LOGINIsang kasambahay ang biglang aalukin 5milyon ng asawa ng isang bilyonaryong gustong magkaanak para hindi siya nito iwan! Ano na lang ang gagawin ng kasambahay na ito kung unti-unti siyang nahuhulog sa kanyang among lalaki?
View MoreERICA VILLAGOMEZ
Matapos magprito ng dalawang pirasong itlog, naupo na ako. Sa wakas, makakakain na rin ako. Alas otso na ng gabi at ngayon pa lang ako kakain. Noong isang araw pa ako nakarating sa Manila para makahanap ng trabaho. Kahit anong trabaho. Ulila na akong lubos at nasa edad bente dos. Naisip kong umalis na sa bahay ng tiyahin ko dahil masama ang ugali nito. Ngayon, nakikitira ako sa apartment ng pinsan ko. "Pasensya ka na, insan. Itlog lang ang ulam natin araw-araw. Iyan lang kasi ang pinakamurang ulam. Nasanay na lang din ako na iyan ang ulam ko palagi. Minsan lang makakain ng karne," wika ng pinsan kong si Eli. "Ano ka ba? Ayos na ayos lang! Ang sarap kaya ng itlog! The best ulam ito in the world! At saka dapat nga ako ang mahiya sa iyo dahil nakikitira lang ako rito. Sampid lang ba. Kaya hindi mo ako dapat intindihin," tugon ko sa pinsan ko. "Hay, buhay. Pagod na akong maging mahirap. Kailan kaya tayo yayaman, 'no? Ang sarap siguro na palaging masarap ang ulam. Naggo-grocery nang hindi tumitingin sa presyo ng kukuning item. Kainis talaga. Ang hirap maging mahirap!" reklamo ng pinsan ko. Natawa ako nang mahina bago binilisan ang pagnguya. "Huwag kang mag-alala, yayaman din tayo soon. Tiwala lang." KINABUKASAN, muli akong naghanap ng trabaho. Umiikot-ikot ako sa lugar na iyon, nagbabakasakaling makahanap ng mapapasukan. Nahihilo na nga ako sa kakalakad. Hanggang sa naupo ako sa ilalim ng isang malaking puno para magpahinga sandali. Parang hindi ko na nga maramdaman ang mga binti at paa ko sa layo ng nilakad ko. Kinuha ko ang cellphone ko at saka sumali sa mga job hiring group online. Nag-scroll ako nang nag-scroll hanggang sa may makita akong bagong post. Naghahanap sila ng kasambahay. Agad akong nag-private message sa nag-post. Lumipas ang isang oras bago ito nag-reply sa akin. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nagtitipa ng sagot. "Sa wakas!" masaya kong sabi nang matanggap ako bilang kasambahay. Biglang nawala ang pagod ko. Mabilis akong lumakad pauwi. Hindi ko nga naramdaman ang pagod sa paglalakad dahil mas nangingibabaw ang saya na nararamdaman ko. Masaya kong ibinalita sa pinsan ko ang nangyari. "Salamat, insan, dahil hinayaan mo akong mag-stay rito. Hayaan mo, babawi ako sa iyo. Sa unang sahod ko, sa day-off, kakain tayo sa labas, ha?" nakangiti kong sabi kay Eli. "Walang anuman. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo lang din? Huwag mo munang isipin ang pagbawi mo sa akin. Masaya akong nakahanap ka na ng trabaho. Galingan mo para magkaroon ka agad ng salary increase," tugon ng pinsan ko. Stay-in na kasambahay ako. May dalawang araw akong day-off kada buwan at puwede akong magdesisyon kung anong araw ko gustong mag-day-off. Mag-asawa ang pagsisilbihan ko. Businessman ang lalaki habang secretary naman sa isang kilalang kumpanya ang babae. Mayaman ang mag-asawang ito kaya naman nalula ako sa laki ng bahay nila. At dahil mag-asawa lang naman sila at hindi rin makalat sa bahay, lalo pa't madalas silang wala roon, ako lang ang kasambahay nila. Mag-isa lang ako pero ayos lang. Kahit malaki ang bahay, hindi naman ganoon kahirap ang magiging trabaho ko dahil madalas na wala roon ang mag-asawa. "Ito ang magiging kuwarto mo. Ilagay mo na lang diyan ang mga gamit mo sa cabinet. Puwede kang gumamit ng aircon. Ikaw ang bahala kung gusto mong mag-aircon o mag-electric fan," nakangiting wika ni Jade, ang amo kong babae. "Maraming salamat po, ma'am," tugon ko sa kanya. Pagkapasok ko sa kuwarto, napanganga ako. Ang ganda ng kuwarto ko! May sarili akong cabinet at hindi iyon maliit. Malaki iyon. Malaki rin ang malambot na kama ko. Tiyak na komportable akong makatutulog doon. "Yehey! Ang ganda ng kuwarto ko!" Hindi ko napigilang sabihin iyon bago humiga sa kama. Inayos ko ang mga gamit ko sa cabinet. Sinalansan ko ang mga damit ko pati na ang mga personal na gamit ko, gaya ng mga pang-skin care ko at kung anu-ano pa. Nang matapos ako, lumabas na ako sa silid. Nagtungo ako sa sala kung saan nakaupo ang amo kong babae. Ipinaliwanag niya sa akin ang mga dapat kong gawin pati na ang mga bawal sa bahay na iyon. "Madalas na ako ang nauunang umuwi sa bahay. Minsan lang maunang umuwi ang asawa ko. Madalas siyang gabi na umuwi dahil sa dami ng inaasikaso niya. Marunong ka namang magluto, 'di ba?" tanong ni Jade sa akin. Mabilis akong tumango. "Yes, ma'am. Maalam naman po ako sa pagluluto." "Mabuti naman kung ganoon. Pero bago ka magluto ng pagkain, madalas ay hapunan, magme-message ka muna sa akin. Palagi. Magtatanong ka kung magluluto ka ba o hindi dahil madalas ay kumakain na lang din kami sa labas. Para kapag umuwi na kami rito, magpapahinga na lang kami," paliwanag ng amo kong babae. "Sige po, ma'am. Copy po," mabilis kong sagot. Nginitian niya ako. "May gusto ka pa bang itanong? May hindi ka ba naintindihan sa mga gagawin mo?" Mabilis akong umiling. "Wala na po, ma'am. Naipaliwanag n'yo naman po lahat, ma'am." "Okay, good. Basta, maging tapat ka lang sa amin, magiging maayos tayo. Hindi naman kami mahigpit, lalo na sa pagkain. Kahit anong gusto mong kainin, puwedeng-puwede. At kung may kailangan ka, gaya ng mga personal na gamit mo, puwede mo itong ipasabay kapag maggo-grocery ka. Every month ka maggo-grocery. Kasama mo si Manong Driver. Huwag kang mahiyang bilhin ang gusto mo. Hindi namin ibabawas sa sahod mo. Hiling lang namin, maging tapat ka sa amin," pakiusap ni Jade. "Opo, ma'am. Maraming salamat po," nakangiti kong tugon. Labis ang galak at pasasalamat ko dahil mabait ang magiging amo ko. Mahinahong magsalita si Jade at professional na professional ang dating niya. Maganda siya at sexy. Sampung taon nang nagsasama ang mag-asawa kong amo pero hindi pa sila nabibiyayaan ng anak. Nasa edad forty na ang amo kong lalaki habang si Jade naman ay thirty-five years old. "Mamayang 10 p.m. o baka 12 a.m., darating na ang asawa ko. Si Jackson. Kaya medyo malaki ang sahod mo dahil doon. Madalas kasing late umuwi ang asawa ko at dapat, palagi mo siyang pagbubuksan kaagad. Pero hindi mo naman kailangang gumising nang maaga dahil hindi naman kami nag-aalmusal. Bihirang-bihira. Madalas ay coffee lang kami at ako na ang nagtitimla para sa asawa ko. Kaya ayos lang na gumising ka ng 8 a.m. o 9 a.m. Okay na ba sa iyo ang lahat?" mahinahong sabi ng amo kong babae. "Opo, ma'am. Noted po," saad ko. At dahil madalas na gabing-gabi na umuuwi ang amo kong lalaki, naisip kong sa sala na lang ako umidlip kung aantukin man ako. Sa ganoon, maririnig ko kaagad kung may kakatok sa p***o. Mabilis lang naman akong magising kapag may narinig akong ingay. At ganoon nga ang ginawa ko. Pero hindi naman ako nakatulog sa sala. Nanood lamang ako ng palabas. Alas onse na ng gabi nang umuwi ang amo kong lalaki na si Jackson. Bahagya pa akong nagulat sa kaguwapuhan niya. Hindi mahahalata na nasa edad forty na si Jackson. Napakaguwapo niya. Malaki ang katawan at mapipintog ang mga braso. Halatang nagpupunta siya sa gym. "Magandang gabi po, sir. Ako po si Erica, ang kasambahay n'yo rito," magalang kong sabi sa amo kong lalaki. "Okay, sige. Nasaan si Ma'am Jade mo?" tanong ni Jackson sa akin. "Nasa kuwarto na po niya, sir. Nagpapahinga. May ipag-uutos po ba kayo, sir? Nagugutom po ba kayo?" mabilis kong tanong. Mabilis siyang umiling bago ako tipid na nginitian. "Wala naman. Nag-dinner na ako. Magpapahinga na lang ako," sabi niya bago mabilis na umakyat ng hagdan. Ini-lock ko na ang p***o at pinatay rin ang TV. Kapag nakauwi na ang amo kong lalaki, wala na akong ibang gagawin. Puwede na akong magpahinga. Depende na lang kung may message sa akin si Jade at may iuutos siya. Kaya nilakasan ko ang volume ng cellphone ko para tumunog iyon kung may mag-message sa akin.ERICAKINABUKASAN, HABANG ABALA AKO SA PAGLULUTO NG HAPUNAN, hindi pa rin maalis sa isip ko ang alok sa akin ni Ma'am Jade. Limang milyon. Sa buong buhay ko, hindi ko pa nahahawakan ang ganoon kalaking halaga ng pera. Kahit pagsama-samahin ko pa ang lahat ng sahod na kikitain ko sa loob ng ilang taon, malabong makaipon ako ng ganoon kalaki.Pero hindi naman biro ang hinihingi sa akin ng amo ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sitwasyong iyon kung sakaling pumayag ako. Ang mas nakakaloka pa, si Sir Jackson na amo ko ang bubuntis sa akin!Napabuntong-hininga ako habang hinahalo ang niluluto kong ulam. Kung puwede lang sanang kunin ang limang milyon nang hindi kailangang gawin ang hinihingi ni Ma'am Jade, baka kanina pa ako pumayag. Kaso, hindi ganoon kadali ang lahat.Nang biglang tumunog ang cellphone ko, agad kong pinatay ang kalan bago sinagot ang tawag. Si Mama Rosa ang tumatawag sa akin.“Hello, Ma? Bakit po?” bungad ko habang hawak ang cellphone sa isang kamay at inaayos
ERICASUMUNOD NA ARAW, hindi ko inasahan na isang nakabibiglang sorpresa pala ang naghihintay sa akin pagkabalik ko sa bahay ng mga amo ko. Bigla akong kinabahan nang i-message ako ng amo kong babae noong gabi bago ako bumalik sa bahay na iyon.Mabagal akong humakbang paakyat ng hagdan. Nang matapat ako sa kuwarto ng mag-asawa, humugot ako ng malalim na paghinga bago kumatok. Wala roon ang amo kong lalaki. Si Jade lamang ang naroon.“Pumasok ka dito, Erica,” mahinahong sabi ni Jade sa akin.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Tila ba pinagtatambol ang puso ko sa labis na kaba.“Maupo ka, Erica,” sabi ni Jade bago itinuro ang kama.Naupo ako sa gilid ng kama, kaharap ang amo kong babae. Magkatitigan kaming dalawa ng ilang segundo bago nagsalita si Jade.“Erica, nagpapasalamat ako sa pagiging tapat mo sa amin ng asawa ko. Wala ka pang isang taon sa amin pero ang gaan-gaan na ng loob ko sa iyo. At pakiramdam ko, kilalang-kilala na kita. Erica, alam kong maiisip
JADE ALEGREMABILIS NA LUMIPAS ANG MGA ARAW, isang buwan na rin ang lumipas simula nang mag-away kami ng malala ng asawa kong si Jackson. Ramdam ko ang panlalamig naming dalawa sa isa't isa.Palagi akong umiiyak. Ngunit wala naman akong magawa. Hindi ko rin makausap si Jackson dahil kapag umuuwi ako, nagkukulong na agad ako sa kuwarto. Habang ang asawa ko naman, naging madaling araw na ang uwi. Alas dos hanggang alas tres ng madaling araw.“Erica…” tawag ko sa kanya.Dali-dali siyang lumapit sa akin.“Bakit po, ma'am?” tanong niya.Malungkot akong tumingin sa kanya. Mapapansin pa ngang namumula ang mga mata ko. Ibig sabihin lang, kagagaling ko lang sa pag-iyak.“Pasensya ka na kung naaabala namin ang oras ng pagtulog mo. Imbes na tulog ka na sana ng madaling araw, kailangan mo pang magising para pagbuksan ang asawa ko,” malungkot kong sabi.Ngumiti si Erica. “Ayos lang po, ang ginagawa ko naman, umiidlip na ako sa sala. Diyan sa sofa. Malaki naman ang sofa parang kama rin. Tapos kapag
ERICA ISANG LINGGO ANG LUMIPAS, naging magaan ang lahat sa akin. Sa isip ko, isa ako sa mga pinakamasuwerteng kasambahay sa mundo, lalo pa't mabait ang mga amo ko. Wala akong masabi sa mag-asawa. Madalas nga lang akong mag-isa sa bahay. Kapag ganoon, nakikipag-usap ako sa pinsan kong si Eli sa pamamagitan ng video call. Kinukuwento ko sa kanya ang mga nagaganap sa akin sa bahay na iyon."Ang guwapo ng amo mong lalaki, 'no? Buti hindi ka nagkaka-crush sa kanya," pilyang sabi ni Eli.Nangasim ang mukha ko."Hello, bakit naman ako magkakagusto sa kanya? Hindi naman porke guwapo siya at matipuno ang katawan, dapat magkagusto na ako. Dapat ang landi natin, nilulugar. Ayokong mapalayas ako rito. Sila na yata ang pinakamabait na nakilala ko. Dati kasi, naging yaya na ako. Ang sama ng ugali ng mag-asawa kaya hindi ako nagtagal. Ang spoiled pa ng anak nila," kuwento ko."Sabagay, tama ka naman sa sinabi mo. Ilugar nga ang kalandian nating taglay. Pero 'di ba ang sabi mo, hindi pa sila nagkaka












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews