Share

CHAPTER 3

Nang hinatak na niya ako nang marahan ay nagpaubaya na lang ako. Nakatulala lang ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng sasakyan niya.

Napatingin ako sa kaniya nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kaniyang sasakyan. Marahan akong pumasok doon at nagsuot ng seatbelt. Siya naman ay umikot sa kaniyang sasakyan para makapunta sa driver’s seat. I sit there like a statue, not wanting to move nor talk. I just look outside and refused to look at him.

“Your things are already in my house,” saka lang ako bumaling sa kaniya nang magsalita siya.

Tumango ako at natutop na lang ang bibig bago nag-iwas ng tingin sa kaniya. Pinaandar niya ang makina ng kaniyang sasakyan bago muling nagsalita.

“You don’t have to worry about household chores, I have enough house helpers in my house. They can also help you if you want to learn some things. Just asked them away.” tumikhim ako nang matapos siyang magsalita bago tumingin sa kaniya.

“Uhm . . . I also have a work. Pero . . . Sisikapin ko namang ipagluto ka ng breakfast . . . ‘Yon ay kung gusto mo lang naman. Pero kung ayaw mo, p’wede naman nang hindi.” bawi ko dahil mukhang hindi niya inasahan ang sinabi ko, ang offer ko.

His eyes widened and bit his lower lip then he nodded, “it’s fine. You can cook me breakfast or not if you’re busy. Where do you work, by the way?” hindi siya bumaling sa akin dahil nasa kalsada na kami at tinatahak na ang daan papunta sa bahay niya na ikinakaba ko.

“I’m an interior designer in Vegas’ Corp.” He arched a brow when he heard what I said.

“An interior designer . . . Interesting.” Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon.

Interesting. Never did I imagine someone will find my job as an interesting job. It’s not as interesting as other profession but I love what I’m doing. Kaya bago para sa akin ang marinig ang gano’ng salita... Lalo na at galing pa sa kaniya.

“You love designing houses and buildings?”

“Yes,” I answered breathily.

“That’s good to hear, then.”

Hindi na ako nagsalitang muli at nanatili na lang na tahimik habang nagmamaneho siya ng sasakyan. I was silent the whole time until we reached our destination. He stopped his car meters away from the stair. My jaw dropped when I saw the whole place. It was like . . . A palace. A huge mansion.

I look outside to see the view but it was just short lived because someone pull the car’s door beside me. I bit my lower lip and saw Callum went out of the car, so do I. Huminga ako nang malalim bago pinagmasdan ang buong paligid.

Namangha ako dahil sa sobrang lawak, ganda, at linis ng buong paligid. Para akong nakapunta sa isang Palasyo dahil sa ganda nito at sa lawak. I look at the tall pine trees surrounding whole place, it’s all well maintained and green. And the two fountain in each side, left and right, were so fantastic. The whole place look so luxurious. Mahihiya ka talagang tumapak sa kahit anong banda.

Tanging semento lamang ang maaapakan mong talaga rito sa unahan at may mga malalaking paso na may naggagandang halaman ang makikita sa bawat gilid ng mansyon. Hindi gaya sa amin na may mga bermuda grass na nagpapaganda ng aming mansyon. Dito ay sigurong sinadya dahil siguro ay madalas maraming pumupunta rito at tama lang na walang mga damong nagkalat dahil maaapakan lang naman ng mga gulong.

“Let’s go inside,” ani Callum na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Tumango ako at sumunod sa kaniya na nauna nang umakyat sa hagdan. Nang makaapak sa huling baitang ay nakita ko agad mga nakahilerang mga kasambahay at ibang tagapangalaga rito na nakatayo sa magkabilang gilid ng pintuan. Napasinghap ako dahil sa dami ng mga ‘yon. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong bilangin ang mga ‘yon nang magsalita si Callum. At dahil sa sobrang tahimik ng mansyon ay para siyang nakamikropono na dinig na dinig ng lahat.

“I want you all to meet my wife, Hailey Avery Villanueva. I want you to respect her like how you respect me here.” Kumunot ang noo ko nang bahagya pero tiningnan din ang mga nakapaligid sa amin, nakayuko sila at nagbibigay galang.

“Welcome home, Ma’am Hailey.” they chant like they practised it all. I fulp and did not move an inch.

“T-Thank you,” tanging nasambit ko bago tuminging muli kay Callum na nasa gilid ko.

“I want a maid or two to attend my wife’s everyday needs.” His calm voice is kind of authoritative.

Napamaang ako sa kaniya, “huh? N-No need, Callum. Kaya ko naman na mag-isa araw-araw. Hindi ko naman na kailangan–”

“You will follow what I’ve said.” he said dismissively. I pouted, not wanting to argue more.

“Si Iska at Marina na ang ipapasama ko palagi kay Ma’am Hailey, Callum.” Isang matandang babae ang nagsalita sa hindi kalayuan.

Iba ang kulay ng uniporme niya at may katandaan na rin. Siguro ay siya ang mayordoma ng bahay, base na rin sa pakikipag-usap niya kay Callum.

“She’s Nanay Juliet, ang Mayordoma rito. She’s been here since I was in pre-school and she knows everything in here. If you want to learn something, you can ask her guidance.” Tumingin ako sa matanda at nginitian ito, gano’n din ang ginawa ng matanda sabay baling kay Callum.

“Pinaayos ko na ang kuwarto ninyong dalawa, Callum. Pati na rin ang opisina mo dahil ang sabi mo’y dito ka na uuwi.” Hindi ko pinahalata ang pagkunot ng noo ko.

Hindi ba rito umuuwi si Callum? Oh, I forgot, he’s a bachelor with so much activities in life as a bachelor in the City. Baka kaya hindi siya umuuwi rito ay dahil may bahay naman siya sa syudad? O may condominium? Most bachelors and businessmen were having their own houses or condos in the City near their work, so baka nga kaya hindi siya umuuwi rito.

“Yes, Nanay. We’ll stay here for just three months. I have some business meetings that will be needed out of town so I‘d rather leave my wife here so that she won’t be alone in a house.” tumango ang matanda sa sinabi ni Callum.

“Tama nga naman at para maging kampante ka na rin. Oh siya, pumasok na kayo para makapagpahinga. Naghanda ako ng kaunting salo-salo, gaya ng sinabi mo kagabi.”

Sumunod kami sa matanda, gano’n rin ang mga kasambahay na mukhang babalik na rin ang iba sa pagtatrabaho. I wander around his large mansion. Tinitingnan ko pa lang ay alam ko nang mamahalin ang mga muwebles ng kaniyang bahay. Pati na rin ang mga base na naglalakihan at nagsusumigaw ng karangyaan.

They brought us in the dining area full of different dishes on the table. I look at Callum who walked towards the table. Ipinaghugot niya ako ng silya at iminuwestra sa aking umupo ro’n. So I did. Siya naman ay naupo sa kabisera.

“You can join us here,” ang baritonong boses ni Callum ang bumasag sa katahimikang bumalot sa aming lahat.

Si Nanay Juliet lamang ang nagsasalita dahil nag-uutos siya sa mga kasambahay. I looked around to see what’s going on. But all I can see was fear and hesitation from their faces. I look at my side, where Callum is seated. He’s just sitting there formally and calmly. He really looked so intimidating and so authoritative.

He’s ruling this place. He’s the boss so all of us should be intimidated by his presence and we need to please him. I look away when he suddenly look at my side.

Napanguso ako nang may isang kasambahay na naglagay ng ulam sa aking plato. Agad ko itong pinigilan.

“Kaya ko po. Thank you.” Yumuko ang babae na siguro’y mga nasa bente o higit pa ang edad dahil bata pa ito tingnan.

She excused herself and left my side. Namili ako ng gusto ko at iyon ang inilagay sa aking plato. Tumingin ako kay Callum na tahimik lang na nagmamasid sa akin at hindi gumagalaw sa kinauupuan. It’s rude that I’m just the one enjoying these all. Kaya naman inalok ko siya.

“Uh . . . Kumakain ka ba nito?” I asked him while holding a bowl full of Menudo. He just nodded.

Kaya naman nilagyan ko ng tamang dami ang kaniyang plato no’n. Tumingin ako sa ibang putahe at may nakitang tempura doon. I looked at him again and point the tempura on his left side.

“Gusto mo ba no’n?” I asked while still pointing on it.

“Ikaw, gusto mo ba niyan?” Mabilis akong umiling.

“I’m allergic to shrimps,” imporma ko sa kaniya na tinanguan niya.

“Alright,”

He’s looks too stiff, yet too intimidating!

Halos nakakahiyang gumalaw dahil pakiramdam ko ay binabantayan niya ang bawat kilos ko. Nahihiya ako kaya naman dahan-dahan lang ang pagkain ko. Kapag nauubos ko ay saka lang ako kumukuha ng ibang putahe.

Sumabay na rin sa amin ang ibang kasambahay na naroon dahil pinilit na rin sila ni Nanay Juliet na kumain. It’s still early for a dinner but just perfect some occasions. Kaya naman nagmistula na itong meryenda para sa lahat. Medyo umingay na rin ang mga naroon dahil mukhang nakalimutan na nila ang presensya ni Callum sa buong dining area. Ako naman ay tahimik lamang na nagmamasid sa lahat ng naroon.

“May cake na binili si Tony kanina, Callum. Ilalabas ko na para matikman niyo.” Tumango lang si Callum sa sinabi ni Nanay Juliet.

