The Billionaire's Masked Desire

The Billionaire's Masked Desire

last updateLast Updated : 2025-11-13
By:  BlueFlowerUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
8Chapters
7views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isang bagyo ang saksi sa pagkawala ni Saphira, ang batang isinilang pero agad ding nawala sa piling ng pamilya niya. Lumaki siyang ampon ng mga Imperial, tagabantay lamang ng anak nilang si Danica ang dalagang bulag na muling nakakita pagdating ng ika-labingwalo nitong kaarawan dahil sumailalim sa isang operasyon. Sa araw ng pagbabalik ng liwanag ni Danica, natagpuan naman ni Saphira ang tunay niyang pamilya… at ang lalaking magpapabago sa buhay ni Saphira, si Lior Del Fierro, isang business tycoon na masyadong misteryoso para pagkatiwalaan, ngunit imposibleng hindi maramdaman. Ngunit paano kung sa pagbalik ng kanyang nakaraan… ay ang lalaking minamahal niya rin ang dahilan kung bakit siya nawala noon?

View More

Chapter 1

Upuang de -gulong

MAINIT ang hapon nang huminto ang lumang van sa harap ng bahay ni Ginang Linka isang malawak na bahay na gawa sa kahoy at bato, may mga kurtinang kulay ginto at mga antigong palamuti sa bawat sulok. Tahimik ang paligid, maliban sa huni ng mga kuliglig at ingay ng mga batang naglalaro sa labas.

Habang bumababa si Saphira, napansin niya na parang kakaiba ang simoy ng hangin. May amoy ng lumang kahoy at pabango na parang bahay ng mga mayamang matanda sa probinsya, pero may halong lamig na hindi niya maipaliwanag.

“Sabi nila, may mga bahay daw na hindi tumatanda. Pero ang mga lihim sa loob nito, ‘yun ang nakakabuhay o nakamamatay.”

‘Yan ang unang pumasok sa isip ni Saphira nang tumingin siya sa matandang ginang na nakatayo sa veranda, suot ang bestidang kulay maroon at perlas sa leeg. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Tahimik siyang napalunok. Hindi niya alam kung swerte o malas ang araw na iyon. Ngunit isa lang ang malinaw sa kanya mula ngayon, magiging bahagi siya ng pamilya na ito.

***

“Huwag kayong magaaway ha? Saphira, alalayan mo si Danica,” may ngiting saad ng Ginang sa dalawang batang babae sa harapan niya. Ramdam ni Saphira ang pagkailang dahil alam niya sa sarili niya na may ibigsabihin ang mga salitang iyon.

“Opo Ina—”

“Ginang Linka iha,” pag tama ng Ginang sa kanya. Kaagad nanginig ang dalawang kamay niya at tumango.

“Opo Ginang Linka,”

Matamis na ngiti ang nakuha niya rito at kaagad itong lumapit sa anak nito na si Danica na kasalukuyang naka upo sa wheel chair nito.

“Magpakabait ka ha? Huwag masiyadong maglaro, maliwanag?” marahan nitong hinaplos ang pisngi ng anak at kaagad namanng tumango ang kanilang unika ija na si Danica.

“Masusunod Ina,”

“Saphira, huwag mong pababayaan ang kapatid mo alam mo naman ang sitwasyon niya. Mauuna na kami,” imporma ng Ama nila.

Tumango lamang si Saphira at kaagad ng nagpaalam sa mga magulang.

Pagkatapos nilang halikan si Danica sa pisngi ay kaagad nang lumabas ng mansiyon ang mga ito. Napa kagat labi na lang si Saphira at naka ngiting tinahak ang kinaroroonan ni Danica.

Si Danica ay may congenital cataracts, ibigsabihin ay ipinanganak siyang may problema sa mata. Hindi nakakakita ang dalawa niyang mata kaya kailangan niya ng alalay kahit saan ito pumunta. Nakakapag lakad naman si Danica ngunit mas gusto nitong naka upo sa wheel chair.Marami kasi itong nababangga na mga gamit kapag naglakad ito.

Para ma operahan si Danica, kailangan niya munang mag antay hanggang tumuntong siya sa legal na edad bago siya mapasailalim sa operasyon. Kailangan munang maging ganap na ma-develop ang kornea ng kanyang mga mata para pumasa ito.

Marahang lumuhod sa harapan ng wheel chair si Saphira at tiningala si Danica. Magkasing edad lamang sila ngunit mas lamang ng isang taon si Saphira.

“Saan mo gustong pumunta?”

“Gusto ko pumunta sa parke Ate, wala naman si yaya ngayon kaya puwede naman siguro.” Ipinagbabawal ng magulang nila na pumunta sa parke dahil napaka delakado at maalikabok.

“Danica, alam mo namang bawal tayo doon,” Kaagad na sumimangot si Danica.

“Eh kung nakakakita lang ako, hindi naman kita aabalahin eh! Ang suwerte mo nga dahil nakakakita ka Ate!”

Desisyete anyos na si Danica ngayon at siya naman ay dese-otso. Ilang araw nalang ay gaganapin na ang ika labing walo na kaarawan ni Danica. Diyes anyos pa lamang siya ay inampon na siya ng pamilya Imperial kaya malaki ang utang na loob niya sa mga ito.

Napa buntong hininga na lang si Saphira at napa tango.

“Sige, pero saglit lang ah?”

“Salamat Ate!” matapos ang ilang minuto ay narating na nila ang parke. Kaharap lamang ito ng subdibisyon kung saan matatagpuan ang bahay ng mga Imperial.

“Ate, gusto ko nung kwek-kwek!” napa tingin kaagad si Saphira sa itinuro ni Danica hindi kalayuan sa bangko na kinaroroonan nila.

“Pero wala akong perang dala,”

Kaagad na may hinugot na isang daaan si Danica sa bulsa nito at ibinigay sa kanya.

“Iyan, bilhan mo na ako dali!” napa tulala pa si Saphira sa isang daan na nasa kamay niya. Sigurado siyang hindi binibigyan ng magulang nila si Danica ng pera dahil marumi raw ito. Kaya paano siya nagka-pera?

“Sige, bibili muna ako. Dito ka lang, huwag kang umalis sa wheel chair mo. Huwag kang pumunta kahit saan.” Tumango kaagad ito.

“Oo na Ate, ako bahala. Kaya ko sarili ko, bilis na dali…”

Habang nag-aantay sa pila si Saphira upang maka bili ng kwek-kwek ay sinulyapan muna niya si Danica. Bumilis kaagad ang tibok ng puso niya nang makitang wala ng tao doon at tanging wheel chair na lang ang natira.

“D-Danica…” bulalas niya at umalis sa pila. Ang kaninang mainit na hangin ay biglang lumamig dahil sa bilis ng tibok ng puso niya. Mabibigat na hakbang ang ginawa niya habang pa linga-linga sa kapaligiran.

“Danica! Danica!” pakiramdam niya ay parang may humigop sa buong pagkatao niya. Pinagtitinginan na tuloy siya ng mga tao sa paligid.

“Mawalang galang na po, may nakita po ba kayong babae na naka upo sa wheel chair tapos naka kulay rosas na bistida? N-Nandito lang po siya kanina,”

“Wala ija eh,”

Nanginginig ang katawan na tinakbo niya ang kabuuan ng parke kasabay nito ang pagka hulog ng malalaking butil ng pawis mula sa kaniyang noo.

“Danica nasaan ka na! Danica!” habol habol ang sariling hininga, huminto siya at napa hawak sa sarili niyang tuhod. Hindi na napigilan ni Saphira na tumulo ang masasaganang butil ng tubig mula sa kaniyang mga mata patungo sa kaniyang mga pisngi.

“H-Hindi ko na alam anong gagawin ko… Siguradong l-lagot ako,” napag desisyunan ni Saphira na ipag-alam ito sa pinaka malapit na pulisya mula sa kanilang subdibisyon.

Nang makita niya ang estasyon ay kaagad siyang pumasok habang habol habol ang sariling hininga.

“Mamang p-pulis, patulong naman po. Nawawala po ang k-kapatid ko,” hindi na niya maiwasang humagulhol. Nataranta naman kaagad ang mga pulis at binigyan siya ng mga ito ng tubig at isinalaysay niya ang nangyari.

“Ha? Si Danica Imperial ba ang hinahanap mo ija? Kanina pa kinuha ng mga magulang niya dito sa estasyon, nawawala daw siya sabi nung bata, kaya tinawagan namin mga magulang niyo. Medyo hindi raw kasi niya kabisado ang lugar, kawawang bata bulag pa naman,” Sabi ng isang pulis sa kanya.

“T-Talaga po ba?” napa higpit ang kapit ni Saphira sa baso na may lamang tubig. Nasa tamang edad na si Danica at imposibleng mawala ito sa pagitan ng parke at subdibisyon lang.

“Mauuna na po ako, mabuti naman at nakauwi na siya. Maraming salamat po,”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
8 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status