Habang kumakain kami, pansin kong may isang lalaking nakaitim na panay ang tingin sa side namin ni Lino. Mag-isa lang siya at dito rin siya kumakain. Nakilala niya kaya ako?
"Ang sarap ng luto nila dito, 'no?" sabi ko para ibaling ang atensyon ni Lino sa'kin kasi baka mahalata niya iyong lalaki. Kakausapin ko 'yun mamaya.
"Nais mo bang magluto rin ako nito?"
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Seriously? Marunong ka nito?" tuwang-tuwang sabi ko kaya napangiti siya at tumango. "Bakit nagdoctor ka pa kung p'wede ka naman sa kusina? Tiyak na maraming bibilib sa'yo rito," sabi ko.
"Hindi ba ako nakakabilib bilang Doktor?"
"Nakakabilib din. Gustong-gusto ko nga 'yung may biglang naheart attack at nirevive mo agad. Nasa ibabaw ka pa nung malaking lalaki kasi ang taba ng dibdib niya." pakiramdam ko, hero siya nun. Saviour! Kung p'wede lang ivideo para mapanood ko palagi.
Napangiti siya na parang nahiya pa. "Hindi ka naman bilib na bilib sa akin
"Naniniwala ka bang may makakarating na tao sa buwan?" tanong ko kay Lino habang tinitrace ko ang full moon na pareho naming pinagmamasdan sa kalangitan. Nandito rin kami sa burol, nakahiga sa damuhan habang nag-sstar gazing. Tinali ni Lino ang kabayo sa may puno na hindi kalayuan sa'min. Busy siyang kumain ng damo."Marami pang maaaring mangyari kaya oo. Noong bata ako'y nais ko ring marating ang buwan," nakangiting sabi niya sabay tingin sa'kin. Full moon kaya maliwanag ang paligid namin at kitang-kita ko ang mukha ni Lino mula rito. "Ngayon, nais na kitang isama," dagdag niya.Napangiti ako at tumingin ulit sa moon. Bakit palagi niya na lang pinapalakas ang heartbeat ng puso ko? Baka magkasakit ako nito sa puso. "Ngunit wala pang kagamitang makapagdadala sa atin sa buwan. Payag ka bang makipagkita sa akin sa susunod nating mga buhay? Baka doon, meron na," nakangiting sabi ko."Hahanapin kita," mahinang sabi niya."Sige. Sana nga magtagpo pa tayo. Sa pa
"Palagi ka talagang handa, ano?" nakangising sabi ni Agustino kay Lino at pinaamoy na kay Miranda iyong nasa maliit na botilyang binigay ni Lino sa kanya. White flower ba 'yun? O kapareho lang.Nandito kami sa sala ng bahay. Mabuti na lang at nang mahimatay si Miranda ay nakita kami ni Lino kaya nabuhat niya ito papasok ng bahay. Pinaalis din ni Agustino iyong mga kasambahay nila kaya kaming lima lang ang nandito. Kasama namin si Berto."Sinabi mo na ba kay Miranda?" tanong ni Lino sa'kin at hindi pa rin nagigising si Miranda."Sinabi ko lang na ako si Liwan," mahinang sabi ko kasi baka may bang makarinig."Balak mo ring sabihing ikaw iyong kasama ni Lino kahapon?" tanong ni Agustino kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. Napangisi siya at umiling nang mabagal. "Kalat na kalat na sa bayan na may kasamang Binibini si Doktor Fuentes at hindi iyon si Miranda. Pati ako'y kinukulit nito kung sino ka ngunit hindi ako nagsalita," paliwanag niya."Akala ko
"Anong nangyari?" alalang tanong ni Lino. Tiningnan ko siya at umiling na lang."Inaantok na raw siya," sabi ko sabay lakad papunta sa karwahe. Buong byahe pauwi ay hindi ako kumibo. Hindi mawala sa isip ko iyong mga mata ni Catalina. Punong-puno ng sakit at katanungang hindi masagutan. Alam ko kung ano siya pero hindi niya iyon mauunawaan kasi hindi naman iyon normal sa panahong ito. Siguro, wala pa siyang nakakasalamuhang pareho ng gender identity niya. Pero paano ko siya matutulungan lalo pa't ako pa ang nakasakit sa kanya."Kamusta? Nakahanda na ang hapunan," nakangiting salubong sa'min ni Josefa dito sa pinto. Napatingin ako sa kanya na kinakunot ng noo niya. "May nangyari ba?" she asked me. Dati siyang nagsilbi kay Catalina. Mas kilala niya ito kaysa sa akin. Alam niya kaya?"Liwan, maaari kang magk'wento sa amin," sabi ni Lino na nasa likod ko. Lalong nag-alala si Josefa nang bigla akong lumuha sa harapan niya. Agad ko siyang niyakap at doon ako humikbi.
"May hinala na po kayo kung sino?" tanong ni Lino kay Señor Manuel nang makalapit siya sa'min."Mayroon na. Ginagawa na namin ng paraan ng aking Alpares upang mahuli sila," walang emosyong sagot ni Señor Manuel."Sino?" kunot-noong tanong ni Lino.Napatingin muna sa akin si Señor Manuel bago sinagot si Lino. "Hinala pa lamang, Lino. Kailangan pa naming imbistigahan. Sasabihin ko kapag sigurado na," seryosong tugon nito bago nagpaalam na babalikan niya lang ang pamilya niya. Sakto ring dumating ang karwahe nina Catalina at bumaba sila roon. Mukhang pinagsakluban ng langit at lupa si Catalina. Tulala siya habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Josefa. Dumami rin ang mga Guardia sa paligid dahil sa pagdatingan ng mga Valencia at Villaluna."Tiyak na sila ang may kagagawan nito," sabi ni Lino kaya napatingin ako sa kanya. Masama ang tingin niya sa grupo ng mga tao na nasa hindi kalayuan. Sinundan ko ang tingin na iyon at nakita ko a
"May kailangan din akong gawin, Liwan. Mabuti pa'y matulog ka na muna at bukas na natin ito pag-usapan. Wala ka pang tulog simula noong isang araw. Baka mapano ka," sabi niya sabay tulak sa tasa ng tsaa. Napatingin ako dun. Baka nilagyan niya na naman ng pampatulog tulad noong sumakit ang ulo ko. Pinatulog niya ako bigla. Concern lang sa'kin si Lino. Buong araw nasa akin ang tingin niya. Hinayaan niya akong makapagluksa at makausap ang mga taong makakaintindi sa nararamdaman ko pero hindi niya inalis sa'kin ang mga tingin niya. Alam niyang wala akong tulog, dalawang gabi na dahil sa mga iniisip ko. Paano ako kakakatulog kung pati sa panaginip ko, nangangamba ako? Noong una ay noong nakita ko ang galit sa mga mata ni Lino. Hindi ako makapapayag na lamunin siya ng galit na iyon. Ikalawa ang pagkamatay ni Josefa kahapon. Namimiss ko agad iyong mga ngiti niya kapag dumarating na kami sa bahay. Pero nangingibabaw sa'kin ang putok ng baril na tumama sa kanya. Ako na lang s
Wala naman kasi talagang sigurado sa mundo. Kahit nakompleto natin ang alphabet sa dami ng plan natin, may possibility na wala ni isa roon ang magawa natin. Pero ang sigurado lang, kailangan nating magpatuloy sa buhay. At alamin natin kung para saan ang mga ginagawa natin. Kung para lang ito sa pansariling kapakanan, maaari itong magdulot ng sigalot sa ibang tao. Dahil gagawin natin ang lahat para sa sarili natin. Ngunit huwag nating kakalimutan na huwag puro sarili ang unahin. Importanteng mahal natin ang ating sarili ngunit matuto tayong isipin ang mga nakapaligid sa atin. Huwag tayong abusado dahil lamang alam natin na kaya nating gawin lahat ng nanaisin natin. Dahil may mga taong darating upang putulin ang pang-aabuso... Kakalubog lang ng araw nang umalis ako sa San Adolfo at ngayon ay madilim pa rin nang marating ko ang Salvacion. Ngunit tila malapit na mag-umaga. Napatingin ako sa orasan na nasa tuktok ng isang aparador. Malapit na mag-alas-tres ng umaga. Sabi
"Kami na muna ang magbabantay sa kanya. Masyado mo nang inaabuso ang iyong sarili," rinig kong sabi ni Miranda."Hihintayin ko siyang magising," tugon ni Lino kaya napangiti ako at unti-unting minulat ang mga mata. Hindi gaanong maliwanag pero nakita ko pa rin si Lino na nakatingin din pala sa'kin. Gulat na gulat siya nang makita ako. Nanghihina pa rin ang buo kong katawan. May tali ang kanang braso ko. "Liwan," sambit niya sabay lapit sa'kin at tiningnan lang ako, parang hindi siya makapaniwalang nagising ako. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata niya pero bago pa man iyon tumulo ay niyakap niya na ako kaya napadaing ako sa sakit. 'Yung braso ko. "Pasensya na. Nananabik lamang ako sa iyo," naiiyak na sabi niya habang nakangiti. "Uminom ka muna ng tubig," aniya sabay abot sa'kin ng baso ng tubig. Tinulungan niya akong makaupo at saka ako uminom. Alam niya bang nanunuyo ang lalamunan ko? Oo nga pala, he's a Doctor.Pero hindi siya ang doktor ko ngayon. Kinausap ako ng
"Bakit hindi mo na lamang sinabi sa kanya na maaari ka niyang dalawin?" tanong ng Gobernador-Heneral Dela Trinidad. Huminga ako nang malalim kahit ang lamig sa kinaroroonan namin. Nakasakay kami sa barko papuntang Maynila. Sobrang tagal ng byahe. Tatlong araw? Hindi ko na rin namamalayan dahil palagi akong nakakulong sa inukupang silid ng Tito ni Liwan. Hindi ko nga napansin na iyon pala ang pinakamahal na k'warto sa barkong ito dahil palagi ko lang naman iyon iniiyakan. Mababaliw yata ako rito. "Mahal ka ng Doktor Fuentes na iyon, nakikita ko," dagdag niya nang hindi ako sumagot. Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa kalawakan ng dagat na nakapaligid sa barko. Gusto kong isipin na nasa Titanic ako kasi ngayon lang yata ako nakasakay sa barko na ganito katagal ang byahe pero wala naman ang Jack ko. Wala si Lino..."Sapat na po bang rason na mahal ko siya para hindi siya iwan?" tanong ko. Napangiti siya at huminga rin nang malalim. Hindi niya ako tiningnan.