Share

Kabanata 3: Bracelet

ALLYS POV

(Still continuation of her flashbacks)

Paniguradong galit na galit na ngayon si Tatay Arsing at talagang hinahanap na ako. Pero wala akong pinagsisihan sa ginawa kong pag-alis ngayon. Dahil hindi naman maganda ang trato niya sa akin simula pa lang.

Naalala ko bigla kung paano niya ako bugbugin simula pa noong bata pa ako, hanggang sa ngayon na malaki na ako. At kung paano niya rin ako ikulong sa isang silid nang hindi manlang pinapakain.

Patay na ang mga magulang ko at siya na mismo ang kumupkop sa akin dahil sa siya nga ang ikalawang asawa ng ina ko. Pero akala ko tratratuhin niya ako nang maayos, iyon pala ay akala lang. Sa una lamang pala siya mabait at lahat ng kabaitang ipinapakita niya noon ay tanging pagbabalatkayo lamang.

Napapikit ako ng mariin at napasapo sa sariling mukha. Pilit kong pinipigilan ang paglabas ng aking mga  mumunting hikbi kaya pa impit na lang akong umiyak. Ayaw kong makakuha ng anumang atensyon sa mga kasamahang pasahero dito sa loob ng bus.

Ayaw kong bulabugin ang iilang mga pasaherong natutulog na mula sa kanilang mga kinauupuan. Malalim na ang gabi, dapat sana ay payapa na akong natutulog ngayon sa munti naming bahay.

Pero ang hayop na iyon. Alam kong sobrang sama niya at wala pang kwentang tao pero hindi ko inaasahang gagawin niya iyon sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam nang galit at pagkamuhi sa kanya.

Naalala ko ulit ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko nang umalis sa poder niya.

Kaninang umaga lang ay napapansin ko nang iba na ang tinging ibinibigay ni Tatay Arsing sa akin at kung paano niya ako panggigilan kapag nagkakataon na nakatalikod ako sa kanya. Minsan ay pasimple niya akong hinihipuan kapag naghuhugas ako ng plato. Minsan kapag pinaghahainan ko siya ng pagkain sa mesa. Mayroon ding mga pagkakataon na nakikita ko siyang binobosohan ako sa banyo.

Hindi ako bulag at manhid para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin at haplos niyang iyon. Tingin iyon ng isang taong may pagnanasa at hindi nga ako nagkamali. Dahil kanina habang mahimbing na akong natutulog sa sarili kong silid ay bigla na lamang siyang pumasok at pinagtangkaang halayin ako. Hayop talaga siya!

Napapikit ako sa malamyos na dampi ng hangin sa aking mukha at marahan kong pinalis ang aking mga luha. Wala sa sariling napatingin ako sa tanawin sa labas ng bintana. Nagsisimula nang lumiwanag ang buong kabundukan. Hudyat na malapit nang dumating ang umaga.

Hindi ako makapaniwala na nakaalis na ako sa poder ni Tatay Arsing na wala manlang kahit anong dala kahit ni isang gamit manlang sana.

Oo, alam kong noon pa man pinangarap ko nang makaalis ng Santa Monica. Pero hindi sa paraang ito.

Hindi sa paraang panghahalay niya sa akin. Napayakap ako sa aking sarili at napapikit ng mariin.

Saan ako pupunta? Saan ako pupulutin ngayon? Saan?

Giniginaw na rin ako dahil sa manipis lang ang suot kong damit na puting bestida. Halos naka paa lang din ako.

Dahil sa pagmamadali kanina ay hindi ko na nagawa pang magsuot manlang ng tsinelas.

Nakakaawa ka Allys. Alam mo ba iyon? Sobrang nakakaawa ka.

"So gross."

Dinig kong pakli ng aking katabing babae.

"Your foot is bleeding."

Dagdag pa nito.

Hindi ko tuloy maiwasang tingnan siya. Nakatingin siya sa mga paa kong may sugat saka ako pinasadahan nang tingin.

kitang-kita ko sa mga mata niya ang pandidiri niya sa akin.

"God! Bakit ba ang malas-malas ko ngayon," himutok nito sa maarteng boses at napapahilot pa sa kanyang sentido.

