"Just do what I said, Lark. I want an update as soon as possible. Do you get it?" mariing saad ni Romano kay Lark, ang private investigator na kinuha niya para mag-imbestiga sa nangyari sa kompanya ng kanyang Lolo Julio.
Kasalukuyan siyang nasa loob ng hotel room na inookupa niya sa pag-aaring resort ng kaibigan niyang si Ethan. Napagpasyahan niyang magbakasyon roon matapos siya nitong ayain. Nagpaunlak siya. Nais niya rin munang magpahinga bago niya tuluyang hawakan ang kompanyang pamana sa kanya ng kanyang abuelo.Kung tutuusin ay matagal nang iginigiit ng kanyang Lolo Julio na hawakan niya ang posisyon bilang presidente ng canning company na sinimulan pa nito. But Romano was hesitant at first. He was thirty-five years old but being serious in life was still out of his mind.Iyon ang bagay na pinagkaiba niya sa kanyang mga kaibigan tulad nina Lorenzo at Ethan. Ang dalawa ay kapwa na seryoso sa mga negosyo ng pamilya ng mga ito. While him--- still the jet-setter that he used to be. Katunayan ay wala siyang ginawa nitong mga nakalipas na buwan kung hindi ang mag-island hopping gamit ang yateng pag-aari niya.He was born rich. Kahit hindi siya magtrabaho ay mabubuhay siya nang maginhawa. Ang kanyang Lolo Julio, ama ng ina niyang si Sonia, ay nagmamay-ari nga ng isang canning company na kilalang-kilala sa Pilipinas. Ang kanyang ama naman na si Rowell Silerio ay nagmamay-ari ng isang textile company.Both his parents came from a well-off family. Iyon ang dahilan kung bakit lumaki siyang may gintong kutsara na sa kanyang bibig.But things changed when he found out what happened to his grandfather's company. May isang empleyado 'di umano itong nagdispalko ng milyon-milyong halaga ng pera na naging dahilan pa ng mild stroke ng kanyang lolo.Nabalot ng galit si Romano at siniguro niyang pagbabayaran ng empleyadong iyon ang ginawa nito. But they weren't able to put him into jail. Kulang sila sa ebidensiya dahilan para malaya pa rin ngayon ang taong iyon.Ang tanging naging basehan nang akusasyon nila ay ang ilang beses na pagkakahuli ng personal assistant ng kanyang lolo sa naturang empleyado. Ayon kay Primo, Julio's assistant, ilang beses na raw nitong nakikitang may kadudang-dudang ginagawa ang empleyado nila dahilan para ito ang ituro nilang siyang nagnakaw sa kanilang kompanya.Maliban doon, ang empleyadong iyon din ang accountant ng kanilang canning company. Marahil ay iyon ang dahilan para nagagawa nitong doktorin ang report ng kanilang income."By the way," muli niyang saad kay Lark. "Isama mo sa iimbestigahan ang pamilya ng empleyado ni Lolo Julio. Gusto kong makilala ang pamilya niya. What's the name again of this employee?""Wilfredo, sir. Wilfredo Aguilar," tugon ni Lark mula sa kabilang linya."Know everything about him. Alamin mo kung may kaduda-duda sa pamilya niya. As much as possible, I want you to look for evidences if he's the one who embezzled money from the company.""Copy, sir."Iyon lamang at nagpaalam na ito. Pabalang na basta na lamang niyang inihagis ang kanyang cell phone sa ibabaw ng kama. Inabot na rin niya ang polo shirt at isinuot iyon.Ilang araw na rin siyang namamalagi sa resort ni Ethan. He must say, he enjoyed his stay there. Tahimik at maganda ang naturang lugar kaya hindi na siya nagtataka kung bakit lagi na ay maraming turista ang nais makarating roon.He heaved out a sigh. Tiningnan niya pa ang kanyang sarili sa salamin saka nagpasya nang lumabas ng silid.Pagkatapos ng bakasyong iyon ay ihahanda na niya ang kanyang sarili sa mas malaking responsibilidad na kanyang kakaharapin--- ang pagiging presidente ng JG Canning Company. JG that stood for his grandfather's name, Julio Gracia.He has no choice but to take the position. Mabuti-buti na rin naman ang kalagayan ng kanyang lolo bago siya magtungo sa naturang resort ngunit sa kabila niyon ay nais muna ni Romano na magpahinga ito. Ang kanyang ina naman ay hindi nais hawakan ang naturang posisyon. Katulong na kasi ito ng kanyang ama sa pamamahala ng negosyo nila.Ngunit bago niya tuluyang pamahalaan ang kompanya ay nais niya munang ayusin ang problemang naging sanhi ng atake ng Lolo Julio niya. As much as possible, gusto niyang mahuli kung sino ang nagdispalko ng pera sa kompanya. Iyon ang dahilan kung bakit siya nagsagawa ng sarili niyang imbestigasyon.Mula sa silid na inookupa ay nagpasya si Romano na magtungo sa bar ng resort. He wanted to drink. Bago man lang siya masabak sa malaking obligasyon ay nais niyang lubos-lubusin ang bakasyon na iyon.He even tried searching for his friend, Ethan. Ngunit simula nang dumating siya sa resort nito ay lagi nang abala ang kaibigan niya sa trabaho. Halos gusto niya pang tudyuin ito. Hindi man kasi magkwento si Ethan ay alam niyang abala ito sa babae, just like Lorenzo.Ni hindi niya pa maiwasang mapangiti nang maalalang nahuli nila si Lorenzo na may itinatagong babae sa condo unit nito. Halos masukol ito at mahirapang magpaliwanag sa kanila.Napapailing na dumiretso siya sa counter ng bar upang umorder ng inumin. He can't imagine himself to be like Lorenzo, mukhang nagiging seryoso na sa babae. Mas masaya para sa kanya ang ganitong buhay--- malaya at nagagawa niya ano mang gustuhin.Nang maibigay sa kanya ang inumin ay naupo sa mataas na stool si Romano, patalikod sa counter. Isinandal niya pa roon ang kanyang likod habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng lugar. He was also sipping from his beer as he roamed his eyes around.Karamihan sa mga nasa bar ay foreigner. Kilala naman kasi ang Pilipinas sa magagandang beaches at isa na nga roon ang resort ng kanyang kaibigan. Nagkakasayahan na ang lahat at may ilan pang nakikiindak sa mabilis na tempo ng kantang itinutugtog ng isang banda.Sa muli niyang paggala ng kanyang paningin sa loob ng bar ay natanawan niya ang isang pamilyar na bulto--- ang babaeng nakita niya nang isang araw sa may dagat, sumisigaw ng labis na hinanakit sa dalawang taong nahihinuha niyang sanhi ng kalungkutan sa tinig nito. Pati sa mga mata ng dalaga ay nasilip niya ang lungkot na iyon.Napakunot pa siya ng kanyang noo nang mapansin ang uri ng pag-inom na ginagawa nito. Kasalukuyan ding nasa bar ang dalaga at sa mesang kaharap ay sandamakmak na inumin ang nakapatong.She was drinking as if there's no tomorrow. Lalo pang nagusot ang noo ni Romano nang mapansin niya ang ibang lalaking napapalingon na sa dalaga. Karamihan pa ay mga banyaga.He sipped from his bottle as he stood up from the stool. He walked closer to where the woman was sitting. Nang makalapit ay bigla na lang siyang naupo sa tabi ng dalaga kahit pa wala namang paanyaya mula dito.Because of what he did, the woman harshly turned to look at him. Sa kabila ng nakainom na ito ay agad na nakita ni Romano ang recognition sa maganda nitong mukha. Alam niyang nakilala siya ng babae.*****ANALYN'S forehead instantly furrowed as she recognized the man who sat beside her uninvited. Ito ang lalaking nakakita sa kanyang sumisigaw sa dagat nang isang araw. Hindi niya pa maiwasang makadama ng inis dito nang bigla na lang ay nakalolokong ialok nito sa kanya ang sarili upang matulungan siyang makalimot.Hindi siya tanga para hindi maunawaan ang nais ipahiwatig ng binata. Alam niya ang ibig sabihin ng ganoong mga banat. At iyon nga ang dahilan kung bakit nakadama siya ng inis para sa estranghero. Presko ito at antipatiko.Ano ba ang akala nito? Basta na lang siyang papayag sa nais nito? A hanky-panky kind of relationship with him until their vacation lasted?"What are you doing here?" paasik niyang tanong sa binata.The man smirked. Nakatitig ito sa kanyang mukha habang may naglalarong kaaliwan sa mga mata."The last time I checked, nakabakasyon pa rin naman ako sa resort na ito, Miss. So, I am entitled to go to all the amenities that it has, including in this bar."Her eyebrow arched upwardly. "Ang ibig kong sabihin ay diyan," saad niya sabay nguso sa kinauupuan nito. "Did I invite you to sit?""I invited myself," nakaloloko nitong sabi sabay inom sa bote ng beer na hawak nito. He was drinking but his stares did not even leave her."I want to be alone, mister.""Mas masayang uminom nang may kasama," giit pa nito."Can't you understand---""Umiinom ka ba dahil sa heartache? Kaya ba narito sa lugar na ito? To heal a broken heart?"She did not bother to answer. Sa halip na magsalita ay inabot niya ang isang champagne flute at dinala iyon sa kanyang bibig. Inisang lagok niya ang inumin na naging dahilan ng pagguhit ng init sa kanyang lalamunan.Ang binata ay nakamasid lamang sa kanya hanggang sa ilapag niya ulit sa mesa ang pinag-inuman. Kanina pa siya roon umiinom bago pa man siya nito lapitan. Pakiramdam niya nga ay umeepekto na ang alak sa kanyang katawan."Am I right? This Josh broke your heart," anito sabay inom ulit sa boteng hawak nito."Because he was an asshole," wika niya sa galit na tinig. Sanhi na ng pagkalasing ang mga lumalabas sa kanyang bibig. "He was nothing but a cheat. Pinagpalit ako sa kaibigan ko."The man looked at her intently. Waring hindi ito makapaniwala na nagsimula siyang magsalaysay."We were about to get married," saad niya kasabay ng pagak na pagtawa. "But I caught them making out in a pool. Aren't they supposed to go to hell?""Bakit mo lulunurin ang sarili mo sa alak dahil sa ex mong wala naman palang kwenta? Why not take it as a blessing in disguise? At least, nahuli mo sila bago pa man kayo ikasal. Imagine to learn everything after marrying him. That would be more painful,sweetheart.""Sweetheart?"Sa muli ay natawa si Analyn. Siguro nga ay totoong lasing na siya sapagkat mistulang naging tunog mapang-akit ang tawang pinakawalan niya. Dala na rin marahil ng epekto ng alak kaya niya kinakausap ang estrangherong katulad nito, bagay na hindi niya ginagawa kung sakaling nasa tamang huwisyo siya."I don't know your name so I am calling you that way.""Is that your way of asking me what my name is?" aniya sa matapang na tinig."Am I obvious?" balik-tanong nito."Analyn," tipid niyang sabi sabay dampot ulit ng isang inuming nasa mesa saka iyon dinala sa kanyang bibig.He slowly nodded. "Want to enjoy the night with me? Let us dance. Mas maiging iyon ang gawin kaysa ang isipin pa ang manloloko mong kasintahan."She turned to look at him. Just like her, he was also staring at her face. Hindi niya alam kung paanong nagsimula na nagpahinuhod siya sa paanyaya ng binata. Natagpuan na lang ni Analyn ang kanyang sarili na tumayo kaagapay ito at humakbang patungo sa gitna ng bar kung saan naroon ang ibang taong nagkakasayahan.May maharot na tugtugin na ngayon ay pumapailanlang sa paligid. The people around them were dancing. Ang iba ay halos nagwala na sa dance floor sanhi ng epekto ng alak. And Analyn did something that she had never done before in her entire life--- she danced with a stranger.She started moving her body according to the song's tempo. Kaharap niya ang estranghero na pakiramdam niya ay halos hindi naman gumagalaw sa kinatatayuan nito at mataman lamang na nakamasid sa kanya."You aren't moving. Is that how you dance?" pasigaw niyang saad dito. Sadyang nilakasan niya ang kanyang tinig sapagkat malakas din ang tugtog sa paligid.To her surprised, the man suddenly grabbed her waist and pulled her closer to him. Ang ginawa nito ay nangpangyari para madikit siya sa binata. Ang maskulado nitong katawan ay nakadaiti na ngayon sa kanya.Analyn stopped on her track. Napaawang siya ng kanyang bibig habang nakatingala dito."W-What are you doing?" sambit siya. Halos naging nabuway pa ang pagkakasabi niya ng bawat salita. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa nalalasing na siya o dahil sa kakaibang init na nadama niya sanhi ng pagdikit ng kanilang mga katawan."Dancing..." tipid na saad ng lalaki sabay hapit pa sa kanyang baywang.Nagsimula itong igalaw ang katawan sa mabagal na paraan. Dahil sa hawak siya nito ay napapasabay na lang siya sa kilos ng binata. They looked like idiots dancing slowly while the song being played by the band was rock and fast.It was like a spell was casted to the two of them. O marahil ay dala lang talaga ng alak na nainom nila. Walang ibang nakikitang dahilan si Analyn kung bakit siya nakadarama ng ganoon kung hindi ang espirito ng inumin na ngayon ay umeepekto na sa kanyang katawan.Kung hindi siya lasing, bakit hindi siya pumalag nang unti-unti ay bumaba ang mukha ng estranghero sa kanya? Naipikit niya na nga lang ang kanyang mga mata nang bigla ay sakupin nito ang kanyang mga labi.The moment Romano claimed Analyn's lips, he felt the electrifying emotion that he could not give a name. Her lips was soft and sweet, something that lost his control right at that moment.Sa totoo lang, sa may dagat pa lang ay pansin na niya ang gandang taglay nito. Iyon ay sa kabila ng lungkot na nakalarawan sa mga mata ng dalaga na kalaunan ay napalitan pa ng inis para sa kanya nang alukin niya ang kanyang sarili dito.Her beauty was exotic. It was something that would make her different from all the women he has dated before. Lahat ng babaeng dumaan na sa buhay niya ay pawang magaganda at sopistika kung kumilos, kaibang-kaiba sa babaeng hinahalikan niya ngayon.Analyn was just simple. Sa kabila ng kasimplehang taglay nito ay hindi rin natatawaran ang gandang taglay ng dalaga. Nang yayain niya itong sumayaw ay halos mapigil pa ni Romano ang kanyang paghinga nang magsimulang umindayog ang katawan nito.Why, she was moving gracefully that he felt like her movement was teasing him!She
Analyn gasped loudly as Romano touched the most sensitive part of her body. It was something that no one has ever done to her, not even Josh who has been her boyfriend for three years.Hindi niya alam kung bakit siya sumama sa binata na dalawang beses niya pa lamang nakatagpo. Ni hindi niya alam kung bakit niya ito pinapayagang gawin sa kanya ang mga bagay na dapat ay ginagawa lamang ng dalawang taong magkarelasyon.And despite the idea that they already knew their names, Romano was still a stranger for her. Ni wala siyang alam tungkol sa pagkatao nito. Pero bakit hindi niya ito pinapahinto? He even asked her to leave his room and back out. But instead of following him, she offered herself even more.Sa maraming pagkakataon ay tinanggihan niya si Josh. Ano mang pag-aaya nito ay hindi niya pinagbigyan ang dating kasintahan maliban sa mga malalalim na halik at yakap lamang. Pero bakit sa lalaking ito ay nadadarang siya? Bakit hinahayaan niya itong hagkan siya at mahawakan sa maseselang
Matapos patayin ang shower ay agad na inabot ni Romano ang puting tuwalyang nakasabit sa may kaliwang panig niya. Ipinunas niya iyon sa kanya saka itinapis sa ibabang parte ng kanyang katawan.Halos tumutulo pa ang ilang tubig mula sa buhok ni Romano patungo sa kanyang matipunong dibdib nang lumabas siya ng banyo. Akmang tutuloy na siya sa kanyang bag para kumuha ng masusuot nang matigilan siya sa may hamba pa lang ng pintuan.His eyes darted to the bed. Magulo pa ang bedsheet at comforter doon tanda ng mga naganap kagabi. Ngunit kung may mas nagpatigil sa kanya sa kinatatayuan, iyon ay ang katotohanan na wala na roon ang babaeng kanina lang ay iniwan niyang mahimbing pang natutulog... ang babaeng nakaulayaw niya kagabi.Sa kabila nga ng halos anong oras na sila nakatulog kagabi ay maaga pa ring nagising si Romano. He woke up while his hand was around her naked body. Halos nais niya pang murahin ang kanyang sarili nang magising at mapagtantong yakap niya ang hubad na katawan ni Analyn
"Hindi ko maintindihan, papa. Paanong ikaw ang pinagbintangan gayong ang tagal mo na sa kompanyang iyan?" wika ni Analyn sa kanyang ama.Kasalukuyan niyang kasama ang kanyang ama at ina. Nasa komedor sila at pinag-uusapan nga ang tungkol sa nangyari sa pinapasukang kompanya ng kanyang Papa Wilfredo. Lahat sila ay may tig-iisang tasa ng kape na sadyang ang kanyang ina pa ang nagtimpla.Nakaupo si Wilfredo sa kabisera ng mesa. Ang kanyang inang si Vilma ay nakapwesto sa kanan nito habang si Analyn ay hindi mapalagay na palakad-lakad. Ang bunso sa kanilang pamilya na si Anjielyn ay kasalukuyan pang nasa university na pinapasukan nito."Ako ang accountant ng JGCC, Analyn. Iniisip nila na minamanipula ko ang bawat financial report ng kompanya. I don't know pero iyon lang ang nakikita kong rason kung bakit ako ang pinagbibintangan nila.""Hindi lang ikaw ang nasa accounting department, papa," giit niya pa. Huminto siya sa pagpapabalik-balik ng lakad at napahawak sa sandalan ng upuang nasa h
Mabilis ang naging pagtalikod ni Analyn nang makita siya nito. Akmang aalis na ang dalaga ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa nito ay agad nang tinawid ni Romano ang distansiya sa pagitan nilang dalawa saka ito marahas na hinawakan sa kanang braso.Analyn flinched and instantly turned to look at him. Dahilan iyon para muli niyang masilayan ang mukha nito na ngayon ay kababakasan na ng pagkabahala."Bitiwan mo ako," mariin nitong saad kasabay ng pilit na pagbawi sa braso nitong hawak niya.But Romano did not obey what she said. Marahan niya pa munang iginala ang kanyang paningin sa kanilang paligid saka iginiya ang dalaga palapit ulit sa kinapaparadahan ng kotse niya.Nang mapansin ni Analyn ang balak niyang gawin ay mas naging mariin ang pagbawi nito sa sariling braso. Sanhi iyon para mahinto siya sa pag-akay sa dalaga at muling pagharap dito."Bitiwan mo sabi ako. Hindi mo ba ako narinig? Or you want me to shout here para makaagaw tayo ng atensiyon?" wika nito na may pagbaban
"Hindi mo dapat ginawa iyon. Why did you have to call me that way in front of them? Iisipin nila na may relasyon tayong dalawa," mariing lintanya ni Analyn kay Romano.Kasalukuyan pa silang nasa loob ng sasakyan nito. Mula sa lugar kung saan sila nagkaharap-harap nina Josh at Cristina ay basta na lamang siya inakay ni Romano na pumasok sa loob ng kotse nito saka ito nagmaneho paalis.Sa ngayon ay nakahinto na sila sa tabi ng kalsada ngunit kapwa pa rin nakaupo sa loob ng sasakyan ng binata. Hindi niya maiwasan ang pag-alpas ng galit, kung kanino mas partikular ay hindi na niya mawari.Alam niyang nakadarama siya ng galit para kay Josh at Cristina. Matapos ng ginawa ng mga ito sa kanya ay hayun at lumalabas na nga ang dalawa nang magkasama. Sadyang pinanindigan na ang panloloko sa kanya.On the other hand, hindi niya rin maiwasang magalit kay Romano. Hindi niya maunawaan kung para saan ang ginawa nito kanina. Hindi man nito aminin ngunit alam niyang sinadya ng binata ang ginawa nitong
"Fvck! Bullshit!" sunod-sunod na pagmumura ni Josh habang magkakasunod na pukpok din ang kanyang ginawa sa manibela ng kotse niya. Halos gumawa pa ng mahinang tunog ang kanyang mga ngipin dahil sa galit na nadarama.Nasa loob pa siya ng kanyang sasakyan kasama si Cristina. Nakaupo si Josh sa may driver's seat habang ang dalaga naman ay nasa passenger's seat at nababahalang nakatitig sa kanya.Isa pa muling hampas sa manibela ang kanyang ginawa na sadyang ikinapitlag pa ng kanyang kasama."J-Josh, will you calm down? Walang mangyayari kung paiiralin mo iyang galit mo. In the first place, ano ba ang ikinagagalit mo?" wika sa kanya ni Cristina."Hindi ko maintindihan kung paanong nakilala ni Analyn ang Silerio na iyon," nangangalaiti niyang sabi. "Hindi mo ba napansin ang paghawak-hawak ng lalaking iyon kay Analyn, plus the endearment that he used to call her. Damn!""Nagagalit ka dahil sa may iba na rin si Analyn? Iyon ba?" bigla ay tanong ni Cristina. Hindi pa nakaligtas sa pandinig ni
"Are you out of your mind? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Romano?" gulantang na tanong ng kaibigan niyang si Hendrick. Marahas pa itong napalingon sa kanya at natigil sa balak sanang pagsalin pa ng alak sa sarili nitong kopita. Hindi kasi ito makapaniwala nang marinig ang mga sinabi niya.Kasama niya ang kanyang kaibigan at kasalukuyang nasa loob sila ng opisina nito sa pag-aaring recording company. Hendrick has a wonderful singing voice. Minsan na rin naman niya itong narinig na umawit at totoong humanga din siya sa ganda ng boses ng binata.Pero bihira lang kung kumanta si Hendrick. May pakiramdam pa siya na pilit na nitong iniiwasang umawit, kung ano man ang dahilan ay hindi niya alam. Hindi ito makwento 'di tulad ng iba nilang mga kaibigan.Isa lang din si Hendrick sa mga matatalik niyang kaibigan tulad nina Lorenzo, Ethan at Winston. Ang iba pa nilang mga kaibigan ay abala din sa kanya-kanyang buhay at negosyo ng mga ito. Pero once in a while ay sadyang nagkikita-kita din s