Kabanata 6 - Kasunduan
HINDI na naman matahimik ang kalooban ni Fabio. Kahit na kausap niya si Inez ay lumilipad naman ang isip niya sa kalawakan. Kanina pa siya sulyap nang sulyap sa kanyang orasan, habang nakaupo sa bench at pinanonood ang naglalaro na si Sofia. Hapon na. Parang papatak na ang ulan anumang sandali. And it said that the weather would start to get bad. Nasaan na ba si Ziana? Napapaisip si Fabio kung babalik pa ba iyon o baka nagbago ang isip. Damn that woman if she will not honor her words. Umaasa na siya na iyon ang magbabantay sa anak niya. Kahit paano ay parang may kaunting bilib siya sa aura ng babae na iyon. Anak iyon ni Greyson kaya baka naman namana ang galing ng ama kahit na paano. "Babe," untag ni Inez sa kanya sa tawag. Fabio looked at the screen of his phone and forced a gentle smile at his girlfriend. "You look so bothered again. 'Di ba at nag-hire ka na ng bodyguard? What's the matter again?" "I am thinking about the mastermind for the kidnapping threat. I want to solve the case in no time, within a month if possible so that I could give Sofi the normal life that she deserves," he sighed and glanced at his daughter. "Nandoon na ako pero paano naman kung wala naman talagang kidnapping na mangyayari? Masyado mo lang na pinoproblema ang sarili mo. Si Sofia, binabago mo ang buhay." "Are you saying that Shawy was somewhat lying?" Kunot-noo na balik atensyon niya sa babae. "It's not that but who knows? Lahat naman ng tao ay nagsisinungaling. Take it easy, babe." Sa isip ay umiling siya. Hindi magagawa ni Shawy na gumawa ng kwento lalo na at tungkol sa kaligtasan ni Sofia. Kahit paano ay kilala na niya ang masambahay. Kahit na galing iyon sa mahirap na pamilya ay mababait ang mga iyon. Shawy loves Sofia so much since she was a baby. And for the past six years, ngayon lang naman nagsalita si Shawy tungkol sa isang kidnapping threat, bagay na hindi niya pwedeng ipagsawalang bahala bilang isang ama. Anything could be possible. "I can't just ignore it, Inez. Isa pa, nag-aalala ako na hindi na bumalik ang bodyguard na nakausap ko. Hapon na pero wala pa rin siya. Baka wala siyang isang salita at pinaaasa lang niya kaming mag-ama sa wala—" "Nandito na ako," biglang sabi ng tao sa may gawing likuran niya kaya agad siyang napatingin, "Huwag mo na akong siraan sa kausap mo. I know how to honor my words, Attorney. Abogado ka nga, wala kang tiwala sa lahat ng tao." Hindi siya makaimik sa sinabi ni Ziana. Dala nito ang isang maleta, nakaposing sa may tagiliran niya. "Tita Ziana!" Malakas na sigaw ni Sofia at akmang tatakbo papalapit. "Stay there for a while, baby! May pag-uusapan lang kami ng pogi mong Daddy! I'll get you a bit later!" Anito saka ngumisi sa anak niya. "Okay po!" Nakangiti at masaya naman na sagot ni Sofia. "Who's that, babe?" Tanong naman ni Inez sa kanya. Nakalimutan na niya na nasa video call ang girlfriend niya. "I'll get back to you later, babe. Bye for now," paalam niya sa babae saka niya pinatay ang tawag nang hindi pa man lang iyon nakakasagot. "Bakit mo pinatay? Dapat ay makilala ako ng asawa mo para alam niya kung sino ang bodyguard ng anak niya," ani Ziana na nakatingin sa isinara niyang foldable phone. "I'll take you to your room," he answered instead, tapos ay binalingan niya ang anak, "stay here, Sofi. I'll call your yaya Shawy, okay?" "Okay po, Daddy!" Nag-two thumbs up ang anak niya saka nag-slide sa mini slide. He stood up and faced Ziana. Without a word, he took her luggage. Ito naman ang hindi nakapagsalita sa kilos niya. "Fia's mother was gone. Namatay siya sa panganganak dahil sa komplikasyon ng CS. I never knew she had a