Share

Chapter 5

Chapter 5.

" S-Sorry, hindi ko sinasadya. N-nakaharang k-ka kasi..." Nauutal at na hihiyang paumanhin ni Amalia sa kanya. Paano ba naman kasi, isang maling galaw niya lang pwedeng mag lapit ang labi nila.

Para sa kanya ang awkward at nakakahiya ang senaryong ito kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para makaalis sa posisyon na 'yon.

Naiilang siya.

Sinundan siya ng tingin ni Eos nang nakakunot ng noo.

" So, it's my fault?" He said while raising his one eyebrow. Tumingin si Amalia sa kanya nang nag aalangan ang mukha, ramdam niya kasing na mumula ang pisngi niya. Napalunok ito ng laway at mabilis na napailing.

" H-Hindi sa ganoon ang sinasabi ko. Pasensya na talaga." Nahihiyang paumanhin niya.

She wondered why Eos was still outside of her new room. She thought he had left a while ago.

Mali pala siya.

Eos's face turned serious and looked at her... While his hands were in his pockets

" Where you going? You look in hurry mm?" Tanong ni Eos. napakurap ulit ng mga mata si Amalia at napakagat-labi.

Ano sasabihin niya?

" U-Umm sa s-silda ko rati, may na iwan ako roon na kailangan kong kunin eh. Gusto ko sanang puntahan." Paliwanag nito. Tumaas ang kilay ni Eos at lumapit sa kanya, na kinaatras niya naman.

Ewan niya ba, isang simpleng kilos lang ni Eos, na papaatras siya ng wala sa oras. Ganoon na ba siya katakot sa nilalang na ito?

" Anong bagay? Ipapakuha ko sa gwardiya." Sambit ni Eos, mabilis na umiling si Amalia.

" Ako na, kaya ko naman eh, tsaka pangako babalik ako rito pagkatapos kong makuha iyon, h-hindi ako gagawa ng bagay na ikakagalit mo... Pangako." Kinakabahang sambit nito kay Eos.

Sinubukan niyang patatagin ang sarili para hindi siya mahalata ni Eos.

Mas lumapit si Eos sa kanya. Kaya napapikit ito, nang amoyin ni Eos ang leeg niya.

Nanindig ang mga balahibo niya dahil doon.

" Go. I'll give you 15minutes, after that, go back here." Responde ni Eos sa hiling niya. Napanatag ang loob ng dalaga kaya tumango ito.

Umalis si Eos sa harap niya at tumalikod para umalis.

Agad na tinahak ni Amalia ang pasilyo kung saan papunta sa silda niya rati.

Halos lakad-takbo ang ginawa niya.

Iniisip niya ang ibinigay na maikling oras sa kanya ni Eos para kunin iyon.

Wala pang walong minuto, nang marating niya ang silda, medyo hinihingal pa ito. Wala siyang pinalampas na oras at agad na kinuha ang susi sa isang kahon at binuksan ang silda.

Tinignan niya ang silid.

Maliit, medyo madilim at madumi.

Matatawag talagang kulongan.

Napangiti ito nang mapakla sabay bugtong hiningang pumunta sa maliit na kama at hinalughog lahat ng sulok. Para kunin ang dapat hindi makita rito.

Pagkalipas ng limang minuto ay natapos ito. Kaya dali-dali itong lumabas para umalis. Binalik niya ang susi sa maliit na kahon at umalis sa lugar na 'yon.

Mabilis siyang nakabalik sa tinutuloyan niya.

Na bigla siya sa nakita.

Bakit nandito ito??

Napahinto ito at kalaunan ay nag lakad nang mahina papuntang kwarto nito.

Napadapo ang tingin niya kay Amalia, kaya ngumiti ito.

Isang ngiti, kung saan bumabati ng magandang araw.

Huminto si Amalia sa harap niya. Nag dadalawang isip siya kung kakausapin niya ito o hindi. Alam niyo na.

Baka magalit ang isa.

" Hi.."bati nito.

