When Heather Blaire Rossi found out that she's not an ordinary mortal. She secretly started to trained her self as a magic user.
Lihat lebih banyakHEATHER'S POV
"Patayin! Patayin!" Samu't saring hiyawan at sigawan ng mga tao ang maririnig mo sa loob ng street fighting arena. Kung saan pumapatay ang mga tao upang magka pera kapag sila ay nanalo. Tingin ng iba ay madaling trabaho lang 'to pero hindi nila alam na buhay nila ang magiging kapalit kapag sila ay nasangkot na sa ganitong gawain. Isang ilegal na gawain kung saan legal ang pagpatay. Dalawang taong naglalaban upang isalba ang kanilang buhay sa loob ng ring. At mga taong pumupusta sa kung sino man ang mananalo sa labas naman ng ring. What's new? Ano nga ba ang bago kapag napabilang ka sa mga taong katulad nila? O sa organisasyon nila? Bukod sa mawawala ang dati mong tahimik na buhay ay isang mamamatay tao ka pa. Pumupusta sila sa kung sino man ang malakas at pinapatay ang mahihina. Sino ba naman ang gustong matalo ang pusta nila diba? Sigurado akong wala. Kapag mahina ka, siguradong hindi ka dapat na mapabilang sa kanila. Dahil sigurado ako, ikaw mismo ang una nilang papatayin. Because people involve in this kind of job doesn't like weaklings. But if your clumsy enough, because of your curiosity. Then atleast learn how to fight for your life and not to be killed. Pero anyway, marami namang tanga sa mundong 'to kaya hindi na ako magtataka. Pero sinasabi ko sa 'yo. Hindi mo maiiwasan ang kamatayan lalo na at ikaw mismo ang habol nito. "Ano ba 'yan! Ang hina-hina ng manok ko! Natalo tuloy ako. Putanginang buhay 'to." rinig kong reklamo ng katabi ko. Lihim akong napa tingin sa kanya. Iritable itong tumingin sa ring kung saan naglalaban ang dalawang babae kanina. Nakakuyom ang dalawang kamay habang ang katabi naman n'ya ay tawa lang ng tawa. Bumuntong hininga ako at binalik ulit ang atensyon sa loob ng ring. Can't blame him though, the match is boring like usual. Dagdagan mo pa na puro babae at mahihina silang pareho. The blond girl is laying on the floor lifeless habang ang isa naman ay nakaluhod sa harapan ng babae, nakakuyom ang duguan nitong kamay. Lumapit ang announcer sa kanya at innaunsyo ang pagkapanalo nya. At dahil don naghiyawan ang mga manonood. "Bakit pre? Hindi mo na 'yon mapapatay dahil patay na." Napantig ang tenga ko sa katabi nang magsalita ang kasama nya. Tahimik akong nakikinig sa usapan nila habang ang atensyon ay nasa loob pa din ng ring ng arena. Pareho silang may scorpion tattoo sa kamay, sigurado ako dun. Dahil 'yon ang nakita ko kanina nung sumilip ako. Hindi din mahirap makita ang tattoo dahil nakabalandra ang kamay nila pareho. Malalaki ang mga katawan nila, mga naka leather jacket at naka itim na cap. Ang atensyon din nila ay nasa loob din ng ring katulad ko habang naguusap sila. Kung tama ang hinala ko, sila ang 'Scorpion Blood Gang'. Isa sa mga gang na kalaban ng Shadow's Empire Organization kung saan ako nagtatrabaho. Kaano-ano kaya nila yung babaeng blond na buhok na namatay at natalo? Kasamahan kaya nila sa kanilang gang? Tahimik akong bumuntong hininga at dahan-dahang umiling. Bakit ba ako nangingialam sa buhay ng iba? Hays. "Nabalitaan mo 'yong Eclipse?" Balik na tanong nitong katabi ko imbes na sagutin ang tanong ng kanyang kasamahan. Teka Eclipse? Code name ko 'yon ah? "Bakit? 