Habang makalipas naman ang 30 minuto ay nakalabas na sa gubat ang pangkat ni Prinsesa Aleyah at tumambad sa kanila ang isang napakalaking kweba. Kung titingnan sa labas ay lubhang napakadilim sa loob nito. Kakaiba ang kwebang ito na naging dahilan upang mag-alangan silang pumasok. Napahinto sila habang pinagmamasdan ang labas ng kweba na tila ba korteng ulo ng dragon.
“Mukhang hindi nagkataon na hugis ulo ng dragon ang kwebang iyan.” pabulong na usal ni Tamara na para bang sinasabi niyang ang lahat ng mga bagay sa paligid ay may dahilan at hindi nagkataon lamang.
Samantala, habang nakikipagsapalaran pa sa loob ng kuweba si Prinsesa Aleyah, sa labas ng kweba naman ay naiwan ang kaniyang pangkat. Madilim na sa paligid kaya doon na rin mismo sa labas sila nag-ayos ng mga matutulugan at mapagpapahingahan. Tahimik silang lahat at halatang nag-aalala sila sa kanilang pinunong prinsesa. Lahat sila ay hindi maalis ang tingin sa bukana ng kweba at tila ba inaabangan ang paglabas ng prinsesa.“Nakakatawa nga naman oh, isang araw pa lang siyang nasa loob pero hindi na tayo makapaghintay na makita ulit siya.”
Kinabukasan sa Kaharian ng Nemitiko ay nagkaroon ng salu-salo kasabay ng magaganap na pagpupulong. Naroroon na ang Punong konsehong si Carlile at kanang kamay ng reyna na si Luna mula sa kaharian ng Vireo. Pati na rin si Heneral Lumid na kinatawan ng Arcansas, si Opelia na isang dakilang manghuhula, manggagamot at kanang kamay ng hari ng Ethero, gayundin ang dalawang mandirigma na sina Yozke at Ximuel mula naman sa Kaharian ng Moriones at ang iba pang mga kinatawan mula naman sa natitira pang 26 na kaharian. Isang Palasyo na lang ang hindi pa nagpapadala ng kinatawan para sa mahalagang pulong na gaganapin at iyon ay ang Palasyo ng Floresiana. Gayunpaman, ay sinalubong ng pamilya ni Haring Nemias ang kanilang mga panauhin na kinabibilangan ni Reyna Juliana kasama ang 3 nilang anak na diwata na sina Prinsesa Natalia, Prinsipe Juro, at Prinsesa Arabella na pa
Habang makalipas naman ang 30 minuto ay nakalabas na sa gubat ang pangkat ni Prinsesa Aleyah at tumambad sa kanila ang isang napakalaking kweba. Kung titingnan sa labas ay lubhang napakadilim sa loob nito. Kakaiba ang kwebang ito na naging dahilan upang mag-alangan silang pumasok. Napahinto sila habang pinagmamasdan ang labas ng kweba na tila ba korteng ulo ng dragon.“Mukhang hindi nagkataon na hugis ulo ng dragon ang kwebang iyan.” pabulong na usal ni Tamara na para bang sinasabi niyang ang lahat ng mga bagay sa paligid ay may dahilan at hindi nagkataon lamang.
Sa Emperyo ng Zaparya ay matunog naman ang pangalan ng mala-higanteng mandirigma na si Agor. Nakakatakot ang kaniyang itsura, hindi rin siya basta-basta masusugatan dahil ang kaniyang balat ay tila ba bakal sa sobrang tibay. Siya lang naman ang tinaguriang pinakamalakas na mandirigma sa lahat ng mga kaharian buhat ng kaniyang taglay na kalakihan, sa kasamaang palad ay mas pinili niyang umanib sa masamang emperyo ng Zaparya. Madalas siyang nasa tuktok ng Kaharian ng Zaparya upang magmasid. Pinaniniwalaang alam niya ang lahat ng nangyayari sa paligid sapagkat taglay rin niya ang pambihirang matatalas na mga mata.Isang araw, ipinatawag siya ng kaniyang haring si Clavar
Samantala, madaling araw sa malayong kaharian ng Vireo ay humahangos na pumasok ang mensahero ng kaharian na si Lancelot. Agad napansin ng lahat ng mga nasa kaharian ang kaniyang balisang pagdating.“Lancelot, ayos ka lang ba? Tila hindi ka yata mapakali.” tanong ng kanang-kamay ng reyna na si Luna.“Hu-huwag kayong mabibigla sa aking sasabihin.” hinihingal na tugon ng mensahero.
Sa Kaharian ng Zaparya naman ay nilapitan ng manghuhulang si Nisan ang prinsipeng si Roman.“Mukhang masaya ka ngayon mahal na prinsipe.”“Paanong hindi ako masisiyahan kung nang dahil sa ginawa kong pagpatay kay Heneral Wuhan ng Floresiana ay magiging magkaalitan ang kanilang kaharian at ang Moriones. Hahahaha!”