Share

Chapter 2

Dahan dahan  namang kumilos si Kisses, nararamdaman parin niya ang hapdi sa pang ibabang parte ng kanyang katawan dulot ng biglaang pagpasok ni Xander kanikanina lang.

 

Lumuluha siyang naligo nagsabon ng paulit ulit saka daliang nagbihis. Ayaw niyang maabutan pa siya ng lalaki sap ag babalik nito.

 

Paglaabas na paglabas niya ng elevator ay agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa kanilang bahay. May pagmamadali siyang nagbihis ng pantulog at humiga sa matigas na papag na kanyang higaan. Tumingin siya sa cellphone niya at nakitang halos alas tres na ng madaling araw. Papasok pa siya mamayang alas nueve sa Universidad na pinapasukan niya. Hindi siya maaaring mahuli pagkat iyon na ang exam nila sa finals at inaasahan ng nanay niya na siya ay magkakamit ng kahit na anong karangalan dahil sa angkin niyang talino.

 

Napakaraming tumatakbo sa kanyang isipan, sinisisi niya ang attay niya na ng iwan sakanila kaya niya sinapit ito. May malubhang sakit ang kanyang ina at kinakailangan ng malaking halaga para sa operasyon kung kaya’t napilitan siyang pumayag sa alok ng may ari ng club na pinasukan niya.

 

 

 

Nasa kasunduan na si Mama Asthrid ang sasagot sa operasyon ng nanay niya kapalit nuon ay pagtatrabahuhan niya gabi gabi ang bawat sentimong gagastusin nito sa kanyang ina.

 

 

 

 

 

 Tatlong magkakapatid sila siya ang pangalawa nag asawa ng maaga ang panganay nila matapos maka graduate ng kolehiyo. Sumama na ito sa napangasawa nitong may kaya sa buhay. Upang makasal duon ay napagkasunduan ng pamilya nil ana kahit anong mangyari ay hindi nila pwedeng gambalain at hingan ng kahit na ano ang ate niya. Inilihim ng angkan ng bayaw niya ang tungkol sa kanila ultimo sa kasal ng kapatid ay ndi sila inimbitahan at sa ibang bansa pa iyon idinaos upang masigurado na hindi sila sisipot.

 

 

 

Dumi sila at nakakasira ng reputasyon pamilya ang kanilang kahirapan. Yun ang paulit ulit na sinasabi ng asawa ng ate niya. Nasasaktan man ang kanilang ina ay wala itong magawa. Kaya naman upang makasal ang kapatid ay puyag narin sila sa kasunduang kahit anong mangyari ay hindi sila magpapakilala bilang kamag anak ng kapatid niya at hindi rin hihingi ng tulong kahit na ano ang mangyari.

 

Kaya naman hinarap niyang mag-isa ang hirap itinaguyod sa pamamagitan ng pagtitinda ng kung ano ano, ang bunso nilang kapatid na si Kobie ay napasok sa sekondarya ngayon. Nagtutulungan sila sa pagbabantay sa nanay nila sa ospital.

 

 

 

Maaga siyang nagising kaya naman agad naghanda upang makapunta na ng ospital.

 

Hinsi na niya inabutan pa roon ang kapatid na si Kobie, tanging ang kanyang matalik nalamang na kaibigan ang naiwan duon at bahagya na itong nakakatulog sa tabi ng kanyang ina.

 

Nilapitan niya ang ina na hanggang ngayon ay wala paring malay at kabi kabilang aparato ang nakasaksak kung saang parte ng katawan nito.

 

“Oh andyan ka na pala! Bakit ka pa pumarito? Sana eh nagpahinga kanalang muna mukha kang walang tulog eh.” Makahulugang pahayag ng kaibigan niyang si Irene at sabay sulyap sa nanay niyang tila tulog lamang sa higaan.

