Alam kong maraming magbabago sa oras na simulan ko ang mga pinaplano ko but I don't have a choice. I'll die if I will keep on running away. Hindi ako mabubuhay base sa kung ano ang gusto ko kung tatakbo lang ako.
Nandito na ako... kailangan ko na lang ipagpatuloy ang dapat na mangyari. Nawala na sa akin ang buhay bilang isang Lemon Concepcion at nandito ako para ipagpatuloy ang buhay ni Liwanag na magsisilbing ikalawang buhay ko.
Kailangan kong ayusin ang gusot bago ko makamit ang katahimikan.
Ang saya ng fiesta sa tahanan nina Lola Juana kasi pati kapit-bahay nila, nagpupunta sa kanila plus they we're all singing and dancing, too. Ang dami ring k'wento ng mga tao dun na hindi ko alam kung totoo kasi tawanan lang kami nang tawanan. Busog na busog na rin kami pero pinilit pa rin naming pumunta pa kina Catalina bilang request na rin ni Agustino at inimbitahan din kasi kami nina Catalina.
Hindi naman totally ayoko kay Catalina. Gusto ko naman siya maging kaibigan lalo pa't wala siyang kaibigan dito kasi nalaman niyang iba pala ang sinasabi nila kapag nakatalikod ito sa kanya.
Masyadong tahimik ngayon... lalo akong natatakot.
"Napakaraming panauhin kanina," humahangos na sabi ni Catalina pagkaupo niya sa upuan at nandito kami malapit sa balcony. Maghahapon na rin kaya malamang ang iba ay nagsialisan na dahil may mga palabas at palaro pa sa plaza. "Sigurado ba kayong hindi na kayo kakain?" tanong niya habang tinitingnan ang tea na iniinom namin at mga kakanin na halos hindi na namin magalaw. Umiling kaming lahat. Kailangan namin ng tea para matunawan. Ang dami na naming nakain, e.
"Nais mo bang sumama sa amin sa plaza upang manood?" tanong ni Agustino kay Catalina.
"Napapagod na ako rito. Pinipilit ako ng aking magulang na kausapin ang ilang bisita," reklamo ni Catalina sabay hangos nang malalim. "Ano naman ang panonoorin sa plaza?"
"Marami. Kung nais mong malaman, sumama ka sa amin." Para-paraan din itong si Agustino para lang makasama si Catalina, e.
"Sasama ka ba, Mon?" Catalina asked me kaya napasimangot si Agustino sabay tingin sa 'kin.
"Ah hindi, e. Kinakabag yata kasi ako," sagot ko sabay himas ng tiyan.
"Nais mo na bang umuwi?" tanong agad ni Lino. Gosh, hindi niya gets na nagpapanggap lang din ako tulad ng pagpapanggap niya kanina sa harap ng simbahan para ilayo ako kay Padre Roque.
"Kaya pa," mahinang sabi ko habang binibigyan siya ng I-was-just-acting-maki-sabay-ka-na-lang look. Napatango siya na may halong pagtataka.
"Kung gayon ay hindi na lamang ako sasama. Tiyak na magkakagulo lamang tayo," nakataas-kilay na sabi ni Catalina kay Agustino kaya bahagyang natawa si Agustino.
"Hindi ka na aawayin pa ni Kuya, Catalina. Isa pa, mas masaya kung marami tayong manonood," ngiting-ngiting sabi ni Miranda. "Sasama ka ba sa amin, Lino?"
Hindi nakaimik si Lino. Tiningnan niya pa ako na parang humihingi ng sagot mula sa 'kin samantalang siya itong tinatanong, hindi ako.
"Sumama ka na. Si Berto na lang ang sasama sa 'kin pauwi," sabi ko na kinakunot lalo ng noo ni Lino. Ganun din si Agustino. Napagtanto siguro nila na kapag sinama ko pa si Berto ay silang apat na lang ang maglalakad mamaya upang manood. Parang double date? Mas gugustuhin ko pang si Miranda ang mahalin ni Lino kaysa ako na sobrang gulo ng buhay.
"Ngunit hindi ko rin nais manood," ani Lino sabay tingin kay Miranda na nalungkot bigla. "Bakit hindi ninyo yayain sina Manang Hiyas at Josefa kung nais ninyo ng marami?" tanong niya habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa 'kin at kay Miranda. Mukhang nakakahalata na siya.
"Tila hindi matutuloy ang ating lakad," ani Berto sabay higop ng tea kaya napatingin kami sa kanya. Kung hindi siguro ako nagdecline, baka matuloy 'to.
Bumuntong-hininga ako at uminom din ng tea habang pinagmamasdan ang mga taong kaharap ko rito. Kung saan-saan na sila nakatingin at ang tahimik na rin ng paligid. I know we're all tired because of this fiesta and we've been to different houses but they still want to go to plaza. Of course I want too. Kaso naisip ko na ibigay na sa kanila ang araw na 'to. Napapagod na rin kasi akong magpanggap.
"Minsan lang 'to sa isang taon. Bakit hindi natin sulitin?" tanong ko kaya napatingin sila sa 'kin. Ngumiti ako at inubos na ang tea. "Ituloy natin," alok ko at umaliwalas ang mukha nila kaya napangiti na rin ako. I don't know, I just want to see their happy faces.
Tinuloy namin ang lakad namin at nagpaalam na rin kami sa parents ni Catalina na nais din sanang manood ng pagtatanghal kaso pagod na rin daw sila kakaasikaso sa mga bisita. Nagpunta rin pala sa kanila sina Padre Roque at ilang kasamahan nito pero agad ding umalis kaya hindi na namin sila naabutan. Buti naman kasi ayokong sirain ang araw na 'to.
Pakiramdam ko, huli na ang katahimikang ito.
"Oy," sambit ko nang hawakan ni Lino ang kamay ko at hinila palayo kina Agustino na busy tumingin sa mga nagsasayaw sa gitna ng tanghalan. Sabay-sabay ang step nung dancers with their partners. Nag-eenjoy pa sana akong manood kaso si Lino. "Bakit?" tanong ko nang bagalan na ni Lino ang paglakad at nakalayo na kami sa kinaroroonan nina Berto. Mukhang hindi nila nahalatang nawala kami ni Lino.
"Maaari bang tayo naman, Mon?" nag-aalinlangang tanong niya na lalong kinakunot ng noo ko. "Kanina pa natin sila nakakasama. Alam kong nasasakal ka na rin." Natawa siya at ganun na rin ako.
Sinenyasan ko siyang lumapit sa 'kin at bumulong ako sa tainga niya. "Kakapagod mag-boses lalaki," sabi ko gamit ang totoo kong boses na tinawanan niya rin. "Baka hanapin nila tayo?"
Umiling siya at pinisil ang kamay kong hawak niya pa. Hindi ko lang alam kung ano ang iisipin ng mga taong makakakita nito lalo pa't hanggang ngayon ay nagpapanggap akong lalaki sa haraoan ng marami. Si Lino at Agustino lang naman ang nakakaalam ng totoo kong kasarian. Si Berto rin pala.
"Hayaan na natin sila. Hali ka," aniya sabay hila na naman sa 'kin na animo'y wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid namin. Kung saan-saan niya lang ako hinila at minsan ay napapatingin din kami sa mga nagtatanghal hanggang sa napadaan kami sa isang music store. Hinila ko siya papasok doon.
"Parte ba ito ng plano ninyo?" Lino asked regarding Agustino's plan for Catalina. Plano kasi ni Agustino na magharana sa babaeng iyon. Baka isipin lang ni Catalina na nantitrip si Agustino kaya kailangan naming ayusin ang gagawin namin.
Hinila ko ang kamay kong hawak niya at umiling. "Hindi. Gusto ko lang tumingin," nakangiting sabi ko habang tinitingnan ang iba't-ibang string instruments. Mga acoustic pa ang gitara nila rito. Namimiss ko na ang mag-gitara. "Maaari po ba?" tanong ko dun sa tinderong matanda na kakalapit lang sa 'kin sabay turo ko sa gitarang nakasabit sa pader. Mukhang napansin niyang panay ang tingin ko sa tinda niya kaya lumapit na siya sa amin.
"Subukan mo," nakangiting sabi niya at inabot sa 'kin ang gitara. Tuwang-tuwa ako nang kunin ko iyon at chineck agad kung nakatono na pero hindi pa pala so inayos ko muna ang tono.
"Tila bihasang-bihasa ka sa paggigitara, Ijo," nakangiting sabi nung matanda kaya bahagya akong natawa at umiling habang patuloy sa pag-aayos ng tono. Agad din siyang umalis kasi kailangan niya pang asikasuhin ang ibang bibili.
Maraming tao rito lalo pa't malapit ito sa plaza pero kami lang ni Lino ang napadpad dito sa dulo ng tindahan. Karamihan ay nasa tarangkahan lang at mukhang napatingin lang dito.
"Walang nabanggit si Berto na magaling sa gitara si Binibining Liwanag," bulong sa 'kin ni Lino mula sa likod ko kaya natigil ako at napalunok.
As Liwan, I don't know her yet but as Lemon, of course I do know how to play guitar because---of YouTube tutorial. I guess so. Hinuhuli ba ako ni Lino?
"Alam ba ng mga tao roon kung kailan ang aking kapanganakan?" kinakabahang tanong ko sabay tingin kay Lino na umiling nang malungkot kaya napangiti ako. "Hindi pala nila ako kilala talaga. Ni hindi nila alam kung sino ang aking mga magulang, kung bakit ako napunta sa Pilipinas bigla nang mag-isa."
Maiintindihan naman siguro ni Lino kung bakit hindi alam ng mga taga-Salvacion ang tungkol sa paggigitara ko. Hindi nila ako lubos na kilala.
Bahagya siyang natawa at ginulo ang buhok ko na kinakunot ng noo ko. Kinakabahan na naman ako kasi pamilyar ang gesture na 'yun.
"Napakaraming lihim, napakaraming katanungang nais kong unti-unting malaman mula sa mahiwagang librong ito," nakangiting sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Lalo niya lang akong pinag-aalala. Gustong-gusto niya talagang magpadamay. Hays. Yumuko siya para makalapit sa 'kin kaya medyo nanlaki ang mga mata ko. Akala ko, hahalikan niya ako.
"Maaari po bang basahin kita hanggang dulo?" bulong niya na hindi ko masagot kasi hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Hindi mo kailangang sumagot ngayon. Patuloy lamang ako sa pagsuyo sa iyo, Binibining Liwanag," dagdag niya sabay kindat sa 'kin at inagaw na mula sa 'kin ang gitara. "Ito ba ang iyong nais? O may napipili ka pang iba?" tanong niya habang nakatingin sa gitara.
"May mahal akong iba," mahinang sabi ko kaya natulala siya sa gitara, halatang nagulat sa aking tinuran. "Mas mabuti pang tigilan mo na ako, Lino. Hindi mo rin kasi matatapos ang librong 'to. Hanggang sa kalagitnaan ka lang," sabi ko sabay agaw sa kanya ng gitara.
Alam kong may nararamdaman na rin ako for Lino pero kailangan kong pigilan iyon kasi may isang taong kailangan kong maalala. Alam kong wala siya sa panahong 'to pero nasa buong pagkatao pa siya ni Lemon at kahit makalimutan ko pa lahat as Lemon, hinding-hindi na siya mabubura sa 'kin. Noon pa, alam kong nandito pa rin siya.
"Nais ko pa ring ipagpatuloy." Kitang-kita sa mga mata niya na desidido siya at ayaw niyang magpapigil. "At kung iniisip mong mapasusuko mo ako, magbago ka na ng isip dahil hinding-hindi iyon mangyayari. Wala akong ibang nakikitang iniibig mo, Binibini," nakangiting sabi niya sa 'kin at inagaw na naman sa 'kin ang gitara kaya napaawang ang bibig ko. "Ngayon, maaari po bang hayaan niyo na lamang akong ibigin at alagaan kayo? Masaya na po ako dun." Tinapik niya ang tuktok ng ulo ko habang nakangiti at ang lambot pa ng boses niya. Then naglakad na siya palayo sa 'kin.
Nanatili akong nakatayo at pinanood siyang mapalayo sa 'kin. Everything about him is familiar. I know to myself that he's not that guy from 2020 but I can see that guy through him.
Sino ka ba talaga, Lino?
To be continued...
Nagmadali akong habulin si Lino para kunin ulit 'yung gitara kasi hindi ko naman iyon bibilhin kaso too late na–nabili niya na. Hinabol ko ulit siya palabas ng tindahan pero natigilan ako nang makita ko sa labas sina Padre Roque at ang mga kasama niyang Prayle at Alpares then mga Guardia Civil. Agad akong nagtago sa loob ng tindahan at hindi ko na hinabol pa si Lino.Napahawak ako sa dibdib ko. Sasabog na yata ang puso ko dahil sa kaba.Bakit nandito na naman sila? Kilala ni Padre Roque si Padre Gadon? Si Padre Gadon na nagtangka kay Liwanag?Fuck shit! Anong ginagawa nila rito? They can't see me! I need to hide!Muli ko silang sinilip at kausap na nila ngayon si Señor Manuel Valencia at kasama nila sina Señor Magnus at Señor Galicia. Mukhang magkakakilala silang lahat kasi nagngingitian pa sila. Pinagtitinginan din sila ng mga tao at nandun na rin si Lino, kasama nila. Ang sama niya tumingin kay Padre Gadon pero maya-maya pa ay
"Gusto mo ng totoo?" I asked and he nodded as if he's ready to my answers. Napangiti ako at tumango nang mabagal. "Sige, paano ako makapagsisimula ng bagong buhay gayong alam kong may hindi pa ako tapos gawin? Nais kong bumalik dito, makita muli kayo kapag natapos ko na ang gulo ko sa Salvacion. Ngunit paano ako makasisigurong may babalikan ako rito kung idadamay ko kayo?" huminga ulit ako nang malalim. "Napunta si Liwanag sa Pilipinas nang mag-isa. Hinarap niya ang mga pagsubok nang mag-isa. Tiyak na kaya ko rin itong harapin nang mag-isa. Ayokong may mamatay na naman nang dahil sa akin. Tulad ng isang pamilyang nagligtas sa 'kin para lang makatakas ako sa Salvacion."Hindi ko pa rin iyon nakakalimutan. Dalawang pamilya ang nadamay para lang mailigtas ako at hindi ko iyon sasayangin."Ibabasura mo ang kanilang sakripisyo sa oras na ika'y bumalik doon," seryosong sabi niya.Umiling ako, "hindi, Lino. Bibigyan ko sila ng katarungan. Hindi ko hahayaan na hanggang
Hindi ko kinibo si Lino--ni tiningnan man lang hanggang matapos ang breakfast namin. Dumiretso rin ako sa office niya para matapos ko na ang dapat kong gawin bago pa siya dumating pero bago pa man ako matapos, narinig ko nang nagsasalita si Señor Magnus sa labas ng mismong office ni Lino kung nasaan ang table ko.Hindi ko maiwasang makinig sa usapan nila."Alam mo ba kung bakit nais kong malaman ngayon din mismo kung sino ang dalagang iyong iniibig?" kalmadong tanong ni Señor Magnus. Mukhang seryoso na siya sa kanyang tono kaya mas nilakasan ko rin ang pandinig ko dahil curious din ako. "Sapagkat napag-alaman kong natitipuhan ka ni Manuel para sa kanyang anak na si Miranda lalo pa't kumakalat din ang balitang may namamagitan sa inyo.""Kung gayon, lalayo na lamang po ako sa kanila," ani Lino na seryoso rin."Hindi iyon ang nais kong ipabatid sa iyo, Lino," kalmadong sabi ni Señor Magnus. "Mabait na tao si Miranda. Para sa akin, nais k
Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko na lang si Lino. Siguro dahil nataranta na rin ako lalo na nang magsalita si Padre Gadon at binati si Lino. Nakatunganga ako sa bintana habang nagwowonder sa nangyayari sa baba hanggang sa kumatok si Berto sa pinto ko. "Bakit?" I asked when I opened the door. He looks so worried. "May nangyari ba sa baba?" ang alam ko, maraming Guardia Civil sa labas ng bahay, nakapalibot."Tila hindi ka palalabasin ni Lino hangga't nandito si Padre Gadon sa San Adolfo," nag-aalalang wika niya kaya bahagya akong tumango. Expected ko na 'yun kasi masyado siyang overprotective. "Hindi ba't nakita ka ni Padre Gadon kasama si Lino?" tumango ako. "Tila hindi ka niya nakilala lalo pa't malabo na ang kanyang mga mata. Ngunit nakatitiyak akong naparito siya para sa iyo." kumunot ang noo ko at napaawang ang bibig. "Tiyak na may hinala siyang buhay ka, Mon. Kasalanan ko, hindi ako nag-ingat kaya ako nasundan." namamasa na ang mga mata niya at may guilt doon kaya
Napangiti siya. "May gusto si Miranda kay Lino ngunit hindi niya ugaling ipagsiksikan ang kanyang sarili sa ibang tao. Lalo pa't alam niya nang hindi naman pala siya natitipuhan ni Lino. Alam niya kung kailan titigil, Mon.""Ngunit paano ang iyong Ama at Ina? Hindi ba't nais nila si Lino para kay Miranda?" kunot-noong tanong."Sila ba ang magpapakasal kay Lino?" tawa niya. "Hindi, Mon. Ibig sabihin, labas sila sa desisyon ni Lino at Miranda. Wala silang magagawa kung hihindi si Lino at Miranda sa Pari sa araw mismo ng kanilang kasal."Bahagya akong natawa. Ang astig pala ni Miranda. I like her personality though. Such a strong woman. At si Agustino, I like his mindset. "Salamat, Agustino." sabi ko sabay ngiti kaya ngumiti rin siya at tumango nang bahagya."Nabalitaan ko rin ang tungkol kay Padre Gadon. Sinira niya ang aming tanghalian." biglang nawala ang ngiti sa mukha niya. "Tila paniwalang-paniwala siya na wala ka na nga.""Oo nga e. Sana huwag
"Mamahalin mo pa rin ba ako kung sasabihin kong ayokong magkaanak?" mahinang tanong ko out of the blue. Bago maging kami, dapat alam niya kung ano ang gusto ko at alam ko kung ano ang gusto niya. Kasi ayokong nagsasayang ng panahon at emosyon."Minahal kita hindi dahil kaya mo akong bigyan ng anak. At kung iyon ang iyong nais, sino ako upang kumontra gayong katawan mo iyan at hindi akin?" tanong niya kaya napangiti na naman ako.Inagaw ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya kaya napatingin siya sa 'kin. Agad ko siyang niyakap kaya ako naman ang nakadagan sa kanya. Bahala siya kung hindi siya makahinga diyan."Payag ka ba talaga? Tayong dalawa lang?"Bahagya siyang natawa at niyakap din ako. "Opo, Binibining Liwanag. Basta tayong dalawa," bulong niya at saka hinalikan ang gilid ng ulo ko.I'm so happy na nirerespeto niya ako. Na kahit alam kong gusto niya naman talaga ng family in the future, hindi niya pa rin pinagpilitan kasi alam niyang wala siyang
"Magkasintahan na ba talaga kayo?" tanong ni Agustino sa'kin at nandito na kami sa karwahe niya. Si Lucio ang nagdadrive. Katabi ni Agustino si Berto.Nagkibit-balikat ako. "Siguro? Kailangan ko ba siyang tanungin kung maaari ko siyang maging kasintahan?" tanong ko kaya nagulat na naman sila.Natawa na lang ako sa reactions nilang dalawa. Hindi normal sa panahong 'to na babae ang manliligaw pero ang unfair naman? Lalaki lang ba ang dapat manuyo?"Nais manligaw ni Lino ngunit napakaraming kondisyon ni Mon," ani Berto kaya napataas ang kilay ko."Gusto ko lang na maghanap siya ng bagong asistente. Marami ba 'yun?" tanong ko.Tumango siya. "Natatakot siya na baka kapag nakahanap siya ng bagong asistente ay bigla ka na lamang mawala. Hindi ba't ginawa mo rin iyang kasunduan na bago ka umalis papuntang Salvacion ay pinaghahanap mo siya ng papalit sa iyong trabaho?""Paano mo nalaman?" tanong ko. Si Lino lang naman ang pinagsabihan ko nun.
Dapat talaga, nakinig na lang ako kay Lino. Wala sana ako rito.Nandito kami sa sala ng bahay nina Catalina. Katabi ko sina Berto, Lucio at Agustino. Nasa harap naman namin sina Don Danilo, Donya Carlota, Catalina at Miranda. Hindi naman na ako masyadong halata dahil pinahiram ako ni Lucio ng balabal. Kay Manang Hiyas daw ito na hindi niya pa naibabalik kay Manang Hiyas kaya nasa kabilang kalesa pa. Hindi ko nga alam kung bakit may balabal si Manang Hiyas doon.Sumakay ba siya dun?"Ginoong Agustino Valencia, anak ng Alcalde Mayor Manuel Valencia," panimula ni Don Danilo at lahat kami rito, kinakabahan. Lalong-lalo na si Agustino na hindi makatingin nang diretso. "Ano't bigla ka na lamang nanghaharana sa aking unica ija? Hindi ka ba tinuruan ng iyong Ama na magpakilala muna sa amin?""Patawad, Señor. Hindi po alam ng aking Ama ang tungkol dito lalo pa't napag-alaman kong may napupusuan na po kayo para sa inyong anak," ani Agustino kaya nakita kong