Share

Kabanata 5

Penulis: MM16
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-13 20:38:57

Kabanata 5 - Magiliw

ZIANA couldn't help but smile while staring at Sofia Alejandra. Nakasakay ito sa upuan habang nagtitimpla ng gatas si Shawy.

"Ang ganda niyo naman po, Leiutenant," nakangisi na sambit ng katulong habang tinitunaw ang gatas sa baso, "mas mukha po kayong model kaysa sa pulis."

"Yes, Ate Sawy, you're right. Para siyang doll, 'di ba po?" Sang-ayon naman ni Sofia, "That's why I liked her instantly. "

"Mahilig ka naman talaga sa maganda," ani naman ni Shawy sa bata, "Kaya nga na-like-an mo ako."

Napahagikhik si Sofia.

Nakamasid lang siya, nag-aanalisa. Kinikilatis niya ang pagkatao ni Shawy nang hindi nito namamalayan. She was using her skill as a well trained cop. Who knows, baka isa sa mga tao ni Fabio ang may pakana ng kidnapping. Pero wala siyang mapansin na kung ano sa kilos ng yaya. Kwela ito at magiliw sa bata. Hindi naman siya nito pinagmamasdan o inaaral.

"Dito na po siya titira, Ate Sawy?"

"Aba, oo, kasi siya ang magbabantay sa iyo."

"Bakit po ako babantayan ng girl? 'Di po ba may nagbabantay na sa akin?"

"Kasi, gusto ng Daddy mo ay maraming nagbabantay sa iyo, Sofia. He wants to double your security," maagap na sagot ni Ziana, "Para lagi kang safe at walang bad guys na makalalapit sa iyo. Bago sila makalapit, bugbog sarado na sila ni Tita Ziana," nakangiti na bida niya kaya muli itong humagikhik, "Naniniwala ka ba?"

"Yes! I believe that, Tita Ziana."

Kinuha niya ang baso ng gatas at saka kinarga si Sofia para ibalik sa lawn.

"Ako na magdadala sa kanya doon, Shawy," paalam niya sa kasambahay.

"Opo, Leiutenant."

"Just call me Ziana, Shawy."

"P-Parang hindi naman po bagay na Z-Ziana lang. Ma'am Ziana na lang po. Yaya lang naman ako ni Sofi, kayo po ay pulis, Lieutenant pa. Hindi naman po kayo basta bodyguard lang ng alaga ko."

"Ikaw bahala, huwag lang Leiutenant kasi masyadong obvious," nangingiti niyang sabi.

"Aba, proud po ako. Baka masindak ang mga masasamang loob sa oras na malaman nilang Lieutenant ang bantay ng alaga ko!" Proud na sabi ng babae kaya sincere siyang ngumiti.

She was trying to analyze it, but it seemed that Shawy wasn't faking. Kita niya sa mga mata ng babae na natutuwa talaga iyon na maging bantay siya ni Sofia.

Later, she will ask Fabio about that kidnapping threat. Was it valid and a reason for him to be alarmed?

Hector Fabio de la Espriella. She mentioned in her mind. What a coincidence? Nagkita sila sa Maynila tapos magkikita pala sila sa probinsya. Was this really God's plan? Malamang.

Kitang-kita sa mukha ng abogado ang kaba at pag-aalala para sa anak. And the way he holds his daughter shows full of love. Sofia was so lucky to have a father like him. Mukhang galit lang sa mundo si Fabio dahil laging nakasimangot at seryoso, pero kung pagbabasehan ang pagmamahal sa anak, hindi siya nagdududa na mas higit pa sa sobra ang pagmamahal no'n kay Sofia. Ziana was just curious about the girl's mother. Nasaan kaya ang ina ng bata?

Perhaps their marriage didn't work. May mga lalaki talaga na kahit anong gandang lalaki ay bagsak sa ibang aspeto. O kahit na anong ganda ng babae ay bagsak sa ibang aspeto, tulad ng kanyang totoong ina.

She hates her mother so much. Kahit na hindi niya nakilala iyon ay masama ang loob niya. Hindi lingid sa kaalaman niya ang totoong pagkatao ng kanyang ina. Hindi inilihim sa kanya ni Greyson iyon at ng Mommy niya. Kaya nga napunta siya sa mag-asawang Alcantara dahil masama ang pagkatao ng kanyang ina.

At kahit na anong pilit ni Ziana na iwan ang kahapon na iyon, hindi magbabago na masama ang kanyang pinagmulan. Dala-dala niya iyon sa kanyang pagkatao na tinatakpan ng kanyang magandang imahe bilang isang pulis at bilang isang kilalang mga alagad ng batas, na may magagandang records, ang mga Alcantara.

