Mag-log inHindi alam ni Cheska Vega kung kamalasan ba o tadhana ang naglapit sa kanya sa apat na gwapong propesor ng campus. Ang plano lang niya ay makatapos nang tahimik, pero napasok siya sa isang lihim na set up na puno ng tukso at bawal na pagnanasa. Ngunit paano kung sa gitna ng larong bawal ang puso, siya mismo ang unang madapa? Sa bawat araw na lumilipas, mas nahuhulog siya sa apoy ng kanilang lihim na relasyon. Ang mga lalaking dati’y simpleng pantasya lang, unti-unti nang nagiging sentro ng kanyang mundo. Ngunit sa likod ng halakhak at init, hanggang kailan niya kakayaning itago ang kasalanang ito? At sa apat na lalaking nagturo sa kanya kung paano magmahal sa paraang bawal… sino ang pipiliin ni Cheska sa dulo ng lahat ng tukso?
view moreCheska
Napahawak ako sa ulo ko habang unti-unti nang umiikot ang paligid. Pangatlong beses na ring sa akin tumapat ang bote ng beer. Akala mo mga baliw ang buong cheerdance squad habang nagtatatalunan at nagsisigawan, tila bang aliw na aliw sa kalokohan nila. Yung iba pa, walang habas na pinapalo ang braso ko.
Ito na naman kami. Gimmick night. Walang tigil na alak, tawanan, at dare. At heto ako, ang laging talo sa spin-the-bottle. At gaya ng dati, lasing na naman.
“Kainis! Okay, truth!” reklamo ko, nakapamewang pa na para bang kaya ko pang lumaban sa kanila.
Pero agad akong pinutol ni Jules, ang pinaka-maloko sa grupo. “Hep-hep-hep! Ang dami mo nang truth, Cheska. Dare ka naman ngayon.” Nakasimangot ako pero nang sundan ko ang direksyon ng kanyang daliri, muntik na akong mabilaukan. “Ayun oh, yung guy na mag-isa sa VIP table. I dare you to kiss him… and then sabihin mo sa kanya na hindi siya marunong humalik.”
Nalaglag ang panga ko. “What?! Hell no!” sigaw ko.
Pero bago pa ako makapalag, ramdam ko na ang kamay nila sa braso ko, hinihila ako papunta sa direksyon ng lalaki. Wala na akong kawala.
“Okay. Fine! Kaya ko na ’to!” singhal ko, kahit na sa loob-loob ko’y bumibilis ang tibok ng puso ko. Seriously? Sa dami ng pwedeng dare, ito pa talaga?
Huminga ako nang malalim, inayos ang buhok at damit, at naglakad papalapit. Habang dahan-dahan akong lumalapit sa misteryosong lalaki, ramdam ko ang bawat hakbang na para bang hinahatak ako sa isang bagay na hindi ko kayang kontrolin.
Naka-upo siya, tila hindi namamalayan ang ingay sa paligid. Ang mga mata niya’y nakatutok lang sa dance floor, parang may kung anong iniisip na malayo sa lugar na ito.
“Hey,” bati ko, pilit pinapakalma ang sarili. Agad niyang iniangat ang paningin niya sa akin, at doon ako natigilan. “You’re alone? Wait, are you single?” prangka kong tanong, wala nang paligoy.
Napansin ko ang bahagyang ngisi sa kanyang labi bago niya inubos ang laman ng baso. “I suppose, I am.” Malamig ang tono ng boses niya. May parang bigat akong nararamdaman.
Broken. That’s the word that immediately came to my mind.
Pero wala na akong oras para kilatisin siya. Naalala ko ang dare. Lumingon ako saglit at nakita ang mga ka-squad ko, lahat sila nakatutok, naghihintay sa susunod kong gagawin.
Bago pa ako ma-guilty, isinampa ko ang aking mga tuhod sa upuan niya at dumiretso umupo sa hita niya. Isang halo ng amoy ang sumalubong sa aking ilong. Ang matapang na amoy ng alak sa kanyang hininga ay humahalo sa kanyang pabango… oasis at sandalwood. Nakakabaliw na amoy.
Kita ko ang gulat sa mukha niya. Pero mabilis din iyong napalitan ng isang seryosong ekspresyon, parang maskarang ayaw niyang tanggalin. At doon ko napansin ang mga mata niya… kulay hazel at tila ba nang-aakit nang walang kahirap-hirap. His gaze was pulling me in, deeper than I was prepared for.
“What do you want?” malamig niyang tanong. Walang halong emosyon, pero ramdam kong sinusuri niya ako.
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Wala nang atrasan. Hindi na ako pwede pang umatras sa harap ng mga kaibigan ko. Bago pa maglapat ang aming mga labi, mahina kong bumulong. “I want you.”
At tuluyan na ngang nagtagpo ang mga labi namin.
Ramdam ko ang init ng kanyang hininga. Ang halimuyak ng whiskey at sandalwood ay tila ba gumagapang sa buong sistema ko. Pansin kong nanigas siya, parang hindi makapaniwala sa nangyayari. Pero isang iglap lang, bahagyang gumalaw ang labi niya. Mabagal na tila ba’y hinuhubaran ako sa bawat galaw ng kanyang labi. At doon ako natigilan.
Mas magaling pa siyang humalik kesa kay Kier.
Sh*t.
Napakagat ako sa labi ko nang maramdaman kong baka madala na ako. At bago pa ako tuluyang matangay, agad ko siyang itinulak nang marahan. Pinilit kong ngumisi, pilit pinatitigas ang boses kahit nanginginig.
“Y-you’re not a good kisser,” sambit ko, kahit halatang hindi kapani-paniwala ang tono ko.
Tumawa siya. Isang malalim, malamig na halakhak na tila puno ng pagdududa, na parang naglalaro sa tenga ko. “Are you sure?” tanong niya, nakatitig diretso sa’kin, para bang hinahamon ako na ulitin pa.
Nairita ako bigla. Umirap ako at mabilis na tumayo. Hindi ko na siya nilingon.
Pagbalik ko sa mesa, sumabog ang tilian ng buong squad. Ang iba halos mahulog sa sahig sa kakatawa. Yung iba naman, tuwang-tuwa na parang nanalo ng jackpot.
Ako? Hindi ako makatawa.
Kasi sa kabila ng lahat, ramdam ko pa rin ang init ng labi niya… at ang titig niyang hanggang ngayon, hindi ko matanggal sa isip ko.
Bago pa magsimula ang panibagong round ng laro, biglang nag-vibrate ang phone ko. Nasilip ko sa screen, si Kier.
Napasinghap ako at agad tumayo. “Guys, wait lang ha. Sagutin ko muna ‘to,” paalam ko, bago dumiretso palabas ng bar.
Pagka-swipe ko ng tawag, agad kong narinig ang boses niya.
“Hey, babe! Kasama mo pa ba sila? Nasa kabilang bar lang ako. Gusto mo ba sunduin na lang kita para sabay tayong tumambay dito?”
Napatingin ako pabalik sa loob kung saan patuloy na nagtatawanan at nag-iingayan ang squad. Hindi ko pa gusto umuwi. At least kung si Kier ang kasama ko, safe naman siguro.
“Okay,” sagot ko, kahit may bahid ng pag-aalinlangan. “Diyan ka na lang, diretso nalang ako diyan.”
Pinatay ko ang tawag at bahagyang napangiti, pilit na binabalewala ang kaba sa dibdib ko dahil sa nangyari kanina. At ‘yun na ang huling malinaw na natatandaan ko.
…
Pagdilat ng mga mata ko, napabalikwas ako ng bangon. Hindi pamilyar ang silid na bumungad sa akin, malapad ang kama, puti ang mga kurtina, at amoy hotel ang paligid. Ang mas ikinabigla ko?
Si Kier. Nakahiga siya sa tabi ko at sobrang himbing ng tulog.
At ako—nakahubad. Walang saplot mula taas hanggang baba.
Halos hindi ako makahinga. Nanlamig ang kamay ko habang pinipilit kong maalala ang mga sumunod na nangyari matapos kaming magkita kagabi. Mga putol-putol na imahe lang ang pumapasok sa isip ko… alak, tawanan, ang kamay ni Kier na nakahawak sa baywang ko… ang pagkaka-lean ko sa dibdib niya… pero hanggang doon lang.
“May nangyari ba talaga?” bulong ko sa sarili ko, ramdam ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Kinapa ko ang kumot at lalo kong itinatakip sa katawan ko. May kakaibang init na gumapang sa pisngi ko habang pinagmamasdan ko siya. Parang gusto kong itanong nang direkta, pero natatakot ako sa magiging sagot.
Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya.
Bigla—
Tumunog ang phone ko, malakas at sunod-sunod na vibration na para bang may sunog. Napahinto ako, mabilis na dinampot iyon sa gilid ng kama. Si Kuya Calix.
Kinabahan ako. Hindi pa ako nakaka-recover sa pagkabigla, pero napilitan akong sagutin.
“Cheska! Nasaan ka na?! Bakit hindi ka umuwi kagabi?!” malakas na boses ni Kuya agad ang bumungad, puno ng pag-aalala at galit.
“Kuya… Eh… Ah k-kasi—” nauutal kong sagot, pilit na hinahanap ang tamang salita.
Bago pa ako makapagpatuloy, gumalaw si Kier sa tabi ko. Kinukusot-kusot pa ang kan’yang mata, halatang bagong gising.
“Argh! Ang aga-aga n’yo namang magbangayan. Pwede bang mamaya na ‘yan??” reklamo niya, at halos ibaon pa ang unan sa mukha niya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanlaki ang mga mata ko.
“Cheska?!” Sigaw ni Kuya Calix, mas lalo pang tumindi ang tono ng boses niya. “Sino ‘yung lalaki?! Nasaan ka ngayon? Sabihin mo sa’kin at susunduin kita!”
Kinapalan ko na ang mukha ko at sa taranta, bigla kong pinindot ang end call bago pa masabi ni Kier kung nasaan kami. Nanginginig ang kamay ko habang mabilis na hinagilap ang mga damit ko at nagsuot nang wala sa ayos.
Kailangan kong makaalis. Ngayon na.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, mabilis akong lumabas at bumaba sa hagdanan. Habang papalapit sa first floor, ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko.
Pagdating ko sa dulo ng hagdan, bigla akong natigilan.
Naabutan kong may lalaking nakaupo sa may sala. Nakaupo siya nang relax sa sofa, may hawak na tasa ng kape at nakabukas ang dyaryo. Parang hindi siya nababahala sa ingay namin ni Kier kanina sa taas.
Nakasuot siya ng simpleng itim na t-shirt, pero litaw ang porma at aura niya. Ang presensya niya, malamig pero mabigat… para bang siya talaga ang may-ari ng bahay na ‘to.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang dahan-dahan niyang ibaba ang dyaryong hawak.
Hazel eyes.
Cold and unreadable stare.
Parang pinutol ang hininga ko. TANGINA.
Ang misteryosong lalaki sa bar kagabi.
Ang lalaking hinalikan ko sa harap ng buong squad!
Ramdam ko ang pamumuo ng kaba sa sikmura ko. Para bang gusto ko na lang lamunin ng lupa at maglaho. Ngunit taliwas sa pagkalito at takot ko, nanatiling walang reaksyon ang lalaki. Nakaupo pa rin siya, tahimik, diretso lang ang titig sa akin na parang hinuhukay ang kaluluwa ko.
“W-what… what are you doing here?” nauutal kong tanong, halos hindi makatingin nang diretso.
Walang sagot. Wala ni isang galaw. Para bang sinadya niyang pahirapan ako sa katahimikan niya.
Pero bago pa man siya makapagsalita, bumaba mula sa hagdan si Kier, n*******d pa ang pang-itaas at inaantok ang itsura.
“Oh, Dad. Nakauwi ka na pala? I thought magtatagal ka pa sa province?” kaswal niyang sambit.
Para akong binatukan ng buong kalawakan. Napalingon ako kay Kier, sabay balik ng tingin sa lalaki.
“D-DAD?!” halos pasigaw kong bulalas, ramdam ang pamamanhid ng katawan ko.
Hindi ko alam kung mas matatakot ba ako o mahihimatay na lang sa hiya.
Ang misteryosong lalaking hinalikan ko kagabi… siya pala ang daddy ng boyfriend ko.
