Share

Chapter 5

Nagdesisyon akong maligo muna kaya agad akong dumiretso sa bathroom ng kuwarto ko. Binuksan ko ang gripo ng bathtub at nilagyan ang tubig ng liquid soap. Habang naghihintay na mapuno ang tubig ng bathtub ay nag-send muna ako ng message kay Seira na nakauwi na ako sa bahay. Wala pang isang minuto ay natanggap ko na agad ang reply ni Seira.

From: Boss

Nasa kitchen ako. Balak kong gumawa ng cookies at cake para bukas pero hindi ko pa alam kung ano ang magandang flavor para sa cake. Any suggestion?

Agad naman akong nag-reply sa message niya.

To: Boss

Anything. They will love it, for sure.

Napangiti ako dahil sa message ko. Masarap gumawa ng cookies at cake si Seira. Culinary ang course ni Seira at baking ang pinakapaborito niya. Masarap siyang magluto kaya siguradong kahit anuman ang gawin niya ay masasarapan ang mga kakain ng luto niya.

Isa ito sa mga nagustuhan ko kay Seira. Handa na siya para maging asawa ko at ina ng mga magiginganak namin..

Nakatanggap pa ako ng message galing kay Seira. Sinabi niyang chocolate cake na lang daw ang gagawin niya dahil marami siyang kamag-anak na darating na gusto ang chocolate flavor cake. Sinabi ko namang huwag kalimutan ang cookies ko bago ako magpaalam na maliligo na muna.

Hinagis ko sa kama ang cellphone ko bago ako muling pumasok sa bathroom. Iniwan kong nakabukas ang bathroom dahil nakalock naman ang kuwarto ko. Hinubad ko muna lahat ng suot ko bago ako tumungtong sa bathtub. Ibinabad ko doon ang katawan ko habang nakasandal at nakapikit ang mga mata.

Napagod ako sa mga nangyari ngayong araw. Gusto kong magbabad hanggang sa mawala ang lagkit ng katawan ko dahil sa tumalsik na katas ko kanina. Para akong muling tinigasan dahil sa naisip ko pero mas pinili ko ang magpahinga na lang kaysa pagurin pa ang sarili ko sa pagsasarili. Kuntento naman na ako sa nangyari kanina kaya sapat na 'yon para sa akin ngayong araw.

Ilang minuto lang matapos ko makauwi at maligo ay dumating din agad si Daddy. Umakyat si Manang sa aking kuwarto upang ipaalam na kailangan ko nang bumaba dahil naroon na si Daddy.

Tatlong beses munang kumatok si Manang bago siya nagsalita. "Hijo, nasa sala na ang Daddy mo."

"Pababa na po, Manang! Nagbibihis lang po!" sigaw ko upang marinig niya.

"Oh sige. Bilisan mo hijo, baka magalit ang Daddy mo," habilin pa sa akin ni Manang.

"Opo! Salamat po!" Pagkatapos ko magpatuyo ng katawan ay agad na akong nagbihis ng pang bahay. Bago ako lumabas nang kuwarto ay nakatanggap pa ako ng mensahe mula kay Seira.

'Salamat sa tulong kanina. I love you!'

Napangiti ako dahil sa message niya. Hindi na muna ako nag-reply dahil baka magalit na si Daddy. Inihagis ko na lang sa kama ang cellphone ko tsaka ako lumabas ng kuwarto at nagtungo sa sala.

Tulad ng sabi ni Manang ay naroon na si Daddy. Prente siyang nakaupo habang naghihintay sa pagdating ko. Seryoso ang mukha niya at nakatitig lang siya sa mesa kaya naisip ko na seryoso ang pag-uusapan namin.

Nang umupo ako sa harap niya at batiin siya ay doon niya lang napansin ang presensya ko. "Kanina ka pa ba?" tanong niya na medyo gulat pa.

"Kabababa ko lang po, Daddy. Kumusta ang kumpanya?" tanong ko. Dumating si Manang na may dalang kape para kay Daddy at juice naman para sa akin. Mayroon pang isang maid na dumating dala ang cookies na hula ko ay gawa ni Manang.

"Ahm, it's fine. We're keep on enlarging the company for the better future," kuwento sa akin ni Daddy.

"Wow, that's good... Ahm, ano po pala ang pag-uusapan natin, Daddy? Biglaan niyo po kasi akong pinatawag. Tungkol po ba ito sa company?" curious kong tanong. Siguradong seryoso ito dahil pagganitong nagpatawag ng biglaang meeting si Daddy ay may nangyaring hindi maganda o kaya ay may gusto siyang sabihing importanteng bagay.

"Ah, yes. About that thing. Please listen carefully." Medyo lumapit siya kaya ganoon din ang ginawa ko. "I told you a while ago that we are keep on enlarging the company, right?" Tumango naman ako bilang sagot.

"What's with that?" I asked.

"For the sake of our company and also for your future, I and the board of directors decided to merge with Alonzo's Group of Companies." I'm a little shock with the news.

Isang dekada ng magkalaban ang pamilya namin at ng mga Alonzo pagdating sa negosyo. Ang planong pagsamahin ang dalawa sa pinaka malaking kumpanya sa Pilipinas ay siguradong magiging usap-usapan sa loob at labas ng bansa. Magandang plano ito sa parehong panig dahil hindi na namin kailangan magkumpitensya sa sales.

Napatayo ako dahil sa sinabi ni Daddy. "Wow! That's a good news! Congrats, Dad! Finally, after ten years!" masigla kong pahayag. Ito siguro ang rason kung bakit nasa mall namin kanina si Faye. Mukhang mas nauna niya pang nalaman kaysa sa akin ang balita. Masaya ako para sa kumpanya at para kay Daddy ngunit hindi ko maintindihan kung bakit iba ang sinasabi ng mukha at pagiging tahimik ni Daddy. "What's wrong, Dad? You should be happy! We need to celebrate, isn't it?" Nakatitig lang siya sa akin na tila pinapanood ang reaksiyon ko.

"There's one thing that we need to do first. That you need to do," seryosong pahayag ni Dad.

Muli akong umupo. "Me? Why me? Dad, I'm still a student. Wala pa akong alam sa business," natatawa kong sabi habang turo ang sarili.

Hindi ko alam kung ano ang gusto nilang mangyari. Ano namang alam ko sa business namin? Hindi ko pa nga nararanasang hawakan ang business namin pagkatapos ay ako ang paghahawakin nila nito gayong alam nila na mas lalaki pa ito. Hindi ba sila nag-iisip? Siguradong sa oras na ako ang mag-handle ng business ay babagsak ang sales nito.

Natigilan ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang muling magsalita si Dad.

"It's not about handling the business because before doing that I will train you. Iba ang tinutukoy ko sa sinabi ko sa sinabi ko kanina," paliwanag ni Daddy na nagpatango sa akin.

"Oh, I thought you will let me handle the business without a training. I'm afraid to what might happen, that's why I overreacted." Natawa ako dahil sa nangyari. "I should learn how to listen caref-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin ako ni Daddy sa sinabi niya.

"You need to marry, Faye Alonzo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status