 

“Okay naman ako medyo nakapagpahinga naman na ako. Aalis rin ako mamaya para naman mag-take ng Exam kaya ikaw na muna ulet sana ang bahala kay Inay.” Tugon ni Kisses

 

“Oo naman sus ito na nga lamang yung maitutulong ko sa inyong magkapatid eh ipagdadamot ko pa ba. Kumusta ka naman?” pabulong na tanong nito sa kanya.

 

 

“Heto okay naman, pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula muli.” Malungkot na sagot niya.

 

“Girl, pagsisimula na agad ang iniisip mo eh hindi pa nga tapos ang kontratang sinimulan mo hindi ba.?”

“Ayaw na nya raw akong makita It’s a good thing right? At sana totoo na ayaw na niyang makita ang pamumukha ako. Ako padaw ang manloloko ako pa nga ang nawalan.” Himutok niya habang pinapahid ang mga luhang unti unting sumusungaw sa kanyang mga mata.

 

 

“Ano ba ang nangyari bakit siya nagalit hindi ba dapat natuwa pa siya aba jock pot siya saiyo ha!”

 

“Hindi daw ako nagsabi ng totoo niloko ko lang daw siya, pinaniwala na katulad ako ng ibang babae hindi ko din maintindihan gulong gulo ang isipan ko.”

 

 

Dumating ang kapatid niya ng alas dose y media ng tanghali dahil exam half day lang ang lahat. Umuwi naman siya para makapagbihis at ng uniporme siya naman ang papasok sa school.

 

Dumaan ang mahabang oras, kahit na walang review ay madali siyang nakapagsagot kaya naman halos iilan palamang ang tao sa labas ng eskwelahan ng lumabas siya. Naramdaman niya ang pagba- vibrate ng cellphone niya kaya agad niya iyong kinuha.

 

Isang tawag sa di kilalang numero ang agad niyang nakita, sinagot niya ito at nanlalaki ang kanyang mga mata na nakatingin sa isang kulay puting sports car na nasa harapan ng gate ng school nila.

 

“He---hello?”

 

“Can you please faster! Napaka bagal mong maglakad.” Inis n ainis na turan nito sa kausap habang nakatitig siya sa labas ng bintana ng kanyang kotse. Alam naman niya na hindi siya nito makikita dahil sa tinted ang salamin  ng sasakyan niya.

 

Kitang kita ni Xander kung paanong nanlaki ang mga mata ni Kisses sa pagkakatitig sa kanyang sasakyan at saka tumgin sa palibot sa school. Wari’y sinusuri nito kung may makakakita rito.

 

Ibinaba agad ni Xander ang bintana ng kanyang sasakyan at nakita naman niya na halos liparin n ani Kisses ang kanyang kotse agad itong sumampa at saka parang takot na takot na halos ikubli ang sarili.

 

“Hey! Don’t act like a stupid, nahihiya kang may makakita sayo na sumakay sa sasakyan ng isang lalaki pero hindi ka nahihiya na magsayaw labas ang katawan sa bar. Hahaha your so funny, hindi ko alam kung----” at hindi nito naituloy ang sasabihin dahil sa biglang pagsasalita ni Kisses.

 

“Sir, hindi ko alam kung paano po ako makakabayad sainyo pero sana naman po kung ano yung sa atin ay huwag ng makalabas at huwag naman sanang dumating sa punto na mapapahiya ako sa eskwelahan na pinapasukan ko. Tulad mo may pangarap din ako at may pangangailangan kaya kumakapit ako sa patalim. Maaring hindi ka kumakapit sa patalim tulad ko pero may pangalan kang iniingatan at alam kong ayaw mong masira yon.”

 

“So anong ibig mong sabihin na sinisira ko ang pangalan mo! Ikaw ang gumawa niyan sa sarili mo. Nandito lang ako para maningil sa utang mo yun lang yun kaya huwag kang mag isip ng kung ano ano pa.” at saka nito pinasibad ang kotse niya papalayo sa school ni Kisses agad nilang tinahak ang daan patungo sa condo unit niya.

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status