LOGINTatlong taon kong binuhat ang sumpa ng pagiging baog, ang lamig ng kama, at ang unti-unting paglayo ng asawang si Nathaniel. At sa araw na binigyan ako ng Diyos ng himala—isang dalawang pulang guhit—doon din gumuho ang aking mundo. Nahuli ko siya sa piling ng iba. Sa isang iglap, dahil sa selos at karahasan ng kanyang kalaguyo, dumanak ang dugo sa semento. Nalaglag ang aking anak. Ang masakit, sa harap ng aking pagluluksa, mas pinili ni Nathaniel na kampihan at protektahan ang babaeng pumatay sa aming supling kaysa sa akin. Tumakas ako. Lumipad patongong ibang bansa dala ang sirang kaluluwa, walang kamalay-malay na may kambal palang natira sa aking sinapupunan. Pitong taon ko silang itinago. Pitong taon kong pinalaki ang galit upang bumalik at durugin ang kumpanya ni Nathaniel. Gusto ko siyang makitang gumapang sa putik. Ngunit kung kailan dapa na siya at handa ko nang isaksak ang huling higanti, doon ko natuklasan ang pinakamalupit na biro ng tadhana: ang tatlong taong kataksilan niya ay ang tanging paraan upang iligtas ang aking pamilya mula sa mga halimaw. Hinayaan niyang kamuhian ko siya, hinayaan niyang mamatay ang sarili sa pangungulila sa isang pekeng puntod na iniyakan niya gabi-gabi, bastat manatili lang akong ligtas. Paano ko bubuhayin ang lalaking pinatay ko sa sarili kong mga kamay, ngayong alam ko nang ako ang dahilan ng lahat ng kanyang sugat?
View MorePOV: Khendra
Ilang taon na ang nakalipas simula nung malaman kong may PCOS ako. Dahil doon, nasanay na akong hindi regular ang dalaw ko. Minsan buwan ang binibilang bago ako muling duguin. Kaya nung mapansin kong tatlong buwan na akong walang dalaw, hindi ako natakot. Sanay na ako.
Ngunit sa pagkakataong ito, may iba sa katawan ko.
Lagi akong pagod. Konting bagay lang, naiiyak na ako o kaya ay nagagalit. Akala ko dahil lang sa stress. Hindi na rin naman kasi maganda ang turingan namin ng asawa kong si Nathaniel nitong mga nakaraang buwan.
Palagi siyang abala sa trabaho, habang ako naman ay laging naiiwan mag-isa sa bahay. Unti-unti kaming nagkakalayo. Hindi namin pinag-uusapan, pero nararamdaman ko ang lamig sa pagitan naming dalawa.
Isang umaga, dahil hindi na ako mapakali sa kaba, bumili ako ng pregnancy test.
Pagdating sa bahay, diretso ako sa banyo.
Nanginginig ang mga kamay ko habang hinihintay ang resulta. Ilang segundo lang naman 'yon, pero pakiramdam ko, huminto ang mundo.
At pagkatapos...
Dalawang pulang guhit.
Malinaw. Walang kaduda-duda.
Napatakip ako sa bibig ko habang nag-uunahang pumatak ang mga luha ko.
"Buntis ako..." bulong ko sa sarili ko.
Hindi ako makapaniwala. Tatlong taon kaming naghintay ni Nathaniel. Ang daming gabi na umiyak ako sa unan dahil sa takot na baka hindi ko siya mabigyan ng pamilya. Dumating pa sa punto na kinwestyon ko ang sarili ko kung babae pa ba ako dahil hindi ko magawa ang pinaka-simpleng tungkulin ng isang asawa.
Pero ngayon, hawak ko na ang sagot. Binigyan ako ng Diyos ng himala.
Napangiti ako habang hinahaplos ang tiyan ko. May buhay na sa loob ko. At ang unang taong gusto kong pagsabihan ay ang tatay ng sanggol na ito—si Nathaniel.
