Hot Professor Arthur

Hot Professor Arthur

last updateHuling Na-update : 2025-09-07
By:  GhesylIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
4Mga Kabanata
3views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Magdalena Perez, isang mask dancer at college student, ay napilitang pumasok sa ganoong trabaho matapos silang iwan ng kanyang ama at para matustusan ang gamot ng inang may sakit sa puso. Isang gabi, natagpuan niya ang sarili sa harap ni Professor Arthur, ang guro niyang lihim na may paghanga sa kanya. Sa kabila ng takot na mabunyag ang kanyang trabaho at mawala ang scholarship, pumayag siya sa isang alok ng club owner kapalit ng malaking halaga para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakala na si Professor Arthur pala ang lalaki sa gabing iyon.

view more

Kabanata 1

Chapter 1

Napatitig ako sa dumating na Professor dahil para bago siya sa paningin ko. Mukhang bata pa, hindi kagaya ng ibang prof namin dito na may edad na.

Nagbulungan pa ang mga kaklase ko sa likuran, siguro ay dahil napansin din nila na may bago kaming professor.

"Siya pala ang pumalit kay Professor Rox. Nagkasakit daw kaya kinailangan mag-resign." Ani Pia na katabi ko sa upuan. Sa sobrang busy ko na sa pag-aaral at trabaho ay hindi ko na nabalitaan na nag-resign na ang isang professor namin.

Ibinaba niya ang libro sa unahang table namin at iba pang mga folders. Tiningnan niya kami isa-isa. Nakatitig ako sa kanya kaya nang mapatingin siya sa akin ay agad na nagtama ang mga mata namin ngunit agad naman akong umiwas ng tingin.

"By the way, I am new professor in English. I am Professor Arthur Marquez, but you can call me Prof. Arthur. You can approach me every time as long as it's about the subject I'm teaching, okay?"

English teacher kaya English speaking din. Umayos ako ng pwesto. Dumiretso ako ng upo habang nakatitig at nakikinig sa kanya. Kinakagat-kagat ko pa ang aking ballpen dahil tila ba naging interesado ako sa klase ng pagtuturo niya. Kung gayon pala ay bawal siyang lapitan kapag hindi tungkol sa English subject niya.

"This is your major subject. I hope you all cooperate. I don't want lazy and noisy people in my class. I will only say this once and anyone caught violating what I said will be punished accordingly. Understood?"

"Yes, Sir!" Sabay-sabay na sagot ng mga kaklase ko. Ako lang yata ang hindi bumuka ang bibig.

Nagsimula na siyang magsulat sa whiteboard. Nagsimula na rin akong kopyahin yun para mabilis akong matapos. Sa tingin ko ay napaka-strikto niya at isang mali mo lang ay mapaparusahan ka na agad. Napaisip tuloy ako kung anong parusa naman kaya ang ibibigay niya sa mahuhuli niyang magkakamali.

Busy ako sa pagkopya nang sikuhin ako ni Pia. "Ang gwapo niya, ano?" wika nito sa gilid ko. Pero dahil ayaw kong maparusahan ay hindi ko siya pinansin. "Naku! Ha-hunting-in ko siya mamaya!" She giggled.

Naiiling na lang tuloy ako sa mga sinasabi niya pero hindi ko papatulan ang kadaldalan niya dahil ayaw kong maparusahan.

"Ang gwapo talaga niya!" sabi naman ni Felly dito sa kabilang gilid ko. Sinenyasan ko na silang dalawa na huwag silang maingay. Pabulong lang yun pero imposibleng hindi sila maririnig na dalawa.

"Ang kj mo naman masyado!" sabi pa ni Felly sabay irap sa akin. Naiiling na lang ako sa katigasan ng ulo niya ngunit pare-pareho kaming nagulat nang biglang magsalita si Prof. Arthur.

"Who's talking behind my back?" wika nito sa mataas na timbre ng boses ngunit mas nagulat ako nang ako ang ituro ng dalawa rito sa tabi ko.

"Si Magdalena, Sir!" sabay pang sabi nila.

Tumayo ako bilang paggalang sa kanya at nagsalita ako ng maayos.

"Naku, Sir. Mawalang galang na po. Pero hindi po ako ang nag-iingay."

Tanggi ko sa paratang dahil hindi naman talaga ako yun. Napansin kong napatitig sa akin si Prof. Arthur. Ngunit agad din niyang binawi ang titig na iyon. Akala ko ay maniniwala na siya ngunit hindi pa rin pala.

"Come to my office after this class. As I said and remember your choice earlier. I don't tolerate bad behavior."

Seryosong sabi niya kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Lagot..." sa isip-isip ko.

Tiningnan ko ang dalawa sa tabi ko. Nag-peace sign pa talaga sila sa akin pero hindi ko nagustuhan ang ginawa nila. Mamaya niyan ay maapektuhan ang grades ko. Yun ang hindi ko mapapayagan.

"Okay, class dismiss!"

Aniya sabay kuha ng lahat ng gamit niya sa ibabaw ng table. Kinakabahan tuloy ako ngayon. Sa halip na matutulog ulit ako ay hindi ko na magagawa dahil kailangan ko pang pumunta sa opisina niya.

What if malaman ito ng principal?

Lagot na talaga.

"Kayong dalawa? Bakit ako ang sinasabi n'yong nag-iingay? E diba kayong dalawa naman yun?" Kastigo ko sa kanilang dalawa.

"Ang kj mo kasi kanina eh. Sorry ka na lang friend. But I think, masungit si Prof. Gwapo. I wonder kung anong parusa ang gagawin niya sa'yo? May suspension?" Pananakot pa ni Felly sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Inayos ko ang laman ng bag ko at patakad akong tumayo. Bitbit ko na naman itong paper bag na naglalaman ng uniform ko dahil hindi ako dumaan ng locker kanina.

Hindi ako sigurado kung sa office siya ni Sir Rox inilagay pero bilang kapalit nito ay dun ko na lang pinuntahan si Prof. Arthur. Habang papalapit pa lang ako ay ang lakas na talaga ng kabog ng dibdib ko. First time ko kasi maipatawag ng isang guro dahil sa isang pagkakamali na hindi ko naman talaga ginawa.

Nakasarado ang pintuan kaya kumatok ako ng tatlong beses.

"Come in," rinig ko mula sa loob.

Dahan-dahan ko pang binuksan ang pintuan habang kinakabahan.

"Good morning po, Sir." Bati ko. Alas onse pa lang kaya morning pa ang bati ko.

"Have a seat," aniya.

Napalunok na tuloy ako dahil tila ba haharap na ako sa isang hukom habang nasa hot seat ako.

"Explain yourself," sabi pa niya.

Ano pa bang kailangan kong i-explain? Sinabi ko naman na sa kanya kanina na hindi ako ang nag-ingay pero hindi siya naniwala tapos ngayon ay pagpapaliwanagin niya ako?

He's unbelievable!

"Sir Arthur... Nagsasabi po talaga ako ng totoo. Hindi po talaga ako ang nag-iingay dun kanina kundi yung dalawang nasa tabi ko," pagsasabi ko ng totoo.

"What were they saying behind my back?" seryosong tanong pa niya.

Napalunok naman ako dahil sa naging tanong niya. Dapat ko pa bang sabihin ang kalandian ng dalawang yun? Pero ang tanong... may choice ba ako para magsinungaling?

"Eh, Sir. A-ano kasi..."

Napakagat na naman ako sa aking ibabang labi. Bakit ba ako pa ang kailangan niyang tanungin?

Magsasalita na sana ako pero pagtingin ko sa kanya ay nakatingin pala siya sa labi ko. Pero agad din niyang binawi. Kumuha siya ng ballpen at pinaikot-ikot yun sa daliri niya.

"What is it, Magdalena?"

May kasama ng pangalan ko ang tanong niya.

"Ang sabi po nila ay gwapo daw po kayo at hahunting-in ka daw po nila." Pagtatapat ko na. Hindi naman sa ipinagkakanulo ko ang kaklase ko pero parang ganun na nga dahil kailangan kong magsabi ng totoo.

"Eh, ikaw? Anong sabi mo?"

Umupo siya ng maayos at isinandal ang likuran sa kanyang upuan. Ano nga bang sinabi ko dun? Wala naman diba? Dahil pinapatigil ko lang naman yung dalawa. Napakagat na naman tuloy ako sa aking labi dahil kinakabahan talaga ako sa harapan niya.

"Stop biting your lips in front of me, Magdalena."

Nanlaki ang mga mata ko. "P-Po? S-Sorry po! Ganito lang po talaga ako kapag kinakabahan! Sorry po ulit, Sir!"

Baka isipin niya kasi na inaakit ko siya pero hindi, ah!

"So, uulitin ko. Ikaw, anong sinabi mo matapos nilang sabihin ang bagay na yun?" he asked while staring at me. Ito talaga ang mas nakapagpakaba sa akin.

"W-Wala po, Sir. S-Sinaway ko lang po sila. Pinapatigil ko po..."

Nauutal pang sabi ko habang nakatungo na ako. Hindi ko na kasi kaya pang makipagtitigan sa mga mata niya dahil parang may kakaiba. Yung parang nanghihipnotismo siya?

Is he part of a cult or what?

"Why do you have your head down if you are innocent? Heads up and look straight at me."

"O-Okay po..."

Pagtingin ko pa lang sa kanya ay titig na titig na siya sa akin kaya naman nagaalangang ngiti ang naibigay ko.

"Palalampasin ko ang ginawa n'yong tatlo sa araw na ito. Pero kapag naulit pa, isususpinde ko na kayo and that was my first warning, Magdalena."

"Y-Yes, Sir Arthur..."

Hindi ko siya ma-gets!. Tatlo pala kaming may kasalanan pero bakit ako lang ang ipinatawag niya? Hindi ba dapat ay tatlo din kaming naririto? Ang unfair naman niya.

"Sige po, Sir. Mauna na po ako. Sorry po ulit."

Kinuha ko na ang bag ko pati na rin ang paper bag ngunit aksidente itong nahulog sa sahig! Agad ko itong pinulot at nagmamadali na akong lumabas ng office niya. Sana lang ay hindi niya nakita itong uniform ko sa club.

Kapag minalas ka nga naman ay talagang sunod-sunod na.

Naglalakad ako papunta sa canteen nang makasalubong ko ang dalawang nagsumbong sa akin kahit wala naman akong kasalanan.

"Magdalena? Kamusta? Anong parusa ni Sir Arthur sa'yo?" Excited pang tanong ni Felly, babang itong si Pia naman ay nagso-sorry sa kabilang gilid ko.

"Wala. Binigyan lang niya ako ng first warning. But next time daw na mahuli ulit niya tayo ay sususpindihin na daw tayo."

"What? Tayo? Hindi ba dapat ay ikaw lang?" Angal pa ni Felly.

"Dahil alam niya na kayo ang nag-iingay!"

"Alam niya pero bakit ikaw lang ang ipinatawag niya? Bakit hindi kami kasama?"

"Ewan ko. Sige na. Diyan na muna kayo. Nagugutom na ako. I need to eat!"

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at iniwan ko na silang dalawa dun. Kahit naman ako ay yun din ang tanong ko pero hindi ko rin alam ang sagot. Sana all na lang ay safe sa buska ng guro.

Umupo ako sa pinakadulong bahagi ng canteen. Inilabas ko ang sandwich at mineral water na ibinigay sa akin ni Mama. Ito na lang muna ang kakainin ko. Hindi rin kasi ako pwedeng kumain ng marami dahil fit na fit sa akin ang uniform ko sa club. Nakakahiya namang sumayaw ng sexy dance kung malaki itong tiyan ko.

Ini-open ko na ang sandwich at handa na sana akong kagatin ito. Nakanganga na ako nang bigla akong mapatingin sa pintuan ng canteen at nakita ko si Sir na papasok habang nasa akin agad ang tingin. Medyo nahiya ako. Kalahati pa naman sana agad ang kakagatin ko dahil gutom na gutom na ako pero dahil nakita ni Sir ay nag-iba na lang ako ng pwesto.

Itinuloy ko ang pagkagat ko sa kalahati ng sandwich saka ko ininuman ng tubig para mabilis kong malunok. Pagkalunok ko ay kakagat pa sana ulit ako pero napahinto ako nang biglang may aninong tumapat sa unahan ko.

"Can I share a seat?" tanong pa niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan na dito pa siya uupo samantalang marami pa naman ang bakanteng lamesa.

"Ah! Opo, Sir! Maupo po kayo!" Tumayo pa ako pero pinigilan niya ako.

"Have a seat. I'm not eating you, okay? I am new here. I just want someone to share food with," aniya.

Nag-slow mo ang pagtingin ko sa kanya.

Pati ba naman dito ay puro English pa rin siya?

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
4 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status