'yong assassin na wala pang nakakaalam kung saan s'ya na papabilang na oranisasyon?" "Oo! Pinatay lahat ng myembro ng Cortez Association! Pati ang mga pinuno nila, lahat! Walang tinira." "Seryoso kaba? Limang organisasyon na ang napapawala n'ya sa mapa. Idagdag mo pa d'yan ang Cortez Association. Tangina! Banta 'yan sa gang natin." Iritableng tugon ng katabi n'ya. Lihim akong napangisi dahil sa narinig at ibinaba pa lalo ang suot na cap sa ulo. Buti nalang talaga naisipan kong mag cap ngayong gabi. "Ibig sabihin! Anim na organisasyon na ang binura n'ya sa rankings ng underground organization." Ang underground organization ay isang malaking organisasyon sa buong mundo kung saan binubuo ng mga iba't ibang organisasyon ng mga mafia, gangsters,mafia reapers, assassins, spies at iba pa. Specifically speaking, sila ang humahawak sa mga iba't ibang organisasyon dito sa mundo. Kabilang na doon ang Shadow's Empire kung saan ako nagtatrabaho. Sa Underground Organization din ay binubuo ito ng rankings. At nangunguna ang organisasyon namin. At tama ang sinabi nila, binubura ko talaga sa rankings ang mga bagay o tao na magiging banta sa plano ng organisasyon na pinagtatrabahuan ko. Well, I kill without mercy. 'Yan ang laging bansag nila sa Eclipse na gamit kong codename. At trabaho lang, pakialam ko ba kung mahina sila bilang opponent ko? Pinapatay ko lang naman ang lahat ng humahadlang sa dinadaanan ko. Without them knowing who I am or who is the one who killed them. At dahil doon, mapupunta sila sa huling hantungan na hindi nakikilala ang pumatay sa kanila. Dahil sa katotohanan n'yan. Walang nakakaalam ng tunay kong mukha o ng tunay kong pagkatao. Bukod sa nag babalatkayo ako tuwing nagaaral, naka maskara din ako kapag nagtatrabaho sa gabi except ngayong gabi. They also know me as an deadliest assassin. Dahil sa lahat ng mga mission na nagawa ko na, lahat walang pumapalya. Pumatay kung pumatay. Ni hindi ko na mabilang kung ilang buhay na ang pinatay ko. I lost count of it. At bakit ko naman aabalahin ang sarili ko para lang mabilang ang napatay ko na? That is a big waste of time for me. Tsaka, simula noong naging mamatay tao ako, hindi ko namalayan na kabilang na din pala sa mga pinatay kong buhay. Ay ang dati kong pagkatao. Nawala ang konsensya ko bilang normal na tao. Nawala ang dati kong buhay. Magulang, at pamilya. Wala ako non. Kaya hirap din ako magtiwala sa mga taong nakapaligid saakin. Napabalik ako sa reyalidad nang mapansing paalis na ang myembro ng 'Scorpion Blood Gang'. Lihim akong napa buntong hininga at pinakalma ang sarili dahil sa naramdamang inis. Mukhang kumalat na ang balita tungkol saakin kaya mas kailangan kong mag dobleng ingat ngayon. Hindi baleng magkita nalang kami sa susunod na araw basta wag lang akong pumalpak ngayong gabi. Naikuyom ko ang kamay dahil sa naisip. Hindi sila ang pakay ko kaya hindi ko muna sila gagalawin ngayon. Pero ano kayang magandang gawin sa dalawang 'yon? Should I torture them first before killing them? That was fun actually pero ano kayang klaseng torture ang gagawin ko? Hays! Mamaya ko nalang nga 'yon iisipin. Anyway, ARIZ SANCH. S'ya ang pakay ko ngayong gabi. Isang mafia reaper ng Rousseau Palace. Her existence is a threat to our Organization. Kaya hanggang maaga pa, kailangan n'ya ng mawala sa mundo. "Ang boring naman ng laban ngayong gabi." "That's right, the girl was weak." "Kung alam ko lang, sana hindi na ako nag abala pang pumunta." "Ako rin. Nagsayang lang ako ng oras dito! Kung sana natulog na lang ako sa bahay ng may napala pa ako." Dinig kong bulungan ng mga taong dumadaan sa harap ko. Nakaupo kasi ako sa pinakataas at madilim na parte ng arena. Pero may mga tao pa din na dumadaan sa harap ko para makalabas dahil tapos na din ang laban. Lalong lalo na 'yong mga nakaupo sa kaparehong row na inuupuan ko. Kainis kasi! Pinili ko pa naman 'to para walang makadisturbo saakin. Nasasagi kasi minsan yung paa ko at naapakan na hinayaan ko lang. I unconsciously sigh. Mukhang hindi din naman nila nagustuhan ang laban katulad ko kahit wala naman talaga ang atensyon ko sa naglalaban kundi ang pagmasdan lang ang paligid para mahanap ang target ko. Pero asan na ba 'yon? Bakit hindi pa rin s'ya lumalabas? Halos lahat na kasi ng tao dito sa loob ng arena ay nakalabas na at hindi ko pa din s'ya mahagilap. Don't tell me, hihintayin nya muna akong kumilos bago s'ya lumabas? Hay nako! Putangina talaga nito. Napatingin ako sa smartwatch kong suot at tumayo na. Fine then, pagbibigyan ko sya. Pasalamat s'ya nasa mood ako ngayon makipaglaban kung hindi pumyesto nalang sana ako sa bubong at ginamitan nalang sya ng sniper na baril ko. Dahan-dahan na akong kumilos at nakisabay sa mga taong papalabas na. I walked slowly at walang imik na nakikinig lang sa reklamo ng mga taong nakakasabay kong lumabas. Hanggang sa nakarating nako sa pintuan papalabas at ako nalang ang natira. Huminto ako at humarap sa kinauupuan ko kanina. And there she is, my target. Sitting comfortably with her legs and arms crossed. Nakataas ang kilay at may nakakainsultong ngisi sa labi n'ya. Wearing black boots, black ripped jeans, black hoodie and cap. Aba! Puro black? Alam n'ya sigurong mamatay s'ya ngayon kaya inunahan na nya ang lamay n'ya? Excited lang ganun? "Akala ko hindi ka na lalabas dyan." Walang gana kong sabi at sinimulan ng umakyat ulit para puntahan sya. May kinuha sya sa likod n'ya at inilabas ang kunai na nagpataas ng kilay ko. "Of course. There's no fun if I show up immediately in front of you." Nakangisi n'yang turan at sinalubong nako. She's fast though. Kagaya nga ng inaasahan ko. And I did underestimated her ability. "Ang isa sa mga kinakatakutang assassin ng Underground Organization ay nasa harapan ko ngayon. Habang ang aking matulis at matalim na punyal ay nasa kanyang leeg." "At dahil nasa harapan kita ngayon, isa lang ang ibig sabihin noon. Ipinadala ka upang patayin ako." Not bad. Keen and smart. Mabilis din kumilos. Ang problema lang, minaliit n'ya ang kakayahan ko at 'yon ang mali n'ya.SOMEONE'S POINT OF VIEW"Did I heard it right? Pupunta kang Royal Ball?" Ani ng isang pamilyar na tinig mula sa aking likuran. Bumuntong-hininga ako bago inalog ang wine glass na hawak sa kamay. Napakunot-noo din ng makitang lumiwanag ulit ang marka sa noo ng babaeng mahimbing na natutulog sa gitna ng mga nagagandahang puting bulaklak sa hugis kabaong na bato. Ang pinagkaiba nga lang ay mas malaki pa ito kaysa sa totoong kabaong. Bukod pa roon, ang totoong kabaong ay may takip sa itaas pero sa kanya wala. Normal lang itong nakahimlay at mahimbing na natutulog na animo'y buhay s'ya at hindi namatay ng ilang taon na ang nakalipas. Bumuntong-hininga ulit ako bago umatras ng isang hakbang. Inimom ko na din ang huling laman ng aking baso at saka ulit ibinalik ang atensyon sa katawan ng babaeng nakahiga. Kanina ko pa pinagmamasdan ang kabubuan nito at kanina ko pa din napapansin ang lumiliwanag na marka sa kanyang noo."What does it mean?" Nalilitong tanong ng taong nagsalita kanina. Tinign
HEATHER'S POINT OF VIEW"CALLING THE ATTENTION OF MS. HEATHER BLAIRE ROSSI, PLEASE PROCEED TO THE HEADMASTER'S OFFICE RIGHT NOW. AGAIN! CALLING THE ATTENTION OF MS. HEATHER BLAIRE ROSSI, PLEASE PROCEED TO THE HEADMASTER'S OFFICE RIGHT NOW." Kasalukuyan kaming nagsasanay ng 'Archery' dito sa Elites practice room nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyan ni pinunong maestrong Humphrey. The Royal Elites practice room was indeed amazing. Punong-puno ito ng iba't ibang uri ng mga sandata na ginagamit sa pakikipag-laban at ang lawak pa ng nasabing kwarto. More likely like a gym to me. I roam my eyes around as I grip the bow and arrow on my hand. Abala ang lahat ng mga tao na nandito, pati na ang aming propesor ay abala din sa pagtuturo sa mga kaklase ko ng tamang pagamit ng mga sandata. "Bakit ka daw pinapatawag?" Kuha sa atensyon ko ni Zarxia para lang itanong iyan. Curiosity always hit her every time she was bored and have nothing to do to kill time. Nag abala pa s'yang lumapit dahil
HEATHER'S POINT OF VIEWTiniis ko ang init sa katawan, ang hingal at pawis. Pati ang hapdi at sakit ng pagkapaso ng aking balat dulot ng apoy na nakapalibot saakin. Hindi ako umimik o sumigaw para humingi ng tulong, bagkus ay tiniis ko ang lahat ng sakit na nararamdaman. It's a good thing that I still manage to control his magic energy despites of the weakness of my body due to the fire around me. Parang hinihiwa din sa dalawa ang aking balat sa kamay dahil sa apoy ang ginamit na pang tali rito. Bukod pa roon, paulit-ulit din akong inuubo dahil sa usok na sanhi na gawa ng kanyang kapangyarihan. I can't even move my fingers to untie my hands. Perhaps, he literally make sure na, hindi talaga ako makakatakas at wala akong kawala.Huminga ako ng malalim at pilit kinalma ang sarili. Kailangan kong magpokus sa gagawing hakbang upang makatakas sa piligrong ito. Pero bago pa man mangyari iyon ay bumalik sa aking isipan ang ala-ala ng aking nakaraan kung saan inabanduna ako ng aking mga magula
HEATHER'S POINT OF VIEW"ANONG GINAWA MO!?" Rinig kong sigaw ng pamilyar na boses ni Annalice. Kahit itinulak na ako nito at tarantang pumunta sa direksyon ni Zen ay nakatulala parin ako. Sinong Savannah Xyrille Moon? Bakit sinabi n'ya na magkamukha kami?Napahawak ako sa gitna ng aking noo nang sumidhi ang sakit mula roon. Sino ang tinutukoy n'ya? May kinalaman ba ang taong iyon sa aking pagkatao? "LADIES AND GENTLEMAN'S! OUR WINNER OF THE NIGHT, HEATHER BLAIRE ROSSI!" Malakas na sigaw ng isang tinig sa mikropono. Gulantang akong napaharap dito nang kunin n'ya ang aking kamay upang itaas ito sa ere. Saka ako nakarinig ng sigawan at malalakas na hiyawan ng mga tao sa paligid.Doon ko lang din napansin ang pagbabago ng aming paligid. Isang ilusyon, isa itong ilusyon.Ang kaninang open field na lugar ay napalitan ng samu't saring taong naghihiyawan, malakas na sigawan at mga nagpapalak-palakang mga manonood.Hindi ito ang Royal Elites battlefield na sinabi ni Zarxia, kundi isang ilusy
HEATHER'S POINT OF VIEW"ANONG GINAWA MO!?" Rinig kong sigaw ng pamilyar na boses ni Annalice. Kahit itinulak na ako nito at tarantang pumunta sa direksyon ni Zen ay nakatulala parin ako. Sinong Savannah Xyrille Moon? Bakit sinabi n'ya na magkamukha kami?Napahawak ako sa gitna ng aking noo nang sumidhi ang sakit mula roon. Sino ang tinutukoy n'ya? May kinalaman ba ang taong iyon sa aking pagkatao? "LADIES AND GENTLEMAN'S! OUR WINNER OF THE NIGHT, HEATHER BLAIRE ROSSI!" Malakas na sigaw ng isang tinig sa mikropono. Gulantang akong napaharap dito nang kunin n'ya ang aking kamay upang itaas ito sa ere. Saka ako nakarinig ng sigawan at malalakas na hiyawan ng mga tao sa paligid.Doon ko lang din napansin ang pagbabago ng aming paligid. Isang ilusyon, isa itong ilusyon.Ang kaninang open field na lugar ay napalitan ng samu't saring taong naghihiyawan, malakas na sigawan at mga nagpapalak-palakang mga manonood.Hindi ito ang Royal Elites battlefield na sinabi ni Zarxia, kundi isang ilus
HEATHER'S POINT OF VIEW "Her power will be triggered when she's surrounded by the strong spells and magic." Inaayos ko pa lang ang aking susuotin nang biglang lumiwanag ang librong iyon sa itaas ng lamesa nitong kwarto at lumabas ang mga katagang iyan. Iniwan ko ito sa itaas ng lamesa kanina matapos ko itong buklatin at tignan ang bawat pahina ng libro. I didn't know why I did that, maybe because I was bored? Or maybe because of the uneasiness that I felt.Ngayon kasi gaganapin ang Battle Royal, and I have this kind of foreign feeling that I cannot explain. Bumuntong-hininga ako at lumapit sa 'mesa bago kalamadong umupo sa upuan."Her power will be triggered when she's surrounded by the strong spells and magic." Pagbabasa ko ulit sa mga salitang naka-sulat.Ang misteryosong libro ang dahilan kung bakit nandito kami sa Moon Academy ni Kiara, dalawang lingo na rin ang nakakalipas matapos ang gabing pagkatagpo namin ni Zen at ang aksidenteng pagdala n'ya saamin dito sa nasabing paarala
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen