindi maganda laban sa kaniya. Katuwa lang at baliktad na ang lahat, ang dating inaaway at inaapi at mukhang naging tagapagtanggol na niya."Tama, mas mayaman na ako kaya dapat itikom mo iyang bibig mo at baka salpakan ko ng barya ang bunganga mo!" Pinandilatan pa ni Alexa ng mga mata si Dina na agad namang nanahimik.Napailing na lamang si Liza sa pagiging prangka ng pinsan. Ang yabang nito sa pan
Nakakunot ang noo ni Zion habang nakatingin sa cellphone nang tumunog ang text messages niyon. Napatingin siya sa suot na relo. Maaga pa at balak niyang paglamayan ang papers ngayon habang abala ang asawa sa party. Balak niya kasing magbakasyon sila ng asawa kaya tinatapos niya ang mga dapat gawin. Nang tumunog muli ang cellphone ay tiningnan na niya iyon."Babe, I miss you!" napangiti siya matapos mabasa ang unang message ni Alexa. Ang sunod ay puro 'I love you' kaya lalo siyang napangiti. Pero nang matanggap ang bago nitong message ay biglang nabura ang ngiti sa labi niya.Napahagikhik siya ng tawa nang mabasa ang reply ni Zion. "Stop being naughty, baby. Bawasan mo iyang lipstick mo."Napaharap si Alexa sa salamin matapos mabasa ang message ng asawa. Nakanguso kasi siya sa pucture na pinasa niya rito kaya iyon ang napuna ng asawa. Mapulq na ang labi niya kahit walang lipstick. Ngayon ay mukhang daring na ang labi niya. Mabilis na nag video call si Zion sa asawa at nag aalala siya
"Ano ang ginagawa ng babaeng iyan dito?" tanong ni Liza sa pinsan. "Bakit sa akin mo itanong eh hindi ko kilala ang celebrant. Itanong mo sa manyak mong boyfriend." Inis niyang tugon kay Liza habang nanatili ang tingin kay Jackie. Hindi na lang pinatulan ni Liza ang pamimilosopo ng pinsan. Kailangan nilang umupo sa pagitan ng dalawang lalaki. "Hi, what is your name?" tanong ng lalaki kay Alexa. Hindi pinansin ni Alexa ang lalaking katabi. Kung tingnan ay parang sila ang partner at si Liza at ang katabi naman nito. Pagtingin niya kay Jackie ay ang ganda ng ngiti nito sa kaniya. Dahil abala siya sa pagtingin kay Jackie ay hindi niya namalayang uminum na ng alak ang pinsan. "Hey, here's your drinks." Abot ni Ben ng isang wine glass kay Alexa. "Thanks pero hindi ako umiinum." Tanggi ni Alexa sa alok ng lalaki. "Oh c'mon, wala pang tumatanggi sa alok ko. First time mo sa lugar na ito kaya hindi mo ako maaring tanggihan." Pamimilit ni Ben. Nag init ang mga tainga ni Alexa