Share

chapter 15

Ramdam ko ang pamamanhid ng sarili kong mga labi nang tuluyang pakawalan ni Michael ang mga ito.

Habol-habol ko ang hininga habang lupaypay ang katawang nakakulong pa rin ako sa kanyang mga bisig habang isinasandal niya ako sa sasakyan.

Siguro kung hindi nakayapos sa'kin ang isa niyang braso ay kanina pa ako pinulot sa ilalim ng sasakyan.

Literal na nawalan ng lakas ang mga binti ko at ni hindi ko na nga maramdaman ang mga ito.

Bawat pagtaas-baba ng dibdib ko ay sinasabayan niya rin kaya nakaramdam ako nang pamimigat ng mga ito dahil sa pagkaipit sa pagitan naming dalawa.

Ramdam ko ang pananayo ng mga utong ko na sensitibong tumatama sa suot kong bra. Gusto kong hawakan ang dalawang dibdib upang maibsan ang kakaibang pangangailangan ng mga ito.

Hindi ko maipaliwanag at nahihirapan akong intindihin kung papaano pawiin ang nararamdaman.

"Nagkukunwari lang tayo," abot-abot ang hininga kong paalala sa kanya pero mas lamang na para sa sarili ko iyon.

Ayokong tuluyang makalimot habang nin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lhen Asis
nice po...khit saan ang story mo mganda po tlga...
goodnovel comment avatar
Elle
grabe ang ganda...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status