My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon

My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon

last updateÚltima atualização : 2026-10-24
Por:  K. AmarisAtualizado agora
Idioma: Filipino
goodnovel16goodnovel
Classificações insuficientes
8Capítulos
19visualizações
Ler
Adicionar à biblioteca

Compartilhar:  

Denunciar
Visão geral
Catálogo
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP

Naniniwala si Nathalie Hernandez na natagpuan na n’ya ang lalaking makakasama n’ya habang-buhay. Ngunit gumuho ang buong mundo nito nang malaman n’yang matagal na s’yang niloloko ng kan’yang nobyo, at wala nang mas sasakit pa sa katotohanang ang babaeng ipinagpalit sa kan’ya ay walang iba kundi ang sarili n’yang kapatid! Sa halip na magmakaawa sa lalaking nagtaksil sa kan’ya, pinili n’yang talikuran ang nakaraan at magsimula ng panibagong buhay. Kaya nang dumating ang pagkakataong makipag-blind date, napilitan man s’ya noong una, ngunit tila ba nagdilang anghel ang pagkakataon na ito. Sino nga ba naman ang mag-aakalang ang isang simpleng blind date ay hahantong sa isang biglaang kasal? Sa simula ng kanilang pagsasama, may isang bagay s’yang lubos na pinaniniwalaan: bakla ang kan’yang mister. Dahil dito, malaya s’yang maglakad-lakad sa bahay suot ang maiikling palda at sando, at hindi na rin n’ya kailangang mag-abala pang magsuot ng bra. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, tila may nagbabago sa kan’yang mister. Ang mga titig nito ay lalong nagiging matindi na tila nag-aalab, at ang bawat paglapit nito ay nagpapabilis sa tibok ng kan’yang puso. Huwag mong sabihing napatuwid n’ya ang isang bakla?

Ver mais

Capítulo 1

Kabanata 1: Ang Nagmamahalang mga Taksil

Pasado ala una na ng madaling-araw, mahimbing na natutulog si Nathalie nang magising s’ya dahil sa mensahe mula sa isang kliyente. Iritado matapos basahin ang mga hindi makatuwirang kahilingan nito, hindi na s’ya muling nakatulog pa dahil sa inis kaya naisipan n’yang bumangon at nagtungo sa banyo.

Dahil sa may kalumaan na ang kanilang bahay at manipis na ang mga dingding, maingat s’yang kumilos papunta sa pintuan upang hindi magising ang kan’yang pamilya. Ngunit napatigil s’ya nang mapadaan sa kuwarto ng kan’yang nakababatang kapatid na babae; mula roon, nakarinig s’ya ng ingay na nagpainit ng kan’yang mukha.

“Kuya Jacob, dahan-dahan lang…”

Mahina at malalim ang paghinga, sumagot ang boses ng isang lalaki, “Huwag masyadong maingay, Alex, maririnig tayo ng ate mo.”

Sumagot naman ang babae, ang boses ay malambot at malumanay, “Ano naman kung marinig n’ya? Akin ka lang Kuya Jacob…”

Tila binuhusan ng malamig na tubig ang katawan ni Nathalie sa narinig n’ya.

Hindi kailanman sumagi sa kan’yang isipan na ang kan’yang mature, mahinahon, maalaga, at mapagmahal na nobyo ay magagawang pagtaksilan s’ya, at sa mismong kapatid n’ya pa.

Si Alexandra, ang kan’yang nakababatang kapatid na babae, ay paborito ng pamilya simula pa man noong mga bata pa sila. Si Nathalie naman, bilang nakatatandang kapatid, ay laging inuunawa at pinagbibigyan ang kapatid.

Hindi naman bulag si Nathalie para hindi mapansin ang labis na pagkalapit ng kan’yang nakababatang kapatid na babae kay Jacob. Napansin na rin n’ya na umabot na ito sa puntong hindi na angkop.

Palihim na rin n’yang pinaalalahanan si Jacob na dumistansya sa kan’yang nakababatang kapatid.

Ngunit, pakiramdam ni Jacob ay masyadong sineseryoso at pinalalaki lamang n’ya ang isang maliit na bagay. Puno ng kump’yansa nitong tugon, “Nath, ano ba naman ‘yang iniisip mo? Ang bata pa ni Alex. Itinuturing ko lang s’yang nakababatang kapatid. Kung tutuusin, ang kapatid mo ay kapatid ko na rin…”

Dahil sa sinabi nito, napaisip nang malalim si Nathalie kung masyado lang s’yang makitid ang isipan at mapaghinala.

Nagseselos pa talaga s’ya dahil lang malapit ang nobyo n’ya sa kan’yang pamilya.

Ngunit, tama nga ang kan’yang hinala.

Nang marinig n’ya ang mga malalaswang ingay na nagmumula sa loob ng silid, agad na sinipa ni Nathalie ang pintuan sa kan’yang harapan at puwersahang binuksan iyon.

Kasabay ng pagkalabit ng pindutan, binalot ng liwanag ang kaninang madilim na silid. Sa harapan n’ya, dalawang hubo’t hubad na katawan ang nakahiga sa kama, magkadikit at magkayakap.

Nakakabigla ang eksena na kan’yang nahinatnan. Tila ba tinutusok ang kan’yang mga mata sa tindi ng kan’yang nasaksihan.

Sa kabila ng mga pangyayari, hindi nagwala si Nathalie. Sa halip, malamig s’yang ngumiti, itinaas ang mga kamay, at ilang beses na pumalakpak, “Isang lalaking walang kuwenta at isang babaeng walang kahihiyan. Kayong dalawa, bagay na bagay! Talagang ginawa kayo para sa isa't isa!”

“Ah!” napasigaw ang dalaga sa kama. Agad nitong hinila ang kumot upang takpan ang kan’yang hubad na katawan, saka galit na nagsalita, “Ate, bakit ba basta-basta ka na lang pumapasok nang hindi kumakatok?!”

Luma at halos giba-giba na ang bahay. Hindi na rin sumasara nang maayos ang p***o ng silid nito, kaya isang sipa lang ay bumubukas na iyon.

Nang makita ni Nathalie na si Alexandra pa ang may ganang manisi sa kan’ya, na para bang s’ya ang biktima, natawa na lamang s’ya sa sobrang galit, “Pasens’ya na, ha? Ang lakas kasi ng ungol n’yo at nagising ako,” dagdag pa ni Nathalie, “At nagmamaang-maangan ka pa? Hindi ba't sinasadya mong sumigaw at umungol nang napakalakas para magising ako at makita kayo?”

Sandaling hindi makatingin nang diretso si Alexandra, hanggang sa mamula ang mukha nito na tila nahihiya sabay sabing, “Ate, hindi mo kasi naiintindihan. Hindi ko talaga ito makontrol. Napakalakas kasi ni Kuya Jacob…”

Sa totoo lang, sinadya n’yang mag-ingay at umungol nang malakas nang gabing iyon para magising ang kan’yang ate.

Ayaw na n’yang manatiling isang kabit na nakatago lamang sa dilim.

Babawiin n’ya ang lalaking para sa kan’ya!

Nagkandarapa si Jacob sa pagsuot ng pantalon. Halata sa mukha nito ang pagkailang at pagkahiya, “Nath, patawarin mo ako. Nakainom lang ako nang kaunti ngayong gabi, kaya…”

Isinuot ni Alexandra ang kan’yang pantulog na bestida, saka biglang niyakap si Jacob mula sa likuran, “Kuya Jacob, bakit ka pa nagpapaliwanag sa kan’ya? Ako naman talaga ang mahal mo. Mas mabuti na rin na malaman ni Ate…”

Mula pagkabata hanggang sa paglaki nila, sa tuwing may nagugustuhan s’ya, palaging ipinapaubaya ‘yon sa kan’ya ng kan’yang ate.

Kaya naniniwala s’yang ganoon din ang mangyayari pagdating sa isang lalaki.

Nathalie: “…”

Noon, ang akala n’ya ay medyo spoiled at makulit lang ang nakababata n’yang kapatid, pero hindi naman ito masamang tao.

Hindi n’ya lubos akalaing ganoon na pala kabaluktot ang pag-iisip nito na nakayanan nitong agawin ang nobyo ng sarili nitong ate nang walang bahid ng kahihiyan.

Nanigas ang katawan ni Jacob, ang isipan nito ay hindi mapayapa at nagkakagulo. Alam n’yang dumating na ang sandaling kailangan n’yang pumili sa pagitan ng dalawang magkapatid.

Dalawang taon na silang magkasintahan ni Nathalie, kaya hindi mapagkakailang may nararamdaman din s’ya para rito.

Ngunit ibang-iba ang pakiramdam na ibinibigay sa kan’ya ni Alexandra.

Karaniwang labis na umaasa sa kan’ya si Alexandra, na para bang s’ya na ang magiging asawa ng ate nito. Paminsan-minsan, nagpapalambing din ito sa kan’ya.

Gustong-gusto n’ya ang pakiramdam na may isang batang babae na umaasa at humahanga sa kan’ya.

Samantala, napaka-independent ni Nathalie. Kaya nitong solusyonan lahat ng problema at gawin ang lahat nang mag-isa, ni hindi man lang siya hinihingan ng tulong nito. Masyado itong dominante at nakababagot. Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama, hindi man lang siya nito pinayagang hawakan ang katawan nito.

Si Alexandra naman ay masunurin at malambing. Napakasarap at hindi malilimutan ang karanasang ibinibigay nito sa kan’ya sa kama, kaya hindi n’ya ito maiwasang hindi hangarin.

Sa loob ng kalahating taon, ipinagpatuloy nilang dalawa ang kanilang lihim at hindi nararapat na relasyon.

At ngayong gabi lamang sila nahuli ni Nathalie.

“Kuya Jacob, sabihin mo na. Sabihin mo kay Ate na ako ang mahal mo,” pang-uudyok ni Alexandra.

Paulit-ulit na nagpalipat-lipat ang tingin ni Jacob sa magkapatid. Halatang hindi s’ya makapagpasya.

Isang tingin pa lang ay nabasa na ni Nathalie ang iniisip nito.

Ha! At talagang pinag-iisipan n’ya pa?

Dahil sa sobrang ingay, nagising na rin sina Hulyo at Mercedes, ang mga magulang ng magkapatid. Agad na nagtungo ang mga ito sa pintuan ng silid. Naguguluhan at hindi makapaniwala sa nakikitang nangyayari sa loob, kapwa sila natigilan sa pagkabigla.

Hindi makapaniwala si Mercedes sa kan’yang nakita. “Ano… ano ba itong nangyayari… Jacob, nagkamali ka ba ng pinasok na kuwarto?”

“Ma, mahal ako ni Kuya Jacob,” hagulgol ni Alexandra, ang mga mata nito’y namumula sa kakaiyak. “Tunay kaming nagmamahalan ni Kuya Jacob. Sa relasyong ito na ang dalawa ay nagmamahal ng isa, ang babeng hindi naman talaga mahal… ang s’yang tunay na kabit.”

Galit na tinanong ni Hulyo si Jacob, “Jacob, ano ba talaga ang nangyayari rito?!”

Sa harap ng mapanuring mga mata ng mag-asawa, nakaramdam ng matinding kahihiyan si Jacob. Kung tutuusin, karelasyon n’ya ang nakatatandang kapatid, ngunit ang bunso nito ang dinala n’ya sa kama.

Wala na s’yang nagawa kundi lakasan ang loob at sabihin, “Tito, Tita, ang tunay kong minamahal… ay si Alexandra. Huwag po kayong mag-alala, pananagutan ko s’ya at pakakasalan ko kung kinakailangan.”

Nathalie: “…”

Ha! Talaga namang bagay na bagay ang dalawang lapastangang traydor na ito na kunwari'y tunay na nagmamahalan. Nagmamahalang mga taksil!

Kung ganoon, paano naman ako?

Parte lang ba ako ng laro nilang dalawa?

Simula pa man noong una, lagi nang pinapaboran ng mga magulang nila ang kanilang bunsong anak na babae. kaya agad na nagpahayag ng saloobin si Mercedes.

“Nath, nasaksihan mo mismo ang nangyari. Kung talagang mahal nina Jacob at ng kapatid mo ang isa't isa, huwag ka nang makialam sa relasyon nila. Huwag ka nang pumagitan.”

Expandir
Próximo capítulo
Baixar

Último capítulo

Mais capítulos

Para os leitores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Sem comentários
8 Capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status