Haring Vireo – Siya ang namatay na hari ng Kaharian ng Vireo kung saan hango mismo sa kaniyang
pangalan ang katawagan sa kaharian. Siya ang tinaguriang pinakamagiting sa lahat ng mga hari subalit siya ay napaslang sa isang digmaan ng isang nilalang na inakala niyang kaibigan. Simula nang siya ay mawala,ang kaniyang reyna ang namuno sa kaharian bagamat marami pa rin ang nangungulila sa kaniyang mahusay na pamumuno.Reyna Verina – Siya ang butihing reyna ni Haring Vireo na siyang namumuno ngayon sa kaharian. Isa rin
siyang mapagmahal na ina sa kaniyang apat na maharlikang anak subalit walang dudang ang kaniyang tungkulin ang pinakamatimbang para sa kaniya. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng tubig.Prinsipe Zeus – Siya ang kaisa-isang prinsipe at panganay sa apat na magkakapatid. Isa siyang malupit na
pinuno at mahusay na mandirigma. Matapang siya at mainitin ang kaniyang ulo. Hindi rin niya kasundo ang kaniyang pangalawang kapatid na si Prinsesa Alora. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng lupa.Prinsesa Alora – Siya ang pangalawang anak ni Reyna Verina. Siya ang pinakasikat sa kanilang magkakapatid dahil sa kaniyang taglay na kahusayan sa maraming aspeto lalo na sa pakikipaglaban, ngunit
hindi kagaya ng iba niyang kapatid ay hindi maganda ang kaniyang taglay na ugali. Hindi siya marunong maawa at gusto niyang siya ang palaging umaangat. Gayun pa man ay marami pa rin ang umiidolo sa kaniya.Kaya niyang kontrolin ang elemento ng pulang apoy.Prinsesa Manorah – Siya ang pangatlo sa magkakapatid at ang pinaka may mabuting puso sa lahat. Mabait siya, matulungin, masiyahin, masunurin at mahinhin. Mayroon din siyang panlabas na kagandahang
hinahangaan ng lahat. Malayong-malayo siya sa katangian ng kaniyang mga kapatid. Malawak ang kaniyang pang-unawa. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng tubig.Prinsesa Aleyah – Siya naman ang bunso sa magkakapatid pero siya ang pinakamaganda, pinakapalaban at pinakamatapang. Sa kabila ng kaniyang kahusayan ay marami ang naiinis sa kaniya dahil sa kakaiba
niyang estilo sa pamumuno at pakikipaglaban. Madalas din siyang masangkot sa mga kaguluhang nangyayarisa labas at loob ng kaharian. Kaya naman, hindi niya kasundo ang lahat ng kaniyang mga kapatid.Pinamumunuan niya ang hukbo na doble ang dami sa mga kawal ng buong Kaharian ng Vireo. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng asul na apoy.Duke Flavio – Siya ang nakababatang kapatid ng namatay na si Haring Vireo. Siya ang nagsisilbing pinuno
ng lahat ng mga kawal at mandirigma sa kaharian. Siya ang nagbibigay ng utos at misyon sa mga kawal ngpalasyo. Tuwing may digmaan ay pinangungunahan niya ang batalyon ng mga mandirigma. Ngunit kilala siya bilang isang malupit at sakim na duke. Siya ang isa sa mga magdadala ng kaguluhan sa Kaharian ng Vireo. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng pulang apoy.Althea – Siya ang kaisa-isang anak ni Duke Flavio. Isa siyang mahusay na tagapagsanay ng mga
mandirigma na ang mismong reyna ang nagtalaga dahil sa pambihira niyang istilo sa pakikipaglaban at husaysa pagtuturo. Kaya niyang alamin ang kahusayan at kahinaan ng isang nilalang sa isang tingin lang.Matapang siya at mayroong paninindigan. Palagi niyang pinapanigan kung ano ang tama kaya naman hindiniya kasundo ang kaniyang amang duke dahil marami itong kasamaang ginagawa. Kaya niyang kontrolin angelemento ng hangin.Aztec & Arum – Sila ang matipunong magkapatid na mandirigma ng kaharian. Bakal na may simbolo ng
kanilang kaharian ang kanilang kasuotan bilang tanda ng pagkakaroon ng mataas na ranggo bilang mga mandirigma. Madalas silang kasama ni Duke Flavio sa mga delikadong misyon at ganoon din ni Prinsipe Zeus. Walang kapantay ang kanilang puwersa kapag magkasama. Kaya nilang kontrolin ang elemento ng hangin.Tamara & Olrick – Silang dalawa ang pinakamahusay sa daan-daang tauhan ni Prinsesa Aleyah. Bukod sa
pakikipaglaban ay mahusay din silang mag-espiya. Si Olrick ay kasintahan ng anak ni Duke Flavio na siAlthea. Mula siya sa mababang uri ng angkan subalit katumbas ng isang maharlika ang kaniyang kahusayan at katapatan sa tungkulin. Kayang kontrolin ni Olrick ang elemento ng lupa. Si Tamara naman ay kayang kontrolin ang elementong tubig.Centina – Siya naman ang nakababatang kapatid ni Reyna Verina. Isa siya sa mga traydor sa kaharian.
Naiinggit siya sa reyna dahil nais niyang siya ang mamuno sa buong kaharian. Bagamat traydor ay kasundoniya pa rin ang ikalawang anak ng reyna na si Prinsesa Alora. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng lupa.Talina – Siya ang amasonang kanang kamay ni Duke Flavio. Bagamat tauhan siya ng duke ay hindi naman niya kasundo ang anak nitong si Althea. Madalas siyang mag-umpisa ng kaguluhan sa loob ng kaharian. Isa siyang amasonang magaling makipaglaban bagamat wala siyang kapangyarihan. Ipinagpalit niya ang karangalan ng mga kalahi niyang amasona para lamang umangat at makilala.
Luna – Siya ang kanang kamay at tagapayo ng mahal na reyna. Kabilang siya sa mga konsehong
tagapaghatol. Siya rin ang nagsisilbing pangalawang ina ng apat na anak ni Reyna Verina. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng hangin.Lancelot – Siya ang mahusay na mensahero at espiya ng kaharian. Kabilang din siya sa konsehong
tagapaghatol. Nagsimula siya sa mababang estado bago niya natamasa ang karangyaang mayroon siya. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng tubig.Carlile – Siya ang pinuno ng konseho. Bukod sa reyna, isa siya sa mga nangunguna sa mga pagpupulong sa
kaharian. Tapat siya sa tungkulin at may paninindigan. Matalik siyang kaibigan ni Haring Vireo nung ito ay nabubuhay pa. Sa ngayon ay siya ang itinuturing na ama ng bunsong prinsesa na si Prinsesa Aleyah attanging mga payo niya lang ang pinakikinggan nito. Isa siya sa mga pinakamahalagang haligi ng Palasyo ng Vireo. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng tubig.Shanaya – Kabilang din siya sa mga konseho. Malupit siya at kinatatakutan. Hindi lang siya tagapaghatol
kundi siya rin ang nagbibigay ng karampatang kaparusahan sa mga lumalabag sa batas ng Vireo. Hindi siya marunong maawa. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng pulang apoy.Ilan lamang sila sa mga tauhan na magbibigay ng buhay sa kwento. Bawat isa sa kanila ay may kani-kaniyang mga papel na gagampanan tungo sa ikababagsak o ikaaangat ng Vireo.
Samantala, habang nakikipagsapalaran pa sa loob ng kuweba si Prinsesa Aleyah, sa labas ng kweba naman ay naiwan ang kaniyang pangkat. Madilim na sa paligid kaya doon na rin mismo sa labas sila nag-ayos ng mga matutulugan at mapagpapahingahan. Tahimik silang lahat at halatang nag-aalala sila sa kanilang pinunong prinsesa. Lahat sila ay hindi maalis ang tingin sa bukana ng kweba at tila ba inaabangan ang paglabas ng prinsesa.“Nakakatawa nga naman oh, isang araw pa lang siyang nasa loob pero hindi na tayo makapaghintay na makita ulit siya.”
Kinabukasan sa Kaharian ng Nemitiko ay nagkaroon ng salu-salo kasabay ng magaganap na pagpupulong. Naroroon na ang Punong konsehong si Carlile at kanang kamay ng reyna na si Luna mula sa kaharian ng Vireo. Pati na rin si Heneral Lumid na kinatawan ng Arcansas, si Opelia na isang dakilang manghuhula, manggagamot at kanang kamay ng hari ng Ethero, gayundin ang dalawang mandirigma na sina Yozke at Ximuel mula naman sa Kaharian ng Moriones at ang iba pang mga kinatawan mula naman sa natitira pang 26 na kaharian. Isang Palasyo na lang ang hindi pa nagpapadala ng kinatawan para sa mahalagang pulong na gaganapin at iyon ay ang Palasyo ng Floresiana. Gayunpaman, ay sinalubong ng pamilya ni Haring Nemias ang kanilang mga panauhin na kinabibilangan ni Reyna Juliana kasama ang 3 nilang anak na diwata na sina Prinsesa Natalia, Prinsipe Juro, at Prinsesa Arabella na pa
Habang makalipas naman ang 30 minuto ay nakalabas na sa gubat ang pangkat ni Prinsesa Aleyah at tumambad sa kanila ang isang napakalaking kweba. Kung titingnan sa labas ay lubhang napakadilim sa loob nito. Kakaiba ang kwebang ito na naging dahilan upang mag-alangan silang pumasok. Napahinto sila habang pinagmamasdan ang labas ng kweba na tila ba korteng ulo ng dragon.“Mukhang hindi nagkataon na hugis ulo ng dragon ang kwebang iyan.” pabulong na usal ni Tamara na para bang sinasabi niyang ang lahat ng mga bagay sa paligid ay may dahilan at hindi nagkataon lamang.
Sa Emperyo ng Zaparya ay matunog naman ang pangalan ng mala-higanteng mandirigma na si Agor. Nakakatakot ang kaniyang itsura, hindi rin siya basta-basta masusugatan dahil ang kaniyang balat ay tila ba bakal sa sobrang tibay. Siya lang naman ang tinaguriang pinakamalakas na mandirigma sa lahat ng mga kaharian buhat ng kaniyang taglay na kalakihan, sa kasamaang palad ay mas pinili niyang umanib sa masamang emperyo ng Zaparya. Madalas siyang nasa tuktok ng Kaharian ng Zaparya upang magmasid. Pinaniniwalaang alam niya ang lahat ng nangyayari sa paligid sapagkat taglay rin niya ang pambihirang matatalas na mga mata.Isang araw, ipinatawag siya ng kaniyang haring si Clavar
Samantala, madaling araw sa malayong kaharian ng Vireo ay humahangos na pumasok ang mensahero ng kaharian na si Lancelot. Agad napansin ng lahat ng mga nasa kaharian ang kaniyang balisang pagdating.“Lancelot, ayos ka lang ba? Tila hindi ka yata mapakali.” tanong ng kanang-kamay ng reyna na si Luna.“Hu-huwag kayong mabibigla sa aking sasabihin.” hinihingal na tugon ng mensahero.
Sa Kaharian ng Zaparya naman ay nilapitan ng manghuhulang si Nisan ang prinsipeng si Roman.“Mukhang masaya ka ngayon mahal na prinsipe.”“Paanong hindi ako masisiyahan kung nang dahil sa ginawa kong pagpatay kay Heneral Wuhan ng Floresiana ay magiging magkaalitan ang kanilang kaharian at ang Moriones. Hahahaha!”
Sa Kabundukan ng Romanes naman ay patuloy ang paglalakbay ng pangkat ni Prinsesa Aleyah. Makalipas ang 3 araw ay nasunod ang plano ng prinsesa na sa loob dapat ng 3 araw ay naakyat na nila ang bundok na ito.Kasalukuyan na nilang kailangang malampasan ang Kagubatan ng Mariveles kung saan pinaniniwalaang ito ang tirahan ng matitinik na mga bandido. Sa ngayon, naglalakad ang pangkat ni Prinsesa Aleyah nang bigla na lamang siyang huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ang kaniyang mga kasama.
Samantala, ang masayahing Palasyo ng Moriones ay nabalot ng pangamba. Ang kanilang mga kawal ay nasa labas ng kaharian at pinaghahandaan ang pag-atake mula sa kaharian ng Floresiana. Habang sa loob ay nagpupulong ang mga maharlika at may matataas na katungkulan sa pangunguna ng kanilang pinuno na si Haring Marino.“Hindi ko nais na sapitin ito ng ating kaharian. Patawad ngunit ang nagbabadyang digmaan ay hindi ko na mapipigilan.”
Habang sa malayong kaharian naman ng Floresiana ay nagkaroon nang malaking kaguluhan matapos umanong matagpuang patay sa kaniyang silid ang isa nilang matikas na heneral na si Heneral Wuhan.Nang siyasatin ito ng mga manggagamot at kawal ng Floresiana ay mayroon silang espadang natagpuan na may simbolo ng Palasyo ng Moriones. Agad nagpatawag ng pulong ang kanilang hari na si Haring Hernan.“Malinaw na may gustong iparating sa atin ang kaharian ng Moriones sa ginawa nilang pagpatay