Mag-log inIniwan ng Tatay ni Apple ang ina dahil sa isang kabit. Dahil dito ay isinumpa ni Apple na kailanman ay hindi siya maninira ng pamilya. Hinding-hindi niya hahayaan ang sarili na manakit ng iba. Puputi na lamang ang uwak ngunit sisiguraduhin niyang magiging isa siyang mabuting babae. May respeto at paggalang sa sarili. Ngunit, paano kung maglaro ang tadhana? Papaano kung isang pangyayari ang babago sa kaniyang isinumpa? "Papalayain ko ang Nanay mo kung papayag kang maging kabit ko?" -Judge Condrad Aguirre Tatanggi pa ba siya? Kung ang tanging paraan para matulungan ang ina ay ang manira ng pamilya? "If being with him is a sin. Then, convict me now." -Apple Santibañez @SheinAlthea
view moreCondrad Aguirre POVChance. When I was young and got the dream I wanted, I thought I have all the chance in the world. Madali sa akin ang makuha ito. Madali sa akin ang magtagumpay. Ngunit nang nagmahal ako, sinampal ako ng katotohanang may mga bagay na hindi para sa akin. But I was cruel. I took that chance for my own gain; kahit na ang kapalit ay ang pagkawala ng lahat sa akin. Apple Santibañez, an alluring woman that captured and melted the coldest part of my heart. Akala ko, hindi kailanman titibok ang puso ko para sa isang babae. But when she came, the chance was clear to me. Selfishly, I grabbed it, even if I was hurting her in the process. A chance to love. I had it once. I lived with it. The happiest of my life. Akala ko hindi na matatapos ang lahat. Ngunit kung ang mga bagay ay pinilit lang, wala iyong kásiguraduhan. The chance I had ended. Ang masakit, kasama ng pagkatapos ang pagkalimot. "Sino ka?" My eyes widened. I was in tears. My heart was in pain and scattered
I still couldn't believe it. I couldn't even process everything. Parang sa isang iglap lang nagbago ang lahat. Kung paano at bakit, hindi ko alam. "So, bakit ka naiinis? Past is past na nga, 'di ba? Ikaw ang nagsabi." Napatitig ako sa monitor ng laptop. Napabuntonghininga. "Hindi ko alam, Nylen. Parang imposible kasi," wika ko. Nylen gave me a disapproving look. Alam ko na kaagad na hindi nito nagustuhan ang sagot ko. "Is it the other way around, Apple? Apektado ka pa rin ba sa kaniya?" Itinuon ko sa labas ng balcony ang paningin. "Hindi ka makasagot. I'll take your silence as a yes.""I wish you were here." Napangiti ako. Nasa kalangitan pa rin ang mga mata. Gumagabi na pero katulad nang nagdaan, hindi ako makatulog. My head was occupied with questions I badly wanted to know the answers. Pero wala akong lakas ng loob na magtanong. Duwag akong pag-usapan ang nakaraan lalo na at hindi na lang tungkol sa amin ni Condrad ang lahat, tungkol na rin ito kay lola. Natatakot akong baka kap
Isa. Dalawa. Tatlong oras. . .Hindi ko alam kung ilang oras na ba ang nakalipas mula nang tumuntong ako ng Pilipinas. Pakiramdam ko napakabilis at halos kisap-mata lang na nangyari ang lahat. It was so sudden. Unexpected. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na siya kaagad ang makikita ko sa aking pagbabalik. "So! How was the graduation, hija? Pasensya ka na at hindi na ako nakadalo. This old woman is useless. Ah, how I wish I was there." Boses ni Lola ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. I looked at her. "Ayos lang naman po. Normal na graduation pa rin." Totoo naman iyon. There's no special about that event. Pagkatapos kong matanggap ang diploma at mag-picture taking kasama sina Franco at Nylen, umuwi na rin kami. "Oh, my poor child." My grandmother's voice sounded in frustration. Naiintindihan ko naman siya. Marahil, matindi ang pagnanais niya na dumalo sa espesyal na okasyon na iyon. Nang maghiwalay ang mga magulang ko noon, nawalan na rin kami ng komunikasyon sa isa't isa. I tho
"Ladies and gentle, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport. We welcomed you to Manila, Philippines."Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Huminga nang malalim matapos hamigin ang sarili. Sinulyapan ko rin ang bintana sa aking tabi at nakita ang liwanag na nagmumula sa papalubog na araw. Hindi naman ako nakatulog. Bagkus, kanina ko pa pinapakalma ang puso kong nagsisimula ng tumibok nang malakas. I was nervous.Scared. Alone. Nakapaninibago pala na muli kong maranasan ang pag-iisa. Pakiramdam ko. . . hindi ako sanay. Marami rin akong naiisip; mga posibilidad. Kahit naman kasi limang taon na ang nakalipas, at wala akong anumang komunikasyon sa lahat maliban kay lola, hindi maikakaila na maliit lamang ang Pilipinas. Santibañez was born rich. Iisa ang ginagalawan tulad ng mga Trinidad. 'Come on, Apple. Nag-o-overthink ka na naman!'I shook my head. There's no use of turning back now. May konting takot ako at kaba, oo, pero hindi ibig sabihin niyon na apketado pa r
RebyuMore