Home / Romance / Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire / CHAPTER 255: “Handa na bang ma-highblood ang lahat? Char!”

Share

CHAPTER 255: “Handa na bang ma-highblood ang lahat? Char!”

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2025-02-18 16:17:10

••••••

DUMIRETSO na ng uwi si Lalaine matapos maisara ang deal kay Mr. Inoue. Ang bilin kasi ni Mrs. Tupaz, sa oras na ma-aprubahan na ni Mr. Inoue ang gagawing project sa kompanya ay makakauwi na siya at bukas na lang siya mag-report sa trabaho.

Dahil maaga pa, minabuti ni Lalaine na dumaan sa supermarket para bumili ng rekado sa lulutuin niyang Braised Pork ribs. Gusto niyang ipagluto si Knives kahit na alam niyang hindi maganda ang naging pagtatalo nila kagabi dahil nais niyang magkaayos silang mag-asawa.

Nakapagdesisyon na si Lalaine. Gagawin niya ang lahat para matanggap ni Knives na anak nito ang kanyang ipinagbubuntis. Nasaktan man siya ng sobra dahil sa gusto nitong ipalaglag ang kanilang anak, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya para sa asawa.

Isa pa, naniniwala siyang maaaring nagkamali lang ang doktor na sumuri sa asawa n'ya. Kaya ang balak n'ya ay kakausapin n'ya ito nang masinsinan at hihikayatin muling magpatingin sa ibang doktor. Bukod doon, imumungkahi din niya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (55)
goodnovel comment avatar
𝙰𝚒𝚡𝚊𝚗𝚗𝚎
𝚢𝚊𝚌𝚔! 𝚔𝚊𝚍𝚒𝚛𝚒 𝚔𝚊 𝚔𝚗𝚒𝚟𝚎𝚜! 𝚠𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚜𝚒𝚙𝚒𝚗𝚐 𝚌 𝚕𝚊𝚕𝚊𝚒𝚗𝚎 𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚒𝚔𝚊𝚠... 𝚜𝚊 𝚙𝟶𝚔𝚙𝟶𝚔 𝚙𝚊! 𝚠𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊! 𝚠𝚊𝚐 𝚔𝚊 𝚗𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚖𝚊𝚕𝚒𝚔 𝚔𝚊𝚢 𝚕𝚊𝚕𝚊𝚒𝚗𝚎. 𝚐𝚒𝚐𝚒𝚕 𝚖𝚘 𝚊𝚔𝚘. 𝚙𝚊𝚑𝚊𝚋𝚘𝚕𝚑𝚊𝚋𝚞𝚕𝚒𝚗 𝚖𝚘 𝚌 𝚔𝚗𝚒𝚟𝚎𝚜 𝚕
goodnovel comment avatar
llyszaeugenio
langya ka knives!
goodnovel comment avatar
Nylrehc Rivas Gutierrez
nanggigigil aq Kay knives...sarap sakalin ampt
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 16

    NANGINGINIG ang mga tuhod ni Abby at namamawis ang kanyang mga kamay nang makilala kung sino ang taong sakay ng itim na sasakyang iyon—walang iba kundi ang demonyong si Henry Scott. Gusto sanang tumakbo ni Abby pabalik sa loob ng bangko pero parang napako na ang mga paa niya sa kinatatayuan. Ilang araw na hindi nagpakita sa kan'ya si Henry Scott kaya naman pansamantala niyang nakalimutan ang lalaki. Ganoon ang ugali nito, na kung kailan lang siya kailangan ay saka ito magpapakita sa kan'ya. “Are you okay, Abby? Bakit para kang natuklaw ng ahas d'yan?” untag sa kan'ya ni Kim nang hindi siya kumilos sa kinatatayuan. Nang marinig ang boses ng babae ay doon lang tila natauhan si Abby. Nilingon niya ito at pilit na ngumiti. “O-Okay lang ako. May iniisip lang ako kaya ako natigilan,” pagsisinungaling niya. Never nagpakita si Henry Scott sa kotse nito kapag sinusundo siya at tanging mga bodyguards lang nito ang humaharap sa kan'ya. Kaya naman ang buong akala ng mga coworker niya ay si Ka

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 15

    KINABUKASAN, katulad ng dati ay isinabay si Abby ng binata papasok sa trabaho. Mula umalis sa mansyon ang dalawa, ay halos hindi man lang nag-uusap ang mga ito at magsasalita lang kapag magtatanong. Hindi tuloy mapakali si Abby at kinakabahan dahil alam niyang anumang oras ay kakausapin siya ng lalaki tungkol doon. She's not ready to tell her dark secret, especially not to Kairi. Because apart from her ex-boyfriend Jake, no one else knows her secret. “How's your work? Wala bang gumugulo sa'yo?” Mula sa labas ng bintana ng sasakyan, dumako ang tingin ni Abby sa lalaki na kasalukuyang naka-focus lang sa pagda-drive. Napamaang siya. “H-Huh?” Pumalatak si Kairi sa babae at saka inis na nagsalita. “Do I really have to repeat what I say twice when I talk to you?” Napapahiya namang inalis ni Abby ang paningin sa lalaki sa ibinaling sa labas ng bintana. “Sorry, may iniisip lang kasi ako.” “Tungkol na naman sa crush mo?” tanong ni Kairi na bakas sa tinig ang iritasyon. Sa sinabi ay

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 14

    “DID you mistake me for your crush that's why you acted like that?” Tila naging bangungot ang masayang panaginip na iyon nang marinig ni Abby ang pamilyar na boses ng lalaki. At hindi nga siya nagkakamali, dahil pagdilat niya ay ang masamang mukha ni Kairi ang nakatingin sa kan'ya. Hindi pala kama kundi matipunong dibdib nito ang inaalala niyang niyayakap niya. “Ay bakla ka!” sa gulat ay bulalas ni Abby saka nandidilat ang mga mata na napaatras palayo sa lalaki. Pero dahil hindi niya tinitingnan ang kanyang nilalakaran, kaya naman natisod siya sa sarili niyang mga paa. Napapikit na lang si Abby at hinintay na lang niyang bumalibag siya sa marmol na sahig nang biglang isang matipunong bisig ang pumulupot sa kanyang baywang at sinalo siya sa akmang pagkakahulog. “You're so clumsy!” bulalas ni Kairi habang masama ang mukha nakatingin sa dalaga. Samantala, akala ni Abby ay sa cliché romance drama lang nangyayari ang eksenang iyon—na madudulas ang bidang babae at sasaluhin naman

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 13:

    “WHAT did you say?” Maang namang napatingin si Abby sa lalaki. “Huh? Walang akong sinasabi, K-Kuya Kairi.”“Then, who's the handsome man you are talking about?”Lihim na kinurot ni Abby ang kanyang sarili dahil sa kagagahan na namang nagawa. Bakit ba kasi ang hilig niya mag-inner thoughts habang kaharap si Kairi? ‘Letse ka talaga, Abigail!’ lihim sita sa sarili.“H-Huh? W-Wala 'yun...” sagot ni Abby saka yumuko sa dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman. “Y-Yung coworker ko 'yun...na crush ko.” Walang siyang choice kundi magsinungaling, dahil kapag hindi n'ya ginawa iyon ay iisipin ni Kairi na ito ang crush n'ya. Ayaw ni Abby na malaman iyon ng lalaki lalo pa't balak niyang humingi ng tulong dito.Hindi naman maintindihan ni Kairi kung disappointment o inis ang naramdaman niya nang marinig ang sinabi ng dalaga. Maging si Kenji ay nabura ang ngiti sa labi dahil ang buong akala n'ya ay ang anak niyang si Kairi ang tinutukoy nito. Kanina pa n'ya kasing nahuhuli ang dalaga na patingi

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 12:

    “HUH? Anong sinabi mo?” nauutal na tanong ni Abby sa pag-aakalang guni-guni lang n'ya ang narinig. Halos mabingi rin siya sa lakas ng tibok ng kanyang puso.“I said, you're more beautiful when you're simple. Just be yourself,” pag-uulit ni Kairi.As an attorney, he's just used to being straightforward and honest because that's what's important in his job. Kaya pati sa personal niyang buhay ay nadadala rin n'ya ang ugaling iyon. Karamihan nga sa mga nakakakilala sa kan'ya at mga kaibigan ang nagsasabi ng hindi raw maganda ang ugali niyang ito, pero dahil nakasayan na niya iyon kaya hindi na niya mababago pa.Samantala, bigla namang naglaho ang sama ng loob ni Abby dahil sa narinig. Pakiramdam din niya ay nag-init ang kanyang pisngi ng mga sandaling iyon. “T-Talaga?” kunwari niyang tanong na pilit itinago ang kilig na nararamdaman.“As an attorney, I only speak the truth,“ sagot naman ng binata.Hindi malaman ni Abby kung matatawa siya sa lalaki dahil habang sinasabi iyon ay napakasery

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 11

    SA ilang taong pagtatrabaho ni Abby sa bangko bilang accountant, bakit yata ngayon lang siya na-excite sa pag-uwi? Like maya't-maya siya tumitingin sa wall clock para tingnan ang oras. Napansin na nga rin iyon ng coworker niya na si Kim kaya grabe ang panunukso nito sa kan'ya. “Sissy, may date ka ba? Bakit tingin ka ng tingin sa oras?” pagbibiro nito sa kan'ya. “Huh, date? Wala 'no,” pagtanggi niya na totoo naman. “Gusto ko lang makauwi ng maaga,” pagdadahilan pa ni Abby habang panay ang tipa sa computer. “Really? Tingin ko excited ka lang na sunduin ng gwapo mong driver eh,” bira pa nito sa kan'ya. Sa narinig ay naihinto ni Abby ang ginagawa saka binalingan ang kausap. “Wala naman akong car, bakit ako magkakaroon ng driver?” natatawa niyang sagot para itago ang kabang nararamdaman. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito. Siguro ay nai-tsismis na ni Mang Lucio sa mga ito na may naghatid sa kan'ya kanina. “Sus! Don't deny, Abigail. Sobrang gwapo ng boyfriend mo tapos ide-den

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 10:

    “H-HUH? B-Bakit mo naman ako susuduin pa, Kuya Kairi? It's okay, it's not your obligation—” “Keiko asked me to pick you up. So give me your number because I'm late for work,” iritableng putol ni Kairi sa sinasabi ng babae. Wala naman ibig sabihin ang pagsundo niya rito, pero nakiusap ang kapatid niyang si Keiko na gawin niya iyon dahil nag-aalala ito sa safety ng babae. Nalaman din niya mula rito ang totoong sitwasyon ng dalaga at ang dahilan kung bakit ito pansamantalang nakapisan sa kanila. Hindi naman iyon abala ay Kairi dahil nagkataon na iisa lang sila ng way patungo sa law firm at sa banko kung saan ito nagtatrabaho. Besides, nasa iisang bahay lang sila umuuwi kaya mas magiging convenient para rito na sunduin niya. “G-Ganon ba? Okay,” napapahiyang sagot naman ni Abby. Kulang na lang ay lamunin siya ng lupa dahil sa pagiging assumera niya. ‘Gaga ka talaga, Abigail. Nakakahiya ka!’ Lihim na kinastigo ni Abby ang sarili. Hiningi lang naman ang number niya ay kung anu-ano

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 9:

    KINABUKASAN, magkakaharap na dumulog sa dining table para sa breakfast sina Abby, ang best friend niya, si Tito Kenji at ang Kuya Kairi nito. Ang dalawang sobrang cute na anak ng kanyang best friend ay natutulog pa kaya hindi nila kasabay sa almusal na iyon.Hindi magawang tumingin ni Abby sa lalaki dahil hiyang-hiya pa rin siya kaya habang kumakain ay para siyang tangang nakayuko lang at halos dumikit na ang mukha sa plato.“Hija, what's wrong? Ayaw mo ba ng pagkain?” puna ni Kenji sa dalagang si Abby nang makita niyang nakayuko lang ito at tulala.Napilitang nag-angat ng tingin si Abby dahil sa sinabing iyon ng matanda. Ayaw niyang isipin nito na bastos siya o kaya naman ay nag-iinarte sa pagkain. “H-Hindi po, Tito Kenji. May naalala lang po ako,” sagot niya na may pilit na ngiti sa labi.“Tungkol ba kagabi? Don't worry, hindi naman big deal 'yun para kay Kairi. Right, son?” saad naman ni Kenji sabay tingin sa anak na tahimik lang na kumakain.Dahil sa narinig ay wala sa sariling

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 8

    “BRUHA... Grabe! Hiyang-hiya ako sa katangahang ginawa ko kanina. Kung p'wede lang akong magpalamon sa lupa, ginawa ko na.” Kasalukuyan nasa pool area si Abby at ang best friend niya dahil nagyaya itong mag-night swimming habang umiinom ng wine. Pinaunlakan naman niya ito pero hati pa rin ang isip niya ng mga sandaling iyon dahil sa nangyaring eksena kanina. Hiyang-hiya talaga siya sa nagawa at Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa lalaki pagkatapos ng kagagahang ginawa niya? Paano niya ito haharapin pagkatapos ng lahat? “Don't mind him. Masungit lang talaga si Kuya Kairi pero mabait naman ang isang 'yun,” nakangiting sagot naman ng kaibigan niya habang tumitipa sa kaharap na laptop. Mangiyak-ngiyak naman si Abby sa narinig. “Paanong 'wag intindihin? Galit na galit s'ya sa'kin, bruh! Sinabihan ko siyang magnanakaw at maniac!” bulalas pa ni Abby napahawak sa kanyang noo na parang stress na stress. “Well kahit ako naman magagalit,” pagb

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status