Miro POVHalos mag-uumaga na nang makarating si Samira sa underground hideout namin dito sa Villa. Tahimik ang paligid, kaya agad ko siyang naramdaman. Hindi ko napigilan ang ngiti ko nang bumukas ang pinto at makita ko siyang safe. May sugat sa braso, may bahid pa ng putik at dugo sa suot niya, pero alam kong okay siya at ligtas.“You’re home,” bulong ko habang papalapit ako sa kaniya.“Mission accomplished,” sagot niya nang nakangiti. Halata na pagod, puyat at gutom siya. Alam ko kasing hindi na niya magagawa pang kumain dahil nag-iingat din siyang ipakita ang mukha niya sa public.Hinila ko siya papasok sa loob. “Let’s eat. You need food.”Tumango lang siya. Tahimik siyang naupo sa maliit na lamesa sa sulok ng kuwarto. Binuksan ko agad ang thermal food container na kanina pa nakaabang. Fried rice, scrambled eggs, garlic tapa at may kape na rin. Ganoon lang, parang dinner na almusal na rin ito para sa kaniya.“Miro, this is your idea of breakfast?” tanong niya habang inaabot ang tin
Samira POVBumukas na ang pinto.“What the fuck?!” sigaw ni Via nang makita niya ako sa dilim. Gusto niya sana akong sagasaan at takasan ka agad pero hindi ko hinayaang mangyari ‘yun. Sa isang iglap, naitulak ko siya pabalik sa loob ng kuwarto. Tumilapon siya sa sahig.Ni-lock ko ang pinto. Nilapag ko ang maliit kong bag sa kama. Mula roon, isa-isa kong inilabas ang mga gamit na gagamitin ko sa gagang Via na ‘to.Pinuwersa ko siyang umupo sa silya sa gitna ng kuwarto. Gumapang siya palayo, pero mabilis akong nakalapit at tinutukan siya ng kutsilyo sa leeg.“Don’t fucking touch me!” sigaw niya.“Where is your brother?” galit kong tanong habang hinila ko ang duct tape mula sa bag at agad siyang itinali.“Fuck you.”Sinampal ko siya nang malakas. “Try again.”Tumawa lang siya na tila hindi natatakot sa akin. “You think I’ll rat out my brother? Dream on, bitch!”Talagang matapang ang bruha. Hindi ko alam kung paanong naging ganito siya. Tila ba handa na siyang mamatay talaga.Kinuha ko tu
Samira POVTahimik ang gabi at siyempre, malamig na dahil nandito na ako sa Tagaytay. Ang bughaw na langit ay unti-unting nilalamon ng ulap habang binabaybay ko ang malamig na kalsada ng Tagaytay gamit ang big bike ni Miro. Ang gara lang dahil wala akong nararamdamang kaba o takot. Siguro ay dahil alam kong walang binatbat si Via. Ni hindi nito kakayaning lumaban sa akin.“I’m almost there,” bulong ko sa sarili ko habang pinapatay ko ang headlight. Malapit na ako sa private swimming pool resort kung saan nagtatago si Via. Isang linggo na mula nang mawala si Manang Cora, at ngayon, oras na para singilin si Vic. At dahil alam kong mahalaga si Via sa kaniya, siya ang gagawin kong kapalit sa pagkawala ni Manang Cora.Bigla kong pinahinto ang motor nang mapansin kong may mga lalaking nagkalat sa harap ng resort. Mga armadong lalaki. Walang duda, soldiers ‘yun ni Vic.“Tch. Predictable,” bulong ko habang bumababa sa motor. Agad akong umatras sa madilim na bahagi ng kalsada, sinilip ang pali
Miro POVIsang linggo na ang lumipas mula nang makaalis ng bansa ang pamilya ko. Safe na sila roon. Wala na akong inaalalang baka may sumunod sa kanila o baka may humabol pa. Ako na lang ang natira at sina Samira, Tito Zuko, Tito Sorin, Tito Eryx, at si Ramil. Kami na lang ang natitirang lalaban. Kami na lang ang naiwan sa ilalim ng mundong ito.Pero ang kagandahan, dumami pa ang mga soldiers ko na nasa tahimik na lugar, sa mga lugar na sinu-sure kong hindi makikita ng kahit na sinong tauhan ni Vic. Pinagte-training ko pa sila nang maigi para mas gumaling at mas manalo kami kapag nangyari na ang malaking labanan.Tahimik ang tanghaling ‘yon. Mas tahimik pa kaysa dati. Nakahiga ako sa isang metal cot habang pinagmamasdan ang kisame ng underground hideout. Ilang araw na kaming tahimik at hindi nagpaparamdam. Ang naisip namin, magpahinga muna at magpalakas habang ang mga tauhan ni Vic, tiyak na pagod na sa kakahanap kung nasaang lupalop kami. Sa ganoong paraan, mas lalong mag-iinit ang u
Samira POVTahimik ang buong underground hideout. Wala ni isang nagsasaya, tanging mahinang hikbi at bulong na dasal lang ang maririnig sa sulok kung saan naroon ang urn na naglalaman ng abo ni Manang Cora. Nasa gitna ito ng maliit na altar, napapalibutan ng puting bulaklak at ilang kandila.Nakakalungkot pa ring tignan at isipin na hindi kumpleto ang mga manang. Nakaupo lang ako sa isang sulok, yakap-yakap ang tuhod ko habang pinagmamasdan ang mga Manang—sina Manang Luz, Manang Josie, Manang Percy, Manang Luciana at Manang Rowena. Tahimik silang nagdarasal, nakaluhod sa harap ng banga. Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang kailan lang, hawak pa ni Manang Cora ang kamay ko, pinapakalma ko. Ngayon, abo na lang siya.“Lord, please welcome our sister Cora into Your arms,” mahina dasal ni Manang Percy habang patuloy ang pagpatak ng mga luha niya.Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulala. Pati si Miro ay hindi ko na namamalayan kung ano ang ginagawa. Ngayon, gusto ko lang tumunganga,
Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko. Para akong walang pahinga sa dami ng emosyon na dumaan kagabi. Galit, lungkot at uhaw sa hustisya. Tulala ako habang nakaupo sa gilid ng kama, nakatitig sa sahig na para bang may sagot doon sa sakit na nararamdaman ko. Hindi pa ako nagbibihis. Hindi pa ako nagsusuklay. Pero alam ko, kailangan kong gumalaw dahil may matindi akong plano ngayong araw.Narinig kong bumukas ang pinto. Si Miro pala. Pareho kaming mukhang pagod at walang tulog, pero alam kong pareho rin kaming may gustong sabihin sa isa’t isa.“Samira,” tawag niya sa akin habang mahina ang boses. “You okay?”“No. I’m not,” sagot ko habang nakatingin sa kaniya. “And I don’t think I’ll ever be okay until we end this.”Tumango siya. Umupo sa tapat ko. Tahimik lang kami ng ilang segundo, pero hindi na ako nakatiis. Gusto ko nang sabihin sa kaniya ang naisip kong plano kagabi pa.“I want Don Vito dead,” seryoso kong sabi habang punong-puno ng galit. “