Share

CHAPTER 2

“Callum Travis Villanueva,” he handed me his hand while looking so intimidating in front of me.

I gulp before shaking his hand firmly, “H-Hailey Avery de Guzman.” pagpapakilala ko sabay bawi ng aking kamay sa kaniya at iwas ng tingin.

“It’s a pleasure to finally meet you, Ms. de Guzman.” his husky voice sent shivers down my spine.

“L-Likewise. And uh . . . Hailey or Avery na lang ang itawag mo sa akin. It’s too formal if you’ll call me Ms. De Guzman every time.” I said while looking away from his intense eyes.

He chuckled, “I prefer to call you Avery. I like it more.” he said seductively.

I frowned and look at him straight in his eyes. “Okay,”

“You can call me Callum or Travis.” he said without taking his eyes off me.

“Callum,” parang sanay na sanay akong bigkasin ang kaniyang pangalan nang tumama ang aking dila sa aking ngala-ngala at ngipin.

It feels like a deja vu.

He was my crush... When I was in College. He’s my senior that time and I was a freshman. Mga panahong bago ako sa eskwelahan dahil iyon ang una kong pasok sa isang totoo at prestihiyosong eskwelahan. Because I was homeschooled. I don’t know his name, it’s just his face. Lalo na’t nakakahiyang magtanong sa mga kaklase ko tungkol sa pangalan niya.

And when I first laid my eyes on him, I felt my heart throbbed so hard as I look at him with so much adoration. But he never laid an eye on me. He never look at me because I’m just a mere freshman that time. He won’t look at me how hard I tried.

“Let’s have a sit now,” ani Daddy na nagpagising sa diwa ko.

Marahan akong umupong muli sa kinauupuan ko habang tinitingnan si Mr. Villanueva na umuupo sa katapat kong couch.

He’s dashingly handsome. Walang pinagbago sa kagwapuhan niyang taglay. Only that he aged and matured. His bodybuilt matured. His hair isa disheveled that made him more attractive. His serious light brown eyes still looks distant and mysterious. He really can pass as a GQ model if he wants. But I know he wouldn’t like it. He’d like to have his own privacy and far from those medias. Kahit naman noong college.

He’s I think 3 or 4 years ahead of me. Because when I was a freshman, he’s already graduating. Sayang nga at hindi ko man lang siya nakausap o hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong makausap siya. Dahil hindi naman din ako palakaibigan.

“Let’s order first, shall we?” ani Mommy dahil nagsisimula nang mag-usap si Daddy at si Mr. Villanueva tungkol sa kung saan.

Pumasok ang waiter at kinuha ang aming order. Nang maka-order na kaming lahat ay umalis na rin agad ito.

“She’s my second daughter and she’s intelligent, Mr. Villanueva. Paniguradong magugustuhan mong makasama siya dahil mabait ang batang ito.” ang tinig ni Daddy ay para na talaga niya akong ibinubugaw sa lalaking kausap niya.

When I looked up to who’s in front of me, I caught him looking at me intently. Hindi ko makayanan ang tindi ng kaniyang titig kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at napalunok nang mariin.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol sa akin na parang wala ako rito. If they’re asking me, that’s when I will talk. Pero kapag hindi, tahimik ako at nakikinig lamang habang tinitingnan kung sino ang nagsasalita. Pero kapag si Mr. Villanueva na ang nagsasalita ay hindi ko matagalan dahil bigla-bigla siyang napapabaling sa akin na nagiging dahilan ng pag-iwas ko ng tingin.

Dumating ang order namin at isa-isa ‘yong inilapag sa aming lamesa. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom dahil hindi naman ako kumain sa bahay bago umalis. When the waiter leave, they continued what they’re talking.

“So when are you gonna marry her?” bakas ang matinding excitement sa boses ni Daddy.

Parang atat na atat makaalis ako sa bahay, ah?

“When do you want?” tanong ni Mr. Villanueva.

Akala ko noong una ay sina Daddy at Mommy ang kausap niya pero nang mag-angat ako ng tingin sa kanila ay lahat sila nakatingin sa akin na parang naghihintay ng isasagot ko. Saka ko lang narealize na ako pala ang tinatanong ni Mr. Villanueva.

