CHAPTER 51 “Bastos ang bibig mo, Sebastian,” salubong niya nang binuksan ang pinto ng kanyang opisina. Nanghahamon na tumaas ang isang kilay nito. “Hindi pa ‘yon bastos. And this mouth will devour—” “Oh my God, tama na!” Tinakpan niya ang bibig ni Sebastian, namumula ang mga pisngi. He laughed and held her hand. “I have dinner.” “Naghintay ka talaga sa labas?” tanong niya at sumilip sa pinto. Patay na ang mga ilaw sa mga katabing opisina kaya nakahinga siya ng maluwag. “Alam kong hindi mo ako susundin.” Ngumuso siya at ni-lock ang pinto. “Marami nga kasi akong trabaho. Halos isang buwan akong nawala.” Hindi sumagot si Sebastian bagkus nakatingin lamang ito sa door know. Uminit ang magkabilang pisngi niya at namimilog ang mga mata. “Mali ang iniisip mo.” Sebastian’s lips rose up. His eyes were twinkling with naughtiness. “I didn’t say anything, Love.” Humalukipkip at dinilaan ang pang-ibabang labi. “But if you have something in mind—” “Ikaw ang nag-text sa akin ng ku
CHAPTER 52 “Si Daddy ko po, Mommy. Nasaan?” takang tanong ni Sevi nang makitang nag-iisa lang siya nang sunduin niya ito sa school. “May meeting pa. Hahabol na lang mamayang dinner. Doon muna ulit tayo sa lola mo.” Malaking ngumiti si Sevirious at tumangu-tango. “Yehey! Laro ulit kami ni Grandpa-Dada.” “Ano naman nilalaro niyo?” tawa niya nang tumalon-talon ang bulilit. “Chess po. Grandpa-Dada is really good. Palagi niya akong checkmate. Isang beses ko lang po siya natalo.” “Wow!” puri niya. “Ang galing-galing naman.” Pinasakay niya ang bata sa loob bago kinawayan si Mang Rene na nakikipag-usap sa driver ng kaklase ni Sevi. Kinawayan niya si Mang Rene na nakikipag-usap sa driver ng kaklase ni Sevi. “Sabi ko po kay Grandpa-Dada, turo ako ng chess ni Lolo ko pang isa.” Nauwi sa ngiwi ang ngiti niya. “Do’n po kami laro sa malaking bahay ni Lolo. Kaya lang bad siya. Bakit bad si Lolo, Mommy po?” Hindi niya alam ang sasabihin. “Galit siya sa daddy ko tapos put
CHAPTER 53 Dinala siya ni Sebastian sa mapunong pinakalikuran ng mansion. Napanganga siya nang makita ang tree house sa taas ng malaking puno nang mag-angat siya ng tingin. “Anong gagawin natin sa taas?” kulit niya kay Sebastian nang pinatapak siya nito sa hagdan na gawa sa matibay na kahoy. “You’ll see. Careful, Love.” “Ang weird niyo ngayon,” nagdududa niyang akusa rito na sinagot lang ng mabilis na h alik sa mga labi niya. “Just wait ‘til you see how weird I am.” Pinanood niya ang pagsuksok nito ng susi sa sa lock. Nanginginig pa ang mga kamay. Akala niya ay normal lang na itsura ng tree house ang loob. Awang ang mga labing inisa-isa niya ang nakasabit na larawan nila ni Sebastian noong kolehiyo sila. “Bakit nasa ‘yo pa ang mga ito?” Tinagu-tago pa talaga nito ang kakornihan na pagbibigay ng love-letter sa kanya dahil sinabi niya noon na gusto niya sa lalaki ay maginoo. “Saan mo nakuha ang mga ‘to, Seb,” she asked, almost crying. Hindi niya na matandaan
CHAPTER 54 Nakangising umiling si Nexus. “Sorry, Man. Kami ang naunang magsabi kina Papa.” Umungol ito sa pagkadisgusto kaya nilapitan niya. “Sila na ang mauuna,” aniya at ipinulupot ang mga kamay rito. “Why? I proposed to you first.” Malambing niyang hinaplos ang pisngi ni Sebastian. Awtomatiko namang lumambot ang mukha nito. Nagpagiya sa kanya nang hinila niya papunta sa likod-bahay upang mag-usap. “I want to marry you,” parang bata ito nagmamaktol. “Marami pa naman tayong mga araw na magkakasama. Sila na muna. Stephanie is so happy with the engagement. Ayaw kong sirain iyon.” “Fine. But we’ll get married the next day of their wedding.” Umawang ang labi niya na ikinangisi nito. “I can do that. And still be the wedding of the year.” Umiling-iling siya at pumamewang sa harap nito. “Hindi papayag sina Mama.” “Why? I’ll talk to Papa.” “Hindi sila tutol na ikasal tayo. Tututol sila na ikakasal tayo sa kaparehong taon ng kasal ng kapatid ko.” “What?” liton
CHAPTER 55 Naunang umuwi si Sebastian kinahapunan. Ito na raw ang susundo kay Sevi. Hindi na rin siya tumutol dahil niyaya siya nina Andy na pumunta sa mall. Nang magpaalam siya kay Sebastian, ibinilin nitong isasama nila si Kuya Walter bilang driver at bodyguard nila. Kilig na kilig ang dalawang babae nang h alikan siya ni Sebastian sa noo bago ito sumakay sa sariling kotse at umalis. “Oh my God! Boyfriend mo talaga si Sir, Nesh?” bulalas ni Ditas nang makapasok sila sa loob ng kotse. “Hindi niya boyfriend, asawa na yata.” Sabay na bumaba ang tingin ng dalawa sa kanyang singsing. Hinayaan niyang mag-assume ang dalawa habang nagtitili. Pumasok si Kuya Walter sa loob at sinilip siya sa rearview mirror. “Saan po tayo, Ma’am? “Sa mall po, Kuya.” Pinaandar na nito ang kotse paalis. “Nag-text nga po pala si Sir sa akin na titingnan niya raw kung ginamit mo po ang ibinigay niya sa ‘yo. Hindi raw po kita i-uuwi hangga’t walang nababawas.” Napangiwi siya sa nar
CHAPTER 56 “Take care of mommy when I’m away, Buddy.” Ginulo ni Sebastian ang buhok ng anak nang makarating sila sa Vesarius airline. Nasa di-kalayuan ang pribadong eroplano na pag-aari ng pamilyang Rocc. “Opo. Balik ka po and pasalubong po ng bigboy.” The Rocc Pharma Branch in Australia faced a crisis and Sebastian needed to attend the problem personally. No’ng isang linggo pa siya nito kinukulit na sumama sila ni Sevi. Mariin niyang tinanggihan dahil may trabaho siya at may pasok sa eskwela ang anak nila. It’s just one to two weeks. It’s not like they will not see each other again for years. Tumaas ang paningin sa kanya ni Sebastian. Muntik na siyang matawa sa namumula nitong mga mata. “I’m gonna miss you and our son.” “We’ll be okay, Seb. Saka ilang araw na lang, uuwi na sina Tita Florence. Safe naman ang Northshire Town.” Inabot siya nito at maingat na pinaloob sa matitigas na bisig. H umalik ng ilang beses sa kanyang noo. “I don’t want to go, Mommy Nesh.” She l
CHAPTER 57 Kunot ang noo ni Sebastian habang panay ang tipa niya sa cellphone number ni Neshara Fil. Nakailang tawag na siya rito simula pa kaninang alas-syete ng gabi, pagkauwing-pagkauwi niya galing sa opisina. Alas-nwebe na nang gabi sa Australia at alas-syete naman sa Pilipinas. Nakauwi na dapat ito at si Sevi sa bahay nila. Ring nang ring lang ang cellphone nito kanina na ngayon nga ay naka-off na. He even tried calling Mang Rene but the old man was in the hospital for his wife. Mabilis niyang sinagot ang tawag nang makitang si Roman iyon. “Dad, nasa Pilipinas na ba kayo? Are you with Nesh and Sevi? Tell my wife to answer my call.” “Iyon ang itinawag namin sa ‘yo, Sebastian.” “What? Why, what happened?” Nakapamewang na nagpalakad-lakad siya. “Tumawag ang security guard ng Northshire Academy. Kung hindi pa sila naglibot sa buong eskwelahan, hindi malalaman na naiwan ang apo ko ng mag-isa sa waiting shed. Umiiyak si Sevi, alas-syete na nang gabi.” “F uck! Where’s
CHAPTER 58 “Nesh, wake up. Nesh, please!” Naririnig niya ang boses ni Sebastian mula sa kung saan. Tila alarm clock iyon na nagpagising sa kanya. Nawala ang mga imahe sa kanyang harapan at pumalit ang kadiliman. “N-Nesh. Come on, Love. Wake up, please!” Sebastian’s voice was trembling. She forced herself to open her eyes. It was hard and painful. Parang pinupokpok ang ulo niya sa sakit. Sa nanlalabong paningin, nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Sebastian. Gusto niyang tawagin ang pangalan at tanungin kung bakit nandito na ito. Subalit, hindi niya magawang buksan ang kanyang bibig. She was too weak to open her lips or lift her finger. Pakiramdam niya ay pagod na pagod ang buo niyang sistema. Ang sakit ng ulo niya kanina pa. “P utangina! Tumawag kayo ng ambulansya. Nasaan ang ambulansya?! Sinong may gawa nito sa asawa ko?!” Muling bumagsak ang kanyang mga mata. Ramdam niya ang panunuyo ng mga labi. “MALANDI ka! Nilandi mo ang asawa ko.” “Hindi ko alam na may asawa