YAKAP SA DILIM

YAKAP SA DILIM

last updateLast Updated : 2022-03-12
By:  NIKKYOCTAVIANOCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
52 ratings. 52 reviews
69Chapters
84.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ashley Mahinay is an excellent Forensic Pathologist. Unexpectedly, the corpse of an ancient man was discovered in the maritime territory of the Philippines. Ashley was sent to a group in Jolo, Sulu to examine the said corpse of the ancient man. Until there was an accident she did not expect. The corpse of the ancient man came to life, it came to life because of her blood. And because of her, she will gradually get to know and become friends with an unknown creature. She will also open her heart to this unknown creature. In what way will Ashley fight her love for an unknown creature who doesn't belong in her world?

View More

Chapter 1

KABANATA 1

ASHLEY

Manila, Philippines.

Present time

SIYA si Ashely Mahinay, tubong New Bataan, Davao City. At isa siyang Forensic Pathologist, isang medikal na doktor na dalubhasa sa pagsasagawa ng mga medikal at legal na eksaminasyon upang maunawaan ang sanhi at paraan ng pagkamatay ng isang tao.

Nagsasagawa rin sila ng mga autopsy reports sa mga kasong hindi maipaliwanag na pagkamatay. Sampung taon na siya sa ganitong klaseng trabaho. Kaya naman, sanay na sanay na siya makakita ng iba't ibang anyo at kulay ng patay.

"Maam Ash, paano mo nagagawang kumain habang may tatlong patay sa harap mo?" nandidiring tanong ni Jolina sa kanya.

Nagkibit balikat siya sabay subo sa baon niyang adobong atay ng baka. Ang sarap kaya ng ulam niya, saka kanina pa sila alas siete nang gabi nag umpisa, hating gabi na hindi na niya matiis ang gutom.

"Gutom na ako. Kayo muna bahala diyan sa tatlong bisita natin," tugon niya sabay subo uli nang kinakain.

Tatlo silang naka-duty ngayon. Siya, si Jolina at si Marvin. Si Marvin ang opening shift, si Jolina ang mid-shift at siya na graveyard shift.

Nagkataon lang na magkakasama sila dahil sunod-sunod ang mga patay na dinadala sa morgue.

Well, pabor sa kanya iyon. Mas maraming patay, mas maraming oras ng trabaho. Biruin mo, seven hundred eighty per hour ang bayad sa kanila. Malaki ang sahod ng isang forensic pathologist, subalit hindi lahat tumatagal.

Ikaw ba naman, araw-araw puro patay ang nakikita at nakakasama mo, ewan ko na lang kung hindi ka masiraan ng ulo. Bukod kasi sa tapang at matibay na sikmura, kailangan mo rin ng matinding paniniwala na walang multo. Walang ganoon.

Ngunit, karamihan sa mga nakasama niya sa trabaho ay hindi tumatagal dahil samu't saring kababalaghan daw ang nararanasan nila.

Bakit naman ako? In ten years, kahit multo ni Apolinario Mabini wala siyang nakita.

Napabuga na lang siya ng malalim na paghinga.

Nang matapos kumain niligpit na niya ang lunch box niya saka naghugas ng kamay. Kaagad na siyang lumapit sa dalawang kasama niyang sobrang busy mag-lampungan.

"Sa morgue pa talaga kayo nagliligawan? Try ninyo sa Luneta, para unique," angil niya kay Jolina at Marvin.

Tumahimik naman ang dalawa, siya kasi ang senior dito. Itong dalawa ay four years pa lang sa trabaho. Inabot ni Marvin ang isang folder kung saan naka-attached ang reports sa tatlong bangkay.

"Lahat heart attacked?"

blanko ang mukhang tanong niya sa dalawa.

Tumango-tango naman ang mga ito.

"Okay. Ako ng bahala mag-send sa email lahat. Ayusin ninyo muna 'yan bago kayo umuwe o dumaan sa biglang liko," may halong panunudyo wika niya.

Natawa naman ang dalawa. Isa-isa ng inilagay ang mga katawan sa mortuary cabinet o mortuary freezer kung saan pine-preserved ang bangkay para hindi agad ma-decomposed.

Nang mailagay na ang mga katawan, mabilis nagpaalam sina Marvin at Jolina.

"Maam Ash, ba-bye!" wika ng dalawa.

Kumaway at kiming ngumiti na lang siya. Nang makaalis na ang dalawa, napatingin siya sa malaking wall clock. Pasado ala-dos na nang umaga. Napabuntong hininga siya.

Mabuti pa 'yun dalawa nakakapag-enjoy samantalang siya no boyfriend since birth. Bakit ganoon? In thirty four years, kahit torid kiss hindi pa niya nararanasan man lang.

Malungkot na bumutong hininga siya saka naupo sa harap ng computer desk. Pagka-send ng autopsy reports sa email, kinuha niya ang cellphone at binuksan ang camera.

Maganda naman ako a? Ang sabi nila hawig ko raw si Dakota Jhonson. Parang pinay version ika nga nila. Bakit wala man lang nagkaka-gusto sa kanya?

May mga manliligaw naman siya dati pero bigla na lang titigil ang mga ito sa panliligaw sa kanya na wala man lang dahilan. Mga paasa!

Kumuha siya ng selfie, saka nag-post sa kanyang social media account. Isang oras na lang at mag-out na rin siya, lilibangin muna niya ang sarili.

Nag-scroll siya sa mga news feeds sa social media. Puro mga nonsense naman ang mga nakikita at nababasa niya.

Hanggang isang viral video ang umagaw ng atensyon niya. Umabot na halos two million views ang naturang video sa loob lamang nang tatlong oras.

"Isang bangkay ang natagpuan sa ilalim ng dagat na pinagigitnaan ng Sulu Sea at Celebes Sea. Dinala ang bangkay sa Munisipalidad ng lungsod Jolo upang mabusising pag-aralan. Bagamat wala pang komento ang ating gobyerno rito. May haka-hakang, ang naturang bangkay ay di umano'y isang Mummy? Totoo nga ba ito? Alamin sa mga susunod balita. BTS NEWS, KAREN ANGELES nag-uulat."

Nang matapos mapanuod ang video, maging siya ay hindi makapaniwala. May natagpuan na Mummy. Wow!

Bigla siyang na-excite, for sure maghahanap ng forensics team ang gobyerno upang masuri ang viral na bangkay.

Gusto niyang sumali. Napangiti siya saka tumawag sa kilala niyang forensic pathologist din upang i-presinta ang sarili.

God! Science is fantastic.

"Sige. Sakto ang tawag mo Ash, kulang pa kami ng isa. Punta kana agad dito sa Jolo. Aantayin ka namin tapos pupunta tayo sa Maimbung," wika ni Ria isang senior forensic pathologist.

Nakilala niya ito at naka-trabaho ng magkasama sila sa isang massacre case noon. Mas matanda ito sa kanya ng ilan taon, bilib siya sa pagiging professional nito sa trabaho. Kaya naging malapit siya rito, para na niya itong Ate kung tutuusin.

Kakaibang excitement ang naramdaman niya. Mabilis siyang nag-out. Yes!

Pagkauwe ng kanyang apartment, agad-agad niyang inayos ang kanyang malaking travel hiking bag.

Wala na siyang sinayang na oras, nagpunta na siya sa airport upang lumipad patungong Jolo City sa Mindanao. Nag message na lang siya kay Jolina at sinabe ang biglaang pagpunta niya sa Sulu.

Pagkalipas ng isang oras mahigit na byahe patungong airport, bumili siya agad ng ticket.

Jolo City, Im coming!

After 1hour and 40minutes na byahe sa eroplano. Matiwasay siyang nakalapag sa Jolo. Tinawagan niya agad si Ria.

"Pahatid ka rito sa City hall ng Jolo. Andito kami. Ingat ka," turan nito sa kabilang linya.

"Sige. On the way na ako." maiksing sabi niya.

Hindi naman siya nahirapan sa pag-arkila ng taxi. Walang kahirap-hirap na nakarating siya ng City hall ng Jolo.

I'm here!

Ang saya naman. May trabaho na, nakapamasyal pa. First timer siya rito, at masasabing niyang napakaganda ng bayan ng Jolo.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
98%(51)
9
2%(1)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
52 ratings · 52 reviews
Write a review
user avatar
Lee Purple Marcus
author kailan ang part 2?sobra syang interesting.pwede po gawin movie.
2025-02-09 12:12:40
1
user avatar
Miss Thinz
Ang ganda super!!!...
2022-12-24 23:38:47
2
user avatar
Joanna DG Alfaro
ang ganda pero sana my kadugtong?? at if ever sana nagka22o na mgkita cla ni eya at mgkarun cla ng anak. . sana my part 2...
2022-09-27 22:33:43
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-03-29 10:03:25
2
user avatar
Seilenophiles
ang creative ng plot! nakaka-hook pati title!
2021-12-15 23:40:16
4
user avatar
CarLyric
Omg!napaka unique ng story na ito. Unexpected ung mga scenes.. So galing.
2021-12-15 19:17:07
2
user avatar
LilacCurl
Sobrang gandaaaaa oemjie huhu
2021-12-15 17:21:05
0
user avatar
Cecille Ayala
1.Ashley 2.Eya 3.Adaline 4.Eda 5.Ebo 6.Niran
2021-11-28 05:44:23
0
user avatar
Edwin Fuego
ang gandang story two thumbs up
2021-11-20 05:39:56
0
user avatar
Kristal Regacho
nice story....5 star dahil maganda...
2021-11-17 00:21:22
0
user avatar
Daculan Estudillo Bryan
maganda ang kwento
2021-10-28 19:28:00
0
user avatar
Eustas
Wow nice story.. Like "Miracle Twins and Code Series 1" SALUTE!!
2021-10-27 18:18:34
0
user avatar
Michael Ariola-Loreno Oliquino
antagal ng next chapter
2021-10-26 04:57:17
0
user avatar
Michael Ariola-Loreno Oliquino
another chapter please
2021-10-16 04:17:20
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one beautiful
2021-10-05 00:28:32
0
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
69 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status