“Uh . . .” nagtaas ng kilay sa akin si Daddy, urging me to answer immediately. “K-Kahit kailan mo gusto,” mahinang sambit ko. Hindi alam kung narinig nila.

“That’s settled, then. I’ll marry her the day after tomorrow.” he said with so much finality.

Nahigit ko ang aking hininga dahil sa sinabi nito. Napanganga ako at halos hindi makapaniwalang ang seryoso niya naman. The day after tomorrow? Ang bilis naman no’n? Is he that eager to have a wife?

His hawk-like eyes never left mine. He’s looking at me intently, satisfied with my reaction.

“P-Parang ang bilis naman ‘ata no’n, Mr. Villanueva. We still need to set everything–” si Daddy na agad pinutol ni Mr. Villanueva.

“We don’t need a grand wedding, Mr. de Guzman. You know me. I like my life in private.” he said, then his eyes settled on my father in his left side.

Dad laughed awkwardly before speaking again. “I think your idea is brilliant. But how about our investors–” hirit pa ni Daddy.

“They will know eventually,” his firmness made my Dad shut up.

“So . . . You two will have a . . . civil wedding?” Mommy asked hesitantly.

“Definitely yes.”

Hindi na nakapagsalita sina Mommy at Daddy at nagkatinginan na lamang. Alam kong hindi sila sang-ayon sa gusto ni Mr. Villanueva pero hindi na lang sila nagsalita dahil mukhang gusto talaga nilang maging son-in-law ang lalaking ito.

He’s a good catch after all.

Nang matapos kaming kumain ay nag-usap ulit sina Daddy at Mr. Villanueva tungkol sa kumpanya. Puro pagmamayabang ang sinasabi ni Daddy, while Mr. Villanueva listens. Until they called it a night. Nakipagkamayan si Mommy at Daddy kay Mr. Villanueva, sumunod naman ako. Naunang lumabas sina Mommy kaya medyo nahuli ako.

I was about to leave the VIP room when he grabbed my wrist lightly. I was shocked with his hand’s gentleness. I looked at him and arched a brow, urging him to talk.

“Did you enjoyed the dinner?” Huh? Na-enjoy ko ba? Parang hindi naman dahil sila lang ang nag-uusap.

“Yeah,” I said with a small smile.

“We’re getting married, so I do hope you’ll get comfortable with me.” sinasabi niya ‘yon nang walang anumang emosyong pinapakita.

Parang nag-uutos na ewan.

“I do hope so,” I said and awkwardly smiled at him.

“Don’t worry, I’ll make you comfortable.” aniya na ikinakunot ng noo ko.

“Hailey,” tawag ni Mommy sa akin sa labas.

“Tawag na ako nina Mommy at Daddy. It’s nice to finally meet you, Callum. I hope we’ll get along well soon.” saad ko at binawi ang kamay ko.

Tinalikuran ko na siya at naglakad na paalis doon. Nasulyapan ko pa ang madilim at malamig niyang titig sa akin kaya naman ibinalik ko na ang tingin sa aking dinadaanan. Kakaibang kalabog ng aking dibdib ang aking natamo hanggang sa makalabas kami ng restaurant na ‘yon.

May mga tinawagan sina Mommy at Daddy sa kani-kanilang mga cellphone habang ako naman ay natahimik lamang na nakatingin sa labas ng bintana at tinitingnan ang binabaybay na daan.

Sana nga ay maging komportable ako habang nasa puder ni Callum. Sana ay maging maayos ang magiging pagsasasama naming dalawa pagkatapos ng kasal.

Kailangan ko na sigurong matutong magluto ng mga pagkaing kadalasang inuulam niya. O kaya ng mga pagkaing paborito niya. I’m not good at house chores, more so in cooking. That’s why I really should learn how to cook. Baka wala siyang kasambahay na makakasama namin.

Pero saan ba kami titira? Magkatabi ba kami sa iisang kama?

Just thinking the latter, I cringe. Hindi ko ‘ata kayang matulog na may katabing lalaki sa kama. But then, he will be my husband days from now. We will be one. Mag-iisang dibdib na kami sa susunod na araw.