"This is ridiculous! Sa dami-dami ng mauupuan dito Miss, dito mo pa talagang napiling tumabi sa akin. Really?" mataray na sabi niya at inirapan ako.

Hindi ko maiwasang titigan ang babaeng ito.

Mahaba ang maalon-alon nitong buhok na bumabagay sa makinis at maputi nitong balat. Kapansin pansin rin ang suot nitong kumikinang na hikaw at kwintas. Agaw pansin rin ang may kaliitan nitong matangos na ilong.

Basi sa mga nakikita ko ngayon ay panigurado akong galing ito sa may kayang pamilya. Isa lang ang masasabi ko sa babaeng katabi. Maganda ito at napaka sopistikada.

Malayong-malayo sa akin na nakasuot lang ng simpleng manipis na damit. Pinagmasdan ko rin ang kanyang mga kamay na nagtitipa na ngayon sa kanyang mamahaling selpon.

Nakahulma nang maganda ang mataas niyang kuko na may magandang kulay pulang cutics.

Hindi ko maiwasang mahiya sa kanya.

Napapakagat labi akong yumuko dahil sa kahihiyang nararamdaman. Kinakailangan ko na bang lumipat ngayon ng upuan?

"Hello, Carla. Yeah, I'm on my way to El fuego right now. I didn't know na ganito pala kahirap mag commute. If I should have known dinala ko na lang sana ang sasakyan ko. This is so hastle but to think that I'm gonna see him I felt it is all worth it. Yeah! I know right."

Ayaw ko mang pakinggan ang mga sinasabi niya ay hindi ko maiwasan dahil sa katabi ko lang siya. Namamangha rin ako sa paraan ng pagkakabigkas niya ng mga salitang ingles.

"Yes. Uuwi rin ako pagkatapos ko siyang bisitahin. Come on Carla don't be like that. You know that I dreamed to be with him since then. Silly you! Ok. Ok I'll hung up now."

Napapikit na lang ako at agad nag-iwas ng tingin at hindi na pinansin pa ang babaeng katabi.

"Seriously? Nandito ka pa rin?"

Napamulat ako nang muli niya akong kausapin.

"Just find somewhere you can sit okay. I don't like you sitting next to me," sabi niya habang nakataas ang kanyang magandang kilay sa akin.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niyang iyon.

"Fine! Fine! Look I give you this bracelet of mine and just find a sit somewhere else okay? Here," sabi niya ulit at sabay abot sa akin nang hinubad niyang polseras.

Ano ito? Suhol?

"P-pero-"

"Hindi ka ba makaintindi? I don't like you. Ayaw kitang katabi. Look at you. Your a total mess. Your presence beside me already irritates me," pagmamaktol niya.

Lumalakas na ngayon ang boses niya dahilan para sulyapan kami ng driver sa salamin. Pansin ko rin ang iilang mga pasahero na naalimpungatan sa pagkakatulog kung kaya't nakatingin na rin ngayon sa mismong pwesto namin.

"Ano pong problema niyo dito Ma'am?"

Tanong nang konduktor sabay lapit sa pwesto naming dalawa.

"You see, ayaw ko siyang katabi."

Reklamo niya sa konduktor.

Sinulyapan naman ako nito at saka maayos na kinausap ang babae.

"Pero Ma'am, public bus po ito babayaran naman niya ang inuupuan niya kaya okay lang po."

"What?! Are you kidding me? Then I'll pay for her seat. Hanapan niyo siya nang ibang upuan. Ayaw kong may katabi ako," mataray niyang bigkas at marahas na inilagay sa kamay ko ang bracelet niya.

"There, it's all yours already. Umalis ka na, Alis."

Ito na yata ang pinaka nakakainsultong nangyari sa tanang buhay ko. Ang mapahiya sa harapan nang maraming tao. Wala akong nagawa kundi ang tumayo at lumipat sa pinakalikod na upuan ng bus.

"Pasensya na Miss," bulong ng konduktor sa akin.

"Ok lang," tanging sagot ko.

Wala na bang mas sasama pa sa araw na ito. Kunot noong tiningnan ko ang polseras na ibinigay niya.

Makintab ito at puno nang maliliit na palamuti. Sa tantiya ko ay mamahalin ang polseras na ito.

Ganyan ba silang mayayaman?

Gagamitin ang lahat magawa lang ang gusto nila.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status