Share

Chapter Three

"Everyone says I have everything in the world but they are wrong.They said I am a rich kid, and beautiful. Yeah, my dad is super rich but what is the used of being rich if I can't have their love? I'm beautiful, yan ang lagi nilang sinasabi pero napakasama ko daw. Maldita, bitch, matapobre at kung ano-ano pa. but I don't care."

"Anak saan tayo pupunta?" tanong ni yaya Esther.

"Manong just go to the nearest mall. We will eat first." baling ko sa driver. At dahil gusto ko ding bumawi sa paninigaw ko sa kanila ibibili ko na din sila ng kung anong gusto nila.

"Manong come with us." tumango lang iyong driver.

"Sige po senyorita. Garahe lang po ako." susulitin ko na ang araw na ito. May tatlong buwan pa ako para makapag-isip ng paraan para makaiwas sa kasal na iyon. Pagkatapos kumain sinabihan ko si nanay Esther na papilihin sila ng gusto nila. Iniwan ko ang credit card ko para Malaya silang mabili ang mga nais nila. Matiyaga naman akong nag-ikot ikot sa mga boutique pero siyempre kahit mag-isa ako alam kong may inutusan ang daddy na sundan bawat galaw ko. 'Tsk tsk tsk, diskumpyado masyado.

Inabot din kami ng mahigit tatlong oras. Nakita ko ang saya ng mga katulong.

"May kabutihang taglay din pala siya." sabi pa ng isa. Pabulong man pero narinig ko parin.

Pagdating sa mansyon diretso na ako sa kwarto ko.

"I want to rest now, don't disturb me." sabi ko bago ako pumanhik sa aking kwarto.

"Senyorita, thank you!" sabi naman nila. Napatigil lang ako pero di na ako lumingon.

Pagkapasok ko ng kwarto nagpalit lang ako ng pantulog saka humiga ngunit ayaw akong dalawin ng antok. Kailangan ba talaga pati sa magiging asawa ko si dad ang magdedesisyon? Halos preso na ako dito sa pamamahay na ito ah. umiiyak kong bulong sa sarili ko. Dad you can't blame me kung ganito ako. Hanggang sa makatulugan ko nalang din lahat ng hinanakit ko.

Kinaumagahan halos ayaw kong bumangon, iniisip ko palang na ipapakasal ako ni daddy sa taong hindi ko kakilala ay nawawalan na ako ng gana.

"Senyorita andito na po ang susuutin mo para mamaya. Isukat niyo na daw po para kung may mali ay maaayos agad.

"Go away." Sabi ko lang.

"Magbreakfast ka na din po senyorita." Sabi pa niya.

"Okay, okay, I'm coming down in a few minutes. Just go away for now..." wala na din akong narinig na maski anong ingay. Nagpalipas lang ako ng ilang minuto bago bumangon. Nagsuot lang ako ng pajama saka nagsuot ng abaya (traditional dress for women in Arab countries). Dalawang babae ang naabutan ko sa may sala.

"Good morning mam." bati nila

"Good morning too." walang kangiti-ngiting bati ko. Tinaasan ako ng kilay nong kasama niya. 

"Mam your father told us to come. We bring some gowns for you. You can choose which one you want and if it's fit for you." approach nong parang mas matanda.

"Whatever you think is nice, it's okay for me." supladitang sagot ko.

"Mam how about this color and style?" sabi niya habang pinapakita ang kulay pink na gown... Maganda naman siya pero hindi ko talaga maappreciate dahil hindi naman nakakatuwa ang dahilan kung bakit ako magsusuot ng mga ito.

"If you think it's good then it's settled. You can go now. Just call my dad if you still need something." walang prenong sabi ko. Ngunit bumulong ang isang kasama niya.

"Maganda nga, sobrang taray naman." turan nito. Parang wala lang sa kanya iyong sinabi niya nong tumingin ako sa kanya.

"Excuse me? What did you say?" tanong ko.

"Ahm, nothing mam. The gown looks beautiful to you." sabi nito. Tinaasan ko siya ng kilay. Nakita ko ang mga katulong na parang sila ang natakot sa sinabi ng babae.

"I know, I still look beautiful even I wear rugs... Watch your mouth miss, baka umuwi ka sa Pilipinas ng wala sa oras." sabi ko. Nagulat siya sa sinabi ko.

"Sorry mam, for what I said earlier. Huwag po kayong magsusumbong sa boss ko. Kailangan ko po ng trabaho." Hinging paumanhin niya. Humingi din ng pasensya iyong kasama niya. Pinagsabihan niya ito.

"Where ever you go and who ever you meet, you must learn how to shut your mouth. You may leave now." sabi ko sa kanila. Nagpaalam naman sila agad at humingi ulit ng pasensya. Nagpahanda na rin ako ng pagkain ko. Pero kahit anong pilit kong kumain, sira talaga ang appetite ko. Kaya hindi ko din ito inubos. Bumalik nalang din ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang laptop ko, naisipan ko kasing isearch ang mommy o kaya ang ibang pamilya niya.

Jane Torres...

Madami palang kapangalan ang mommy pero mga bata pa naman sila. Paano ko kaya siya mahahanap.

Ejaz Abdulla calling...

Ano kayang kailangan ng lalaking to... Si Ejaz ay anak ng kabusiness partner ni daddy. Kaedaran ko lang siya. Siya lang din ang nakaclose ko simula bata ako. Lagi kasi siyang dinadala ng mommy niya noon na isa ding filipina. Swerte lang niya dahil mababait ang pamilya niya unlike me na pera lang ang mahalaga sa kanila.

"Hi Yanna kumusta ka na? Long time no see ah." sabi nito pagkaopen ko ng camera. Siya pa rin iyong kababata ko na masayahin.

"Eto, malungkot." sabi ko

"Bakit naman, don't be sad. Ikaw din papangit ka, tatanda ka bigla tapos kukulubot ang mukha mo." pagbibiro nito. Ganyan kasi siya lagi kapag malungkot ako.

"I hate daddy, he set me up. Ipinapakasal niya ako sa isang anak ng amigo niya na hindi ko man lang nakita ni minsan." sumbong ko. Pero tumahimik lang siya habang nakatingin sa mga mata ko.

"I want to run away but I can't. Pinapabantayan ako ni Daddy sa mga guards niya." dugtong ko. Pero wala pa rin siyang imik.

"Ejaz all my life I can't decide for myself..." umiiyak ng sabi ko.

"Sshhhh enough okay, everything's gonna be alright. Don't think too much." pero tuloy tuloy parin ang luha ko.

"I will close now okay, you must take a rest para marelax yang utak mo." paalam nito. Papatayin ko na sana peto nagsalita pa siya.

"I'm sorry Yanna, see you later. I miss you my Yanna!" Sabi niya, agad din naman niyang pinatay ito. Hindi na ako nakapagsalita ng maski ano.

See you later? Bakit siya humihingi ng tawad at ano daw? I miss you my Yanna ahhh, siguro namimiss niya iyong samahan namin noong mga bata pa kami.

Natulog muna ako, nagpahatid nalang ako ng lunch ko sa kwarto ko. 3 pm na nong ginising ako ni Nanay Esther.

"Anak kailangan mo nang magready. 7 pm ang start ng party mo, maaga darating ang don." sabi nito

"Five minutes nanay just give me five minutes" ipinikit ko muli ang aking mata. Pagmulat ko, nakita ko parin siyang nakaupo sa tabi ko. Pinagmamasdan niya ako.

"Nanay is there something wrong?" takang tanong ko

"Wala anak, nag-aalala lang ako saiyo. Okay ka lang ba?" tanong nito. Tinanguan ko lang siya saka ako yumakap pero di ko napigilang umiyak nong ikinulong niya ako sa bisig niya.

"It's unfair nanay..." umiiyak kong sabi. Pinatahan naman niya ako agad dahil baka mamaga daw ang mga mata ko.

Nagkakagulo na ang mansiyon pagbaba ko. Dumating na din ang mag-aayos sa akin. Hinayaan ko lang silang galawin ang mukha ko habang nakapikit ako. halos 3 hours din bago sila natapos.

Pagsapit ng 7 pm nakita ko si Dad na kausap ang mga magulang ni Ejaz...

"Congratulation Iha, napakaganda mo talaga." Sabi ng mommy niya. Bago ito yumakap.

"Don't worry, everything's gonna be alright." sabi nito ng pabulong. Hinanap ng mata ko ang kaibigan ko pero hindi ko siya makita. Hanggang sa pumailanlang ang boses ni Daddy.

"This is not just a simple party for me but it's for my lovely daughter. Let us now welcome my only daughter Yanna and his future husband Ejaz Abdulla..." masayang sabi ni daddy nong magsalita siya sa harap.

future husband...

future husband..,

Ejaz Abdulla,

Ejaz Abdulla... 

No, what's going on…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status