Share

Kabanata 6

Author: pariahrei
last update Petsa ng paglalathala: 2023-01-22 13:47:20

CHAPTER 6

Ilang linggo matapos nilang maghiwalay, nagkalat na sa telebisyon at mga pahayagan na engage na si Sebastian kay Lolita.

Habang nagpapakapagod siya magtrabaho para may ipon siya sa panganganak, ang dalawang iyon ay palaging nakikita ng media na magkasama.

Hindi malayong mangyari ang sinabi ni Stephanie dahil kilala niya si Lolita.

The woman is a she-devil.

Kung siya nga ay binu-bully nito noon na umabot pa sa pagkakakulong niya sa storage room buong gabi, paano pa kaya sa anak niya.

“Mommy, give ko raw po sa ‘yo sabi ni Teacher,” wika ni Sevi nang iwinagayway ang papel na kinuha nito sa bag. “Puntahan mo raw po siya paghatid mo sa akin sa school.”

“Bakit daw po?” Kinuha niya ang papel kahit may kutob na siya kung ano na naman iyon. “Gawa ka nang assignment mo.”

“Tapos ko na po, Mommy. Gusto ko iyong science book ko.”

Nakalabing itinuro ni Sevi ang tatlong makakapal na advance science book na nasa mesa.

Memoryado na yata ng anak niya ang nilalaman pero inuulit-ulit pa rin nitong basahin. Hinihigpitan niya at kailangan pa siya nitong lambingin para mabasa ulit dahil gusto niyang maging bata muna ito.

“Baby Sevi, sleep ka na lang. Hmn…”

Aware naman siya na hindi normal kumpara sa ibang bata ang anak niya. Mataas ang IQ nito, accelerated na sa grade one sa edad na lima.

Matagal na siyang kinukumbinse ng teacher at principal ng King Royale School na i-enroll ang anak niya sa eskwelahan ng mga henyong bata.

Katulad na lang ngayon, pinadalhan na naman siya ng flyers at ilang papel na nagsasabing may non-government organization ang nago-offer na sasagutin ang lahat ng gastusin ni Sevi hanggang doctorate degree kung papayagan niya itong mag-aral sa Germany.

Hindi niya nga kinakaya na hindi ito makita ng isang araw, pag-aralin pa kaya sa Germany? Kaya niya naman pag-aralin ang anak niya sa normal na eskwelahan. Hahayaan niya itong maging bata at pupunuin niya ng pagmamahal.

Umungot si Sevirious at kumandong sa kanya. “Hindi pa po ako antok.”

“Pikit mo na lang ang mata. Yakap ka ni Mommy. You like that?”

“Yakap mo ako tapos hiram po ng cellphone.”

“Bakit?”

“I remember po na sabi sa akin ni Teacher nasa Y ouTube po ang pagpe-play ko ng violin. Tawag mo na po si Mama-Ninang. Let’s tell her to watch me play violin.”

Nabanggit nga iyon sa kanya ni Heather. Ito pa ang unang nakaalam na nasa internet ang video ni Sevi.

Most of the viewers love Sevi’s performance.

May ilan pa nga na nagtatanong kung interesado raw ba ang bata na sumali sa mga talent show sa telebisyon.

“Ang galing-galing talaga ng baby ko na ‘yan,” puri niya. Nag-iinit ang gilid ng kanyang mga mata sa pagka-proud dito.

Sevi playing the violin like a pro. Nakapikit pa at talagang dinadama ang bawat tono na ng instrument.

“Mana po ako sa ‘yo.”

“Oo naman.”

“Saka kay Tita Steph.”

“Syempre.”

“Saka kay Mama-Ninang, Lolo and Lola.”

“Very mana.”

“Kay Daddy pa.”

Nawala ang ngiti niya.

“Sa daddy ko pa, Mommy?” inosenteng tanong ni Sevi habang kumukurap-kurap ang mga matang nakatingin sa kanya.

“Mana ka kay Mommy lahat.”

“Wala po akong daddy? Pero paano po mabubuo ang baby if walang daddy. Daddy will give sperm to Mommy para mabuo ang baby.”

“Blessing ka sa akin ni God.”

“Magic?” nakalabi na si Sevirious, halatang hindi naniniwala sa kanya.

“Yes, Baby.”

“But science said wala pong magic.”

“Meron, Baby Sevi ko.”

“You’re lying, Mommy. Why po?”

“He’s dead. Patay na siya. Nandito naman ako di ba? I’m your mommy and daddy. Saka sina Tita Steph, si Mama-Ninang, sina Lolo at Lola. We all love you.”

Hindi naman na nangulit pa si Sevi kahit alam niyang marami pa itong gustong itanong sa kanya. Ibinalik na lang nito ang atensyon sa pinapanood.

Kaya lang ay napanguso ito nang naputol ang video dahil may tumatawag.

“Thank you,” she mouthed at him and answered the phone call.

“Ms. Mijares.”

Hindi agad siya nakasagot dahil nakita niyang pupungay-pungay na ang baby niya. “Tulog ka na? Goodnight na. Kiss me na.”

Masunurin naman ang batang lumapit sa kanya. Yumakap sa kanyang leeg bago matunog siyang hinalikan ng dalawang beses sa pisngi.

“Love you,” she murmured softly and kissed him on his forehead.

“Miss Mijares!” bulyaw ni Sebastian sa kabilang linya. Nailayo niya ang cellphone sa kanyang tainga sa lakas ng boses nito. Nagsasalubong ang mga kilay na lumabas siya sa silid nila ni Sevi.

“Bakit ba, Boss?” sarkastiko niyang sagot dito.

“I am talking to you yet you’re ignoring me.”

“Boss, gabing-gabi na po. Hindi na office hours.”

“Sinong kasama mo?”

‘Iyong batang gusto mong p atayin na gago ka!’ gusto niya sanang isagot kaya lang ay baka pumunta ito ng wala sa oras sa bahay niya at sakalin si Sevi.

“I don’t think that’s your concern, Sir.”

“I don’t want another problem, Ms. Mijares. Kapag napahamak ka at nawalan ako ng sekretarya, dagdag sakit ng ulo na naman iyan. Kaya umuwi ka na.”

Tumirik ang kanyang mga mata sa pagka-inis. “Nasa bahay na po ako, Sir.”

“Damn it!”

Problema ng lalaking ‘to? Nang sinabing nasa bahay na siya, nagmumura pa rin. Ang gulo talaga.

“Kasama mo ba ang boyfriend mo? Iyong Arnaiz?”

“Lasing ka ba?” hindi niya napigilang tanong. Kung anu-ano na kasing pinagtatanong ng lalaking ito.

“Answer my d amn question, Mijares. I heard you saying I love you to some—”

P inatay niya ang tawag. Bastos na kung bastos pero kung bubulabugin lang naman siya nito sa gitna ng gabi para mag-tantrums na parang bata, mas mabuti pang huwag na siya nitong kausapin.

Hindi niya ito responsibilidad. Dinaig pa ni Sevi na mabilis makaintindi. Isang sabi niya agad ay susunod na sa kanya.

Ni-off niya ang kanyang cellphone nang makitang tumatawag na naman ito.

Kinaumagahan, isinama niya si Sevirious sa SM Naga City para bilhan ito ng inuungot nitong bagong violin. Reward ng bata kahit normal naman na, na perfect nito palagi ang lahat ng exam.

It’s one of her ways to show him that she appreciates him being a good kid.

Nagpaalam sa kanya si Sevi na titingin-tingin muna raw ito ng iba pang music instrument. Pinayagan niya na dahil kilala naman sila ng mga staff roon. Pati na rin ang gwardiya ay kabiruan na ni Sevirious sa ilang beses nilang pagpapabalik-balik doon.

Matapos makapagbayad at makipagkwentuhan ng ilang sandali sa cashier ay hinanap niya na si Sevirous sa store. Tinuro ng dalawang teenager ang dulong bahagi nang itanong niya kung nakita ng mga ito ang kanyang anak.

Madali niya naman nakita ang baby niya. Tatawagin niya sana nang mapansing may kausap ito. Pamilyar ang mukha ng dalawang taong may edad na.

“Bili na po ako ni Mommy ng violin. Thank you.”

“Honey, look at his eyes,” wika ni Mrs. Rocc sa asawa.

Buhay na buhay pa ang babaeng nahulog sa hagdan. Kahit papano ay nawala ang guilt sa kanyang dibd ib nang malamang hindi nga ito natuluyan.

Kung hindi na lang kasi siya nakipagtalo at nagpahila na lang dito palabas ay hindi ito maghi-histerekal na ikinahulog nito sa hagdan.

“Are you sure you don’t want anything? You're a good boy. You deserve a reward.”

Mabait na umiling si Sevi. “Sabi po kasi ni Mommy ko, kapag hindi po sa akin, huwag kong kunin. Hindi naman po sa akin ang wallet.”

Ngumiti ang ama ni Sebastian bago naaaliw na ginulo nito ang buhok ng kanyang anak.

“Sevi,” tawag niya sa baby niya at lumapit na sa mga ito.

Kumaway naman sa kanya ang bata. “Mommy po.”

She smiled at her kid and held his hand, not minding the stares of the Rocc’s.

“Mommy, meet ko po sila,” maligayang wika ng bata.

Nilingon niya ang mag-asawang Rocc at binigyan ng pilit na tipid na ngiti. Titig na titig sa kanya ang dalawa na parang nakakita ng multo.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa anak at inabot dito ang violin. “Let’s go na. Kakain pa tayo ng favorite mo di ba?”

Sunod-sunod itong tumango. Ito na mismo ang humila sa kanya paalis.

Narinig niya pa ang pagbanggit ni Mrs. Rocc ng kanyang pangalan ngunit hindi na siya nag-abalang lumingon pa.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (19)
goodnovel comment avatar
narjia nahail
I love this story...
goodnovel comment avatar
Lourdes Corpuz
sobra ang ganda next episode pls.
goodnovel comment avatar
Con Francia Garcia
thank you thank you paganda ng paganda ang bawat episode nakakakaba pero amaze na talaga miss A
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 413

    CHAPTER 235 “Sobrang latina! Parang walang tatlong babies sa ganda. Pak!” Humagikhik si Kaye nang parang nagpuputong ng korona sa ulo niya si Gelay. “Ang sexy pa rin kaya baliw na baliw si Fafa Rios talaga.” “Lalaki ang tainga ko sa ‘yo, Gelay.”

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 412

    Tinawag pa ang mga Rocc na abusado sa kapangyarihan. Porke’t daw mapera at ma-impluwensya ay kakaya-kayanin na lang ang mga ‘mahihirap’. Good thing those only last for two weeks because of Ahmed’s influence in media. Bumili ang kapatid niya ng shares sa tatlong pinakamalalaking TV stations ng bansa.

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 411

    Ilang sandali lang ay lumapit si Aruz sa mga ito. “Kids, doon na muna tayo sa taas. Brandon, magpahinga ka na muna,” sabi ni Mommy Nesh. Nilingon siya ng kapatid, nag-aatubili na sumunod dahil gustong makita ang ina nito. Nang tumango siya ay saka lamang ito napipilitan na su

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 410

    CHAPTER 234“Nasaan ang pera?!” bulyaw ng isa kaya napapitlag siya sa kinatatayuan.Tumakbo sa kanya ang takot na takot na si Bonying kaya natuon ang atensyon ng lalaking balbas-sarado.Sumalampak sa sahig si Mrs. Manansala nang bigla na lang nitong binitawan.“Di ba ito ang anak mo? Ang gandang bab

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 409

    “How about Bonying? Will you go get him? I’m coming with you!” “Mukhang miss na miss niya si Nanay. Hayaan na muna natin siya.” Atubili si Elijah ngunit pumayag na rin. Pareho nilang naiintindihan na kapag ikinulong nila ang bunsong kapatid ay mas lalo itong magre-rebelde.

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 408

    “Sana p inatay ka na lang niya—” Napasigaw ito nang biglang dinaklot ni Rios ang panga nito. “Rios!” pigil niya at hinila ang kamay nito. Halos matumba ang nanay niya nang binitawan nito ang panga. “Drag her away!” galit na utos ng asawa niya sa mga tauhan nito.

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 448

    Napakagat-labi siya sa kilig. Ang landi-landi niya! Paanong hindi kung kusang nagpapalandi si Vioxx? Idagdag pa na parang mag-live in sila. “Shaun, halika na. Darating na si Teacher.” Dahil hindi na umuuwi ang mag-ama ay pinupuntahan ng mga teacher nito si Shaun s

    last updateHuling Na-update : 2026-04-05
  • Sebastian's Downfall   Kabanata 453

    “Opo.” “Come with us, Dashi,” namamaos na wika ni Vioxx. Tunog nagmamakaawa pa. Nalilito man, ay nagawa niyang tumango. Sa huli ay naupo siya para kumain ng agahan. Shaun’s want to be babied and Vioxx was like a kid, getting her attention. Kung hindi nakahawak sa

    last updateHuling Na-update : 2026-04-05
  • Sebastian's Downfall   Kabanata 422

    “Ano ba kayo. Bata pa si Shaun. Natural lang na—ay dyosko po!” Sabay-sabay silang napatili nang mawalan ng kuryente. “Bakit wala pang ilaw? May automatic light naman tayo?” Ni-on niya ang flashlight ng kanyang cellphone. “Halika Dashi. Samahan mo akong

    last updateHuling Na-update : 2026-04-04
  • Sebastian's Downfall   Kabanata 414

    CHAPTER 236 “Susko! Mababaliw yata ako sa batang iyon!” mangiyak-ngiyak na bulalas ni Danica Shane nang makapasok sa loob ng sariling cabin. Isinama siya ng kanyang boss—si Vioxx Almeradez—sa kasal ng pinsan nito. Tuwang-tuwa siya dahil makakapagbakasyon sana kung hindi lang

    last updateHuling Na-update : 2026-04-04
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status