Share

50

Sinulit ko na ang mag emo habang mag isa lang ako. Nag libot libot ako sa garden ng hospital.

Inasahan ko naman na irereject nya ako. Mas okay na yun kesa mukha ako'ng tanga na nabibigyan ng pag asa tuwing sumusulpot sya kung saan.

Pagbalik ko sa room ni mommy, andun na si kuya, at wala na yung kaibigan ni mommy.

Sinabi ko na hindi na nakapagpaalam si Joon dahil may emergency na pinuntahan. Another freaking lie.

"Pupunta daw mamaya sila Mrs. Roque." Sabi ni kuya sa akin. Yun yung naka bangga kay mommy.

Tumango lang ako.

Hindi na rin namin nagawang magalit sa mga ito since aksidente talaga ang nangyari.

Medyo kating kati na ako itanong kay mommy kung nakausap nya ba talaga si Daddy pero tinikom ko na lang ang bibig ko. Baka lalo ma stress si mommy.

"Kamusta pala performance mo, Aura?" Mom asked me smiling.

"Okay naman po. Nakaraos din."

"Baka naman nagkalat ka dun." Pang aasar ni kuya.

"Of course not." Agad

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status