Share

Chapter Two

Yanna POV

Simula nong huling umuwi si Daddy ay hindi na siya muling dumalaw pa kahit minsan. Kung may ipagbibilin man siya tanging ang katulong lang ang tinatawagan niya.

"Nanay Esther can you teach me how to cook Filipino food?" sabi ko sa yaya ko habang sinusuklay niya ang aking buhok.

"Oo naman anak, ano bang gusto mong lutuin. Ipapahanda ko na." mabilis namang sagot niya.

"Ano po ba Nanay ang paborito niyo?" tanong ko.

"Adobo anak. Gusto mo ba iyon? Madali lang naman." sabi niya

"Let's try then nanay." nakangiti kong sagot

Habang kami ay nagluluto, walang lumapit kahit isa sa mga katulong. Saka lang sila pumasok nong natapos na kami para iligpit ang kalat namin.

Luto, kain, tulog ganun lang ang gawain ko araw-araw. Nababagot ako ngunit wala akong magawa kundi magmukmok. Ayaw ng daddy na lumalabas ako dahil sa bahay na ito isa lamang akong bilanggo.

"Senyorita, nasa baba po ang daddy niyo." sabi ng katulong habang nangangatok. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

" Baba na ako kamo."

"Sige po senorita." Sagot naman niya. Nagpalit lang ako ng pajama saka ako sumunod sa katulong. 

"Let's talk." panimula ni daddy. Tinignan kon lamang ito. What-ever he wants to tell me ay wala akong kainte-interes na pakinggan.

"I want you to marry the son of my amigo." walang prenong sabi niya. Napatayo naman ako bigla.

"What? Dad, no! You can't do this to me!" 

"You can't say no! You're getting married after 3 months and it's final." may pinalidad na sabi niya. 

"No, dad, I don't even know that man. I am the one who chose who I gonna marry. Not you Dad!" umiiyak kong sabi.

"It's no use even you cry. Be ready, tomorrow night they will come here. We will talk about your engagement!" tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Umalis din naman siya agad pagkatapos niyang sabihin ang sadya niya. 

Nagkulong ako sa kwarto. Mga ilang minuto lang bumaba ako. Napadaan ako sa kwarto ng mga katulong. May narinig akong nag-uusap. Sumilip ako. Si Lyn pala, kausap niya ang pamilya niya. Naiinggit ako. Buti pa sila kahit mahirap ang buhay nila ay masaya naman. Ako nasa akin na lahat pero nanlilimos ako ng pagmamahal ng magulang.

Sa sobrang inggit ko, napagdiskitahan ko ang mga katulong.

"Lyn, oras ng trabaho ngayon di ba?"

"Sige na hon. Andto na ang amo ko. Babye mga anak. I love you." paalam pa niya

"Sorry po senyorita." hinging paumanhin niya.

"You better do your job or else I will send you back to the Philippines!" inis na sabi ko.

"Yes senyorita. I'm sorry. I will go back to work now."Hindi naman ito magkandaugaga sa pagmamadaling umalis.

Habang naglilibot ako sa mansyon nadaanan ko iyong mga rose na ang gaganda ng mga bulaklak. Naisipan kong kumuha ng gunting para may mailagay ako sa vase ngunit pagbalik ko ay wala na ito. Kundi isang aso ang nasa garden. Ginawang playground ang mga pananim na mga halaman. Duon siya nagtatakbo. Galit na galit kong tinawag ang lahat ng mga katulong sa garden.

"Take that dog outside this hous!" sigaw ko sa kanila. Agad namang tinawag ni Amy iyong aso ngunit ayaw lumapit. Lalo pa itong nagtatakbo na parang ngayon lang nakawala sa hawla.

"I said take that dog outside! Are you all deaf? Kung ayaw niyong ilabas ang asong yan kayo ang itatali ko sa bawat sulok ng mansyon." sigaw ko parin sa kanila.

Sinubukang tawagin ni Shiela iyong aso ngunit ikinawagkawag lang niya iyong buntot niya. Kumuha ng pagkain ang isa sa mga katulong para lumapit ito...

"The next time you all make mistakes I will make sure you will regret staying in this house." banta ko sa kanila. Saka ako pumasok sa loob ng bahay. Ngunit pagpasok ko may naamoy akong nasusunog.

Dali-dali akong pumasok ng kusina. Nakita ko ang palayok na umaapoy. Tahimik naman silang nakasunod sa akin pero pagkakita nila sa ibabaw ng kalan ay nataranta sila.

"Do you want to burn my house?" bulyaw ko.

"Senyorita nagluluto po kasi ako nong tinawag mo kami." pagrarason ni Amy. 

"So it's my fault ha? Hindi ka ba nag-iisip?" galit paring sigaw ko.

"Nawala na po kasi sa isip ko senyorita na patayin iyong kalan." sagot naman nito.

"Kapag ikaw ang sinunog ko ng buhay at sabihin kong nawala sa isip ko. May magagawa ka pa ba?" bulyaw ko. Umiiyak na siya pero nanggigigil parin ako sa galit.

"Gabiya!" singhal ko pa.

"Clean the kitchen!" utos ko bago ako pumanhik sa taas. Hindi naman ako masama eh, napagbuntunan ko lang sila ng galit.

Para kumalma ang pakiramdam ko, nagbabad ako sa jakuzi. Ilang oras na din ako don kaya tumayo na ako nong makaramdam ako ng gutom. "Hindi pa nga pala ako kumakain." kausap ko sa aking ang sarili. Ayaw ko pa namang bumaba kaya tumawag nalang ako sa intercom. Si nanay Esther ang nakasagot.

"Yes anak?" sabi nito sa kabilang linya

"Nanay, what's food? I'm hungry na."

"Gusto mo bang ipagluto kita? Ano bang gusto mong kainin?" tanong nito

"Wala po bang pwedeng kainin diyan nanay na ready na? I'm hungry na talaga." sabi ko naman

"Meron naman nak pe...."sumingit ako kahit di pa niya natapos ang sinasabi niya.

"Nanay nagsabi ba ang daddy kung uuwi siya ngayon?" biglang tanong ko.

"Sa pagkakaalam ko anak bukas pa siya uuwi. Engagement mo na kaya for sure na uuwi iyon." sagot nito. Yessss, sabi ko sa isip ko. 

"Okey nanay, tutal itatali naman na ako ni Daddy sa sinong lalaki. Can we go outside? Don't make anything for me. We will just eat outside." excited kong sabi ngunit hindi niya sinang-ayunan.

"Anak, magagalit ang Daddy mo. Kabilin-bilinan niya na wag kang lumabas."

"No! I want to go eat outside. Call daddy Nanay, kahit sumama pa kayong lahat." matigas kong sabi

"Susubukan ko. Pero di ako sigurado kung papayagan ka." 

"Okay nanay I love you. Go nanay kaya mo yan!" pagtsi-cheer ko pa.

"Batang to..." yun nalang ang nasabi niya bago ko pinatay ang intercom. 

Nakahiga lang ako at nagbibilang habang inaantay ang go signal ni Nanay Esther. May kumatok sa pinto kaya ibinalik ko na naman sa pagiging masungit ang itsura ko. Si Lyn

"Senyorita magbihis na daw po kayo sabi ni Ate Esther." 

"Okay!" sagot ko

"Ahm wait, Lyn right? tanong ko. Nakita ko namang medyo napangiti siya kasi hindi ko talaga tinatandaan ang mga pangalan nila. Sa pamamahay na ito, si Nanay Esther lang ang alam ko ang pangalan.

"Yes po senyorita?" tanong niya. 

"Change your dress." utos ko habang tinuturo ko iyong damit niya. 

"Po?" Nagulat naman siya. Akala siguro niya may gagawin ako sa kanya.

"I mean get dress, and tell the rest to get ready. You will come with me. Tell them don't cook for dinner." pero parang hindi siya naniniwala. 

"Do you want me to undress you?" nakangising sabi ko.

"Okay senyorita... Baba na po ako." excited siya na parang di makapaniwala. Pagbaba ko inaantay na nila ako. Inisa-isa ko silang tinignan pero katulad ni Lyn parang hindi din sila makapaniwala.

"Nanay sinabihan mo na ba ang driver?" tanong ko

"Oo iha, isang sasakyan lang ba ang gagamitin natin?" tanong niya din.

"Oo nanay. O kayo, mabait ako ngayon kaya samantalahin niyo na." Sabi ko naman sa kanila. Nakangiti si Nanay Esther na tinanguan ang mga kasambahay.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status