Nakakunot ang noo ni Zion habang nakatingin sa cellphone nang tumunog ang text messages niyon. Napatingin siya sa suot na relo. Maaga pa at balak niyang paglamayan ang papers ngayon habang abala ang asawa sa party. Balak niya kasing magbakasyon sila ng asawa kaya tinatapos niya ang mga dapat gawin. Nang tumunog muli ang cellphone ay tiningnan na niya iyon."Babe, I miss you!" napangiti siya matapos mabasa ang unang message ni Alexa. Ang sunod ay puro 'I love you' kaya lalo siyang napangiti. Pero nang matanggap ang bago nitong message ay biglang nabura ang ngiti sa labi niya.Napahagikhik siya ng tawa nang mabasa ang reply ni Zion. "Stop being naughty, baby. Bawasan mo iyang lipstick mo."Napaharap si Alexa sa salamin matapos mabasa ang message ng asawa. Nakanguso kasi siya sa pucture na pinasa niya rito kaya iyon ang napuna ng asawa. Mapulq na ang labi niya kahit walang lipstick. Ngayon ay mukhang daring na ang labi niya. Mabilis na nag video call si Zion sa asawa at nag aalala siya
"Ano ang ginagawa ng babaeng iyan dito?" tanong ni Liza sa pinsan. "Bakit sa akin mo itanong eh hindi ko kilala ang celebrant. Itanong mo sa manyak mong boyfriend." Inis niyang tugon kay Liza habang nanatili ang tingin kay Jackie. Hindi na lang pinatulan ni Liza ang pamimilosopo ng pinsan. Kailangan nilang umupo sa pagitan ng dalawang lalaki. "Hi, what is your name?" tanong ng lalaki kay Alexa. Hindi pinansin ni Alexa ang lalaking katabi. Kung tingnan ay parang sila ang partner at si Liza at ang katabi naman nito. Pagtingin niya kay Jackie ay ang ganda ng ngiti nito sa kaniya. Dahil abala siya sa pagtingin kay Jackie ay hindi niya namalayang uminum na ng alak ang pinsan. "Hey, here's your drinks." Abot ni Ben ng isang wine glass kay Alexa. "Thanks pero hindi ako umiinum." Tanggi ni Alexa sa alok ng lalaki. "Oh c'mon, wala pang tumatanggi sa alok ko. First time mo sa lugar na ito kaya hindi mo ako maaring tanggihan." Pamimilit ni Ben. Nag init ang mga tainga ni Alexa
Mula sa matalim na titig ni Alexa kay Jackie, unting-unti lumambong iyon at nakangiting humarap kay Ben. "Gusto mong inumin ko iyan?"Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Jackie at hindi natuwa sa pagiging pilyang pakipag usap ni Alexa kay Ben.Umaliwalas ang aura ng mukha ni Ben at ngumiti. "Madali ka naman palang kausap. Huwag kang mag alala at sisiguraduhin kong hindi mo pagsisihan ang pagpunta sa party na ito." Malisyusong ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki.Nakangiting kinuha ni Alexa ang hawak ng lalaki at may laman iyong alak. Sinadya pa ng lalaki na hawakan ang daliri niya pero hinayaan niya lang.Ngumiti muli si Jackie nang humarap sa kaniya si Alexa habang iniinum ang alak. Halos ubusin pa nito ang laman niyon na ikinatuwa niya. Nagpalakpak ang lahat at cheer ang babae. Ngumisi siya at papalakpakan na rin sana si Alexa ngunit hindi niya napaghandaan ang sunod nitong ginawa."Shit!" Sabay na naibulalakas ng kalalakihan."Ewww!" Ang naibulalas naman ng kababaihan habang hindi
"Sir, this way." Salubong sa kanila ng isang lalaki na halatang hinihintay ang pagdating nila.Halos takbuhin na ni Zion ang VIP room kung saan may gulo umano. Halos magkasunod lang sila ng manager at napatda siya sa kinatayuan nang makita ang histsura sa silid. Agad niyang nakita ang asawa na mukhang nakipag agawan ng alak sa lalaki."Sir, ang babaeng ito po ang may gawa sa gulong ito. Gusto niyang basagin lahat ng inumin dito at pinipigilam ko siya." Tarantang paliwanag ni Ben sa manager.Ayaw pa ring bitawan ni Alexa ang alak kahit may maari nang magligtas sa kaniya. "Huwag po kayong maniwala sa kaniya, sir. Mga adik po sila at gusto nila akong pagsamantalahan!"Doon lang parang natauhan si Zion, galit na tinabig ang manager at pumasok sa pintuan.Nanlaki ang mga mata ni Alexa nang makita ang asawa. Mabilis niyang binitawan ang bote at itinaas ang mga kamay na para bang sumusuko. "Babe, wala akong kasalanan! Pinipilit nila akong uminum!"Hintakutang napatitig si Jackie kay Zion nan
Nag-igtingan ang bagang ni Ben at galit ang tinging ipinukol kay Jackie. Hindi niya akalaing si Zion ang asawa ng babaeng gusto niyang gawan nang masama. Kung alam niya lang, hindi niya pagbalakang gawan ng masama ang babaeng iyon.Dali-dali nag umpukan sa isang tabi ang apat na babae at apat na lalaking kaibigan ni Dave nang makita si Zion.Galit na nilapitan ni Zion ang lalaking pasimuno sa party na iyon at sinuntok ito sa mukha. "You son of a bitch! Ako ang harapin mo ngayon at tingnan ko ang tapang mo na gago ka!" Mabilis na pinunasan ni Ben ang dugo sa labi at pumutok iyon dahil sa lakas ng suntok. "Sir, sorry! Hindi ko alam na ikaw po ang asawa niya. Patawarin niyo po ako at pangakong hindi na uulit!"Sa halip na sagutin ay sinipa ni Zion sa tiyan ang lalaki. "Fucker, sino ang nagplano ng lahat ng ito laban sa asawa ko?"Halos mamutla na si Jackie sa takot at halos itago na ang sarili sa likod ng ibang kasamahan. Mag uumpaw sa aura ni Zion ang galit na nadarama nito. Kapag nal
Mabilis na itinikom ni Alexa ang bibig nang pumasok na sa kotse ang asawa at tumabi sa kaniya. Ang tahimik nito at mukhang galit pa rin. Pagtingin niya kay Jerry ay ang tahimik din nito at agad binuhay ang makina ng sasakyan. Walang salitang kinabig ni Zion ang ulo ng asawa at pinasandal iyon sa dibdib niya. Kahit papaano ay nabawasan ang kabang nadarama ni Alexa nang yakapin siya ng asawa. Hindi na rin siya nag ingay. Ipinikit ang mga mata at sinamyo ang mabangong dibdib ng asawa. Lihim napangiti si Jerry nang masulyapan mula sa front mirror ang dalawa at parehong nakapikit. Ang cute lang tingnan ng mga ito. Mukhang nakatulog pa si Alexa habang nakayakap sa asawa nito.Pagdating sa kanilang bahay ay mabilis na sininyasan ni Zion si Jerry na huwag maingay. Mahimbing na ang tulog ng asawa niya at ayaw niya itong gisingin. Dahan-dahan niya itong pinaupo nang maayos bago bumaba at umikot sa sasakyan upang kunin ang asawa mula sa kabilang pintuan.Nakasunod lang si Jerry sa amo na buha
Fate 3 c 73 sundoĺInis na nasipa ni Dave ang dingding dahil sa galit matapos mabalitaan ang nangyari. Namura niya rin sa isipan si Ben dahil mabagal kumilis at nagpatalo sa isang babae. Kung hindi sana ito nagpaligoy-ligoy sa pagpainum ng alak kay Alexa na may halong droga ay hindi mangyari ang lahat ng ito ngayon."Bastard! Ako ang dapat na magalit sa iyo ngayon at hindi ikaw! Nagsinungaling ka at kamuntik na akong mapahamak dahil sa mga planong mong iyon!" Angil ni Ben mula sa kabilang linya kay Dave."Gago! Karma mo na iyan kaya huwag mo akong sisihin! Kahit hindi kita niregalohan ng babae ay alam ko namang may kukunin kayong iba upang maging biktima!" angil din ni Dave at kung kaharap lang ang kausap ay nabugahan na niya ng apoy."At least hindi papalag at walang taong maaring tumulong sa kaniya! Kagaguhan mo rin at wala kang silbi dahil pinaako mo sa akin ang hindi mo kayang trabaho sa isang babae!"Nainsulto si Dave sa huling sinabi ni Ben. Galit niyang ibinagsak ang cellphone
"Akin na ang susi ng sasakyan mo." Sapilitang kinuha ng lalaking may hawak na patalim ang susi mula sa bulsa ni Dave."Mga boss, baka puwed nating pag usapan ito? Kung pera ang kailangan ninyo ay ibibigay ko ngayon din." Pakiusap ni Dave sa dalawa.Salamat na sagutin at patulak na pinapasok ng isa pang lalaki si Dave. "Huwag nang maraming daldal, pasok!"Napamura si Dave at kamuntik na siyang mauntog sa bukana ng kotse. Hindi niya alam kung karnaper ba ang dalawa o kidnaper. Mabilis na sumakay ang nagtulak sa kaniya na lalaki at tumabi sa kaniya. Ang nagmaneho sa sasakyan niya ay ang isa pa."Saan niyo ako dadalhin? Kung gusto niyo kunin ang sasakyan ko ay ibibigay ko, huwag niyo lang akong saktan." Pakiusap muli ni Dave sa dalawa."Gago, hindi namin kailangan ang gamit o pera mo. Sa gagawin namin sa iyo ay tiyak na babait ka na." Ngumisi ang lalaking katabi ni Dave matapos magsalita.Bakas na sa mukha ni Dave ang kaba. "Mga boss, parang awa niyo na. Gusto ko pang mabuhay!""Sana ay n