Ngumiti si Amalia sa kanya. " Hi din.A-Anong ginagawa mo rito? Baka makita ka ng Alpha at magalit iyon dahil nakipagusap ka sa'kin." Nag aalanganang sambit nito.

Napatawa nang mahina ang kausap nito at nangamulsa.

" Don't worry... Hindi niya malalaman, tsaka ako bahala sa pinsan ko." Sagot nito at ngumiti. Tinignan siya ni Amalia, ang mga mata nitong kulay Asul.

Parang pamilyar.

" Ikaw si Laxus hindi ba??" Tanong nito. Tumango ang lalaki, at hinila si siya papasok sa silid ng babae mismo, kinagulat pa ni Amalia iyon.

" Halika, pasok tayo sa kwarto mo. Mahirap na kung may makakita sa atin, baka mapahamak ka dahil sa akin." Sambit ni Laxus sa kanya.

Maingat na sinara ni Laxus ang pintoan.

Tinignan siya ni Amalia. Bawat kilos.

Nilapag nito nang palihim ang mga dala niya sa kama, at tumikhim sabay tingin kay Laxus.

"Maupo ka saglit." Pag anyaya nito.

" Thank you." Sagot niya at ngumiti. Umupo rin si Amalia sa isang upoan. Kaharap nila ang Lamesa." Pag pasensyahan mo na, kung wala akong maiibigay. Kahit tubig man lang." Sambit Amalia at yuko.

Laxus chuckled.

" Nah, it's okay. No need to worry about it. Hindi naman pagkain or tubig 'yong sadya ko rito. Kundi ikaw... Amalia." Sagot ni Laxus. Napatingin si Amalia sa kanya.

At napakurap.

Ano gusto nito? Anong sadya??

" Anong kailangan mo??" Tanong ni Amalia. Ngumiti si Laxus at napaayos ng upo.

" Mmm, I just wanna ask, if you still remember me??" Tanong ni Laxus sa kanya. Kumunot ang Noo ni Amalia sa tanong nito.

" Ha?? Ano ibig mong sabihin??ngayon lang tayo nag kita.." Sagot nito.

Ngumiti si Laxus nang mapakla at nag kibit-balikat.

" I knew it. Hindi mo ako matandaan.." Matamlay nitong sambit. Hindi maintindihan ni Amalia ang pinagsasabi niya.

" A-Ah eh... P-pasensya na, pero ano ibig mong sabihin?" Tanong ni Amalia. Nagtataka siya.

May dinukot si Laxus sa bulsa nito sabay hawak niya sa kamay ni Amalia, at parang may kung anong bagay na malambot na  tela na mahaba itong ipinahawak sa kanya.

Binuklat ni Amalia ang kamay niya para makita ang pinahawak ni Laxus sa kanya. At doon lang siya Nagulat.

Isang Telang pantali sa buhok, na kulay asul.

Sa kanya iyon!!

Hindi siya nag kakamali sa kanya ang hawak niyang telang pang tali sa buhok. Alam niya mismo, dahil siya mismo ang gumawa niyan noong nasa sampung taon palang siya.

Napatingin siya kay Laxus, nang may kasamang gulat. Ngumiti si Laxus sa kanya.

Huwag niyang sabihin... S-siya?

iyon???

" I-Ikaw??" Sambit ni Amalia na parang hindi makapaniwala.

Tumango si Laxus at Ngumiti sa kanya.

" You still remember?? 'Yong lobong tinulongan mo sa may batis banda sa gitna ng kagubatan ng Aranda?? Ako iyon. Hahah naalala ko pa, medyo bata pa ako noon nang sugorin ako ng mga malalaking lobo, I escaped, but nagkasugat nga lang, and then nakita mo ako, I'm still remember 'yong mukha mong nag dadalawang isip if tutulongan mo ba ako o hindi, but still you did. Hahahha!!" Balik-tanaw ni Laxus sa kanya.

At natawa pa bahagya.

Biglang bumalik sa alaala niya ang araw na iyon.

.

.

Flashback*

Alas-otso na ng umaga nang mapag desisyonan ni Amalia na bumaba ng bundok para umuwi sa bahay ng tiya o lola niya. Galing itong tuktok para mamitas ng Manggang hinog at ubas sa taas ng bundok. Maligalig siya dahil sulit ang pag gising niya ng kaumagahan dahil na puno nito ang dala niyang basket.

Alas-singko ito ng umaga noong umalis ng bahay nila para pumunta rito. Para mapadali siya, medyo madilim pa iyon. Pero hindi siya na tatakot dahil sanay ito at may lampara itong kasama.

Para sa kanya, ang kadiliman ang tanging sumasama sa kanya at nag aalalay sa tuwing masama ang loob nito at malungkot.

Nakaramdam siya ng uhaw, kaya lumihis ito ng daan para pumunta sa ilog, malapit lang dito. Nang makarating ito sa batis ay agad itong kumuha ng tubig para uminom. Naglagay pa ito sa dala niyang sisidlan ng tubig na gawa sa kawayan.

Baka uhawin ito, dahilmedyo may kalayoan pa ang lalakarin niya.

Agad itong tumayo para umalis. Pero napatigil ito ng wala sa oras, noong makarinig nang munting ungol ng hayop.

Parang nasasaktan ito.

Pinakinggan niya ulit iyon pero parang nawala, baka guni-guni niya lang. Napailing siya at naglakad ulit.

Naka-apat na hakbang na siya nang marinig niya ulit ang ungol ng hayop na 'yon. Kaya, napatigil siya at baling kahit saan, na para bang hinahanap niya ang ingay na iyon.

Narinig niya ulit ang ingay, kaya dali-dali niya itong hinanap kung saan. Sinundan niya ang ingay na 'yon. Tumigil siya at tumingin kung saan-saan, nag babasakaling masipatan niya.

Humuni ulit ito, napagtanto niya na galing sa likod nang malaking bato ang ingay. Napabugtong-hininga siya at agad na pinuntahan iyon.

Pero agad ding napaatras at kinabahan nang makita kung ano ang nag iingay.

" L-lobo.." Sambit nito sabay kurap ng mga mata.

Tinignan niya ito, nakahandusay at may sugat sa tigiliran na parang kagat!

Medyo maliit ito, kaya alam niyang bata pa ito.

Anong gagawin niya!??

Hindi niya alam, at tsaka bata pa siya nasa sampung taong gulang palang. Nag isip ito ng paraan.

Tutulongan niya ba??

Pero isa itong lobo! At para sa kanya lahat ng lobo ay dapat iwasan dahil masasama at sakim. 'Yan ang sabi ng Lola niya.

" P-Pasensiya na... H-hindi kita pwedeng tulongan." Sambit niya at tumalikod.

Nag patuloy siya sa pag lalakad, umungol ulit ang lobo na kinahinto niya at pikit. Parang naiinis siya sa sarili dahil parang kontra ang puso niya sa naiisip niya.

" Ano ba Amalia. Huwag kang maaawa riyan, dahil hindi rin sila na aawa." Mahinang bulong niya sa sarili. Umungol ulit ang lobong iyon na kinakuyom niya ng mga kamao. Kaya tinignan niya ito.

Nakapikit ito at na hihirapang huminga.

Bumugtong-hininga siya at pinuntahan ang lobong iyon nang dahan-dahan.

" Huwag kang matakot, h-hindi kita sasaktan, basta huwag mo'kong k-kakagatin ahh."Aniya nito. Minulat ng lobo ang mga mata nito, doon lang nasilayan ni Amalia na kulay asul pala ang mga niya. Napangiti siya nang palihim, dahil paborito niyang kulay ay asul.

" Dinudugo ka anong nangyare sayo?Bata ka rin 'no??" Tanong ni Amalia habang kinukuha ang pantali sa buhok niya na gawa sa telang mahaba at pinantali sa sugat ng lobo, para mapigilan ang pag durugo.

Pinainom niya ito ng tubig na nilagay niya sa dalawang kamay niya, para madilaan ng nilalang na iyon.

Tama ang hinala niya, na uuhaw ito.

" Hindi kita pwedeng dalhin sa amin, baka maraming taong sasaktan ka at tsaka, alam kong mabigat ka buhatin, mag ingat ka ha." Sambit ni Amalia rito at tinanggal ang balabal at ibinalot sa lobo.

Tinignan siya ng Lobo.

" Mauuna na ako.." Paalam nito at mabilis na umalis.

End of flashback

“ Naalala ko, Oo... ” Sambit ni Amalia sa kanya at ngumiti. Hindi siya makapaniwala sa araw na ito, kaya pala.

Kaya pala ang pamilyar ng mga mata ni Laxus sa kanya. Siya pala iyon. Medyo natuwa siya sa part na tinago ng lalaki ang pantali niya noong bata pa siya.

May isa lang siyang katanongan. Tinignan niya ulit ito.

" Paano mo nalaman na ako iyon?? Halos Siyam na taon din,natatandaan mo pa ako?grabe ka.." Hindi makapaniwalang tanong ni Amalia at tinignan nang maigi ang hawak niya. Napangiti siya, dahil parang ganoon parin, malinis at hindi kumupas ang kulay, parang inalagaan nang maigi.

Natawa si Laxus nang mahiya.

" I know your smell. Tinandaan ko noong una tayong nagkita, lalo na may naiwan ka pa ring amoy sa telang 'yan. Kaya alam na alam kong ikaw 'yon. Kahapon pa kita gustong kausapin, kaso hindi ako makahanap ng tyempo dahil kay Eos." Sagot nito.

Ngumiti si Amalia.

“ Salamat nga pala sa pag tulong noon sa akin.”Sambit nito kay Amalia at niyakap ang babae na kinagulat ni Amalia.

Ngayon lang siya niyakap ng lalaki, at lobo pa.

Napakurap ito at parang naging bato. At parang hindi niya rin alam kung ano ang nararapat na gagawin.

Na tagpoan niya nalang ang sarili na ginantihan niya na ng yakap si Laxus.“ Walang ano man 'yon. ” Sagot ni Amalia sa kanya.

Kumalas sila sa pag yayakapan.

“ Just tell me, if what kind of help you wanted. Tutulongan kita, huwag kang mag alala. Starting today we're friends. Kahit pinagbabawalan ka ni pinsan, siguro may gusto 'yon sayo hahahah!!” Sambit nito kay Amalia.

Kumurap ang mga mata ng dalaga.

“ H-Ha?? Hala wala noh! Hindi tama na pag isipan mo ng ganyan siya ” Kontra ni Amalia. Tumawa si Laxus sa kanya at tumayo.

“ Ah basta, if you need something, don't be shy to approach me okay? ” Saad ni Laxus. Tumango si Amalia sa kanya, may part sa kanya na gusto niyang humingi ng tulong kay Laxus.

Para tumakas...

Pero na tatakot siya sa mga posibleng mangyare kung ganoon. At tsaka, ayaw niyang madamay ang iba, lalo na, na mag pinsan sina Laxus at Eos.

“ S-sige ba, salamat.” sagot ni Lia.

“ I need to go now, para makapag pahinga ka na. I'll see you again, bye ” Paalam ni Laxus. Hinatid siya ni Amalia sa pintoan para lumabas.

“ Sige, ingat din, salamat sa pag balik nito ” Sagot ni Amalia at pinakita ang hawak na pantali ng buhok.

Ngumiti si Laxus.

Agad na nakalabas si Laxus sa pintoan at sinarado ni Amalia. Napangiti nalang itong pumunta sa higaan para mahiga, at pinagmasdan ulit ang pantali niya sa buhok at inamoy.

Mabango.

Kinabukasan...

Maagang nagising si Amalia, ngayon lang siya nakatulog nang maayos at kumportable sa tala ng pananatili niya rito. Nag-unat ito ng katawan at bumuga ng hangin. Biglang pumasok sa isip niya si Meran.

Siguro nagtataka iyon kung bakit wala siya sa selda kagabi. Alam niyang pinuntahan siya doon ng dalaga, upang bisitahin. As always iyon ang ginagawa ng babae sa kanya.

" Siguro i-kukwento ko nalang kung magkita kami mamaya o kailan man." Sambit nito sa sarili at nag kibit-balikat. Tumayo ito para pumunta sa banyo, naligo ito para makapag handa ngayong araw. Alam niyang kahit anong oras ay pupuntahan siya rito ng gwardiya para tawagin.

Ayon na rin sa Alpha.

Pag katapos nitong maligo ay agad itong lumabas ng kwarto para mag bihis, mabilis lang ang pag bihis at pag-aayos niya sa sarili.

Tamang-tama lang sa pag tatapos niyang mag-ayos ay may kumatok sa pintoan niya na kinabaling niya doon. Agad niya itong pinuntahan para tignan. Binuksan niya ito at iniharap sa kanya ang mukha ni Meran, na medyo na kinagulat niya.

Pero kalaunan ay agad din na galak dahil nakita niya ito, nang walang kahirap-hirap.

" Diyos ko, mabuti naman okay ka lang." Bati ni Amalia sa kanya, at niyakap ito nang mahigpit. Ginantihan siya ng yakap ni Meran at ngumiti habang hinahagod ang likod ni Amalia.

" Dapat nga ate ako ang mag sasabi niyan sa'yo eh, inunahan mo lang ako " Sagot ni Meran sa kanya, at kumalas sa pagkayakap. Ngumiti si Amalia at inayos ang buhok ng dalaga.

" Pinuntahan kita kagabi sa selda, kaso pagdating ko roon, wala ka. Kaya medyo nag-alala ako, pero kanina pinatawag ako ni Madam Sanji, tawagin ka raw sa silid na ito." Sambit ni Meran sa kanya. Napatingin si Amalia sa ibang direksiyon at napaisip, pero kalaunan ay tumingin kay Meran at Ngumiti.

" Sorry kung hindi ko agad na sabi, wala akong oras at bawal akong gumawa ng hakbang nang walang paalam kay Eos." Sagot nito. Tumango si Meran.

" Sumama ka sakin." Anyaya ni Meran sa kanya.

" Saan? Oo nga pala, bakit daw ako pinapatawag??" Tanong nito sa Babae.

Bumugtong hininga si Meran at ngumiti.

" Sabi ni Madam Sanji, pinapatawag ka ng Alpha, Hindi ko alam kung bakit." Sagot nito at tinaas-baba ang balikat niya. Si Sanji, o kilala bilang Madam Sanji, ay ang Mayordoma ng Mansion. Isa rin itong werewolf.

Halos lahat naman rito sa mansion ay ganoong nilalang.

Tumango si Amalia.

" Sige. Tara na, baka mainip iyon at mapagalitan pa tayo." Saad ni Amalia sa kanya.

Nag simula silang mag lakad papunta sa unang palapag. Sinundan ni Amalia si Meran. Naiisip niya kung anong kailangan ni Eos sa kanya. Natanaw niya ang isang babaeng nakatayo sa gitna ng pathway, nakatingin ito sa kanila. Puro itim ang mga suot nito.

Tumigil sila sa harap ng babae. Sa tansa ni Amalia, na sa Kwarentang anyos pataas na ito. Yumuko si Meran kaya, ginaya siya ni Amalia.

" Madam Sanji, ito na po siya." Sambit ni Meran nang magalang. Tinignan ni Sanji si Amalia.l.

" Makakaalis ka na Meran." Utos nito sa dalaga, agad na tumango si Meran. " Opo, salamat po." Sambit nito at tumalikod, ningitian niya pa si Amalia na parang nag papaalam .Tumango si Amalia sa kanya at ngumiti nang 'kay liit.

" Sumama ka sa akin." Rinig niya sa kaharap niya, na tumalikod para mag lakad.

Sinundan niya ito.

Nakarating sila sa isang malaking pintoan, na double sided. Kulay itim iyon, tumigil sila sa tapat ng pinto.

" Opisina ito ng mahal na Alpha. Pumasok ka na." Aniya nito kay Amalia at umalis.

" Salamat po." Pahabol ni Amalia sa kanya. Napatigil si Sanji sa sinabi niya.

" Huwag kang mag pasalamat. Wala akong ginawang bagay na ika ka-salamat mo." Sambit nito kay Amalia at tuloyan ng umalis.

Napakurap si Amalia ng mga mata at bumusangot.

Anong mga problema ng mga nilalang dito? Bakit ayaw nilang pinapasalamatan??

Ang weird. Ayaw ba nila iyon??hayss...

Napailing siya at hinarap ulit ang pinto at pinihit ang doorknob.

Dahan-dahan niya itong binuksan at pumasok. Maingat niya itong isinara at inilibot ang paningin kahit saan.

Ang ganda sana ng palibot, kung hindi lang madilim medyo, dahil halos lahat ng malalaking bintana ay na tatakpan nang malalaking kurtena.

Takot ba si Eos sa araw? Hindi naman siya bampira eh.

" Come here."

Rinig niyang boses na kinagulat niya at muntik niya ng ikatalon sa nerbyos.

Napahawak ito sa dibdib at pikit. Huminga ito nang malalim para maibsan ang nararamdaman niya.

Nakita niya ang isang lalake sa lamesa, medyo may kalayoan sa gawi niya.

Si Eos.

Lumapit siya doon. At doon lang niya na pagtanto na nag hahanda pala ito ng wine. Sa ibabaw ng lamesa ay sari't-saring pagkain ang naroon.

Hinanda niya lahat ng iyon??

Anong gagawin niya rito??

Tatayo at titignan na parang tanga si Eos habang kumakain at umiinom??

" What are you waiting for?? Sit down." Supladong utos ni Eos sa kanya. Napakurap si Amalia sa sinabi niya.

" B-Bakit??" Tanong niya.

Tinaasan siya ng kilay ni Eos at padabog na nilapag ang kubyertos, na kinagulat ni Amalia nang palihim.

“Idiot. Obviously you will eat with me tsk!” Sagot ni Eos sa kanya, kaya dali-daling umupo si Amalia sa upoan.

Bakit mag kasama silang kakain? Pwede namang kumain siya na kasama ang mga alipin o hindi kaya mga katulong.

Kakayanin at makakakain pa siya nang maayos.

But with Eos? Ewan lang sa titig palang nga niya, parang gusto niya ng mag palamon sa sahig.

“ Eat.” Utos ni Eos. Kaya agad na sinunod iyon ni Amalia. Mahirap na kung sasaway siya. Tinignan siya ni Amalia.

“ E-Eh ikaw?  Hindi kaba kakain??” tanong nito kay Eos.

Hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para tanongin ang katulad ni Eos.

She lower her gaze.

Ayaw niyang salubongin ang titig ng lalaki.

Nag hila si Eos ng upoan para maupo. Nag salin ito ng alak at suminsim.Tumingin ito kay Amalia.

" Why??  You will let me? To eat you?? " Tanong ni Eos na kinasamid ni Amalia sa kinakain. Kaya agad itong kumuha ng tubig at ininom.

Pest*ng hayop naman kasi. Eos chuckled, na kinatingin ni Amalia sa kanya, ngayon lang niya ito na rinig na tumawa.

Pero agad din naging seryuso ang mukha ni Eos at tinignan siya nang masama.

“ Don't look at me like that.” Saway ni Eos sa kanya at inirapan ang kaharap at tumayo.

Napa bugtong-hininga si Amalia at kumain na lang ulit.

Bakit ba kasi ang suplado ng nilalang na 'to?.

Maamo sana ang mukha, kaso pinaglihi naman sa demonyo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status