SA gate ay inihatid si Ziana ng tiyuhin na si Albert. She feels so sad while looking at her uncle. Nakapamewang ang dalaga habang nakatitig dito, hanggang sa mapakamot siya sa kilay at agad na yumakap sa matanda.

"This is what I hate about seeing you and leaving. Ang sakit sa dibdib," aniya pero natawa ito.

"You are not leaving yet, iha. Papunta ka lang kina Fabio. Isang buwan ka pa rito, at palagay ko naman sa isang buwan na iyon ay natunton na ang mga masasamang loob na nagtatangka sa buhay ng bata."

Tinapik nito ang likod niya. Bumitaw siya at tumingin sa mukha ni Albert, "Did he tell you about it?"

"Oo," sagot nito na may kasamang tango, "You ask him about it as well. Mas mabuti na ikaw ang makakarinig."

"Of course. Sana nga sa isang buwan ay mangyari na ang sinasabi mo para bago ako bumalik sa Manila ay maayos na si Sofi. Panatag ang loob ko na babalik sa totoo kong trabaho. O kung hindi pa man, sana ay may papalit sa akin na mapagkakatiwalaan at hindi mabibili ng pera kapalit ng bata," she sighed.

She was thinking about it earlier. Paano kung ang maging bodyguard ni Sofia ay ibenta ang bata sa kidnappers sa maliit halaga? Hindi makakaya ng puso niya na malaman na tuluyan iyong napahamak sa mga taong masasama ang gawain. Kahit na ngayon pa lang niya iyon nakikilala, magaan na kaagad ang loob niya roon. Isa pa, mahalaga sa kanya ang mga bata. Ayaw niyang nasasaktan o napapahamak ang sinumang bata na walang muwang sa mundo.

"Don't worry. God will hear our prayers, honey."

She nodded.

"I'm going now, Uncle. Mukhang uulan at baka nga umuulan na. Hindi maikli ang thiry minutes na drive," she smiled, but it was quite bitter, "Dalawin mo ako."

Natawa si Albert sa kanya.

"Now who says na hindi na mukhang Daddy ang batang pinalaki ko? May baril ka lang at tsapa pero mukhang Daddy ka pa rin."

Muli siyang yumakap sa baywang nito, "Ba-bye. I love you."

"I love you more, anak. Sige na. Mag-ingat sa pag-drive."

Napilitan siyang bumitaw sa tuyuhin saka ito hinalikan sa pisngi. Pagkatapos ay sumakay na rin siya sa kotse niya at nagmaneho papaalis. She kept on glancing at her old man from the side mirror until she could no longer see him.

Habang nasa biyahe papunta sa bahay bakasyunan ni Fabio, nahulog si Ziana sa malalim na pag-iisip. She was trying to save a plan in her mind. She has questions, too. Sana naman ay sabihin sa kanya lahat ni Fabio ang katotohanan para hindi siya mahirapan na kumilos at magbantay kay Sofia. That lawyer was a bit arrogant. Napangiti siya, arogante pero may karapatan naman na maging ganoon dahil gwapo. And Sofia is the female version of him. Kahit na distressed na ang lalaki ay magandang lalaki pa rin. Napakaswerte ng mga taong tulad ng mag-ama na mukhang maganda ang pinagmulan na pamilya, unlike her who was trying to make a good image, trying hard to make herself wholesome to cover up the bad images her biological parents smeared to her personality.

Mabigat sa dibdib na ang mga umampon sa kanya ay mga taong matuwid, mga tagapagpatupad ng batas, habang ang kanyang mga magulang ay mga kriminal.

Oo, kriminal ang kanyang mga magulang, at siya ay ipinanganak sa kulungan. Doon siya inampon ni Greyson. At habambuhay niyang tatanawin na utang na loob ang ginawang kabutihan ng mag-asawa sa kanya. Kung ibang tao lamang ay hindi mag-aampon ng isang bata na parehas na mga magulang ay masasamang tao, dahil mananalatay iyon sa dugo. Hindi nga ba at may kasabihan na kung ano ang puno ay siya ang bunga?

Naaalala niya nang araw na sabihin sa kanya ng Mommy at Daddy niya ang tunay niyang pagkatao. She was only eight that time but she could still vividly remember it.

Ang sabi sa kanya ng Daddy niya ay hindi mahalaga kung ano ang kanyang pinagmulan. Ang mahalaga raw ay kung magiging ano siya sa hinaharap.

Dati ay hindi niya iyon maintindihan. Ngayon, nauunawaan na niya, at masakit pala na tanggapin. Kahit na ibang tao na at mabuting mga nilalang na ang nagpalaki sa kanya, sa loob niya ay dala pa rin niya kung anong totoo sa kung sino talaga siya.

Minsan, naiisip niya na masama siya at pinipilit lang niyang magpakabuti. At iyon naman talaga ang totoo.

Biglang naputol ang iniisip niya nang tumunog ang smartphone niya. Agad siyang napatingin sa monitor. And her brows arched, smiling.

It's Captain William Javier, her suitor, her mentor, her friend...her crush. Hanggang doon lang siya dahil wala siyang balak na mag-boyfriend muna. She's still young anyway. Dedicated siya sa trabaho niya at iyon lang na muna ang kanyang aatupagin sa buhay. But she likes William. Kung magkakaroon man siya ng boyfriend, iyon ang kanyang ideal man, mabait, responsable sa buhay, matalino at magalang sa babae.

Ganoon ang mga tipo niya, iyong mga masayahin sa buhay. But most of the time, bigla na lang na nawawalan siya ng gana kapag naaalala niya na kailangan niyang ipagtapat sa lalaki ang totoo niyang pagkatao, na ampon lang naman siya at mga kriminal ang mga magulang niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Anne Sparks
totoong tatay nya siguro si Albert, tapos Yong bata pamangkin ni Ziana
goodnovel comment avatar
Marieta Sumampong Tubil
exciting...️...️...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Protecting the Billionaire's Daughter   Kabanata 82 ( final chapter)

    Kabanata 82 SA pinakamamahal kong bunso, na hindi ko man lang nagawang hawakan dahil sa dumi ng kamay ko at pagkatao. Patawarin mo si nanay kung ganito ang buhay na pinili ko. Sa araw na mabasa mo ang sulat na ito, wala na ako, matagal na. Nagmahal ako ng maling tao at ang tatay mo ang taong matuwid na hindi ko pinili. Ayaw kong makilala mo pa sila kahit kailan dahil gusto ko na masiguro na hindi mo ako magiging katulad. Walang pinag-aralan si nanay. Mahirap pa sa daga si nanay. Nangarap ako na makaahon at akala ko ay ang tatay ng ate mo ang sagot sa mga dasal ko, pero demonyo pala siya at ginawa niya rin akong demonyo. Nang makulong ako, walang ibang dumamay sa akin kung hindi ang tatay mo, pero kahit mabuti siya, ayaw kong makilala mo pa siya dahil sa mga taong nakapalibot sa kanya. Lalaki kang mabait at mabuting tao dahil mabubuting tao ang magpapalaki sa iyo. Ayaw ko na magkaroon ka pa ng kahit na anong kaugnayan sa sinuman sa mga tao sa pangit kong mundo. Nagpapalit si Nanay ng

  • Protecting the Billionaire's Daughter   81.1

    Kabanata 81.1 NAKANGITI na humarap si Dr. Venida kay Ziana matapos na tingnan ang vitals ng kanyang ama. It's been three days since the operation.Ngayon pa lang tinanggal ang oxygen ni Silas. Sa tatlong araw ay hindi nawawala ang presensya ni Fabio sa tabi niya, umalis lang iyon kahapon dahil may hearing, pero bumalik din pagkatapos. Her Uncle Albert decided to come to Manila, pero wala pa ang matanda. Mamayang gabi pa raw iyon bibyahe sakay ng eroplano. "You can now talk to him, Ziana," ani ng doktor sa kanya. "Thanks, Doc." Nakangiti niyang sagot. Lumabas naman iyon kasama ang nag-a-assist na nurse. Tumingin siya sa ama niya na nakatingin sa kanya. Her smile was very faint, then she walked towards him. "Daddy," mahina niyang sabi rito. "I thought I'd never hear you say that again. Akala ko ay katapusan ko na." Umiling ang dalaga, "That bullet was supposed to be mine, pero dalawa kayo ni Fabio na sumalo." Kumurap siya para pigilin ang kanyang luha. Naupo siya sa may tabi n

  • Protecting the Billionaire's Daughter   Kabanata 81

    Kabanata 81 ZIANA folded the paper and let her tears run down on her face. She found this letter after William opened her father's bag. Iniabot sa kanya ng kaibigan ang sulat na mukhang isinulat ng kanyang ama bago pa mangyari ang lahat ng ito. And now, reading it makes her so teary. She had good biological parents. Her father stood as a syndicate's boss to prevent any operations in the black market. Ang inakala ng lahat ay hinahasa nito si Inez para sa pagiging tagapagmana sa trono pero palabas lang iyon. Kaya lang, napaglinlangan din si Silas. Walang kaalam-alam ang kanyang ama na fully operational pa rin ang sindikato sa katauhan ng bedridden na kakambal nito. At si Inez ang gumagawa ng lahat ng kilos, ang pagkuha sa mga pasyente na mamamatayin pa lang at pagtanggal ng mga organs para ibenta sa mga mayayamang nangangailangan ng transplant... DALAWANG malalakas na putok ang umalingawngaw sa loob ng basement ng ng building. This was the same basement where Ziana saw a man who

  • Protecting the Billionaire's Daughter   Kabanata 80

    Kabanata 80 “IANAH!” Malakas na sambit ni Fabio sa pangalan ni Ziana nang siya ay nanghihina na dumausdos pababa ng katawan ng binata. Napaiyak siya nang malakas at umiling habang hawak nang mahigpit ang kanyang smartphone. Hindi pala talaga siya matatag. Hindi pala talaga siya matapang, at hindi niya kaya na mag-isa sa lahat ng pagkakataon. Mayabang siya na isipin kaya niyang magsarili. Ngayon, totoo pala talaga ang kasabihan na, no man is an island. Time will come, mangangailangan siya ng karamay sa buhay kapag wala na siyang lakas na harapin ang lahat ng dagok sa buhay niya. “What is happening? Sumagot ka. Don’t just cry like this.” Ani Fabio sa kanya. “I can’t help it,” umiiyak na sagot niya habang halos maupo na siya sa sahig. Nag-iisip siya kung ano ang kanyang gagawin. Buhay ni Sofia at buhay ng tatay niya ang nakataya. Dapat lang ay mamili siya. Sabi, siya ay matuwid at mabuting tao. Bakit ngayon ay nasusubok ang kabutihan na iyon? Alin ang pipiliin niya? Paggawa ng mabu

  • Protecting the Billionaire's Daughter   Kabanata 79

    Kabanata 79 BAGSAK ang mga balikat ni Ziana na humakbang papasok sa bakuran ng bahay ni Fabio. Ang mga mata niya ay hindi maalisan ng mga luha. Tumuloy siya sa may main door at kumatok doon. Hindi mawala sa isip niya ang ama. Ligtas na naman iyon pero hindi pa rin makausap kahit na nagmulat ng mga mata. Bago siya umalis, nakapagsalita naman si Silas kahit may tubo sa bibig. It was barely a whisper. He said, "Mabuti kang anak." That made her cry. It meant everything. Tapos ay wala na iyong sinabi. Siya ay nagmamadali na masagot ang mga tanong niya bago ang warrant. Hindi siya natatakot sa warrant. Kaya niyang linisin ang kanyang pangalan. Ang inaalala niya ay ang mga sinasabi ng tauhan ng ama niya, na may kakambal si Silas. Iyon ang nakita niya sa basement at hindi ang Daddy niya. Pero sinasabi ng mga tauhan na ang ama talaga ni Inez ay ang Daddy din niya. Nalilito siya. Sa ospital ni Colonel Prado niya ipinadala ang ama niya. Hindi iyon ganoon kasikat na ospital sa Maynila pe

  • Protecting the Billionaire's Daughter   Kabanata 78

    Kabanata 78 HINDI mapanatag ang kalooban ni Ziana habang naghihintay siya ng tawag ng kanyang ama. Nasa condo siya at naghihintay. Ang sabi no'n ay tatawagan siya sa oras na makauwi iyon. Hindi pa ba iyon nakakauwi? Pumangalumbaba siya at sinalat ang labi. Naalala niya si Fabio kaya mabigat ang kalooban na bumuntong-hininga siya. Hindi na sila nakapag-usap. Lahat ay parang hindi na nila napag-usapan. And she received a confirmation text from her cousin that he really left. Totoo siguro na pinaalis iyon ni Fabio nang malaman na anak siya ni Francesca. Ang hindi niya alam ay kung alam ng binata na magkapatid sila ni Inez, pero magkaiba ang mga ama. She picked up her phone and called her Uncle Albert. This is the first time after she arrived in Manila. Talagang iniwasan niya na tawagan ang matanda dahil sa inaasikaso niya. At ayaw kasi niyang magtanong. But now that she has no one to talk to, she needs to call him. She badly needs to. Dalawang ring bago sumagot si Albert sa kanya.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status