Ang bilis ng pangyayari. Parang kailan lang ay iniisip ko pa kung anong trabaho ang maaari kong kunin, ngayon naman ikakasal na ako.

“Hailey,” I look at the doorway of my room when I heard my sister.

I smiled at her, “Ate, bakit?” her eyes held sympathy for me.

“Are you okay?” I frowned then realized what she’s up to.

“Of course, Ate.” I said with conviction.

“I know you’re just doing this to pleased our parents. But you really don’t have to. If you don’t want to marry him, you can backout . . . you can run . . . As far as you could.” Mabilis akong umiling sa sinabi niya.

You don’t know what I’m up to, Kiana. It’s all because of your freedom to live. To have a better life that I never experienced. For you to be free to choose a man on your own. Ayaw kong magaya ka sa akin. It’s fine for me to suffer, kasi sanay na ako. That’s how much I love you . . . And our parents.

I would do everything for your happiness.

“Ayos lang ako, Ate. Magpapakasal ako. Hindi ako aatras.” Magagalit sina Mommy at Daddy. Ayaw kong ipahiya ang pamilya natin.

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi nawala ang pag-aalala sa mga ito. I just smiled assuring at her. She did not smile, though.

Napawi ang ngiti ko nang marinig ang katok sa aking kuwarto. Bumukas ‘yon at sumungaw ang kasambahay.

“Ma’am Hailey, pinapatawag ka na po sa baba. Aalis na raw ho kayo.” I bit my lower lip and nod at her.

“Sige po, susunod na.”

Today is my wedding day. Hindi man magarbong kasal gaya ng pinapangarap ko simula pa lang noon, ayos na rin naman ito. Kinakabahan ako, oo. Pero hindi gaya ng mga nasa imagination ko noon na kakabahan akong ikasal dahil sa wakas ay mag-iisang dibdib na kami ng lalaking mahal ko. Ang kaibihan ng kaba ko ngayon ay dahil literal na kinakabahan ako sa pagharap sa lalaking ikakasal sa akin mamaya.

Pagkababa ko magarbong hagdan ay nakita ko sina Mommy at Daddy na nakaayos din. May kausap si Daddy sa kaniyang cellphone habang si Mommy ay tumayo sa couch at lumapit sa akin sabay ngiti.

“You look so stunning, anak.” She smiled at me lovingly.

Anak . . .

She called me anak. I felt the sides of my eyes wet because of the sudden tears. How I love to hear them call me ‘anak’. Pero tinatawag lang nila ako ng anak kapag may nagawa akong tama o ‘di kaya’y nakikipagplastikan sa mga business colleagues nila.

I smiled at her, “Thank you, Mommy.” she hugged me tight and rubbed my back lightly.

“Let’s go,” ani Daddy kaya umalis sa pagkakayakap sa akin si Mommy.

Tumango kami at sumunod na sa kanila. Hinawakan ako ni Ate sa kamay at alam kong ramdam niya ang panlalamig no’n kaya siya napatingin sa akin.

“You’re sweating bullets,” she said then shook her head, disappointed.

“It’s natural, Ate.”

Umiling na lang siya at sumakay na kami sa sasakyan. Hanggang sa makarating kami sa munisipyo, kung saan gaganapin ang kasal namin, ay wala akong imik. Gano’n din si Ate Kiana na malalim ang iniisip.

“If you want to ditch the wedding, just tell me so.” bulong niya sa akin nang makababa kami sa sasakyan.

Tiningnan ko siya sa nanunuring tingin. “I won’t, Ate.” she heave a heavy sigh before shaking her head again.

Pumasok na kami sa loob at agad na sinimulan ang seremonya ng kasal namin. I gulp seeing the marriage contract in front of me. Callum is now signing the paper without any emotion, like he was forced to do it.

Nang ako na ang pipirma ay tiningnan niya muna ang ekspresyon ko. He handed me the pen, urging me to sign the contract. Huminga ako nang malalim bago kinuha ang ballpen sa kaniyang kamay bago umuklo para pirmahan ang papel na nasa harapan. Nang matapos ay tinitigan ko ang aking pirma sa papel.

“You’re now husband and wife. You may now kiss the bride.” anang attorney na nagkasal sa akin.

Halos hindi ako nakahinga dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko si Callum na may pag-aalinlangan ang mga mata. He arched a brow and step forward and crouch a little to level my eyesight. He smiled before holding chin.

“Is this your first kiss?” he asked languidly.

I swallowed hard and nod slightly.

“That’s good to know.” aniya bago bumaba ang mukha nang tuluyan para mahalikan ang aking labi.

Marahan lamang ‘yon at halos hindi ko naramdaman. It feels like a feather touched my lips gently. His features were rough, his hands were rough, his gaze were also rough, but his lips says otherwise. It’s too soft like a cotton. And sweet like candy. Parang hindi niya labi ang lumapat sa aking labi.

Nakamulat lang ako at gulat pa rin dahil sa kalabog ng aking dibdib nang halikan niya ako. Lumayo siya sa akin kasabay ng palakpakan ng mga naroon. Kaunti lang ang mga ‘yon. Pamilya ko at kaunting mga investors na inimbitahan ni Daddy at ni Callum.

Nang matapos ‘yon ay lumabas na kami sa opisinang ‘yon. Tulala pa rin ako at hindi makapaniwala hanggang ngayon.

Kasal na ako.

It still feels so surreal. I didn’t know that it happened. It’s too fast to cherish it all.

“Hailey,” napatingin ako kay Ate na may luha sa mga mata.

“Ate . . .”

“Bibisita ka sa bahay, ah. O kaya ako ang bibisita sa iyo sa bahay niyo. Mamimiss kita.” She hugged me tight as she cry on my shoulder.

“Ate, tahan na. Hayaan mo at bibisita ako madalas sa atin para hindi ka malungkot. At saka, masasanay ka rin naman. Malay mo... Ikaw na ang sunod na ikasal.” I teased.

“Tse! Wala pa kaming balak.” Humima ang boses niya na parang takot may makarinig.

Nagkwentuhan muna kami roon hanggang sa tinawag na siya nina Daddy at Mommy dahil uuwi na raw sila. Niyakap ako nina Mommy at Daddy at pinaalalahanan ng tungkol sa pagiging asawa. Halos hindi ko na nga ‘yon matandaan dahil kung saan-saan na ata napapadpad.

Napaigtad ako nang may biglang humawak sa beywang ko. Napatingin ako ro’n at mas nagulat nang makitang si Callum ‘yon. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya, seryoso pa rin at hindi ngumingiti.

“Take care of our daughter, Mr. Villanueva.” sambit ni Daddy sa isang mababang boses.

“I will, Sir.”

“You can now call us Mom and Dad,” kita ko ang pagdaan ng galit sa mga mata ni Callum nang sabihin ‘yon ni Daddy kaya kumunot ang noo ko.

What is his problem?

“Okay, Mom, Dad. You can also call me Callum now.” Tumango sina Mommy at Daddy. Si Ate naman ay tahimik lang sa gilid at nakikinig lamang sa amin.

“Kapag hindi mo inalagaan nang maayos ‘yang kapatid ko, ako makakalaban mo.” Nanlaki ang mga mata ko sa pagbabanta ni Ate.

“Ate . . .”

“I will take care of your sister. Don’t worry about her. She’s safe with me.” Tumango si Ate.

Nag-aya nang umalis sina Mommy at Daddy kaya naman niyakap ako ni Ate sa huling pagkakataon. Susunod sana ako sa kanila nang para akong spring na bumalik sa kinatatayuan ko dahil sa paghatak ni Callum sa aking beywang.

Napatingin ako sa kaniya at nagtaas ng kilay sabay baling sa kamay niyang nasa aking beywang.

“Hindi ka susunod sa kanila,”

“Huh?” Tulog pa ‘ata ang utak ko dahil kanina pa ako lutang.

“Sa akin ka na uuwi.” aniya na nagpagimbal sa aking sistema.

Sa akin ka na uuwi . . .

Kinilabutan ako bigla sa sinabi niya at para akong kinapos sa hininga.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status