thyroid problem, and her heart wasn't in good condition," umpisa ng binata kahit na ayaw niya sanang buksan iyon. "I'm sorry to hear that, Attorney," sagot nito. "Sofia was her last memory left. Ang kausap ko kanina ay girlfriend ko," aniya pa at nakita niya ang pagtango nito. Sinenyasan niya si Shawy na puntahan si Sofia sa labas, at kahit na wala siyang salita ay naunawaan naman kaagad ng babae. Agad iyon na tumalima. Tumuloy sila ni Ziana sa pag-akyat sa hagdan. "Si Shawy," anito kaya sumulyap siya, "Gaano na katagal sa iyo? Ang mga tao mo?" "Si Shawy, since Sofia's birth. Si Manang Lerma ay College pa ako. Mga tauhan ko, mula nang kumuha ako ng bodyguards. Pinakamaikli na taon ay anim, pito. I know what you're thinking. Si Shawy ang nagsabi sa akin ng threat. She heard it when they entered the convenience store. I bet it was true because those men ran away when being chased by Sofia's bodyguards," aniya sa dalaga. Binuksan niya ang pinto ng isang kwarto, sa kaliwa ng kwarto ni Sofia. "This will be your room. Ito ang kwarto ng bata. That's my room. Wala tayong pag-uusapan sa sahod, Leiutenant. Sa isang buwan na maayos ang anak ko sa pagbabantay mo, garantisado ko ang two hundred thousand. I just hope that before you leave, if the case isn't closed yet, you can give me a trustworthy person who will continue protecting my daughter," aniya rito sa tono na hindi niya alam kung siya ba ay nakikiusap o ano. Tumango ito, "Maghahanap ako ng tao na pwedeng maging kapalit ko. Tutulong din ako sa paghahanap sa mastermind. Uncle will help. Marami pa rin siyang koneksyon. Gusto kong malaman lahat ng impormasyon, itsura ng dalawang lalaki na sinasabi mo. Iyong girlfriend mo—" "Spare her," agad niyang salo sa sinasabi nito, "She's out of this." May katigasan ang salita niya at mukhang nakuha iyon ni Ziana peeo nanatili itong nakatitig sa kanya. "You know what, Attorney? Abogado ka at alam mo kung paano kumikilos ang kaso. Alam mo kung anong ginagawa sa mga taong involve sa isang kaso. Hangga't walang nahuhuli, lahat ay pwedeng maging suspect. Maging ikaw. Paano mo nasasabi na hindi kasama ang girlfriend mo rito? Asawa nga nakakagawa ng krimen, girlfriend pa kaya?" Giit nito sa kanya. "Inez is kind. I know her better than you," inis na sagot niya. Si Inez na nga lang ang karamay niya sa sitwasyon niya ngayon, pati ba naman iyon ay paghihinalaan pa niya? That is not fair. As a boyfriend, he must not do that. Ilang beses na niyang iniwan si Sofia kay Inez kaya walang dahilan para maging iyon ang mastermind sa lahat ng kasamaan na nangyayari ngayon. "In that case, ikaw ang bahala. Just let me do my thing, at huwag mo akong pakikialaman sa pagbabantay ko sa anak mo. You do yours. Ako ng bodyguard kaya ako ang nakakaalam ng dapat para sa seguridad niya. And it's such a pleasure protecting the billionaire's daughter," ngumisi ito pero nakaramdam siya ng tila ba insulto sa itsura ng mukha nito. Kinuha nito ang luggage mula sa kanya. "I'll be downstairs in a while. Ayusin ko lang ang gamit ko dahil ayaw kong may ibang humahawak sa mga gamit ko. I guess malinaw na rin sa iyo ang terms ko bilang bodyguard ni Sofia. Ikaw ang ama, gawin mo ang obligasyon bilang ama. Ako ang magbibigay ng seguridad. I'll handle it," she smiled. Fabio nodded while staring at her face, particulary at her smile. Sumara ang pintuan ng kwarto pero nanatili ang binata na nakatayo sa harap no'n, hanggang sa matauhan din siya. He turned his back and went to his room. Dumiretso sa kanyang maleta at mula sa compartment ay kinuha niya ang mga importanteng papeles na ibinigay sa kanya ng NBI. The case is in progress. He's just hopeful to find those men in no time. Binasa niya ang mga nilalaman ng mga papel. Ipakikita niya iyon kay Ziana. Who knows it might help. Wala siyang hindi magagawa para sa kanyang anak. Nothing is imposible in this world. Leiutenant si Ziana. Kahit paano ay may mga kakilala iyon lalo pa at hindi lang iyon basta nag-exam sa NAPOLCOM. She was a graduate of PNPA. Wala rin problema na magbayad siya sa dalaga kahit na magkano pa, matulungan lang siya na madakip ang mga tao na iyon na sumusunod sa anak niya noon, para kunin. He has an option anyway, to keep her and bring her somewhere else. Pero hanggang kailan niya itatago ang kanyang anak? Kapag lumaki si Sofia at naisip na bumalik dito sa Pilipinas, anong mangyayari? Mabubuhay sa takot ang anak niya dahil sa pangyayaring ito ngayon. Ayaw niyang mangyari iyon. He wants a normal life for his only daughter, just like how he lived normally after what happened to him. Yes, Fabio was a victim of kidnapping when he was still eight. Ang memorya niya ay puno ng pangyayari na iyon at kahit na matanda na siya ay hindi niya nakalimutan kahit kailan. He was still carrying everything inside his head. Though the woman who kidnapped him was already gone, the trauma never died. And he doesn't want the same trauma for Sofia.mga comments wag kalimutan. haha
Kabanata 82 SA pinakamamahal kong bunso, na hindi ko man lang nagawang hawakan dahil sa dumi ng kamay ko at pagkatao. Patawarin mo si nanay kung ganito ang buhay na pinili ko. Sa araw na mabasa mo ang sulat na ito, wala na ako, matagal na. Nagmahal ako ng maling tao at ang tatay mo ang taong matuwid na hindi ko pinili. Ayaw kong makilala mo pa sila kahit kailan dahil gusto ko na masiguro na hindi mo ako magiging katulad. Walang pinag-aralan si nanay. Mahirap pa sa daga si nanay. Nangarap ako na makaahon at akala ko ay ang tatay ng ate mo ang sagot sa mga dasal ko, pero demonyo pala siya at ginawa niya rin akong demonyo. Nang makulong ako, walang ibang dumamay sa akin kung hindi ang tatay mo, pero kahit mabuti siya, ayaw kong makilala mo pa siya dahil sa mga taong nakapalibot sa kanya. Lalaki kang mabait at mabuting tao dahil mabubuting tao ang magpapalaki sa iyo. Ayaw ko na magkaroon ka pa ng kahit na anong kaugnayan sa sinuman sa mga tao sa pangit kong mundo. Nagpapalit si Nanay ng
Kabanata 81.1 NAKANGITI na humarap si Dr. Venida kay Ziana matapos na tingnan ang vitals ng kanyang ama. It's been three days since the operation.Ngayon pa lang tinanggal ang oxygen ni Silas. Sa tatlong araw ay hindi nawawala ang presensya ni Fabio sa tabi niya, umalis lang iyon kahapon dahil may hearing, pero bumalik din pagkatapos. Her Uncle Albert decided to come to Manila, pero wala pa ang matanda. Mamayang gabi pa raw iyon bibyahe sakay ng eroplano. "You can now talk to him, Ziana," ani ng doktor sa kanya. "Thanks, Doc." Nakangiti niyang sagot. Lumabas naman iyon kasama ang nag-a-assist na nurse. Tumingin siya sa ama niya na nakatingin sa kanya. Her smile was very faint, then she walked towards him. "Daddy," mahina niyang sabi rito. "I thought I'd never hear you say that again. Akala ko ay katapusan ko na." Umiling ang dalaga, "That bullet was supposed to be mine, pero dalawa kayo ni Fabio na sumalo." Kumurap siya para pigilin ang kanyang luha. Naupo siya sa may tabi n
Kabanata 81 ZIANA folded the paper and let her tears run down on her face. She found this letter after William opened her father's bag. Iniabot sa kanya ng kaibigan ang sulat na mukhang isinulat ng kanyang ama bago pa mangyari ang lahat ng ito. And now, reading it makes her so teary. She had good biological parents. Her father stood as a syndicate's boss to prevent any operations in the black market. Ang inakala ng lahat ay hinahasa nito si Inez para sa pagiging tagapagmana sa trono pero palabas lang iyon. Kaya lang, napaglinlangan din si Silas. Walang kaalam-alam ang kanyang ama na fully operational pa rin ang sindikato sa katauhan ng bedridden na kakambal nito. At si Inez ang gumagawa ng lahat ng kilos, ang pagkuha sa mga pasyente na mamamatayin pa lang at pagtanggal ng mga organs para ibenta sa mga mayayamang nangangailangan ng transplant... DALAWANG malalakas na putok ang umalingawngaw sa loob ng basement ng ng building. This was the same basement where Ziana saw a man who
Kabanata 80 “IANAH!” Malakas na sambit ni Fabio sa pangalan ni Ziana nang siya ay nanghihina na dumausdos pababa ng katawan ng binata. Napaiyak siya nang malakas at umiling habang hawak nang mahigpit ang kanyang smartphone. Hindi pala talaga siya matatag. Hindi pala talaga siya matapang, at hindi niya kaya na mag-isa sa lahat ng pagkakataon. Mayabang siya na isipin kaya niyang magsarili. Ngayon, totoo pala talaga ang kasabihan na, no man is an island. Time will come, mangangailangan siya ng karamay sa buhay kapag wala na siyang lakas na harapin ang lahat ng dagok sa buhay niya. “What is happening? Sumagot ka. Don’t just cry like this.” Ani Fabio sa kanya. “I can’t help it,” umiiyak na sagot niya habang halos maupo na siya sa sahig. Nag-iisip siya kung ano ang kanyang gagawin. Buhay ni Sofia at buhay ng tatay niya ang nakataya. Dapat lang ay mamili siya. Sabi, siya ay matuwid at mabuting tao. Bakit ngayon ay nasusubok ang kabutihan na iyon? Alin ang pipiliin niya? Paggawa ng mabu
Kabanata 79 BAGSAK ang mga balikat ni Ziana na humakbang papasok sa bakuran ng bahay ni Fabio. Ang mga mata niya ay hindi maalisan ng mga luha. Tumuloy siya sa may main door at kumatok doon. Hindi mawala sa isip niya ang ama. Ligtas na naman iyon pero hindi pa rin makausap kahit na nagmulat ng mga mata. Bago siya umalis, nakapagsalita naman si Silas kahit may tubo sa bibig. It was barely a whisper. He said, "Mabuti kang anak." That made her cry. It meant everything. Tapos ay wala na iyong sinabi. Siya ay nagmamadali na masagot ang mga tanong niya bago ang warrant. Hindi siya natatakot sa warrant. Kaya niyang linisin ang kanyang pangalan. Ang inaalala niya ay ang mga sinasabi ng tauhan ng ama niya, na may kakambal si Silas. Iyon ang nakita niya sa basement at hindi ang Daddy niya. Pero sinasabi ng mga tauhan na ang ama talaga ni Inez ay ang Daddy din niya. Nalilito siya. Sa ospital ni Colonel Prado niya ipinadala ang ama niya. Hindi iyon ganoon kasikat na ospital sa Maynila pe
Kabanata 78 HINDI mapanatag ang kalooban ni Ziana habang naghihintay siya ng tawag ng kanyang ama. Nasa condo siya at naghihintay. Ang sabi no'n ay tatawagan siya sa oras na makauwi iyon. Hindi pa ba iyon nakakauwi? Pumangalumbaba siya at sinalat ang labi. Naalala niya si Fabio kaya mabigat ang kalooban na bumuntong-hininga siya. Hindi na sila nakapag-usap. Lahat ay parang hindi na nila napag-usapan. And she received a confirmation text from her cousin that he really left. Totoo siguro na pinaalis iyon ni Fabio nang malaman na anak siya ni Francesca. Ang hindi niya alam ay kung alam ng binata na magkapatid sila ni Inez, pero magkaiba ang mga ama. She picked up her phone and called her Uncle Albert. This is the first time after she arrived in Manila. Talagang iniwasan niya na tawagan ang matanda dahil sa inaasikaso niya. At ayaw kasi niyang magtanong. But now that she has no one to talk to, she needs to call him. She badly needs to. Dalawang ring bago sumagot si Albert sa kanya.