Share

Playing with Lies
Playing with Lies
Penulis: HoneylynBlue

Chapter 1

KINUHA  KO  YUNG sniper riffle ko at itinutok sa kintatayuan ng isang drug lord. Tiningnan ko siya gamit ang telescope at dahan dahan kong nilagay ang mga daliri ko para kalabitin na ang gatilyo.

Nandito ako sa hotel room na katapat ng building na kinaro-roonan ng drug lord at kasalukuyan silang kumakain ng mga kasama niya sa isang Chinese restaurant. Nakangisi pa siya habang kausap ang isang tao na nakangisi rin sa kanya na hula ko ay gaya rin niyang masamang nilalang. Tingnan lang natin kung magawa mo pa bang ngumisi mamaya pag basag na yang bungo mo!

Pinuntirya ko yung ulo niya at kinalabit agad yung gatilyo. Nang tumama ang bala sa noo niya at bigla nalang siyang natumba sa mesa ay nagkagulo agad ang mga tao. Pati narin ang kausap niya na namumutla.

"Wala ka talagang palpak agent 00013!" pasigaw na sabi ni agent 00009.

"Of coarse! Ako pa!" mayabang kong sagot sa kanya.

Nakangiti ako habang inaayos ko yung riffle ko at isinilid sa bag. Sunulyapan ko yong kabilang building at nagkagulo parin sila may mga pulis na rin sa area at rinig na rinig yong alarm sa buong building.  Para silang mga asong ulol. Hindi ba nila alam na ang lalaking iyan ay isang drug lord at ang may kagagawan sa pagkawala ng ilang mga kabataang babae dahil kinikidnap nila at ibinibenta sa mga banyaga sa milyon-milyong halaga.

Umiling ako at binitbit ang bag ko at sinuot yong baseball cap ko tapos ay lumabas sa hotel room na  parang walang nangyari. Hay! After this, magbabakasyon na talaga ako. 

"Agent 00009, I'm here" sabi ko at maya maya pa ay  pumarada na agad ang isang puting van sa harap ko. Sumakay agad ako at pinikit yong mata ko.

"Congrats agent 00013!" bati ni agent 00018 sa'kin. Iminulat ko yong mata ko at ngumisi sa kanya.

"Thanks." sagot ko.

"Finally makaka-pag beach na talaga ako."sabi ni agent 00009.

"Yeah. Masisilayan ko na ulit yong mga vitamins ng mata ko" sagot naman ni agent 00018.

"Heh! Mga manyakis talaga kayo noh!" singhal ni agent 00015.

"What's wrong with that? It's natural you know" sagot ni agent 00020.

Sumimangot si agent 00015 at kinalikot yong laptop niya. 

Binabaybay namin ang daan papunta sa headquarters. Nagrerelax lang ako habang iniisip yong nangyari. Kelan ba sila mauubos sa mundo? Mga wala silang awa. Nag tiim bagang ako ng maalala ang nangyari sa mga magulang ko. Mag wawalong taon na ang nakaraan nang nangyari iyong trahedya na yon sa buhay ko na bumago ng husto sa'kin. Dahil doon natuto akong maghiganti sa mga taong may gawa noon sa mga magulang ko. Isa isa ko silang  inubos dahil yon nalang tanging magagawa ko para sa mga magulang ko na pinatay ng walang kalaban laban nga mga walang awang taong yon.

Dumating kami sa headquarters at agad akong binati ng mga kasamahan ko sa trabaho. Tumango lang ako sa kanilang lahat at dumiretso sa opisina ng boss namin.

"Sir,"

"Congratulations agent 00013" bati ni Sir 00001.

" Thank you sir"

"I already signed your one month leave" imporma niya sa'kin at tumango naman ako.

"Are you going to your island?"tanong niya at tumayo para lumapit sa'kin.

"Yes sir. I will visit my parents there" magalang kong sagot.

Tumango tango naman siya at hinaplos yong buhok ko.  "You're stronger than before. I'm proud of you,"

Ngumiti lang ako ng bahagya at tumungo.

"You can go now" maya maya niyang sabi.

"Thank you sir" sabi ko at tumalikod na.

Pumunta ako sa locker room at kinuha yong mga gamit ko at isinilid sa travelling bag ko. Pagkatapos kong kunin ang gamit ko ay lumabas ako at naabutan ko silang lahat sa labas.

"Take care Eliezah," sabi ni General.  "Next week is their eight year death anniversary and I know you're gonna lock yourself again in your past." dagdag niya."I know you're parents wants you to move on. You need to be happy again ijha, don't lock yourself in the past. Nadito pa kami. Namimiss na namin ang masayahing unica ijha ng pamilya natin. I'm saying this not as your head but as your uncle and as a father too." malambot niyang sabi sa'kin.

Nangilid yung luha ko pero agad ko rin pinahid at ngumiti sa kanya.

" Salamat Tito. Tanggap ko naman na hindi na maibabalik ang buhay nila Mama at Papa pero hindi lang ako makapaniwala na ganun yong sinapit nila sa kamay ng mga walang awang tao." sagot ko.

Tumango siya at niyakap ako.

" Take care" sabi niya at tinapik yong balikat ko.

"Thanks tito. You too" sabi ko at sumakay na sa motor ko.

Kumaway ako sa kanilang lahat at pinandar na yong motor.

I want to unwind myself. Gusto kong magrelax ng magrelax. I miss my parents so much. Habang binabaybay ko ang daan papunta sa bahay namin noon ay hinayaan kong maalala ulit yong nakaraan ko.

**********

"Happy birthday princess!"bati ni Papa sa'kin.

"Thank you Papa!"

Everyone are happy because of the celebration. I receive a lots of gifts comes from different people from my fake friends to the businessman's children. Their gifts comes from different styles which is I don't like. I'm not fond of material things.

"Princess this is our gifts to you. We hope you like it" sabi ni Mama at kinuha mula kay Papa ang isang papel at binigay sa'kin. Nagtataka naman akong tinanggap iyon at ng mabasa ko ang nakasulat sa papel ay niyakap ko agad sila.

It is an island which named after me and I really like to be there because it feels like I'm in home. It was my mother's birthday when something's came up. Habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang birthday ni mama ay na-ambush sila. Hinarang sila ng mga armadong tao at pinagbabaril ang sasakyan nila. Lahat sila patay na nang maabutan namin. Tadtad ng Bala ang katawan ni Mama at Papa. Na trauma ako dahil sa nangyari at ilang taon rin akong nasa rehabilitation center dahil sa depression ko. Sa isang iglap lang ay nawala ang pinaka importanteng tao sa buhay ko.

******

Isang busina ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Lumiko ako sa kanto papunta sa dating bahay namin at pinarada ang motor ko sa labas ng bahay. Medyo matagal na pala akong hindi nakabisita rito kasi may mga alikabok na ang mga mamahalin naming muebles na noon ay napakalinis dahil kay Mama. Tiningnan ko yong family picture namin na nakasabit sa dingding. Nakangiti kaming tatlo habang kinukuhanan kami ng picture.

"I miss you so much Ma, Pa"malungkot kong usal habang tinitingnan sila na parang sinasabi nila na okay lang. That I should be stay strong. That I can do this alone.

Tumalikod na ako  at pagdating ko sa pinto ay sumulyap ako ulit sa family picture namin.

"Bye muna 'Ma 'Pa. Magbabakasyon muna ako dahil napagod  ako masyado sa trabaho."

Ngumiti ako at sinarado na yung pinto ng bahay at sumakay na ako sa motor ko papunta  sa daungan kung saan naroon ang yate ko na maghahatid sa'kin sa Mary's Island.

Pinarada ko yung motor ko sa harap ng yate at bumaba agad yong matandang tauhan ni Papa.

"Elie, mabuti at nakarating kana" sabi niya at kinuha agad yong bag ko.

"Opo. Gusto ko na po kasing mag relax. Nakakapagod ang trabaho." sagot ko naman at sinundan siya bitbit yong traveling bag ko.

Nilapag niya ang isang bag ko at binalikan yong motor ko sa labas para ipasok. Humilata ako sa sofa at pinikit yong mata ko.

"Elie anong gusto mong hapunan? Mamaya pang ala-siete ang dating natin sa isla" sabi ni manong Jorgie.

Minulat ko yong mata ko at nginitian siya.

"Kahit ano nalang pong nandyan." 

"Oh sige magpahinga ka muna dyan mukhang pagod na pagod ka na" sabi niya at umalis na.

Mayamaya pa ay bumangon na ako at

pumasok sa kwarto ko. Hinubad ko yong leather jacket ko pati narin yong boots ko. Pumasok ako sa banyo dahil parang ang lagkit lagkit ko na dahil sa byahe.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng sweat pants at t-shirt. Tumunog yong phone ko.

"Hello," 

"Hello cousin, congrats! Ang galing mo! Sayang wala ako doon," sabi niya sa kabilang linya at mukhang may party sa headquarters dahil may maingay na musika sa background niya.

"Hahaha! Ako pa, kelan ba ako pumalpak?" mayabang kong sagot sa kanya.

"Asus! Ang yabang mo huh?!!"natatawang sagot niya.

I chuckled at his response. Lumapit ako sa railing at sumandal habang nakatingala sa langit na puno ng bituin.

"May party ba dyan cous'?"

"Yeah. Para daw sa success operation. Sayang nga eh kasi para to sayo tapos wala ka rito."

"Okay lang. Oh sige na baka may ginagawa kayo dyan."

"Tsss! Walang vitamins dito. Umalis na si agent 00015 nagmamadali nga yon eh."

"Hahaha! Ligawan mo na kasi. Ang torpe mo!" humalakhak ako.

"Ikaw kaya maging lalaki. Alam mo namang papatayin ako niyon pag nalaman niya"

"Hahaha. Well, ganun talaga. Kaya mo yan cous'" natatawang tugon ko.

"Ikaw cous' ba't di mo nalang sagutin yong sino ba yon? Si agent 00012?" 

tanong niya na may halong pang-aasar.

Umirap ako habang nakatanaw sa itim na itim na dagat.

"Baliw ka ba? Ayoko nga! Naku dagdag sakit sa ulo yon."

Humalakhak siya sa sinabi ko. "Oy cous' sinaktan mo daw feelings niya. Nandito siya sa tabi ko" natatawang sagot niya.

"Ah ganun. Buti nga!" pasinghal kong sabi. "Oh sige na bye na!"

"Bye cous'!"

Binaba ko ang phone ko at isinilid sa bulsa ng sweat pants ko. Tumingala ako sa langit at tiningnan ang mga bituin na nagkikislapan. The cold wind embrace me and suddenly I remember Mama and Papa.

"Are you happy there Ma, Pa? I miss you so much. I wish you could take me there. I'm tired here living alone. It feels like I am not in the world I used to be when you two are still here guiding me to all my actions."

The cold wind blown again and a single tear fell from my eyes. I greeted my teeth trying to calm down my emotion. Bumuntong hininga ako at tumalikod na para pumasok sa kwarto ko.

Humilata ako sa kama at nagmunimuni. Nasa ganun akong posisyon ng kumatok si Manong Jorgie.

"Elie luto na yong hapunan mo."sabi ni Manong Jorgie.

"Opo. Lalabas na po ako. Sandali lang po" sagot ko at bumangon sa pagkakahiga sa kama ko.

Pagkarating ko sa kitchen ay nakahain na yong hapunan. Sinigang na baboy at adobong manok. 

Umupo ako at kumuha ng pinggan tapos sumandok ng kanin at ulam.

"Kain na po tayo Manong Jorgie" anyaya ko kay Manong Jorgie.

"Ah tapos na ako Elie. Kumain na ako sa bahay nong tumawag ka na pupunta sa isla."sagot niya habang pinupunasan niya ang counter.

"Okay po. Pagnagutom kayo kumain lang po kayo ha marami naman tong niluto ninyo" sabi ko.

"Oo Elie. Sige na kumain ka na nang makapag-pahinga ka na" sabi niya at naghugas ng kamay.

Tumango ako at pagkatapos kong kumain ay tumayo ako para ligpitin yong pinag-kainan ko.

"Ay naku Elie! Ako na dyan. Magpahinga ka na lang muna"sabi ni manong Jorgie at inagaw yong mga pinggan na hawak ko.

"Pero Manong…"

"Ay naku! Ano ka ba!  Alam kong pagod kaya sige na ako na dito" sabi niya at hinugasan na yong pinggan.

"Okay po. Salamat po"

"Asus si Elie talaga oh" nakangiti niyang tugon.

Bumalik na ako sa kwarto at nagmuni muni ulit hanggang sa makarating kami sa isla. 

Ala-siete in punto kami nakarating sa isla at gaya ng dati ang may ilaw lang sa isla ay ang nag-iisang mansion at ang ilang cottages sa ibaba ng mansion. Bumaba ako sa yate at sumalubong ulit yong malamig na hangin. Napangiti ako.

"I miss you too Ma, Pa" bulong ko at naglakad na papunta sa mansion. 

Mag-iisang taon na rin mula ng huli akong bumisita rito at wala namang nagbago.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status