LOGINSa kagustuhang lumimot sa kataksilan ng kasintahan at sariling pinsan ay aksidenteng naibigay ni Jocelle ang virginty sa isang estranghero. Nang magtagpong muli ang landas nila ay napag-alaman ni Jocelle na isa itong bilyonaryo at maimpluwensyang tao kaya nakapagtataka ang pinapakita nitong interes sa katulad niyang malapit nang lumagpas sa kalendaryo. Nag-alok pa ito ng tulong upang tigilan na siya ng ex niyang matapos ikasal sa kanyang pinsan nagpapakita ulit ng interes sa kanya. Paano nga ba niya matatanggihan si Rowain Michael gayong binubuhay ng bawat ngiti nito ang natutulog niyang katawang lupa?
View MoreKinagabihan ay sumalo sa hapunan namin ng pamilya ni Dianne si Michael. Mabilis niyang nakuha ang loob ng Nanay at Tatay ni Dianne. Mga simpleng tao lang ang mga ito kaya siguro hindi nila gaanong kilala ang katauhan ni RM. Alam nilang malaking tao ito sa larangan ng negosyo at galing sa mayamang pamilya pero hindi nila alam kung ano ang kaya nitong gawin at ang mga nagawa na nito. Pinapakitunguhan nila si Michael batay sa pinapakita nito ngayon at hindi sa kung sino ito sa pagkakakilala ng publiko. Kakaibang saya ang nararamdaman ko habang pinapanood si Michael na masayang nakikipag-usap sa tatay ni Dianne. Tungkol sa pinagkaabalahan sa palaisdaan ang pinag-uusapan nila. "Magtatagal ka ba rito sa isla?" bigla ay tanong kay Michael ni Nanay Veron na nanay ni Dianne Napansin ko ang ginawang pagsulyap sa'kin ni Michael bago bumaling kay Nanay. "Depende po kay Jocelle,"agalang niyang sagot. "Paano kung dito na titira si Jocelle?" natatawang tanong ni Tatay Dong, ang ama ni Dian
Bago tuluyang nagpaalam sina Michael ay kinausap muna ako ni Lola Mathilda.Kabadong-kabado pa ako at baka bigla ako nitong offer-an ng sampung milyon layuan lang ang kanyang apo. Kung kailan kami nagkaayos ni Michael ay tsaka pa ako masampal ng kayaman ng Lola niya.Siguro kung ibibigay niya sa'kin ang kalahati ng buong ari-arian ng mga Arizon ay pag-iisipan ko pa ang magiging offer niya pero hindi gano'n ang naging usapan namin."Mahal ka ng apo, sana ay sa susunod na may ganitong pangyayari na naman ay sa'kin ka lumapit bago ka gumawa ng desisyon." Malumanay ang boses ni Lola Mathilda habang kinakausap niya ako.Iyong kaba ko kanina ay biglang naglaho."Kung makikita kong may mali ngang ginawa si Rowan Michael ay ako ang dedesiplina sa kanya. Malabo mang may kalokohang gagawin ang isang iyon pero tandaan mong kakampihan kita 'pag nagkataon.""Pasensya na po kayo," nakayuko kong paghingi ng paumanhin.Naiintindihan ko naman iyong naratamdaman niyang inis dahil sa inakto ko. Pati ba
Ilang sandali pa at magkakaharap na kaming lahat sa sala nina Dianne. Dati naman ay naluluwagana ako sa sala nila pero dahil sa presensya ng mga bisita namin ay biglang parang sumikip.Pakiramdam ko nga ay hindi kakayanin ng maliit na ceiling fan na nandito sa sala iyong init na dala ng tensiyon.Kahit saan talaga ilagay itong Lola Marga ni Michael ay astang reyna talaga ito. Well, gano'n naman talaga ito, reyna ng mga Walliz. "Now, ipaliwanang mo sa'kin kung bakit bigla-bigla kang umalis," seryoso nitong kausap sa'kin."Bakit ako iyong magpapaliwanag?" maang kong tanong. "Ako po iyong niloko ng apo ninyo," dugtong ko.Kailangan ko lang pala isipin iyong kasalanan sa akin ni Michael para magkalakas loob akong sagutin ang lola niya.Kung ako naman iyong naaagrabyado ay hindi ako dapat na manahimik lang lalo na ngayong may pinoprotektahan na ako.Wala sa sariling naipatong ko ang kamay sa impis kong tiyan. Nang mahagip ng tingin ko ang pagtutok doon ni Michael ay taranta ko namang inali
"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako pakikinggan," matigas na pahayag ni Michael.Sa pagkakataong ito ay nakikita ko na iyong RM na pinangingilagan ng lahat. Ibang-iba ang Michael na kaharap ko ngayon sa Michael na nakasama ko. Gano'n pa man ay hindi nagbabago iyong damdamin ko para sa kanya. Partida galit pa ako niyan dahil sa ginawa niyang pagtataksil sa'kin."Walang katotohanan ang inaakala mong panloloko ko sa'yo," mariin niyang dagdag.Mapakla akong napapalatak habang naiiling dahil sa narinig."So, sinasabi mo na hindi totoo iyong nakita ko?" sarkastiko kong tanong. "Gagawin mo pa akong tanga, eh kitang-kita ko kayong dalawa ni Vernice!" nanggagalaiti sa galit kong bulyaw sa kanya."Celle, kalma lang," awat sa'kin ni Dianne. "Hindi makabubuti sa'yo ang ma-stress," makahulugan niyang dugtong.Agad kong naalala ang kasalukuyan kong kondisyon kaya mariin akong pumikit at huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili.Nang muli akong magmulat ng mga mata at diretso kong sinama
Nabunutan ako ng tinik sa dibdib at bahagya akong napanatag nang makumpirma ng mga tauhan ko na kasama ni Dianne si Jocelle.Isang araw din ang lumipas bago marinig ko ang pinakahihintay kong balita.Ito na yata ang pinakamahaba kong paghihintay bagay pero worth it naman dahil nasa maayos na kalagaya
Hindi ko na matandaan kung papaanong nagpaalam sa mag-asawang Michelle at Luc dahil abala ako sa pagkontrol ng nararamdaman ko.Ayokong mahahalata nila ang hindi magandang epekto sa'kin ng mga kinuwento nila. Lumalabas kasi na ginamit lang ako ni Michael. Parang namamanhid ang puso ko tuwing maiisip
Hindi ko na nabilang kung ilang ulit kaming nagpakasasa sa katawan ng bawat isa ni Michael. Ang tanging malinaw sa'kin ay ang lalong pagtindi ng sarap sa bawat pagkakataong mapag-isa kami.Kain lang iyong pahinga namin sa buong maghapong nanatili kami sa bahay niya. Hindi pa rin humuhupa ang ulan at
Kinagabihan ay kinakailangan ko na talagang umuwi sa amin. Hindi ako pwedeng magpaumaga sa bahay nina Dianne lalo ba at kanina pa tumatawag si Mama pero hindi ko nga lang sinasagot.Hindi na ako nagulat bang naabutan ang buong pamilya ko na naghihintay sa'kin.Katulad nang dati ay halatang hindi ginus






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore