"Alam mo, payong babae lang ha. Huwag mo ipilit ang sarili sa lalaking hindi ka mahal. Kahit maakit mo iyan ay katawan at tamod lang nakuha mo sa kaniya. Hindi masaya ang isang relasyon kung puro libog lang ang namamagitan sa inyong dalawa."Lalong namula ang pisngi ni Jackie dahil sa pagkapahiya at galit. Napahiya siya kahit hindi naman nito alam kung ano ang ginawa niya kagabi at kung sino ang kasama."Siguro naman ay malinaw na sa iyo na pag aari ko si Zion? Kapag tinangka mo pa siyang agawin sa akin ay hindi lang ganoon ang gawin ko sa iyo. Madamot ako pagdating sa mahal ko sa buhay. Agawin niyo na lahat kahit pera, huwag lang si Zion." Pinandilatan pa ni Alexa ng mga mata si Jackie upang sindakin."Stay away from me!" Natawa si Alexa, pinapalayo siya ng babae pero ito ang humakbang palayo sa kaniya. Mukhang effective ang pananakot niya dito. Mga ganoon dialogue talaga mula sa napapanood ay tinatandaan niya at nagamit na nga ngayon. Proud siyang tinalikuran na si Jackie at dumiri
Parang turo na susugod sa kaaway kung maglakad si Alexa palapit kina liza. Nang makita ito ni Liza ay mukhang nakakita ng multo at agad na bumitaw mula sa pagkayakap kay Dave."Liza, bakit mo kinakausap pa ang lalaking iyan? Huwag mong sabihing magpapamanyak kang muli sa gagong iyan?" galit na sita ni Alexa sa pinsan."Alexa kasi..." hindi malaman ni Liza kung paano mag explain sa pinsan na hindi ito magagalit."Alexa, hindi ka pa rin ba maka move on sa akin at ayaw mo akong mapunta sa pinsan mo?" malungkot na tanong ni Dave sa dalaga.Nandidiring tiningnan ni Alexa ang lalaki at umakto siyang parang nasusuka. "Dave, mukhang lumakas ang hangin sa utak mo. Nakapatingin ka na ba sa psychiatrist?"Kahit napipikon ay nanatiling malungkot ang expression sa mukha ni Dave. Nagpapaawa ang tingin sa girlfriend. Mabilis na nilapitan ni Liza ang pinsan at nakikiusap ang tingin dito. "Alexa, humingi na siya ng tawad sa akin at gustong bumawi.""At pinatawad mo nang ganoon na lang matapos niyang
Gustong matawa ni Alexa nang mabasa ang nasa isip nang lahat habang nakatingin sa kanila ni Liza. Normal lang ang reaction ng mga ito. Pumasok lang naman kasi sila sa intern tapos ngayon ay close na sila ni Liza. Hindi kasi lingid sa kaalaman ng lahat na aso't pusa ang relasyon nila ni Liza."Huwag na kayo magtaka at nasa kasabihan na mas matimbang ang kadugo." Mataray na sita ni Loida sa lahat nang naroon."Mas mapera na kasi si Alexa kaysa kaniya kaya kinaibigan na," ani naman ni Dina."Huwag mo na silang pansinin." Pigil ni Liza kay Alexa nang tangkang susugurin nito ang nagsalita nang hindi maganda laban sa kaniya. Katuwa lang at baliktad na ang lahat, ang dating inaaway at inaapi at mukhang naging tagapagtanggol na niya."Tama, mas mayaman na ako kaya dapat itikom mo iyang bibig mo at baka salpakan ko ng barya ang bunganga mo!" Pinandilatan pa ni Alexa ng mga mata si Dina na agad namang nanahimik.Napailing na lamang si Liza sa pagiging prangka ng pinsan. Ang yabang nito sa pan
Nakakunot ang noo ni Zion habang nakatingin sa cellphone nang tumunog ang text messages niyon. Napatingin siya sa suot na relo. Maaga pa at balak niyang paglamayan ang papers ngayon habang abala ang asawa sa party. Balak niya kasing magbakasyon sila ng asawa kaya tinatapos niya ang mga dapat gawin. Nang tumunog muli ang cellphone ay tiningnan na niya iyon."Babe, I miss you!" napangiti siya matapos mabasa ang unang message ni Alexa. Ang sunod ay puro 'I love you' kaya lalo siyang napangiti. Pero nang matanggap ang bago nitong message ay biglang nabura ang ngiti sa labi niya.Napahagikhik siya ng tawa nang mabasa ang reply ni Zion. "Stop being naughty, baby. Bawasan mo iyang lipstick mo."Napaharap si Alexa sa salamin matapos mabasa ang message ng asawa. Nakanguso kasi siya sa pucture na pinasa niya rito kaya iyon ang napuna ng asawa. Mapulq na ang labi niya kahit walang lipstick. Ngayon ay mukhang daring na ang labi niya. Mabilis na nag video call si Zion sa asawa at nag aalala siya
"Ano ang ginagawa ng babaeng iyan dito?" tanong ni Liza sa pinsan. "Bakit sa akin mo itanong eh hindi ko kilala ang celebrant. Itanong mo sa manyak mong boyfriend." Inis niyang tugon kay Liza habang nanatili ang tingin kay Jackie. Hindi na lang pinatulan ni Liza ang pamimilosopo ng pinsan. Kailangan nilang umupo sa pagitan ng dalawang lalaki. "Hi, what is your name?" tanong ng lalaki kay Alexa. Hindi pinansin ni Alexa ang lalaking katabi. Kung tingnan ay parang sila ang partner at si Liza at ang katabi naman nito. Pagtingin niya kay Jackie ay ang ganda ng ngiti nito sa kaniya. Dahil abala siya sa pagtingin kay Jackie ay hindi niya namalayang uminum na ng alak ang pinsan. "Hey, here's your drinks." Abot ni Ben ng isang wine glass kay Alexa. "Thanks pero hindi ako umiinum." Tanggi ni Alexa sa alok ng lalaki. "Oh c'mon, wala pang tumatanggi sa alok ko. First time mo sa lugar na ito kaya hindi mo ako maaring tanggihan." Pamimilit ni Ben. Nag init ang mga tainga ni Alexa
Mula sa matalim na titig ni Alexa kay Jackie, unting-unti lumambong iyon at nakangiting humarap kay Ben. "Gusto mong inumin ko iyan?"Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Jackie at hindi natuwa sa pagiging pilyang pakipag usap ni Alexa kay Ben.Umaliwalas ang aura ng mukha ni Ben at ngumiti. "Madali ka naman palang kausap. Huwag kang mag alala at sisiguraduhin kong hindi mo pagsisihan ang pagpunta sa party na ito." Malisyusong ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki.Nakangiting kinuha ni Alexa ang hawak ng lalaki at may laman iyong alak. Sinadya pa ng lalaki na hawakan ang daliri niya pero hinayaan niya lang.Ngumiti muli si Jackie nang humarap sa kaniya si Alexa habang iniinum ang alak. Halos ubusin pa nito ang laman niyon na ikinatuwa niya. Nagpalakpak ang lahat at cheer ang babae. Ngumisi siya at papalakpakan na rin sana si Alexa ngunit hindi niya napaghandaan ang sunod nitong ginawa."Shit!" Sabay na naibulalakas ng kalalakihan."Ewww!" Ang naibulalas naman ng kababaihan habang hindi
"Sir, this way." Salubong sa kanila ng isang lalaki na halatang hinihintay ang pagdating nila.Halos takbuhin na ni Zion ang VIP room kung saan may gulo umano. Halos magkasunod lang sila ng manager at napatda siya sa kinatayuan nang makita ang histsura sa silid. Agad niyang nakita ang asawa na mukhang nakipag agawan ng alak sa lalaki."Sir, ang babaeng ito po ang may gawa sa gulong ito. Gusto niyang basagin lahat ng inumin dito at pinipigilam ko siya." Tarantang paliwanag ni Ben sa manager.Ayaw pa ring bitawan ni Alexa ang alak kahit may maari nang magligtas sa kaniya. "Huwag po kayong maniwala sa kaniya, sir. Mga adik po sila at gusto nila akong pagsamantalahan!"Doon lang parang natauhan si Zion, galit na tinabig ang manager at pumasok sa pintuan.Nanlaki ang mga mata ni Alexa nang makita ang asawa. Mabilis niyang binitawan ang bote at itinaas ang mga kamay na para bang sumusuko. "Babe, wala akong kasalanan! Pinipilit nila akong uminum!"Hintakutang napatitig si Jackie kay Zion nan
Nag-igtingan ang bagang ni Ben at galit ang tinging ipinukol kay Jackie. Hindi niya akalaing si Zion ang asawa ng babaeng gusto niyang gawan nang masama. Kung alam niya lang, hindi niya pagbalakang gawan ng masama ang babaeng iyon.Dali-dali nag umpukan sa isang tabi ang apat na babae at apat na lalaking kaibigan ni Dave nang makita si Zion.Galit na nilapitan ni Zion ang lalaking pasimuno sa party na iyon at sinuntok ito sa mukha. "You son of a bitch! Ako ang harapin mo ngayon at tingnan ko ang tapang mo na gago ka!" Mabilis na pinunasan ni Ben ang dugo sa labi at pumutok iyon dahil sa lakas ng suntok. "Sir, sorry! Hindi ko alam na ikaw po ang asawa niya. Patawarin niyo po ako at pangakong hindi na uulit!"Sa halip na sagutin ay sinipa ni Zion sa tiyan ang lalaki. "Fucker, sino ang nagplano ng lahat ng ito laban sa asawa ko?"Halos mamutla na si Jackie sa takot at halos itago na ang sarili sa likod ng ibang kasamahan. Mag uumpaw sa aura ni Zion ang galit na nadarama nito. Kapag nal