Share

Chapter 9 (Part 1)

CHAPTER 9 (PART 1)

“Miss, hindi pa po ba magsisimula?” 

“I’m sorry po, wala pa kasi si Sir,” hingi niya ng paumanhin sa aplikante na nagtanong. “May inasikaso lang siyang importante. He’s on his way here.”

“Sige po. Kahapon pa kasi kami naghihintay.”

Awkward na nginitian niya ang mga aplikante na nakahilera sa waiting area

Nakapagdahilan nga siyang masakit ang tiyan nang pinapasama siya ni Sebastian sa lunch pero ininis naman siya kinahapunan. 

Nagdagsaan ang mga aplikante ngayong araw dahil napilitan siyang pauwiin ang mga ito kahapon. 

Mabuti na lang at dumating na kahapon si Heather mula sa ibang bansa kaya napawi ang pagkabwisit niya.

“Sir, nasaan na po kayo?” bungad niya nang sagutin ang tawag nito. 

“We’re going to Manila, Ms. Mijares. Get yourself ready in ten minutes.”

“Po? Sir, maraming aplikante na rito.”

“Pauwiin mo na.”

“Ako na lang ang magi-interview sa kanila.”

Narinig niya ang pag-tsk nito sa kabilang linya. “I instructed the HR to give them ten thousand each for wasting their time.”

Hindi siya naka-imik nang matantya kung ilang halaga ang magagastos lahat.

“Is that okay now, Mijares? I don’t have time for this.”

Nganga ang mga aplikante nang i-anunsyo niya ang pagbibigay ‘ayuda’ ng boss niyang hindi na naman susulpot. 

Inayos niya ang kanyang mga gamit at ni-text si Heather para maki-usap na ito na muna ang bahala kay Sevi. Pumayag naman ito dahil miss na miss na raw ang inaanak. 

Pinanlalamigan si Neshara nang makita kung anong klaseng sasakyan ang naghihintay nang makarating ang sumundong kotse sa pribado at malawak na lupain. 

“D-D’yan tayo sasakay?” Nawala ang poise na itinuro niya ang helicopter. “Ayaw ko, Sir. Hindi naman ako kakailanganin do’n. May secretary ka naman sa Corporation.”

“I don’t have time for dramas, Mijares. I need to go to Manila before ten.”

“Boss, doon na lang ako sa opi—”

Naputol ang pagpo-protesta niya nang walang pakandungan siya nitong hinila papunta sa helicopter na nagsimula ng umandar.

Mahina siyang tumitili nang pumwesto ang pilot sa upuan nito. 

“You’re going with me,” bruskong sikmat ni Sebastian bago inilagay ang headphone sa kanyang tainga. 

“Tangina mo po with respect!” Hindi niya napigilan ang pagtaas ng kanyang boses. Bahala na talaga kung tanggalin siya nito sa trabaho. 

M amamatay na rin lang siya sa kaba, mumurahin niya na ng marami. 

Ngunit sa halip na magalit sa kanya ay ngumisi lang sa kanya si Sebastian na para bang sinasabi nitong para siyang t anga.

Walang kahiya-hiyang sumiksik siya rito nang maramdaman niyang umangat na ang helicopter. 

“Ay!” Napapikit siya sa takot sabay hawak sa kung ano. 

Ang lakas-lakas ng kabog ng kanyang dibd ib. Gustong bumaliktad ng kanyang sikmura nang maramdaman niyang tuluyan na nga silang nasa ere. 

Umuga ng kaunti ang helicopter kaya mangiyak-ngiyak na napasigaw na naman siya. “Mama ko po. Gusto ko pang mabuhay!”

Nawala na sa isip niya ang awkwardness niya sa ex-boyfriend niyang g ago.

Wala talagang puso ang lalaki. Hindi man lang nito naisip na takot siya sa heights. 

Iniiwas-iwasan pa naman niyang tumingin sa ibaba kapag nasa opisina siya tapos ito ay papasakayin lang siya sa helicopter. 

Pakiramdam niya ay taon ang dumaan bago bumaba ang sasakyan sa helipad ng isang mataas na gusali. 

Mabilis niyang inalis ang suot na headset, hindi pa man tuluyang tumitigil ang makina ng helicopter. 

Napatingin siya sa dalawang bodyguard na nasa harapan nila ni Sebastian. 

Pigil na pigil ang tawa ng dalawa na parang ewan. 

Nang sundan niya ng tingin kung saan nakatutok ang mga mata ng dalawa, ay napangiwi siya. 

Bumaon na ang kanyang mga kuko sa likod ng kamay ni Sebastian. Walang kaimik-imik ito ngunit umigting ang mga panga.

“Boss, sorry. Sorry po.”

Hindi siya nito pinansin bagkus, ay binalingan nito ang dalawang bodyguard na agad namang sumeryoso ang mukha. 

“Ready the car. Make sure the meeting place is clear.”

Mabilis na lumayas ang dalawa. 

Akmang susunod siya nang hilahin siya ni Sebastian pabalik sa kinauupuan. 

“Look what you’ve done. It’s bleeding. You’re a grown-ass woman, yet you’re afraid of heights.”

“Hindi naman naaalis ang phobia,” laban niya rito.

Ano bang dinede nito noong bata pa at sinalo yata lahat ng sama ng loob. Ang tigas-tigas ng puso, walang konsiderasyon…

Hinding-hindi talaga siya papayag na magiging katulad nito si Sevi. 

Sisiguruhin niyang babalutin niya ng pagmamahal ang kanyang anak at gagabayan niya ito ng tama upang hindi ito makapanakit ng babae paglaki. 

Kung may magagaya man na ugali si Sevi mula sa ama, gusto niya ay gumaya ito sa Sebastian na kilala niya. 

The Sebastian she used to know when they were still together was intimidating yet sweet. 

Arrogant but caring. 

Siya palagi ang inuuna nito noon. Kapag naiiyak siya sa mga gawain niya sa eskwela ay palaging ito ang nagpapakalma sa kanya. 

He was her shoulder to cry on, her hero…

Pero ngayon, hindi niya na makita ang Sebastian na iyon. Namatay na yata o kaya ay nagpapanggap lamang ang lalaki noon para makuha siya. 

He told her that it was all a game for him. 

Pinagpustahan siya ng mga ka-barkada nito at siya naman si t anga ay hulog na hulog at ibinigay pa ang buong pagkatao niya. 

Pinagsisisihan niya na naging t anga siya pero hinding-hindi niya pinagsisisihan na ipinanganak niya si Sevirious. 

Muling bumakas ang pinto ng helicopter. Inabot ng bodyguard ang dalawang bote ng tubig kay Sebastian. 

“Fix yourself. Don’t ruin my meeting by being over-acting.”

Napanganga siya nang walang lingon-likod na lumabas si Sebastian matapos nitong ibigay sa kanya ang isang bote ng tubig.

Mga Comments (88)
goodnovel comment avatar
Lhij Pe ra sa
next chapter pls...️
goodnovel comment avatar
Leah Guzon
bumait na kya ang nanay ni sebastian?
goodnovel comment avatar
Calista Dale
may phobia nga e.. tanga lang hindi maka intindi
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status