Agad akong nag-ayos. Gusto ko siyang surpresahin. Alam kong malamig ang pagsasama namin ngayon. Para kaming nasa isang tahimik na gabi kung saan walang nag-aaway, pero walang nag-uusap. Umaasa ako na ang balitang ito ang magbabalik sa amin sa dati.
Pumunta ako sa kusina at nagluto ng paborito niyang kare-kare. Maingat kong inihanda ang bawat sangkap, pati ang bagoong na gustong-gusto niya. Habang nagluluto, hindi ko mapigilang mangarap.
Iniisip ko ang mukha niya kapag nalaman niya. Baka yakapin niya ako nang mahigpit. Baka umiyak din siya sa tuwa. Baka sa wakas, sumaya uli kami.
Inilagay ko ang pagkain sa lalagyan at mabilis na lumabas ng bahay. Habang nagmamaneho, mahigpit ang hawak ko sa manibela. Kinakabahan ako na natutuwa. Halo-halo ang emosyon sa dibdib ko.
Pagdating ko sa opisina ni Nathaniel, nagulat ang receptionist nang makita ako.
"Madam!" gulat niyang bati sabay tayo.
Ngumiti ako. "Nasa itaas ba si Nathaniel?"
"Opo, Madam. Nasa opisina niya."
"Salamat."
"Matagal na po kayong hindi nakakapunta rito," dagdag niya.
Natawa ako nang bahagya. "Kaya nga. Gusto ko nga sanang bumalik sa trabaho, kaso ayaw ng boss ninyo."
Sumakay ako sa elevator. May ilang empleyadong kasabay ko. Mga bagong mukha, kaya hindi nila ako kilala. Hindi nila alam na ako ang asawa ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nila.
Abala sila sa pagkuwentuhan, at hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila.
"Bagay talaga sila," sabi ng isang babae.
"Sino?"
"Si Sir Nathaniel at si Ma'am Allheyn."
Napatigil ako. Biglang sumikip ang dibdib ko sa kaba.
"Oo nga," sagot nung isa. "Balita ko nga, kapag natuloy ang divorce ni Sir, pakakasalan na niya si Ma'am."
Para akong nawalan ng hangin. Divorce? Pakakasalan? Ano ang ibig nilang sabihin?
Ngunit mas nadurog ako sa sumunod na salitang binitawan nila.
"Baog daw kasi 'yung asawa ngayon, eh. Kaya naghahanap na si Sir ng babaeng makakapagbigay sa kanya ng anak."
Para akong binuhusan ng yelo. Ako 'yun. Ako ang asawang tinutukoy nila. Ako ang babaeng pinagbubulungan nilang baog.
Hindi ako nakapagsalita. Tahimik lang akong nakatayo habang unti-unting nadudurog ang puso ko sa loob ng dibdib ko.
Nang bumukas ang elevator, sabay-sabay kaming lumabas. Doon lang nila natitigan ang mukha ko. Bigla silang namutla. Agad silang yumuko at mabilis na naglakad palayo.
Hindi ko na sila hinabol. Diretso ang lakad ko patungo sa opisina ng asawa ko.
Pagpasok ko sa palapag nila, napatingin sa akin ang mga tao. May lungkot at hiya sa mga mata nila. Parang may alam silang lahat na ako lang ang hindi nakakaalam.
Lumapit sa akin si Geneva. "Madam!"
Pilit akong ngumiti kahit parang may nakadagan na sa dibdib ko. "Dadalawin ko sana ang asawa ko."
Nag-alangan siya. "Nasa loob po si Sir."
"May kasama ba siya?"
"Opo... 'yung secretary po niya."
Napakunot ang noo ko. "Hindi ba ikaw ang secretary niya?"
"Na-promote na po ako, Madam. May bago na po siyang secretary."
Tumango na lang ako, pero mas lalong lumalim ang sugat sa puso ko. Habang papalapit ako sa pintuan ng opisina niya, naririnig ko ang bulungan ng mga empleyado sa paligid ko. Naaawa sila sa akin.
At pagdating ko sa harap ng pinto, narinig ko ang mahinang tawanan sa loob. Boses ng babae. At boses ng asawa ko. Masaya sila. Masayang-masaya.
Hindi na ako kumatok. Itinulak ko ang pinto.
At doon, gumuho ang buong mundo ko.
May magandang babaeng nakaupo sa ibabaw ng mesa. Si Nathaniel naman, nakatayo sa harap nito, sobrang lapit na konti na lang ay magdidikit na ang mga mukha nila. Mukha silang magkasintahan na walang pakialam sa paligid.
Gulat na gulat silang napatingin sa akin. Mabilis na lumayo si Nathaniel.
"Khendra! Anong ginagawa mo rito?"
Tinitigan ko siya sa mata. "Ako? Ako ang dapat magtanong niyan, Nathaniel. Ano 'to?"
"May pinag-uusapan lang kaming business proposal," depensa niya.
Natawa ako. Isang mapait at masakit na tawa. "Business proposal? Kailangan ba magkalapit ang mga mukha niyo para diyan?"
Hindi nakasagot si Nathaniel. Pero ang babae, dahan-dahang bumaba sa mesa at lumapit sa akin nang may ngiti sa labi. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Ikaw pala si Khendra," sabi niya sa tonong nang-iinsulto. "Akala ko naman kung sino. Ang ordinaryo mo lang pala."
"Allheyn, tama na!" saway ni Nathaniel.
"Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo," sagot ng babae sabay baling uli sa akin. "Hindi ka na nga kagandahan, hindi mo pa siya magawang bigyan ng anak. Ano pang silbi ng isang baog na asawa?"
Nanghina ang mga tuhod ko. Doon ko narealize... ang pinakamalalim kong sugat at sikreto, ikinuwento ng asawa ko sa ibang babae. Pinagtawanan nila ako.
"Khendra, umuwi ka na muna," mahinang sabi ni Nathaniel. "Sa bahay na lang tayo mag-usap."
"Hindi! Dito tayo mag-usap!" sigaw ko, kasabay ng pag-agos ng mga luha ko. "Sino siya? Bakit alam niya ang lahat tungkol sa atin?!"
Natawa si Allheyn. "Khendra, alam ng buong kumpanya na baog ka. Huwag ka nang magmalinis. Isa pa..." Humawak siya sa braso ni Nathaniel. "Kapag nabigyan ko siya ng anak, sa akin na siya."
"Allheyn!" marahas na inalis ni Nathaniel ang kamay ng babae. "Khendra, pakiusap, sa bahay na lang..."
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Buong lakas kong ibinato sa kanila ang dalang pagkain. Bumagsak 'yon sa sahig, natapon ang kare-kare na pinaghirapan kong lutuin para sa kanya—gaya ng pagkatapon ng pangarap ko para sa pamilyang binuo namin.
"Wala na tayong dapat pag-usapan! Magsama kayo ng kabit mo!"
Tumalikod ako at mabilis na tumakbo palabas. Habang umiiyak, mahigpit kong niyakap ang tiyan ko. Doon ko naalala ang dalawang guhit.
Buntis ako. May anak kami. Pero wala na akong asawa.
"Khendra!" rinig ko pang sigaw niya sa likod ko, pero hindi na ako lumingon.
Dumating ako sa Club House Manila nang alas-nuwebe ng gabi. Tama ang narinig mo, huli ako nang dalawang oras sa usapan namin.Sinadya ko talaga iyon. Sa totoo lang, ang iniisip ko habang nakasakay sa sasakyan, pagdating ko sa restaurant ay nakaalis na siya. Umaasa ako na napagod siya sa kakahintay at sumuko na, para hindi ko na kailangang harapin pa ang nakaraan.Ngunit nagkamali ako. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa pinto ng marangyang restaurant, agad ko na siyang nakita. Nakaupo siya sa isang sulok, nakatitig sa kawalan at tila malalim ang iniisip. Bakas sa kanyang mukha ang pagod, pero nang makita niya ako, biglang nabuhayan ang kanyang mga mata. Tumayo siya agad at sinalubong ako nang may malapad na ngiti."Halika na, hindi pa ako nag-o-order ng pagkain," malambing niyang sabi sa akin. Ang boses niya ay puno ng pananabik, tila ba isang taong matagal na nagutom at ngayon lang muling makakakain.Hinawakan niya ang aking siko upang alalayan ako. Dahil isang sikat at pormal na fine
"MUKHANG kailangan niyo nang umalis agad, doon kayo sa kabilang elevator dumaan para walang makakita sa inyo," seryoso at mabilis kong sabi kay Belle habang nakatingin sa pinto ng aking opisina. Ramdam ko ang unti-unting pagbabalik ng kaba sa aking dibdib, ngunit pinilit kong maging matatag para sa kaligtasan ng aking mga anak."Nariyan na naman ba si Kuya Nathaniel?" tanong niya sa akin, habang ang kanyang mga mata ay lumaki sa takot. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala para sa akin at sa mga bata."Oo... narito na naman siya sa ibaba," sagot ko sa kanya habang seryosong nakatitig sa kawalan. "Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na ako tatakbo. Haharapin ko na siya ngayon, nang minsanan at para matapos na ang lahat. Ayokong mas lalo pa siyang lumapit sa akin, at malaman niya ang tungkol sa mga bata.""Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo, Ate Khendra? Paano kung... paano kung may gawin siyang masama sa iyo? Hindi mo alam, kung gaano kasama ang ugali niya magmula noong maghiwalay kayo.
"Ate Khendra, sa totoo lang... wala talaga kaming meeting sa school ngayon," mahina at pabulong niyang sabi sa akin upang hindi marinig ng mga bata ang pinag-uusapan namin. "Alam mo ba kung bakit talaga ako nagmamadaling umalis doon sa school at hindi na umuwi sa bahay?"Nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin dahil sa dami ng aking iniisip. "Bakit? Ano ba ang nangyari?"Huminga nang malalim si Belle, tila nag-iipon ng lakas ng loob bago magsalita. "Inabangan ako ni Kuya Nathaniel sa mismong gate ng school kanina. Nakita ko siyang itinatanong sa guard kung lumabas na ba ako o kung nandoon pa ako sa loob. Alam ko ang ugali niya. Sigurado akong gagambalain at haharasin na naman niya ako katulad ng ginawa niya noong araw na maghiwalay sila ng impaktang babae na si Allheyn."Ramdam ko ang galit sa boses ni Belle nang banggitin niya ang mga pangalang iyon. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Puspusan ang ginagawa niyang paghahanap sa iyo noon a
HABANG abala ako sa pagbabasa ng mga importanteng dokumento sa aking lamesa, walang tigil naman sa pagtunog ang telepono ng aking opisina. Napakakulit ng linya, pabalik-balik ang tunog na tila ba may isang malaking sunog na dapat apulahin. Sa totoo lang, nabibingi at naiinis na ako sa ingay nito habang sinusubukan kong mag-focus sa aking ginagawa.Wala ako sa mood sumagot ngayon. Pagod ang aking isip at marami akong iniisip na problema. Bukod doon, alam ko naman kung ano ang sasabihin ng kung sinumang tumatawag sa kabilang linya— baka si Nathaniel na naman ang tumatawag! Galit ko itong iniangat at idiniin sa aking tainga."What?!" inis kong sabi sa receptionist matapos kong itaas ang hawakan ng telepono."Ma'am... pasensiya na po talaga," medyo kinakabahan ang babae sa kabilang linya dahil ramdam niya ang aking galit. "Narito po kasi si Miss Belle sa ibaba. Sabi po niya, wala daw po siyang dalang cellphone ngayon kaya hindi siya nakatawag sa inyo bago pumunta rito."Si Belle? Bakit si
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.