LOGINSi Jade na isang ampon ng pamilya Guevarra ay napilitang akuin ang kasalanan ng tunay na anak na si Xianne kaya nakulong siya ng limang taon. Paglaya niya nya ibang-iba na ang mundo na iniwan nya—ang dating fiancee nya ay fiancee na ni Xianne. Takot naman ang kuya ni Jade na guluhin niya ang kasal ni Xianne kaya kung anu-anong panglalait at pang-aapi ang ginawa nito sa kanya. Palagi itong kumakampi kay Xianne sa lahat ng bagay. Ang masakit pa, ang anak na matagal na niyang inaasam na makasama ay iba na ang tinatawag at tinuturing na Mommy. Noong sagad na ang pagod ni Jade physically at mentally ay aksidente niyang nakilala ang isang maimpluwensyang tao na tinitingala ng lahat... si Ezekiel. Ang tiyuhin ng kanyang dating fiancee na si Asher. Sabi nga nila ay mas masarap mamahinga sa lilim ng isang matatag na puno. Binigyan siya ni Ezekiel ng kakaibang pagkalinga at ng lakas ng loob para makaahon mula sa impyernong pinagdaanan niya. Kalaunan ay hindi na lang siya basta si Jade Guevarra—siya na ang masayang si Mrs. Jade Elizalde. Mayroon na siyang perpektong asawa, isang cute na anak, at bagong pamilyang sobrang nagmamahal sa kanya. Unti-unti nang naghihilom ang mga sugat sa puso niya at lalong gumaganda ang takbo ng buhay niya. "Jade, gusto mo bang bumalik sa amin?" "Hinding-hindi na... hinding-hindi na ako babalik sainyo." Ngayon, ang dati niyang ex fiancee at ang buong pamilya Guevarra ay nakaluhod na sa harap niya at nagmamakaawang patawarin sila. Sobrang pagsisisi ang nararamdaman nila at hinihiling na lingunin man lang sila ni Jade kahit isang beses lang, pero huli na ang lahat. Hinding hindi na sya babalik sa mga ito!
View MoreNamutla nang husto si Jade. Hindi niya inasahan na sasabihin iyon ni August sa harap ng maraming tao. Ang pinakamalala sa lahat ay ang malisya sa likod ng mga salita nito—hindi hobby o interes ang tinutukoy nito kundi ang katawan niya. "Side interest ko lang ang pagpa-part-time bilang waitress. Hindi ako naghihirap," sabi ni Jade na may pilit na ngiti. Kahit nagpapanggap lang siya ay kailangan niya itong gawin para makahanap ng tyansang makatakas. Kahit gustong-gusto na niyang magalit ay pinigilan niya ang sarili. Ang galit ay hahantong lang sa gulo, at sa sitwasyon niya ngayon na wala siyang pangalan o back-up ay kailangan niyang umiwas sa kahit anong conflict. Isa pa ay subordinate siya ni Zhenna. Dahil wala sa duty si Zhenna ngayon ay ayaw niyang gawan ito ng problema. Gusto lang niyang maayos ito nang tahimik. "Jade, huwag ka nang magsinungaling. Magkakasama tayo sa iisang circle. Isang tanong lang sa paligid at malalaman na agad kung gaano kahirap ang sitwasyon mo." Mayaban
Alam ni Asher na araw-araw pumupunta si Jade para makita si Caleb. Sinasadya niyang hindi magpakita dahil gusto niyang makita kung paano siya susubukang kontakin ni Jade. Sa isip niya ay si Caleb ang nagsisilbing tali na mag-uugnay sa kanila habambuhay. Naniniwala siya na ang hirap na pinagdaanan ni Jade para lang maipanganak si Caleb ay patunay na malalim pa rin ang pagmamahal nito sa kanya. Inasahan niya na pagkalabas nito ng kulungan ay gagamitin nito ang lahat ng paraan—umpisa sa anak nila—para lang makabalik sa piling niya.Pero naghintay siya nang naghintay, at parang hangin lang siya kay Jade. Araw-araw lang itong nakikipagkita kay Caleb at tahimik na umaalis ng Madrigal Estate.Habang lalo siyang binabalewala ay lalong hindi mapakali si Asher."Jade, tigilan mo na ang panloloko sa sarili mo! Alam ng lahat kung gaano mo ako ka desperadong minahal. Yung baluktot na pagmamahal mo na yun ang sumira sa buhay mo at nagdala sayo sa kulungan!"Sa dulo ay hindi na napigilan ni Jade.
Siyempre ay walang kaalam alam si Jade sa gulo ng isip ni Ezekiel. Tumango lang siya nang walang pag-aalinlangan. "Oo naman. Gusto ko sanang makakain si Yuze ng kahit anong gusto niya, pero... hindi talaga kaya ng health niya. Sa totoo lang, tingin ko ang pinakamalaking kaligayahan na pwedeng makuha ng isang tao ay ang mabuhay nang walang masyadong bawal." "Kahit sa pagkain man yan o sa mga bagay na gusto mong gawin," mahina niyang dagdag. Sa loob-loob niya ay naiinggit siya kay Xianne. Kahit gumawa si Xianne ng mga bagay na talagang malala ay laging nandoon ang mga magulang nila at si Vince para protektahan ito. Hindi nila ito sinisisi. Sa halip ay pakiramdam nila ay may utang sila rito dahil sa kapabayaan nila noong makidnap ito. Siguro nga ang pagmamahal ay ganoon—yung pakiramdam na lagi kang may utang sa isang tao. Pero habang iniisip niya iyon ay nakaramdam siya ng kaunting kalituhan. Bakit ba siya ganito kadedikado kay Yuze? Ang pag-aalala niya ay tila nahihigitan na ang n
Dati, ang akala ni Jade ay isang malamig at walang pusong tao si Ezekiel—yung tipong sobrang hirap pakisamahan. Hindi niya inaasahan na si Ezekiel, na halos estranghero sa kanya, ang gagawa ng paraan para bigyan siya ng dignidad. Samantalang si Vince, ang kuya na kasama niya sa paglaki ay binalewala ang nararamdaman niya at harap-harapan pa siyang ipinahiya. Nang marinig mismo kay Ezekiel na guest ng pamilya Elizalde si Jade ay bakas ang matinding gulat sa mukha nina Vince at Xianne. Si Lenora naman ay mukhang tuwang-tuwa. Agad siyang bumati. "Mr. Elizalde, matagal na rin tayong hindi nagkikita. Pasok ka muna at maupo sandali." Sumulyap si Ezekiel sa loob at bahagyang tumango bilang paggalang. "Hindi ko alam na naka-confine din pala rito si Mrs. Guevarra. Kamusta ang pakiramdam niyo?" Nagulat si Lenora sa pagiging polite ni Ezekiel sa kanya. Dahil dito ay pakiramdam niya ay nakikinabang siya sa panganay niyang anak na si Jade. Dati na silang nagkaka-krus ng landas ni Eze






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews