Hindi naging maganda ang karanasan ni Shaina sa mga naunang karelasyon. Ang huling lalaking pinagkatiwalaan at minahal ay nagpaakit sa kaniyang pinsan. Ang malala pa ay nabaliktad ang sitwasyon at siya ang lumalabas na manloloko. Naisumpa niya sa sarili na hindi na muling magmahal at pagbayarin ang dalawang nagwasak sa kaniyang puso. Ngunit nagbago ang kaniyang isip nang mabuo ang isang gabing pagkakamali. At hindi lang isa ang kaniyang iniluwal kundi dalawang cute na mga bata. Bigla siyang natakot sa isiping hindi lang guwapo ang hindi nakilalang ama ng kambal, kundi genius dahil tiyak dito nagmana ang mga anak. "Mommy, don't worry, we can help you to find our father." A five-year-old named, Adrian, said. Pakiramdam ni Shaina ay atakehin siya sa puso sa naging sagot ng bibong anak na lalaki. Sa halip na ma-disappoint dahil hindi niya kilala ang ama ng mga ito, mukhang lalong na-excite ang mga anak na hanapin ang lalaki. Sa kaniyang pagbabalik kasama ang mga anak ay maraming katanungang kailangang masagot. Pero saan siya magsisimula kung maging ang mukha ng nakabuntis sa kaniya ay hindi niya alam?
View More"Baby, I'm sorry. Kasalanan ko ang nangyari sa iyo diyan ngayon. Papuntahin ko sina mommy diyan ngayon upang sunduin ka at sa bahay ka muna okay?"Biglang naluha si Ava nang marinig ang malambing at sobrang nag aalalang tinig ng binata. Kaya ayaw niyang sagutin ang tawag nito eh, naging mahina siya lalo. Kita pa niya ang pamumula ng pisngi nito tanda na nagpupuyos ang kalooban sa galit. Mabuti na lang at hindi nito napansin na naluluha ang mga mata niya. "No..." umiling siya at nag iwas nang tingin sa camera. "Huwag mo nang abalahin ang parents mo, please!""Pero—""Please? Ok lang ako. Okay na ako na nakausap kita." Pinalambing na niya ang tinig upang hindi na mag alala pa ito."Ano ba ang eksaktong nangyari at mukhang natakot ka nang husto?"Napatingin si Ava sa tao ng binata. Umiling iling ito at mukhang sobrang nag aalala kapag nalaman ni Alexander ang buong pangyayari. Baka bigla ito babalik ngayon sa luzon kapag nalaman nitong kamuntik na siyang mamatay kanina. Naintindihan niy
Mabilis na itinaas ng lalaki ang dalawang kamay at umurong ng hakbang. "Relax, pare, nagbibiro lang ako." Tumawa pa ito na parang nakakaloko."Puwes ako ay hindi nakipagbiruan. Sino ang nag utos sa iyo upang tangakaing gawan ng masama si Ms. Ava?" Galit na tanong ng lalaki sa huli.Sa halip na sumagot, mabilis na ibinato ng lalaki kay Ava ang kutsilyong hawak. Mabuti na lang at maliksing kumilos ang tao ni Alexander at nahila ang dalaga upang ilagan ang patalim. Ang kriminal ay mabilis na nakatakas.Nagsisigaw si Ava dahil sa takot. Ang buong akala niya kanina ay tatarak na sa katawan niya ang patalim. Halos himitayin na siya at mabuti na lang ay mabilis kumilos ang lalaking tumutulong sa kaniya."Shit!" Napamura si Brix nang makita ang pangyayari. Mabilis na siyang umalis doon bago pa dumami ang tao sa paligid at mapansin siya roon. Mabuti na lang at mabilis tumakbo ang tao niya at nakalayo na roon.Nanginginig ang mga tuhod ni Ava habang naglalakad patungo sa apartment niya. Mabuti
Mula sa loob ng sasakyan, nakangising tinanaw ni Brix ang paglabas ni Ava sa gate ng university. Nakaantabay na ang tao niya malapit sa eskinita kung saan ito papasok papuntang apartment. Pinatakbo na niya ang sasakyan at nauna sa sa daan kung saan ito tatambangan ng tao niya. Wala gaanong tao na sa part na iyon kaya madali nilang madukot ang dalaga.Habang naglalakad ay napatingin si Ava sa cellphone niya. Nakita niyang may message mula kay Alexander kaya agad niyang binasa. "Baby, nasa eroplano na ako ngayon. May biglaan akong business trip sa probinsya. Huwag mo akong kaisipin upang hindi mo ako ma-miss. Sikapin kong makabalik agad bukas ng gabi. I miss you, baby!"Hindi malaman ni Ava kung kiligin ba siya o mainis sa binata. Matapos siyang pakiligin kanina ay ito at biglang umalis. Nagpaalam nga ngunit palipad naman na. Hindi siya nag reply dito dahil sa inis. Kung tatanungin siya kung bakit siya naiinis? Well, hindi niya rin alam kaya nga lalo siyang naiinis sa binata at sa saril
"Hindi sana mamana ng anak mo iyang kamalditahan mo at kawawa naman ang isa kong anak."Napasimangot si Rosella. Nag iisa lang ang anak niya at babae pa. Hindi sa ayaw niya sa pamilya ng kaibigan, ayaw niya lang mawalay sa kaniya ng mas maaga ang anak. Nasa lahi kasi ng kaibigan lalo na kay Arriana na kapag nagustohan ang babae o lalaki ay aasawahin na agad."Huwag mag over think, tatanda ka agad." Biro ni Axel sa kaibigan nang matahimik ito mula sa kabilang linya.Natawa si Axel nang bigla na siyang babaan ng tawag ng kaibigan."May ginawa bang hindi maganda ang anak mo sa school?" tanong ni Arriana sa asawa. Alam niyang si Rosella ang kausap nito kanina."Maliit na problema lang, baby." Niyakap niya sa beywang ang asawa habang nanatiling nakaupo at tumingala.Nakangiting bumaba ang tingin ni Arriana at ngumiti sa asawa. Hindi nagbago ang pagmamahal nito sa kaniya, bagkus ay nadagdagan pa iyon at ganoon din siya. Yumuko siya at binigyan ng mabilis na halik sa labi ito. "Igagawa lang
Napasipol si Alexander habang nilalaro sa mga daliri ang cellphone. Masaya siya kahit walang reply na nakuha mula sa dalaga. Ang makita lang na galit ang dalaga kapag nakagawa siya nang hindi maganda ay masaya na siya. Alam niyang kabaliktaran dapat ang maramdaman niya. Pero para sa kaniya ay mahalaga siya sa dalaga kaya ito nagagalit. Naalala niyang ayaw siya nitong sumali sa sports na basketball. Kahit ayaw sabihin ang dahilan ay alam niyang magseselos ito kapag maraming babae ang lalapit sa kaniya."Alexander Aragon!"Napatigil sa paglalakad si Alexander kasabay ng pagngiwi nang marinig ang galit na pagtawag sa kaniyang pangalan ng taong iniiwasan niyang makaharap ngayon. Ngunit ang bilis ng ginang at nahubol siya. Dahan-dahang siyang lumingin sa ginang at ngumiti. "Ninang may kailangan po ba kayo?"Inirapan ni Rosella ang binata. Kung wala lang sila sa public place ay nahila na niya ang tainga nito.Napakamot si Alexander sa batok nang masilayan ang mukhang ng ginang. Mukha itong
"Paano ba iyan, talo ka?" nakangising tanong ni Alexander kay Brix."Huwag mayabang dahil binigla mo lamang ako. Ang akala ko kasi ay babakla-bakla ka." Pang asar ni Brix habang pinupunasan ang gilid ng bibig gamit ang likod ng kanang palad."Kulang pa yata ang sugat sa bibig?" Pinalagutok ni Alexander ang mga daliri habang humahakbang palapit kay Alexander. Napahak si Danny paurong dahil sa takot na madamay. "Mga pre, tama na at parating na ang professor."Dumura si Brix bago nakakalokong ngumiti kay Alexander. "Hindi mo pa nga ako kilalang lubusan. Kung gusto mong hihingi ako ng sorry sa mahal mo, umiyak ka muna!"Naikuyom ni Alexander ang palad at gustong ipakain ang kamao sa lalaking mayabang. "Huwag mo akong sisihin kung matulad ka sa bakla mong galamay."Biglang tumigil sa pagtawa si Brix at kinanahan sa banta ni Alexander. Gusto pa niya sana itong galitin pa lalo ngunit tumalikod na ito. "Pre, sino ba talaga siya at ang lakas ng loob na pagbantaan ka?" tanong ni Danny habang
Nahati na ang suporta ng mga nanonood pero mas marami pa rin ang kampi kay Brix."Go, Brix, huwag kang patatalo!" Muling sigaw ni Miranda."Go Alexander, kaya mo iyan!" Sigaw naman ng isa sa babaeng kinikilig sa kaguwapuhan ng binata. Muling nagdribol si Brix at nasa kaniya ang bola. Nang lumapit sa kaniya si Alexander ay ginamitan na niya ito ng maruming laro. Malakas niya itong binungo sa balikat na ikinatumba nito. Tumawa siya at saka tumakbo papunta sa ring upang e shoot ang bola. Tie na sila ngayon ni Alexander sa score."One down!" Tumatawa na kantyaw ng team ni Brix kay Alexander. "Naku, pogi, huwag ka nang lumaban kay Brix at sayang ang mukha mo at katawan!" Sigaw ng isang babae na kilala si Brix.Mabilis na tumayo si Alexander at tumalim ang tingin kay Brix."Ano, pikon ka na ba?" Tumatawang pang aasar ni Brix habang nagdidribol ng bola. Nasa kaniya muli at hindi na hahayaang makahawak pa si Alexander ng bola. "Iyan lang ba ang kaya mo?"Biglang nabura ang ngiti sa labi ni
Nang hubarin ni Alexander ang uniform na suot ay lalong naglaway ang kababaihan sa kaniya. Ang naiwan lang sa katawan nitong pang itaas ay sando at bakat sa maskulado nitong katawan. Maging ang kalalakihan ay napahanga sa katawan nito.Inis na napamura si Brix nang makita ang ginawa ni Alexander. Ayaw niyang magpatalo kaya naghubad din siya ng suot pang itaas. Napasipol ang ilan sa kababaihan nang tumambad ang hubad na katawan ni Brix sa kanila. Hindi patatalo ang six pack abs nito lalo na at walang tabing kahit sando. "Okay, girls, tama na ang pantasya sa katawan ng dalawang adonis!" ani Danny na siyang magsisilbing parang referee. Ngumisi si Alexander nang magsalubong ang tingin nila ni Brix. Hindi rin magkalayo ang tangkad nila ni Brix. Alam niyang sanay si Brix sa basagan ng mukha pero marunong naman siyang sabayan ito. Hindi pa start ng mismong subject nila kaya may oras pa sila para magsakitan.Naghiyawan ang kababaihan nang pumunta na sa gitna ng basketball court ang dalawa
"Pare, calm down. Alalahanin mo na ang pikon ang laging talo." Pigil ni Danny sa kaibigan."Makinig ka sa kaibigan mo, hindi ka pa naman makakilos nang mag isa lang." Pang aasar pa ni Alexander sa lalaki."Gago ka ah!" Hindi na nagpapigil pa si Brix. Galit na tinulak niya sa balikat ang lalaki at tumaas na rin ang timbre ng boses ngunit hindi manlang natinang sa kinatayuan si Alexander. "Ano ba ang ipinagyayabang mo eh puro ka lang naman salita? Huwag ka ring umasa na ikaw ang gusthuhin ng babaeng iyon dahil mas pinili niya makipag relasyon sa ama ko!"Nagpanting ang mga tainga ni Alexander dahil sa galit. Gusto niyang dibdib ang lalaki ngunit napansin niyang sumilip sa bintana si Ava. "Totoo pala ang balita?" hindi makapaniwalang turan ni Daddy. "Tsk ang akala ko pa naman ay matino siyang babae at malinis pa.""Bawiin mo ninyo ang sinabi niyo!" Turo ni Alexander sa dalawang bumabatikos kay Ava. Kahit walang binanggit na pangalan ang mga ito ay alam niya kung sino ang tinutukoy."Ohh
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments