Share

Chapter 1

Nagmadali akong habulin si Lino para kunin ulit 'yung gitara kasi hindi ko naman iyon bibilhin kaso too late na–nabili niya na. Hinabol ko ulit siya palabas ng tindahan pero natigilan ako nang makita ko sa labas sina Padre Roque at ang mga kasama niyang Prayle at Alpares then mga Guardia Civil. Agad akong nagtago sa loob ng tindahan at hindi ko na hinabol pa si Lino.

Napahawak ako sa dibdib ko. Sasabog na yata ang puso ko dahil sa kaba.

Bakit nandito na naman sila? Kilala ni Padre Roque si Padre Gadon? Si Padre Gadon na nagtangka kay Liwanag?

Fuck shit! Anong ginagawa nila rito? They can't see me! I need to hide!

Muli ko silang sinilip at kausap na nila ngayon si Señor Manuel Valencia at kasama nila sina Señor Magnus at Señor Galicia. Mukhang magkakakilala silang lahat kasi nagngingitian pa sila. Pinagtitinginan din sila ng mga tao at nandun na rin si Lino, kasama nila. Ang sama niya tumingin kay Padre Gadon pero maya-maya pa ay ginala niya na ang tingin niya at mukhang hinahanap niya na ako. Hindi! Hindi nila ako p'wedeng makita.

Papuslit akong umalis sa tindahan at hindi naman nila ako nakita dahil medyo may kalayuan pa sila sa tindahan at nahaharangan din ako ng mga taong nakatingin sa kanila. Hindi ko alam kung saan ako papunta basta ang alam ko lang, kailangan kong makalayo sa kanila–sa plazang 'to kung nasaan nagtitipon ang mga taong nais ipapatay si Binibining Liwanag. Ayokong magkagulo kapag nakita nila ako. Kapag nalaman nilang kilala ako ni Lino, Berto, Agustino, Josefa at Maria, tiyak na madadamay sila. Tinago nila ako, e so accessories agad sila sa kaso ko.

Agad naman akong nakalayo nang walang nakakakita sa'king kakilala ko. Nandito ako sa burol na dati ko na ring tinambayan. Mula rito ay nakikita ko ang plaza ng San Adolfo. Pero hindi ko maaninag ang mga tao kasi maliliit na sila sa aking paningin at nag-aagaw na rin ang liwanag at dilim.

Nakaupo ako sa damuhan. Niyakap ko ang nga tuhod ko sabay hangos nang malalim. Grabe pa rin ang kaba ko. Ayoko munang umuwi kasi baka nandun ang mga Prayle. Tiyak na makikilala nila ako. Naalala ko tuloy 'yung babaeng nahulog sa bangin na ito. Hindi na nabuksan pa ang kanyang kaso. Hindi na rin nahanap ang salarin. Siguro kasi ganun talaga, walang pakialam ang gobyerno sa mga ordinaryong mamamayan.

Naniwala ba talaga ang mga Prayle na ako ang bangkay na nakuha nila? Paano nila iyon makikilala gayong may mga sugat iyon at ilang araw nang nababad sa tubig? Hindi na mamumukhaan ang babaeng iyon. Nakababahala talaga ang katahimikan.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakaupo habang pilit pinakakalma ang sarili ko. Kanina pa ako tulala sa baba nang may magsalita sa bandang likod ko.

"Liwan," sambit niya kaya hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko hanggang sa naupo na rin siya sa tabi ko at dala niya pa rin iyong gitara. "Ano't bigla kang nawala?" alalang tanong niya at hindi ko man lang magawang tumingin sa kanya. "Nakita mo sila?" he asked again. Tumango ako. "Alam mo kung gaano kabigat ang ginawa nila sa iyo. Pinaghinalaan ka nila sa mga bagay na hindi mo ginawa. Kakayanin mo bang harapin silang muli gayong nais mong bumalik sa Salvacion?"

Tumango ako at tiningnan siya. Hindi alam ni Lino na mas mabigat pa doon ang ginawa ng Prayleng iyon kay Liwan.

"Minabuti kong lumayo kanina upang hindi magkagulo gayong saksi ako sa kung gaano kapayapa at kabuti ang bayang ito, Lino. Tingin mo ba'y nanaisin kong magpakita sa kanila sa ganitong pagkakataon?" kunot-noong tanong ko. Siguro, iniisip niyang naduwag ako kaya ako nagtago. Well, sort of. But that's not the reason why I'm hiding here. I just want to maintain the peacefulness of this place.

Umiling siya at ngumiti. "Ibig sabihin ba ay buo na ang iyong loob?" nakangiti man siya pero bakas doon ang takot. Siya ang natatakot para sa'kin.

Tumango ako at muling tumingin sa baba. Malapit nang lumubog ang araw sa harapan namin. Kulay orange na ang paligid namin at sa bandang likod ay blue.

"Kung ako sa 'yo, kakalimutan ko na si Binibining Liwanag," sabi ko at muling naghari ang katahimikan hanggang sa mawala na ang araw.

"Umuwi ka na," pagbasag ko sa katahimikan. "Tiyak na hinahanap ka na sa inyo."

"Hindi ako aalis hangga't hindi kita kasama."

"Mananatili ako rito hanggang bukas. Hanggang sa matiyak kong umalis na sila," seryosong sabi ko.

"Ganun din ako," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian niya lang ako.

"Ang kulit mo naman, e." napakamot ako ng ulo kaya natawa siya at kinuha ang gitarang nasa tabi niya.

"Maaari mo nang gamitin," tugon niya sabay abot sa'kin. Kinuha ko ito at chineck ulit kung nakatono na at okay na ito.

Nagsimula akong mag-strum ng basic chords. Hindi ko alam ang tutugtugin ko. I just want to hear some music. Ang tagal na kasing hindi napapakain ng musika ang tainga ko.

"Magkano bili mo? Babayaran na lang kita," sabi ko habang nag-sstrum.

Natawa siya at umiling. "Hindi naman ako tindahan, Liwan."

"Pero binayaran mo pa rin 'to. Ibabalik ko lang ang pera mo."

"Hindi naman ako naniningil."

"Nais ko pa ring magbayad." Tumigil ako sa paggitara at tiningnan siya. Nakikipaglaban pa siya sa 'kin ng titigan. "Magkano na?"

Umiling siya. "Hindi ako tumatanggap ng pera. Bakit hindi mo na lamang ako awitan? Nais kong mapakinggan ang iyong tinig."

"Ayoko." Umiwas ako ng tingin. "Hindi ko afford," natatawang sabi ko. Nakakahiya kaya ang boses ko. Hindi naman ako singer.

"Afford?" he asked.

"Hindi ko kaya ang iyong hinihingi." natatawang sabi ko at napailing. Grabe, simula nang mapadpad ako rito, nawala si Lemon na conyo magsalita. Nahahasa na ang pananagalog ko rito. Siguro kasi nakakahawa rin sila. "Nais mong matuto ng Ingles?" tanong ko na agad niyang tinanguan. "Magtanong ka at aking sasagutin."

"Ano ba ang Ingles ng awit?"

"Song. Tandaan mo, ha. Wala ka pa man din papel dito na p'wedeng sulatan."

"Maaari ko namang isulat pag-uwi natin. At maraming araw pa ang daraan upang maturuan mo ako."

Tumigil ako sa pag-strum at tiningnan siya ng nakapoker face pero natatawa lang siya. "You're so kulit talaga, 'no? I told you to forget about me na nga kasi I'll be leaving soon din. We're not sure if we can still see each other pa after that. Well, you're kinda nice and handsome naman, e and yeah, I like you but nah. Better to let you go than to put your life in danger," dire-diretsong sabi ko in a maarte way with matching rolling my eyes pa kaya natatawa siya pero nakakunot pa rin ang noo.

Gosh, I miss this kind of speaking. Pakiramdam ko, ako ulit si Lemon na handang lumaban. Yea, I really needed to gain Lemon's mindset and personality again.

"Ano ba ang iyong pinagsasasabi?" natatawang tanong niya.

"Wala. Ngayon, hindi ka pa rin nagtataka sa mga kilos ko?" hindi niya ba gets na hindi ako taga-rito sa panahon nila?

"Lahat naman sa iyo ay kataka-taka," tawa niya. "Ngunit ibang-iba iyong nakita ko ngayon kumpara sa pinakikita mo sa amin dati."

Huminga ako nang malalim. "Kasi iyon talaga ang totoong ako. Madaldal ako, hindi nagtitiwala sa mga tao, kinikimkim ko lang lahat ng sakit at sama ng loob kasi ayokong kaawaan ako ng mga tao. Hindi maganda ang ugali ko. Kapag ayaw ko sa isang tao, hindi ako nagpapakabait sa kanila. Awayin mo ako; papatulan kita. Therefore, mapagpatol ako."

"Alam ko," sambit niya sabay tingin sa kalawakan ng San Adolfo. "Hindi ba't ganun din ang ginawa mo kay Padre Roque, Catalina at sa 'kin? Ayaw mo sa amin kung kaya't sinasaktan mo kami."

"Kasi masama akong tao. Paano kapag sinabi kong nais kong patayin si Padre Gadon?"

"Tutulungan pa kita."

Napasinghap ako at nanlaki medyo ang mga mata. "Gosh, doktor ka pa man din tapos kaya mong pumatay ng tao?" gulat na tanong ko.

Natawa siya at tiningnan ako. "Nagbibiro lamang ako, aking Binibini. Ngunit kung iyon ang iyong nais---"

"I was just kidding," agad na sabi ko na kinakunot ng noo niya pero natatawa pa rin. "I mean, nagbibiro lang ako. Hindi ko kayang pumatay, 'no."

"Alam ko," ngiti niya. "Nais kong mag-aral ng wikang Ingles nang maunawaan ko ang iyong mga tinuturan." natawa siya.

"Sensya na. P'wede naman akong magsalita ng purong Filipino, e." Huminga ako nang malalim at nag-plucking ulit. Kinabahan ako sa sinabi ni Lino.

I will never put any blood stain on his hands. Hindi p'wede. Ayoko. 'Di ko kaya.

"Ngunit nais kong makita ang kakaibang Liwan na iyon na hindi pa nakita ng kung sino rito," natatawang sabi niya kaya natawa rin ako at napailing. Kung alam niya lang na si Lemon iyon at hindi si Liwanag, baka lalo siyang maguluhan sa'kin.

Pinatugtog ko ang moon river at sinabayan na rin ito ng kanta. I dunno if I'm doing this right sa guitar pero nasa tono naman. Halos pabulong lang ako kung kumanta. Namiss ko lang talaga ang music. Pinakakalma niya talaga ang sistema ko.

Habang kumakanta ako, napapasulyap ako kay Lino na nakatitig lang sa 'kin at mukhang binabasa niya ang mga mata ko. Hindi ako nakaramdam ng pagkailang. Hindi ko ba alam pero napapanatag ako sa titig niya sa 'kin. Siya lamang ang tanging pamilyar sa akin sa panahong 'to.

Feels like I'm home beside him. And to be honest, while singing, pakiramdam ko kami lang ang tao sa mundong 'to. Na para bang ang tagal ko na rin siyang nakasama.

"Napakagandang awitin," mahinang sabi niya.

"Hindi mo naman naintindihan," tawa ko.

"Ngunit dama ko, Liwan." Ngumiti siya at huminga nang malalim. "Maaari bang kahit ngayon lamang, maging tapat ka sa akin?"

Hindi ako sumagot dahil hindi ko kaya. Natatakot ako na baka mag-iba ang tingin niya sa akin.

"Batid kong hindi totoo ang iyong mga sinasabi sa amin. Na may iba kang rason kung bakit nais mo akong lumayo sa iyo. Bakit nais mong bumalik sa Salvacion? Bakit ayaw mong may tumulong sa iyo?"

Sinasabi ko na nga ba. Naghihinala na siya base sa dami ng kanyang tanong. Kailangan ko ng simulan ang mga pinaplano ko.

To be continued...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status