Uminom ako ng juice at pinagmasdan ang ibang putahe. Hindi ko makakain ‘yon dahil may mga hipon na halo ang iba. Lalo na ang pansit na may halong naglalakihang sugpo.

“You done eating?” Callum’s baritone voice filled my ear that I almost jump.

Napatingin ako sa kaniya at nagulat na nakalapit na pala siya sa akin para makabulong sa aking tainga. Napalunok ako nang mariin bago tumango. Hindi ako makapagsalita dahil nako-conscious ako sa kaniya. He looked down at my plate when he saw that I’m not eating anymore. He nodded slowly.

“We’ll eat the cake then go upstairs after.” Tumango lang ako dahil hindi ko naman na alam ang isasagot.

Nang inilabas ni Nanay Juliet ang cake ay binigyan ako nito ng parte ko, gano’n rin kay Callum na tahimik lang na nagmamasid. Sinimulan kong kainin ‘yon at nang masarapan ay na-enjoy ko naman ang pagkain. Tumabi pa sa akin si Nanay Juliet at kinausap ako sa gitna ng pagkain. Simpleng pagkausap lang ginawa niya, nagtanong-tanong lang hanggang sa magpaalam na si Callum na aakyat na kami.

“Maraming salamat po sa pagkain!” maligayang sambit ko bago ako marahang hatakin ni Callum sa kamay paakyat sa kuwarto.

I just followed him while he’s holding my wrist firmly. Hindi mahigpit, hindi rin sobrang luwang, sakto lang para matangay niya ako sa pupuntahan namin. I wander my eyes around the corridor and just saw some expensive paintings hanging on the wall and some expensive vases in their right places. He stopped in front of the brown door and opened it.

“This is our room,” ngayon lang ako natauhan nang sabihin niya ‘yon at nang mapag-isa na kami rito sa kuwarto.

I look at him and blinked twice, hindi pa rin makapaniwala na matutulog talaga kami sa iisang kuwarto. This will be my first time!

“T-This is my f-first time sleeping with . . . someone in the same room. More so with a guy.” Pinili ko talagang bigkasin ‘yon nang hindi nagmumukhang awkward ang hitsura ko kahit nauutal.

He looked at me seriously. His eyes never failed to change its expression; still intimidating and ruthless. I gulp and looked away.

“It’s fine. We’re married, anyway. You’ll be used to it someday. We won’t touch each other in that large bed.” Tiningnan pa niya ang kama na nagpapahiwatig na tingnan ko ‘yon.

It’s really a cream colored king sized bed. I know, just by looking at it, we won’t touch each other as we sleep there. Hindi rin naman ako malikot matulog kaya panigurado namang hindi kami magkakasagian. Both side of the bed has a bedside table with lamps. This room screams luxury. A large painting at the wall right at the top of our bed. Our bed. Damn, I think I really should be used to it now.

I’m married now. I’m his wife now so I should be used to it and live a normal life with him like a normal husband and wife does.

“This is our walk in closet. Your things are already here and already set up. Iilang maleta lang ang pinadala dahil ang sabi ko ay hindi mo na kailangan ang mga luma mong damit. I will buy you new clothes and new things that you will need.” Ang maawtoridad niyang boses ay halos dumaloy sa aking sistema.

Sobrang lamig ng boses niya at hindi nagbabago ang kaniyang ekspresyon; kalmado at nakakatakot. Hindi ako nangahas magsalita at hinayaan lang siya sa pagsasalita dahil pakiramdam ko kapag nagsalita ako ay magagalit siya.

“If you have something you need, you can ask Nanay Juliet to buy it for you.” Napabaling akong muli sa kaniya at tumango.

“Nga pala . . . magtatrabaho ako bukas. Uh . . . May nasasakyan namang taxi sa labas ng subdivision na ‘to, hindi ba?” I asked carefully.

His forehead creased. “I’ll give you a driver. Iyon ang maghahatid sa ‘yo araw-araw sa trabaho kung hindi tayo magkakasabay sa schedule natin. And also I’ll be out of the country the day after tomorrow because I need to attend an auction and a meeting.” Tumango ako sa sinabi niya.

“I . . . I’ll stay here, don’t worry.” Humarap siya sa akin at nagsalita. Sobrang lamig ng boses na ginamit niya na halos panindigan ako ng balahibo sa buo kong katawan.

“You really should. Dahil sa oras na malaman kong may lalaki ka o kalandian, I will make sure that your life with me will be a living hell.” Napalunok ako nang mariin sa sinabi niya at hindi nakakilos.

May kakaibang takot na lumukob sa aking sistema na naging dahilan ng paninigas ng aking katawan. Hindi ako agad nakagalaw at pinroseso ang sinabi niya.

“So you should behave like a faithful wife does.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status