DamianDapat ay tumalikod ako. Dapat ay naglakad ako palabas ng bahay na iyon at hindi na muling lumingon. Dapat ay nagmaneho ako pabalik sa trabaho at kinalimutan ang lahat. Pero hindi ko ginawa.Hawak ko ang journal na ito habang pilit na inuukit ang bawat kasalanan ko sa papel. Ito lang ang paraan para hindi sumabog ang utak ko.Hindi ko siya dapat hinawakan. Hindi ko dapat ipinasok ang mga daliri ko sa masikip at basang-basa niyang pagkatao. Pero ginawa ko. Ninamnam ko ang bawat patak ng tamis niya. Dinilaan ko ang sarili kong mga daliri hanggang sa malinis ang mga ito, tinitikman ang ebidensya ng pagsuko niya sa akin.Mali ang lahat ng ito. Pero sa bawat haplos ko sa kanya, pakiramdam ko ay doon lang ako naging buhay.Sariwa pa sa isip ko ang itsura niya. Ang mukha niyang punong-puno ng sarap. Ang mga mata niyang nakatitig sa kawalan habang nilulunod ko siya sa sensasyon. Gusto ko siyang angkinin hanggang sa ang pangalan ko na lang ang tanging salitang alam niyang bigkasin.Isina
CheskaHalos matapos na ang period ni Mr. Serrano nang makarating kami. Himalang hindi siya nagalit. Inabutan lang niya ako ng listahan ng mga cookies na nagawa namin at ang goal para sa araw na 'to.Nang tumunog ang bell, sinenyasan niya ako na lumapit."Una na kayo. May gagawin lang ako," bulong ko kay Kai habang mabilis na lumalabas ang mga kaklase ko."Kukuha ka lang ng d—"Pinigilan ko siya at kinurot nang madiin sa braso. "Subukan mong ituloy 'yang sasabihin mo. Alis!""Opo na, boss." Lumabas na si Kai habang tumatawa."Yes, Mr. Serrano?" tanong ko habang nililigpit ang gamit ko."Siguraduhin mong nasa student store ka on time. Huwag kang male-late gaya ng ginawa mo sa klase ko ngayon."Tumango ako, ramdam ang bigat ng titig niya. "I understand. Maaga sana ako kung hindi lang dahil sa mga hormones ng kuya ko at ni Kai na nagkakalat kung saan-saan."Tumawa siya nang mahina. "Go to class, Cheska.""Yes, sir." Nag-salute ako sa kanya at narinig ko pa ang tawa niya hanggang sa makal
CheskaKamartesan na kung kamartesan, pero sawang-sawa na ako. Huwebes pa lang pero pakiramdam ko katapusan na ng mundo. Isang buwan na sa school pero ‘yung grades ko, parang hininga ni Kier—amoy failure.Speaking of Kier, nakakasuka na. Gets ko namang girlfriend niya ako, pero wala na ba siyang ibang alam gawin kundi gawing Rated R ang lahat? Nakakapagod maging object ng obsession ng isang taong utak-itlog."Cheska, work on your essay," untag sa akin ni Mr. Velasco.Nabali ang iniisip ko. Nakapaligid silang apat sa akin sa loob ng bahay ni Mr. Serrano. Dapat ay pinag-uusapan namin ang school fundraiser para sa laro bukas, pero heto ako, nakikipagtitigan sa puting screen ng laptop ko para sa Noli Me Tang
CheskaAkala ko sa mga teleserye lang uso yung mga babaeng parang ipinanganak na may korona sa ulo. Yung tipong titingnan ka mula ulo hanggang paa na parang isa kang maduming mantsa sa mamahalin nilang carpet. Hindi ko alam na nage-exist pala sila sa totoong buhay hanggang sa sandaling ito.Nakatayo siya sa harap ko. Blonde. Nakaangat ang baba. Ang mga mata niya, diretso at hindi kumukurap, parang may kung anong scanner na naghahanap ng bawat butas sa pagkatao ko. Ramdam ko yung init ng titig niya sa balat ko. Nakakaasiwa. Nakakairita.“Okay, well, whenever you have the time, Mr. Delmar,” sabi ko. Pinilit kong panatilihing matatag ang boses ko habang humahakbang pababa sa patio nila.Pagkasara ng pinto sa likod ko, huminga ako nang malalim. Gusto ko na lang matapos ang umagang ito. Gusto ko na lang maglaho.“Cheska!”Napahinto ako. Lumingon ako at nakita ko ang pamilyar na sasakyan ni Mr. Velasco na umaatras sa driveway ni Mr. Delmar. Bumaba siya, dala yung tipikal niyang ngiti na lag
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu